Chapter 12

65 3 0
                                    

Nilayo ko ang mukha ko sa kanya, dahil hindi ko na kinaya ang nagwawala kong puso.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nabagok ata ulo mo eh" napatawa pa ako ng sarcastic. Nagtataka syang umiwas ng tingin na parang may inaalala. Hindi na ako makatingin dahil hindi ko alam kung ano irereact sa kanya!

May nagbukas ng gate sa kanila. Hindi ko masyadong maaninag kung sino iyon. Tinulungan ni Yorish itong pagbuksan at naaninag ko na nung palapit na sila rito. Ang lolo nya pala, kaya bumati ako sa kanyang 'Magandang gabi' at nginitian nya ako, at ineexamine ang mukha ko kung nakilala nya na ba ako.

"Malapit ka talaga sa babae, Jiyoh" sabay tawa nya sa kanyang apo. Napakamot naman ng ulo si Yorish na nahihiya. Palihim kong tinaas ang kanang kilay ko. Ilang babae na kaya?

"Special sa akin si Miss Treasurer lo!"

Kumunot ang noo ko sa kanya nang kindatan nya pa ako. Napangiti lang ng pilit nang lumingon sa akin ang lolo nya.

"Nagdala ako ng cake, kasi birthday mo ngayon!"

Natuwa naman sya nang ipakita sa kanya ang cake. Napayakap pa sya rito.

Tahimik ko lang silang pinagmasdan ng may naalala. It was my 10th birthday, no one ever come, especially with my family. They are all busy so ako lang ang nagcelebrate ng birthday ko sa kwarto.

"Tara uh..." Yaya ni Tatay kaso hindi nya alam ang pangalan ko.

"Uuwi narin po ako! Salamat po" Yumuko ako bilang paggalang.

"Sayang naman" Nalungkot na tugon ni tatay.

"Sorry po talaga,kasi late na po akong uuwi" apologize ko. "H-happy Birthday Yorish"

Napangiti naman sya at tumango

"Ihatid kita hanggang school" Sabi sa akin ni Yorish. Ayoko sana kaso baka maligaw ako, dahil pinrank ako ni Karl. Sa huli tumango nalang ako.

Nang nasa waiting shed kami, tahimik lang ako, pero ang tibok ng puso ko ang ingay. Kaya naman panay ang pagtikhim ko, para hindi nya marinig ito. Dapat hindi ako maging interesado sa kahit ano, aabout sa kanya.

"Red?"

Lumingon agad ako. "Hmm?"

"Kung free ka sa Saturday, pwede ka bang sumama? Birthday na kasi ng lolo ko iyon" wika nya.

Wala naman akong gagawin sa sabado bukod sa mag-aral buong maghapon. Atsaka magkasunod pala ng ilang araw ang kaarawa nila?

"Free naman ako"

Napangiti naman sya. "May gusto palang sabihin si Karl sa iyo" Doon naglaho ang ngiti nya. Pinigilan ko agad ang pagngiti

"Happy birthday daw. Sana isama mo daw sya sa Saturday" sabi ko at dinagdagan nalang ang isa. Pinakitaan nya ako ng 'seryoso ka?' look.

"Siya bahala, hindi na ako galit dun eh...Medyo lang"

Itinuro ko kay Yorish na mayroong jeep, kaya pinara ko ito. Nahihiyapa kaming mag-paalam sa isa't isa, kaya pumasok na agad ako. Sinilip ko pa sya sa labas at nakita kong nakapamulsa sya habang tinitignan ako palayo. Nang mapansin nya akong nakasilip doon sya napangiti. Kanina pa nagwawala ang puso ko, kaya nagtago nalang ako at pilit kinakalma ito.

Nakauwi na kami sa bahay. Nadatnan kong tahimik, pero nakabukas ang ilaw dito sa may living room. Nagkibit-balikat nalang ako, at pumuntang taas para magbihis. Kahit sa mga kwarto ay nakasara at tahimik din. Hinawakan ko ang batok ko dahil nakaramdam ako ng pagod. Napatigil ako sa may malaking picture frame namin. Ngayon ko lang kasi ito napansin.

Lima kami nandito sa picture. Ito yung Kinder days ko na nasa gitna nila mommy and daddy, habang nakatayo ang dalawa si kuya Brix at...Nagsimula akong kutuban ng binaboy sa picture ang mukha ng ate Irene ko. Nanginginig ako sa nerbyos at galit.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now