Chapter 24

60 2 0
                                    

"Yorish!" Nagpapanic na sigaw ng isa sa kasambahay namin.

Mabilis kong sinara agad ang cabinet at hinarap sya. Kinabahan ako nang kaunti, dahil muntik na kaming mahuli!

"A-ano po 'yun?" Napalunok pa'ko sa takot.

"H-hindi ko matawagan ang mommy mo! S-si Henley inaapoy ng lagnat!"

Napalaki ang mata ko nang marinig ang sinabi nya. "P-po?" Walang alinlangan akong tumakbo palabas para puntahan sa kabilang kwarto ang kapatid ko.

Naabutan ko syang hinihingal habang pawis na pawis. May biglang sumara nang aircon na nakakatulong narin. Hindi ko namalayang nakasunod pala sa'kin si Redgie at sya ang nagpatay nito. Nag-aalala rin syang lumapit rito.

"P-paano sya nakapasok--" Hindi na natapos ng katulong namin ang kanyang sasabihin nang biglang sumigaw si Redgie

"Dalhin nyo sya sa emergency!" Sabi nya sa'kin. Sa sobrang panic ko ay binuhat ko sya sa may likod ko. Dali-dali kaming pumasok sa may kotse.

Nang matapos na ito ay nakatulala lang ako sa labas ng emergency. Nakaupo sa emergency. Nalanghap ko pa ang noodles nang may tumabi sa'kin. Napabaling ako rito at nalaman kong si Redgie ito.

"Magugutom ka lang kung magtutulala ka d'yan"

Hinahalo-halo nya ito na parang mawawala ang init nito. My lips twisted and looked away. Wala akong gana kumain.

"Pinagbabawal ako sa ganyan"

"Why? Ang lungkot naman ng childhood mo kung ganun" sabay higop nya sa sabaw. Sa totoo lang ay natatakam ako sa kinakain nya ngayon, pero pinanindagan ko'to.

"Sorry if I ask this. Is dengue so bad?"

"Yes, really bad"

Napahinga sya nang malalim. "Sana okay na sya"

"Namimiss ko na sya maging kalaro. He is always absent from our schedules" dagdag nya pa.

When Henley woke up. I immediately hugged him. I'm so very worried to the point na hindi ako natutulog basta makita kong okay lang sya.

"Where's mommy?" Tanong nya sa'kin.

"Nasa work sya" sagot ko nalang.

"Kuya Yorish..." Pagod akong napatingin sa kanya. "Hindi ko nakikita si Yaya...Tinanggal na po ba sya?"

Hindi ako makasagot. Totooong tinanggal na si Yaya Selda at mayroon ng papalit sa kanya. Kapag naman sinabi ko ito kay Henley ay magwawala sya. I know how much he loves Yaya Selda. I miss her so much too.

Naramdaman naman ni Henley ang biglang pagtahimik ko. Alam na nyang pinatalsik ni mama si Yaya Selda.

"I hate mommy" Nagulat ako nang sabihin nya iyon.

Kahit na ganun ang pagtrato ni mama sa aming dalawa. Hindi nya pwedeng kamuhian si mama, dahil ina parin naman ito. Hinawakan ko sya sa kanyang palad.

"Don't hate mommy, Henley. We can fix her. Alam kong malalim ang pinagdadaanan nya kaya nadadamay tayo"

"No...She hate us since we're birth. Mas lalo syang nagagalit sa'kin kasi hindi ako nag-aaral ng mabuti"

"Henley...Please" Pakiusap ko sa kanya. Tumahimik naman sya, habang naririnig ko ang pagsinghot nya. Alam kong pinipigilan nya lang umiyak.

"Masakit po 'to" Ipinakita nya sa akin ang naka-dextrose sa kanyang pulupulsuhan.

"Gagaling ka rin...Pupuntahan ka rito mamaya ni Redgie. Pagkatapos ng school nya" sabi ko sa kanya.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now