Chapter 25

76 1 0
                                    

"Redgie?"

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahalumbaba sa armchair. Wala ako sa mood makipag-cooperate, pero ginawa nila akong leader na iniiwasan ko.

"Send nyo nalang sa akin mga reaction papers nyo at ako na ang mag-oorganize sa folder" Tinatamad kong sambit. Sinulat ko pa sa papel mga full name nila.Tumabi sa akin si Karl. Hindi ko nalang sya pinansin, kahit na kagrupo ko sya.

"Isinama mo si Jiyoh sa Grupo natin?" Tanong nya.

"Oo"

Hindi pwede isama ang mga absent, pero nilagay ko parin sya, dahil andami nya nang namissed na activities. Alam ko namang babawi sya, pero okay na 'yung madagdagan sya nang grades.

"Kamusta na sya?" Tanong nya ulit. Napahinto ako sa pagsusulat ng pangalan at tumingin sa kanya. Kaming dalawa nalang at mga cleaners ang natira sa room, dahil uwian narin.

"Naikuwento nya sa akin lahat ng mga nangyari sa kanya at sa kapatid nya"

Napakagat ako sa aking labi nang maalala ang gabi na 'yun. Hindi ko maisip na sobrang saklap ng past nya. Ngayon parang feeling ko ansama sama ko sa kanya. Mga panahong jolly sya ay lagi ko syang sinusungitan.

"Sobrang sama ko siguro sa kanya" Bigla ko nalang pinahid ang luha ko nang bigla akong naiyak. Napatingin pa ako sa kanya nang humarap sya para harangan ako sa mga naglilinis.

"Hindi ka naman masama. Oo, maldita ka pero syempre may dahilan 'yun"

"Kung alam ko lang kasi yung past nya. Hindi ko dapat sya minamalditahan. Parang pinaworst ko pa"

Todo pahid ako sa mga luhang lumalabas sa mata ko. Mukha na akong basang sisiw dahil sa itsura ko. Masyado kasi akong nadala sa mga nangyayari kaya hindi ko na mapigilang ibuhos pa ang nararamdaman ko.

Natutuwa rin ako dahil kilala ko na si Henley, pero nakokonsensya rin ako, dahil naroon lang ako nakatingin.

"Hindi ko man alam past nya, pero sa tingin ko ako yung pinaka worst na kaibigan nya"

Tumigil rin ako sa paghihikbi at naiwan nalang ng singhot. Natigil kami sa pag-uusap nang biglang nagsalita ang isa naming kaklase.

"Uuwi na kami Santiago. Kayo nalang magsauli ng susi kay Maam"

Tumango ako sa kanya nang hindi sya tinitignan. Kahiya naman kung makita nya akong umiiyak.

Nang maiwan kaming dalawa ay nagsalita na ulit sya.

"I went to far...Nag-away kami dahil sa hindi pag-uunawa. Tama nga sya...Si kuya Jayson ang mali. Dapat nakinig ako sa kanya nung una. Para hindi na lumala ang lahat, pero dahil masyado akong maangas. Nag-away pa kami at ako ang nanguna. Hindi nga sya lumalaban pero napuno sya sa akin kaya nag-away na talaga kami"

Pinupunasan ko ang luha ko gamit ang tissue habang nakikinig sa kanya. Nakahalumbaba narin sya sa armchair habang nakatingin sa bintana. Pinabayaan ko nalang ang tissue sa gitna naming dalawa, para kapag umiyak sya ay hindi na ako magpapanic na kumuha sa bag.

"Naiinis ako sa sarili ko, dahil iniisip kong lagi akong tama. Kaya naman ngayon ayos na kami. Babawi ako sa kanya. Hindi ko na uulitin yung dati. Magiging mabait ako para hindi na ako maging worst pa sa kanya"

Bigla nalang syang napatingin sa akin. Nagulat pa sya dahil halos maubos ko na ang tissue sa kakaiyak.

"Ikaw...May nagawa ka na bang mali? O tama?"

Pinunasan ko muna ang ilong ko.

"Ginagawa ko mga assignments nya..."

Napangiti sya. "O, atlis bumabawi ka. Kaya huwag kana umiyak Miss Treasurer. Sige ka papangit ka" pagbibiro nya pa.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now