Chapter 09

61 3 0
                                    

⚠️:Blood

"Pulagie!"

Napapikit ako sa inis, dahil ang aga-aga ay ingay nya na. Nakita ko na sya sa labas ng school. Bago pa sya mag-ingay ay mabilis akong naglakad pero sa kamalasan nakita nya ako at naabutan dito sa hallway. Sira na naman ang umaga ko.

Napatingin ako sa kanya nang makitang nakangiti na naman sya sa akin. Para bang hindi kami nag-open up sa isa't isa kagabi.

"Siguro ako yung kaibigan mo dati? Parang de javu ito eh"

Umiling ako. "Ano ka nagkatawang tao?" inirapan ko sya sabay talikod. Nagulat pa ako nang umakbay sya. Pilit ko iyon tinatanggal, pero ang bigat ng muscles nya, kaya hindi ko maalis.

"Mr. Agazon. Ma-issue na naman tayo sa ginagawa mo!" Hinampas ko ang kanyang braso at ang loko ay tumawa lang na parang ayos lang sa kanya ito.

"Kung ako lang talaga yung batang lalaki na naging kaibigan mo. Mas masaya pang bumalik ang alaala ko!"

Sa sinabi nya ay uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung sa inis ba or  what...Punyetang Yorish 'to!

Patuloy kami sa paglalakad, habang panay ang reklamo ko sa kanya at s'ya naman ay patawa-tawa lang, hanggang sa room dala-dala nya parin ang inis ko, pero natigilan nang lumabas si Macapia. Diretso ang mata nya sa braso ni Yorish na nakaakbay sa akin. Yung mukha nya nakabusangot tulad nung akin. Ano naman nangyari rito? Nasira din ba ang araw nya nang makita si Yorish?

Nanlaki ang mata ko nang payakap nya na ako at magkadikit na ang aming pisngi. Halos maging pulang kamatis ang pisngi ko sa biglaang ginagawa nya! Bago pa makita ng lahat. Sinipa ko ang likod ng tuhod nya. Ayun nasaktan sya saglit.

"Aray naman Pulagie, nanlalambing lang eh!"

"Lambingin mo sarili mo!"

Ang bwisit na'to. Alam nyang mga loko din yung mga kaklase namin. At si Farah, shutaena, mamaya 'pag nakita nya iyon ay baka ingudngod ako nun sa putikan! Normal na ang pagbubusangot ko, kaya walang matapang na nagtatanong kung bakit lagi nalang mainit ang ulo ko.

Pero itong si Karl sumabay pa!

"Ang init ng ulo natin ngayon ah?" Sumandal sya sa kanyang armchair at nakatingin na sa akin. Lilingon na sana ako sa kanya para sabihing bilhan nya ako ng yelo at ihampas sa ulo ko nang sa ganun ay hindi na ako magising, pero sumabat itong katabi ko.

"Sabay tayo lunch ah" Hindi iyon patanong kundi paladesisyon nyang sabi.

Tumango nalang ako sa kanya, dahil mamaya ay pagtalunin pa namin ito. Kasama naman si Ria, kaya ayos lang na maging out of place sya roon para hindi nya ako asar-asarin. Mahiya pa sana sya kay Ria. Napangisi ako sa plinano ko para tigilan nya na ako.

"haha oo nga laptrip din itong si cheche!" napahawak pa ng tiyan si Yorish nang magkwentuhan sila ni Ria noong classmate sila nung grade eight.

Seryoso lang ako na nakikinig, dahil hindi naman ako relate sa mga kinukwento nila. Hindi kasi kami mag-kaklase ni Yorish noong second year pa kami. First year at ngayong fourth year lang.

Napahilamos pa ako sa mukha ko nang matantong ako pala ang magiging op sa kanilang dalawa. Napainom nalang ako ng tubig, habang ang tenga ko ay nakikinig lang sa kanila.

"Nalaman ko sa room namin na jowa mo raw yung treasurer sa room nyo" Biglaang topic ni Ria. Napabuga nalang ako sa tubig nang marinig iyon. Bakit napunta sa room nila 'yun? Wala nga akong alam na may ganoong issue pala? I'm not aware with this kind of sh1t.

Nawala ang ingay sa canteen at naagaw ang atensyon sa akin. Nag-pretend nalang ako na walang nangyari. Hanggang sa nag-ingay ulit sila.

"Ayos ka lang Redgie?" Tanong nya sa akin.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now