Chapter 33

66 2 0
                                    

"Pasensya na kung natagalan ako. Nakita kasi ako ng adviser ko na nakatambay sa may gate, kaya inutusan nya muna ako"

Tinitigan ko lang sya. Ilang oras ko lang sya hindi nakita, parang gusto ko na sya yakapin. Grabe naman epekto nito sa'kin! Palihim kong tinignan ang mga kasama ko. Hindi sila makapaniwala sa nakita.

Tumikhim nalang ako at bumaling nalang ulit kay Yorish.

"Ayos lang" sagot ko. Napansin naman ni Yorish ang mga kasama ko, kaya ngumiti ito sa kanila.

"Omg..."

"Bagong kaibigan kayo ni Redgie?" Friendly nyang tanong. Hindi ako makasagot, at hinintay lang ang sasabihin nila.

Bigla nalang nagsalita si Rafa. "Yes! I'm Rafael. Rafa for short! Nice to meet you, Yorish"

Nakipag-shake hands pa ito. Tumaas ang kilay ko nang inamoy ni Rafa ang kanyang kamay, pagkatapos hawakan ang kamay ni Yorish.

"Bango bii" kinikilig na bulong sa'kin ni Rafa.

Si Faye naman ngayon ang bumati.

"Ako naman si Faye. Actually, sinamahan namin mag-lunch si Redgie, para hindi mafeel ang mapag-isa"

Napangiti naman habang tumatango si Yorish. Napatitig sya sa akin, dahil naalala nyang hindi kami sabay mag-lunch.

"Hindi kami nagkakamali. Ikaw si Yorish Agazon nang Eagle Bands!"

"Yup, ako nga" friendly nyang sagot sa mga ito.

"Alam mo ba na excited kaming mapanood ka sa mga laban mo, kahit na taga-ibang school kami. Idol ka naman ni Rafa eh!"

"Hindi namin alam na taken ka na pala, pero congrats ah!" tuwang-tuwa namang sabi ni Rafa

"Atleast, kilala na tayo ni Yorish. At ang mas nakakatuwa pa, ay kaibigan pa natin 'yung girlfriend nya!"

Nakalapit na sa akin si Yorish. Naestatwa nalang ako habang nakikinig sa kanila. Halos mapatalon sila tuwa na akala mo nanalo sa jackpot prize ang mga ito. Hindi naman din sila mahirap pakisamahan, dahil kanina palang sa room, dinadaldalan nila ako, para hindi nila maiparamdam sa'kin na nag-iisa lang ako.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko na napansin si Patrick sa tabi namin. Bakit kaya nawala bigla 'yun? Gusto ko pa naman sa kanya isampal sa katotohanan na nagsasabi ako ng totoo! Hinayaan ko nalang 'yun. Pangit sya!

"Magsasabay ba tayo pag-uwi?" Tanong ni Faye sa'kin.

"Mag-momotor kami ni Redgie, kaya hindi kami makakasabay" si Yorish na ang sumagot.

"Ganun ba? Okay lang naman!"

"Paangkas daw si Faye, pero sa gulong sya."

Binatukan nya ang kanyang kaibigan. Napakagat nalang ako sa aking labi, para pigilan ang matawa.

"Ikaw napaka very enthusiastic mo"

Mabilis nagkatinginan ang dalawa nang sambitin iyon ni Faye na para bang may nakakagulat.

"Huyy enthusiastic!" sabay nilang banggit.

Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa, dahil para bang sila nalang ang nagkakaintindihan. Narinig ko naman ang pagtawa ni Yorish.

"Uuwi na kaming dalawa. Mag-iingat kayo ah. Marami ring mga addictivity rito" sabi naman ni Rafa.

"Addictivi..what?" taka kong tanong.

"Adik na may negativity" tugon naman ni Faye. Nagkatingin na naman ang dalawa na parang oa.

"Kayo rin" sagot ko nalang sa kanila. Nauna na kaming umalis habang si Yorish ay natatawa nalang sa mga kasama ko.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now