Chapter 30

106 4 0
                                    

"Bakit ginagabi ka na?" Tanong ni daddy.

Uminom ako ng tubig. Nakakailang beses na nga eh. Masarap naman yung ulam, dahil luto ni mommy. Kung makatanong kasi si daddy parang nasa hot seat kami ni boy abunda.

"Bumibisita po ako kila Yorish" sagot ko.

"Yorish? Ayun ba yung boyfie mo? Omg! Gusto ko sya makita" naeexcite na tanong ni mommy.

"Mi, hindi ko pa sya boyfriend"

"Hindi pa? So next time pa?" sabat pa ni kuya. Gusto ko sana sya tadyakan, pero nasa harap ko sila mommy. Hindi ko rin naman magagawa.

"Epal mo. Palibhasa wala kang girlfriend"

"What?" Tanong nyang naiirita.

"Sabi ko wala kang girlfriend" diniinan ko pa bawat words. Matapang ako ngayon, dahil nandito sila mommy.

"Aba!"

Pinandilatan ko sya ng mata. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Huwag na kayo magtalo. Kumain na kayo" Si daddy na ngayon ay parang naiingayan sa amin.

Panay ang kwento ko kay mommy tungkol kay Yorish. Minsan tumitingin pa ako kay kuya para tignan kung naiirita sya bawat kwento ko. Successful naman, dahil kapag kumakain sya ay tumataas ang kanang kilay nya. Ayan kasi pinakawalan mo pa. Pangit mo rin eh.

Tuwang-tuwa naman si mommy, dahil marami akong nalalaman kay Yorish. Simula sa pagiging pasaway nya sa'kin hanggang sa pagiging caring person nya.

Kinabukasan. Tinititigan ko lang ang nakabusangot na mukha ni Yorish. Nandito kami sa garden, dahil pwede narin dito mag lunch ang mga students, pero may limit lang.

Nang makita nya akong nakatitig sa kanya. Pinalitan nya ng masayang mukha ito.

"May problema ba?" Kalmado kong tanong.

"Wala naman Red"

Tinikman ko ang nasa lunch box nya kung masarap ang nuggets na ulam nya ngayon, pero naalala ko rin na sa'kin din pala ito galing.

Nalimutan nya kasing magluto at late narin sya pumasok!

Masarap naman yung nuggets. Kaya bakit malungkot sya? He bothered me too much!

"Nabobothered ka ba?"

"Oo" sagot ko.

Kinain nya ang nuggets. "Sobrang sarap!"

Tinitigan ko lang sya. May hinihintay ako sa sasabihin nya. Alam kong may balak syang mag open up sa akin.

Pagkatapos nyang kumain. Doon na sya nagsalita.

"Nakipag-usap sa'kin si papa"

Hinayaan ko lang sya magsalita habang nakikinig ako sa kanya.

"Hindi ko maitatanggi na namimiss ko sya" Tinulungan ko pa sya mag-ayos ng gamit. "pero hindi ko makakalimutan yung pag-iwan at panloloko nya sa'min"

"May sinabi ba sya sa'yo?"

"Gusto nya makipag-ayos sa'kin"

"Tinanggap mo?"

Matagal pa sya makasagot. "Oo, pero hindi ko kayang makasama pa sya"

Hindi na ako nakapag-salita. Hindi ko sya masisisi kung bakit ganon nalang ang pagtrato nya sa kanyang ama.

"Pero hindi madali sa'kin ipagtaboy si papa. Ang kaso lang hindi ako sumama sa kanya. Gusto ko mag-stay kila Nanay"

Napanguso nalang ako at tumingin s mga nagagandahang bulaklak. May nakalagay pang karton doon na nakalagay na 'bawal magtapon'.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now