Chapter 36

56 4 0
                                    

"Kumain ka na"

Napanguso nalang ako at kinain na ang nasa lunch box ko. Nararamdaman ko ang tingin nya sa kinakain ko, kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Do you want?" Tanong ko sa tocino na ulam ko. Pinagluto ko rin si kuya Brix. Akala ko kanina magrereklamo s'ya, pero ayun nalang din i-uulam nya.

"It's okay...Hindi lang ako makapaniwala na 'yan pa rin lunch box mo. Kinikilig kaya ako dati, kasi parehas tayo"

Ipinakita nya sa akin ang kulay berdeng baunan nya. Inilagay ko rin 'yan sa memories ko. Minsan ko na rin kasing inaaway si Yorish dati, dahil gaya-gaya sya ng baunan. Natawa nalang ako at sabay kuha ng manok sa kanya. Nagulat pa ako, dahil malaki pa talaga ang ibinigay!

"Wala ka na!" Pinanlakihan ko s'ya nang mata at handa nang ibigay ang ulam ko.

"Okay lang! Paubos na rin kanin ko. Tignan mo sa'yo andami pa oh"

Napanguso nalang ako at kinain nalang. Hindi ko namalayang paubos na pala pagkain nya. Siguro hindi ko napansin sa sobrang titig ko sa kanya, ay kumakain s'ya. Napatigil ako sa pagkain at nagtatakang tignan s'ya. Bakit andami nya palang ulam?

Napatingin din s'yan sa akin na nakataas ang kilay. Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain. Hinatid nya'ko sa may room. Nagtaka pa ako dahil nakasara iyon. Wala namang problema na nakasara iyon, kaso nakakapanibago lang, at parang tahimik pa.

"And'yan na agad teacher n'yo?" Tinignan nya pa ang kanyang relo na niregalo ko sa kanya noong birthday nya.

"Wala pa siguro...Sige, pumunta kana sa room n'yo" ani ko. Tumango nalang sya sa akin.

Akala ko tatalikod na s'ya, pero bigla nalang n'ya kiniss ang cheeks ko na nagpamula sa buong mukha ko.

"Bye!" Paalam nya sabay ngiti. Napangiti nalang din ako at kumaway sa kanya.

Napahinga ako nang malalim. Binuksan ko na ang pinto, para matignan kung ano na nangyari sa mga kaklase ko. Pagkapasok ko ay nagkukumpulan sila. Kumunot ang noo ko at naki-isyoso sa kanila.

"Ano nangyayari?" Tanong ko. Nagulat pa ang iba kong kaklase dahil sa'kin.

"Si Joe umiiyak!"

"Huh?" lito kong tanong.

Nakita kong namumula ang mata ni Joe, habang inaalo sya ng mga kasama nya. Lumapit ako para aluin din s'ya.

"An'yare? Sino gumawa sa'yo nito?" Tanong ko. Masama nya akong tinignan at nalilito sa kanya, dahil sa titig nya ay parang ako pa ang may kasalanan.

"Bakit hindi mo tanungin 'yang kaibigan mo?" Atittude nitong sabi. Napalingon ako sa dalawa na ngayon ay tahimik at hindi pinagsisihan ang kanilang ginawa. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila kay Joe, at napaiyak nila ng husto.

"Prez, please huwag kang magsumbong sa teacher!"

Hindi ko pinansin ang sinasabi nila. Dumiretso ako sa dalawa. Umupo ako sa harap ni Rafa na ngayon ay tahimik na nakaupo. Mukhang pagod din s'ya dahil sa training.

"Bakit s'ya umiiyak?" Marahan kong tanong. Malambot ko s'yang tinignan. Habang s'ya ay umiiwas ng tingin.

"Sinabi ko lang naman 'yun, dahil binasa nya lahat ng assignments ko! Hindi ko naman alam na iniwan na nga sya ng tatay nya!"

Namilog ang mata ko nang marinig sa kanya iyon. Napabaling ako kay Joe na lalong umiyak, habang cinocomfort ng mga kaklase ko. Ibinalik ko ang tingin kay Rafa.

"Rafa kung binasa nya lahat ng assignments mo, dapat hindi ka parin lumalagpas sa linya"

Nakita ko ang pag-irap nya. Hindi sa akin, kundi kila Joe.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now