Chapter 28

54 1 0
                                    

Nakaalis na kami sa bahay na hindi parin nag-uusap ni Yorish. Naglalakad kami palabas dito sa village. Nalimutan ko kasing tawagin ang driver ko para sunduin kami rito, dahil gabi na. I still wanted to talk to Yorish, so I decided not to call my driver

Grabe talaga ang nangyari kanina. Dumating  lang si Jason. Hindi na ulit kami nagkaayos nila Tita...At si Karl.

"Hinintay mo nalang sana yung driver mo kila Karl" Basag nya sa katahimikan. Diretso lang ang tingin nya sa daanan.

"Paglabas nalang natin. Atsaka gusto pa kita makasama" sagot ko.

Napatigil sya sa paglalakad. Ganon din ako. Kita ko ang paghigpit ng isa nyang kamay sa strap ng bag. Binasa nya muna ang kanyang labi bago nagsalita.

"Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ni Jason?" kalmado nyang tanong. May pag-iingat sa tono nya para hindi ako maoffend sa tanong nya.

"Narinig" I replied.

"Bakit mo parin ako sinasamahan?" Lumayo sya nang tingin na parang nahihiya.

"To make you feel that you are not alone"

Hindi parin sya makatingin kaya marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi para iharap ito. Napayuko nalang sya nang may biglang bumababa na isang luha sa kanyang mata.

"Alam ko namang nakagawa si mama ng kasalanan, pero ito ako nagtatanga-tangahan parin. Bakit kasi hindi nalang kami naging masaya. Sana wala nalang sa amin napunta yung masasamang nangyari....Diba pwede naman maging masaya?"

Parang pabulong na nang tanungin nya ang panghuli. Napapikit ako at tumango sa kanya.

"Kahit ilang beses akong ngumiti para magmukhang masaya. Andito ang tadhana para tanggalin ang kasiyahan ko" napapikit ako sa bawat paghikbi nya.

Parang bumalik ang batang Yorish na walang buhay, kundi trauma at pait. I failed. Talagang naging worst na ang nangyayari sa kanya.

"It's possible, Yorish. Don't think you won't be happy anymore. I'm just here"

"Bakit? Bakit nag-iistay ka parin? Kahit na isa akong anak ng mamamatay-tao? Kapag nalaman din nila ito. Paniguradong lalayuan nila ako"

Umiiling ako sa kanya.

"Nagkakamali ka Yorish!"

Natahimik sya at napatingin sa akin. "Kung lalayuan ka nila pwes ako hindi" pagpapatuloy ko

"Naniniwala akong wala kang kasalanan. Mabait kang tao at sobrang saya mo kasama. Kaya nga kita nagustuhan eh! Maraming naniniwala sa'yo. Ikaw ang happy pill nila. Huwag mo sanang baguhin 'yun"

Hindi nya na kinaya ang kanyang nararamdaman kaya yumakap nalang sya sa'kin. Kapag nakayakap sya sa akin alam na alam kong ako pahinga nya. "Palagi kitang nakasama, kaya hinding-hindi ako mananawa"

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

"Tagal ko nang gusto marinig 'yan sa'yo"

Mahigpit ko syang niyakap. I've been wanting to tell you this for a long time. Maybe when we were kids. I want to tell him something. I just can't remember, dahil meron akong sakit.  May biglang tumusok sa aking puso nang maalalang may sakit ako.

We both started to go home. I always remind him to be careful when he goes home. Ganun din sya sa akin. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si kuya sa may sala na naglalaptop. Nang makita nya akong papasok ay bigla nalang nya akong binuhusan ng mga tanong. Kahit magkaayos na kami ni kuya. Hindi parin makatakas ang pagsusungit nya dahil ginabi na raw ako.

Umakyat nalang ako sa aking kwarto at hinayaan lang syang magdinaldal d'yan.

Napadapa ako sa aking kama. Before I chat with Yorish. First I went to Karl's account. I blinked a few times when I saw that he had been on my friends request for a few months. Even if I'm ashamed right now, cinonfirm ko nalang din. Sensya na minsan lang mag online.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now