Chapter 03

106 7 0
                                    

Pilit kong tinutuon ang atensyon ko sa pag-didiscuss ng teacher namin ngayon sa Science. Kita ko sa gilid ng mata ko ang intensyon ng dalawa. Pinaggitnaan pa ako ng mga bwisit na'to. Nagpalipat kasi si Farah sa tabi ni Yorish na dapat doon uupo si Karl.

Bakit lumipat si Karl ng school? Dahil para abangan sa gate at doon ulit yung part two nilang nabitin? Ambilis nya magpalipat. Parang friday lang, ay nakaibang uniform sya. Ngayon nasa Eliezabeth Highschool na sya. Nagpahabol pa sya sa malas sa buhay ko. Nakakairita talaga. Pero sa bagong kulay na itim na buhok ay nababagay sa kanya, para syang normal na student lang.

Nag-parecess na si Maam, kaya dali-daling lumabas ang mga kaklase. Hindi ako tumayo at nanatili lang na nakaupo. Maiiwan ang dalawa, at magsuntukan pa. Ayoko namang lagyan ng record sa guidance itong si Yorish, dahil madissapoint sa kanya ang lola't lolo nya.

"Hi Miss Santiago" Pagbati nya na may bahid ng yabang. Madilim ko syang tinignan at nahuli kong nakangisi sa akin. Pero may tumakip roon ng notebook, kaya hindi ko na sya nakita. Umangat ang tingin ko sa gumawa non.

"Anong trip mo hah?" Pilit man nyang kinakalma ang sarili sa tanong nya kay Karl, dahil nasa loob kami ng school. Alam na alam nya kung ano ang golden rule ko rito.

"Wala. Lumipat ako, kase gusto ko lang makita si Santiago" kalmado nyang pananalita

Humawak ako sa sentido, dahil ang babaw ng rason nya. Seriously? Lumipat para pagtripan ako?!

"Lumipat ka pa ha. Gusto mo atang hulog-hulugan ang utang mo sa akin" sabi ko sa kanya nang naiinis. Buti nalang at walang tao rito sa loob, dahil gutom agad sila, kahit alas-nuwebe palang.

Nanahimik kaming tatlo, pero ang intensyon namin ay mainit-init pa. Para tuloy nag-aapoy dito sa loob ng room.

"Ano ba'yan ten minutes lang yung recess!" reklamo ng isa, habang may hawak na C2 at junk food.

"Sana thirty minutes nalang, para sulit"

"Sa eurt lang"

Nagulat ako nang hawakan ni Yorish ang desk ng armchair ko at pinaharap sa kanya. Malakas nya iyong ginawa, dahil payat lang ako. Sinamaan ko sya ng tingin, habang nanlalaki ang mata ko. Buti nalang ang mga kaklase namin ay abala sa pagkain.

"Problema mo?!" Irita kong bulong sa kanya.

"Nakakainis kasi kapag kinakausap mo sya!" Bulong nya rin na kami lang nakakarinig.

"Ano ako tanga!? Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa akin!"

"May LQ yung dalawa oh!" Pang-iissue ni Oasis sa amin nang makita nya ang pinag-aawayan namin ni Yorish

"Yieehh!!" haing nilang lahat. "Nasa klasmeyt ang trolab!"

Umirap ako habang si Yorish nakatingin lang sa akin, halos walang pakialam sa pang-aasar nila.

Napabuntong hininga ako. Dapat ko na ngang tanggapin na hindi ako matatablan ng Lucky Days ko. Wala naman akong balat sa pwet. Pero mas malala pa ata ang nangayayari sa buhay ko. Parang gusto ko nalang sumunod kay Eren Yeager.

Maagang pumasok ang sumunod na subject teacher namin. Inayos ko na ang armchair ko. Hindi ko nalang sila pinansin, kahit na naiinis na ako. Nasa vocabulary words ko na ang: Nakakainis, nakakairita, hindi ako namamansin.

Lunch time na, ay ako ang unang lumabas para mag-restroom. Hindi na ako makahinga, dahil parang nasusuffocate ako sa hangin. Sa gilid ng oval ay may tumawag sa akin. As usual, hindi ako namamansin kasi gold ako.

"Wait lang Pulagie!" Hinawakan nya ang pulupulsuhan ko, at napatingin sa kanya.

"What now?" I asked him with a cold voice.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now