Chapter 13

79 3 0
                                    

Nang makapunta kami sa Grotto. Nagsimba kami kahit Sabado ngayon, para sa pasasalamat sa kaarawan nilang mag-lolo. Ang kaso sila lang ang pumasok sa loob, dahil hindi Catholic itong si Karl. Sinamahan ko nalang sya para hindi makapag-isa. Tulala lang kami sa labas, habang ako ay nakikinig sa loob, dahil rinig naman dito.

Napapatagilid ang ulo ko kapag kinikiliti ni Karl ang tenga ko, gamit ang feather ng manok na hindi ko alam kung saan nya ito napulot. Naiinis ako sa kanya, dahil para syang demonyo.

Kinurot ko ang kanyang tagiliran para manahimik. Namilipit naman sya sa sakit.

"Aray! Nasa harapan tayo ng simbahan, sige ka tanggal ka na sa record!"

Hindi ko sya pinansin nang may mapansin ako sa likuran namin na nakatingin banda sa'min. Nakasandal sya sa malaking puno. Ganun parin ang suot nya naka-facemask at sumbrero sya. Kahit natatakpan ang kanyang mukha. Nasisiguro kong nakangisi sya sa akin.

Hindi ko maipipinta ang itsura ko ngayon, dahil hindi ako natutuwa sa kanya. Kailangan ko syang kausapin!

"Miss Treasurer!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita ang katabi ko. Nilingon ko ulit ang malapit sa puno, pero wala na ang taong nakasilip sa akin. Hindi ko iyon guni-guni, dahil nung isang gabi, paniguradong sya rin 'yon!

Papansin kasi itong kasama ko eh! Dapat sa kanya, ilagay ulit sa death note ko.

Napatingin ako sa uluhan ni Karl. May maliit na kulay brown na gagamba ang nakatayo roon. Nagtataka sya dahil bumaba na ang mata ko sa pagkukunot nito.

"May gagamba ka sa uluhan mo" sabay turo ko sa ulo ko. Bigla nalang nanlaki ang mata nya at nagpapanic na tinanggal iyon.

"Uy hala!"

Lumipat sa kamay nya at ngayon ay nagtatalon-talon na sya. Marami tuloy ang tumitingin sa kanya. Pinigilan ko ang matawa, pero hindi ko mapigilan kaya natawa nalang ako sa kanya.

Lumipat ang gagamba sa kamay ko, kaya itinaas ko iyon para takutin sya, para tuloy syang bata na tinatakot ng magulang sa multo.

"Takot ka sa gagamba?" Nagtataka akong tanong habang ang maliit gagamba ay nasa kamay ko. Kung malaki lang ito ay talagang pareho na kaming magpapanic nito

"Oo may achronophobia ako. Ang ibig sabihin non ay, takot akong mawala ka" Aniya nya sabay ang paglakas ng tawa.

Naniningkit ang mata ko nang tignan sya.

"Nasa simbahan tayo, ayokong makagawa agad ng kasalanan"

Humarap nalang ulit ako sa simbahan, pero nakita namin si Yorish na nakatingin na sa amin. Umiwas sya ng tingin at inalalayan ang kanyang lola sa apat na hagdanan. Napakagat ako sa aking labi na parang nararamdamang nakabusangot sya sa akin. Sa akin ba talaga?

Pagkatapos ng simba. Pumunta kami sa hardin. Marami kasing pasyalan rito. May ilog, madaming puno, at damuhan na pwede kang magpicnic.

Lumapit na ako sa may kotse para kunin sa likod ang basket na may pagkain. Inalalayan naman ako ng dalawa, habang ang mag-asawa ay naghahanap kung saan kami kakain. Hindi ako aware na magpipicnic kami.

Binitbit ko ang basket. Medyo hindi ko pa mabuhat, dahil maraming laman. Buti nalang hindi nakalas buto ko rito. Kinuha naman sa akin iyon ni Yorish at sya na ang nagbitbit.

"Hindi dapat pinagbubuhat ang  magaganda" pang-uuto nya

"Thank you?"

Natawa lang sya sa akin at nauna na. Hindi ko ma-ispellingin din itong lalaking ito eh. Kanina parang nagtatampo sya sa akin at halos hindi na pansinin. Tapos tinatawanan nya na ako ngayon!

She's Pretty (2022)Место, где живут истории. Откройте их для себя