Chapter 06

158 7 0
                                    

"Anong gagawin nyo sa kanya?" Tanong nito. Sa tanong nya palang napapaatras na sila.

Walang nagsalita, hanggang sa dumating si Patrick. Nawala ang kanyang ngisi nang makita, kung sino ang kasama ko ngayon. Napairap nalang ako sa kawalan nang maalala yung last friday. Gabi ginanap at nasangkot na naman ako sa gulo.

Mali ata akong ililigtas nya ako, dahol dumoble pa ang gulo.

Totoo pala iyon noh? Yung magiging masaya ka, tapos magiging malungkot ka rin maya-maya. Siguro kung may nakakaalam lang sa buhay ko at papipiliin sya kung saan magrereincarnate, tiyak na iiwasan yung akin.

"Karl?" Hindi nya inexpect na magkikita sila rito. Ex schoolmate sila, dahil sa uniform ni Patrick na dating uniform ni Karl nung huling kita ko sa kanya.

"Boplaks kasi yang babae na yan! Nananapak nalang bigla!" Turo nya sa akin na parang gusto akong durugin sa mga kamay nya.

Napakunot ang noo ni Karl na parang naalala ang ugali nya noong isang araw. Gusto ko sanang alalahanin sa kanya iyon, kaso huwag nalang, dahil baka umanib sya sa grupo ni Patrick, at mag-collab silang pagdiskitahan ako.

Blanko lang ang mukha ko nang lumingon sya sa akin. Bumitaw sya sa pagkakayakap at parehas na nyang pinamulsa ang dalawang kamay sa bulsa. Kapag talaga sya umanib. Siya ang una kong babalikan. Magiging isa akong si Jigsaw at sila ang una kong kikitilin sa laro!

Sa huli, napangisi sya at inakbayan ako. "Anong gagawin nyo sa girlfriend ko?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, kahit sila Patrick ay ganun din ang expresyon. Hindi na ako umapila at sinakyan nalang kung anong sasabihin nya. Pagkatapos nito ay tatakasan ko na sya.

Humalukipkip ako at tinaas ng noo na parang isang madam na suplada at anumang oras, ay itatanggal ko sila kani-kanilang trabaho kapag hindi sila umayos.

Kunwari ay nasusuka si Patrick. "Ayan na yun?! Ang kinakatakutan dati sa school, ay lalambot lang sa pangit na payatot" sabay tawa nya. Hindi naman nakatawa ang nasa likuran nya, dahil takot na takot sila sa katabi ko.

Natigilan ako, medyo nasaktan sa sinabi nya. Iba talaga ang impact sa akin, kapag nilait ako sa iba. Akala ko masasanay ako.

"Ano naman ngayon sayo? Mahal ko sya eh. Eh ikaw? Minahal ka lang naman ng girlfriend mo, kasi no choice sya sayo"aniya na parang napipikon.

Naoffend naman sya sa sinabi ni Patrick. Reresbakan na sana sya nito, kung hindi sya hinarang ng mga kaibigan nya. May binulong ito, para mapatigil sya. Masama ang tingin sa amin.

"Hindi pa tayo tapos". Banta nya bago tumalikod at umalis. Napalunok nalang ako sa sinabi nya. Para bang sinasabi nya na may part two pa ito.

Naiwan kaming dalawa ngayon sa kalsada. Tila kuliglig lang ang maingay rito sa namumuong awkward sa pagitan naming dalawa.

"Anong girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya na parang nandidiri, pero sya nakangisi lang sa akin na parang ang sarap syang pikunin ako.

Pwede nya naman kasing sabihing pinsan or kapatid nalang, para kapag hindi ko sya kasama, hindi nila isiping nagbreak kami, at balikan ako ng mga kumag.

"Oh, Bakit may magagalit ba? Si Jiyoh ba ay boyfriend mo?"

Umiling ako at nilagay sa bulsa ang bookmark na binigay nya. Nakita nya na kanina iyon nang hindi ko sinasadyang hawakan ang dibdib nya kanina.

"Siya nagbigay nyan diba?"

"Oo"

Natahimik din naman sya. Magsasalita pa sana sya, nang saktong tumunog ang phone ko. Si Yaya Tisay iyon, kaya agaran kong sinagot.

She's Pretty (2022)Onde histórias criam vida. Descubra agora