Chapter 10

79 2 0
                                    

Two weeks na akong hindi pumasok. I'm not feeling well that time. Si Mayor Chanty lang ang hinihingian ko ng mga lectures and assignments, at ipinapasa ko nalang sa group chats. I want to be alone, so ilang weeks narin akong nasa kwarto. Nagbabasa ng libro at nakaheadset.

One time na bigla-bigla nalang may lumalabas na dugo sa ilong ko, kaya pinapacheck up ako kasama si Yaya Tisay. Pagbukas ko ng messenger para sa panibagong aralin nang may nagchat sa akin. Napataas ang kilay ko nang may jejemon akong nakita sa chat.

[ Jiyoh Omsimbarabida]

-Are you okay na?

-Ang lungkot ko kanina grabe.

-Wala akong pangharang sa side ko. Nakikita ko tuloy image ni Karl(ಥ_ಥ)

Napairap ako sa pangatlong messages sa akin ni Yorish sa dump account nya. Ngayon ko lang naseen ito, ang ibang chat nya ay last week ago. Saktong pag-bukas ko, ay naseen ko ang huling chat nya sa akin.

[ Jiyoh Omsimbarabida]

-Pasok kana sa lunes ah.

-Miss na kita Pulagie ∶(

Napatikhim ako at nagchat. Ayoko maging assumera, dahil lumalabas sa boses ko ang sinabi sa akin ni Karl. Ipinilig ko ang ulo ko. Mas mabuting iyon nalang ang kalimutan ko.

[Redgie Santiago]

-Shut up

Binaba ko na ang phone, pero kinuha nang magpop up iyon. Wala pang 1 minute ago ang chat ko, pero ambilis nya na magchat. Pero kapag minemention sya ng adviser namin, baka bukas pa or madaling araw i-seseen!

[ Jiyoh Omsimbarabida]

-Yey nagchat na bebeloves ko!

-Pagaling ka hah. Malapit na intrams, may performance na ang Eagle Bands. Support mo bebeloves mo ah, HAHAHAHA

-Hihintayin kita tommorow (・ω< )

I bit my lower lip to stop smiling. Napatalon ako sa pagkakaupo nang may kumatok sa pintuan. Tinanggal ko agad ang headset at binuksan iyon. Tumambad sa akin si daddy na nakabusiness suit.

"Can we talk?"

Nagdalawang isip pa ako pero sa huli. Sinundan ko si daddy sa may office room nya.

"What's wrong po?" I asked first. Itinuro nya ang armchair sa harap ng lamesa nya, kaya sinunod ko iyon.

"Nothing, gusto ko lang maitanong kung may naalala ka naba?"

"A little bit. Naalala ko sya ng kaunti" mahinang kong sabi.

"How about..." Hinintay ko ang sunod nyang sasabihin, pero hindi nya din iyon itinuloy. "Sa pagkamatay po ba ni ate Irene?" Sagot ko na nagpatigil sa kanya.

"Dumadalaw po sa panaginip ko ang pagkamatay. Hindi ko alam kung alin doon, pero sinadya syang patayin sa harap ko pa..."

Isa sa nawala sa alaala ko kung paano sya pinatay at kung bakit. I guess, hindi alam ni daddy base sa kanyang reaksyon. We had a miscommunication, kaya hindi sya masyadong maalam sa nangyayari sa akin.

I don't know why, pagkagising ko nalang. Galit na galit sa akin si mommy noon, dahil isinisisi nya sa akin kung bakit nawala si ate Irene. Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari, siguradong ako ang may kasalanan. Naging mahigpit sa akin si Kuya Brix, kaya nagtatalo kami parati.

Napatayo na ako sa kinauupuan ko."Dalawa nalang po ang gusto kong malaman ang katotohanan. Ang pagkawala ni Ate at ng kaibigan ko"

Napaangat sya ng tingin sa akin.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now