Chapter 38

44 2 0
                                    

"Maam?"

Napatalon ako sa gulat nang kalabitin ako ng empleyado ko. Nag-apologetic smile sya dahil sa ginawa nya. Ngumiti naman ako sa kanya. Isa syang working student at ang unang hinired namin ng asawa ko.

Nakatulala pala ako sa laptop ko buong magdamag. Medyo nahihilo narin ako. Siguro dahil sa kakatitig sa may screen.

"Kape at crossini po para sa'yo"

Kanina pa ako tulala sa laptop ko. Hindi ko na namalayang umuulan na sa labas.

"Nag-abala ka pa, pero thank you!"

Na-curious sya sa laman ng laptop ko. Hinayaan ko namang tignan nya iyon.

"Nag-susulat po pala kayo?" Namamangha nyang tanong.

"Yes" tipid kong sagot. Nginitian ko sya at sinabi kong tumabi sya sa akin. Nahiya naman sya saglit at umupo narin. Wala pa namang masyadong customer dahil nagsisilabasan sila kapag hapon na.

"Ilan na po ang nasulat nyo?"

"Uhm...Mga ten?" Hindi ko sure dahil madami na akong nagawang i-story. Since College kasi ako. Doon na ako nag-start gumawa at nag-publish. At thank god naging successful naman ang pinangarap kong maging writer.

Ipinakit ko nalang sa kanya lahat ng files na isinulat at na-publish ko Sobrang natuwa naman sa akin si Ashley. Hindi rin sya makapaniwalang tinuro ang best-selling book kong The girl in the middle of rain.p

"Hindi po ako makapaniwala na ikaw ang nagsulat nito"

Napatango naman ako sa kanya.

"Naalala ko po noong highschool ako. Nakita ko 'yan sa library at binasa. Sa sobrang engganyo ko sa pagbasa hiniram ko po 'yan at binasa magdamag"

"Really? Nakakatuwa talaga kapag personal mag-feedback ang mga readers ko"

Ako naman ngayon ang natuwa dahil meron talagang nagbabasa ng storya ko. Napakasaya ko at hindi makapaniwalang may nagmamahal sa mga libro ko.

"Sobrang relate ako sa babae, dahil andami nyang insecurities. Ang life nya umiikot nalang sa school. Nagpakatatag sya kahit na maraming nambubully sa kanya....Bakit nyo po pala nagawa 'yun?"

Sandali akong natahimik. Bakit ko nga ba naisulat 'yun? Dahil relate na relate ako sa storya ng bida. Actually, ako talaga iyon eh. D'yan ko binuhos lahat ng mga nangyari sa akin.

"Sinulat ko 'yan, dahil ganyan ang nagyari sa akin noong bata pa ako" sagot ko. Pinilit kong ngumiti kahit may daang lungkot ang mata ko.

"Huh?! Maam ang ganda nyo po kaya! Nakita ko po yung old pictures nyo na nakapaskil sa bakery shop. Ang cute nyo po sa haircut nyo. Hindi ko po ako nagbibiro maam!"

Uminig ang pisngi ko sa puri nya. Hindi ko alam na may nakapaskil palang old pictures ko sa bakery shop! Ang lokong Yorish na yun! Akala ko ba mga present time lang ang ilalagay nya?

"Ang nakakalungkot lang po, dahil feel ko parehas kayo ng trauma ni girl"

"Uhmm...Hindi naman sa ganon. Okay pa naman ako sa mga oras na 'yun" Kahit hindi naman talaga.

Tila nakaramdam ako ng hilo. Napansin naman iyon ni Ashley kaya napatayo sya para alalayan ako.

"Ayos kalang po maam?!"

"A-ayos lang naman"

Magsasalita pa sana sya nang bigla akong tumakbo papunta sa may CR. Dumuwal ako sa may inidoro sa abot ng aking makakaya. Sumunod naman sa akin si Ashley at inayos ang buhok ko para hindi iyon masama.

Napaupo ako dahil sa panghihina. Dali-dali namang lumabas si Ashley, at kumuha ng tubig para iabot sa akin. Ininom ko naman iyon, kahig hindi ko naman kailangan. Nang mahimasmasan narin sa wakas, ay doon na nagsimulang magsalita si Ashley.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now