Chapter 18

75 2 0
                                    

⚠: blood, accident

I was shaking as I looked at the blood covering my hand. Para akong nangangatog sa frozen olace kahit hindi naman talaga malamig. I was trembling and afraid. Pinagpupukpok ko ang ulo ko sa nangyari.

May humawi ng kurtina at tumambad ang kapatid kong takot na takot. Magsasalita na sana ako nang bigla nya akong yakapin. Napatigil ako habang hindi nawawala ang panginginig sa aking katawan. Narinig ko ang paghikbi nya, kaya naman humawak ako sa kanyang likod. Hindi alam ang gagawin.

"I thought you were lost. I'm sorry...You're right, I'm useless. I did not protect you. I'm sorry...I'm sorry.."

Sunod-sunod ang paghihingi nya nang tawad sa akin. Hindi sya yung kuya na nakilala kong heartless. Walang pakialam sa mundo. Ngayong nasa harapan ko ay parang naagawan ng kendi sa ibang bata at nagsusumbong sa nanay nya.

Tears of pain running down on my cheeks. I heard his heavy crying. Ibinuhos nya dito ang iniipon nyang; pagkasawi, pighati at lungkot na namuo sa kanyang puso. Ganito pala ang pakiramdam na may parang tumutusok sa puso mo kapag nakikita mong umiiyak ang kapatid mo.

Ang huli kong pag-iyak ng malakas ay noong namatay ang ate ko sa mga bisig ko. Hindi ko man nakita si kuya noon umiyak, pero alam kong nasasaktan din sya noong nawala rin ang ate ko.

Naalala ko nalang ang kaninang trahedya.

"Brownie!!" Tawag ng kanyang amo na hindi tataas sa sampung gulang. Nagdadalawang-isip ako kung ililigtas ko ba sya.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may sasalubong na kotse at mababangga ang aso kung patuloy nyang hahabulin ang bola!

"Redgie!"

Hindi ko na pinansin si Yorish at dali-daling tumakbo sa asong tumatakbo para kunin ang bola sa Highway! Naikarga ko agad ang nagpupumiglas na aso at muntik pang dakmain ang mukha ko. Pero sa aking kinakakatakutan. Napatingin ako sa may kotseng sasalubong sa'min. Napapikit ako sa nakakasilaw na liwanag.

If this is the end of me. I know I will also regret everything I said to my brother.

Malakas na tulak ang gumawa sa akin nun kaya parehas kami ng aso napabagsak sa kalsada. Nauntog ang ulo ko rito kaya malakas ang impact nito. Malalakas ang sigaw ng mga tao. Nanghihina akong bumangon. Humawak pa ako sa noo ko para suriin ang masakit na parte nito. Doon nanlabo ang mata ko nang makitang may dugo sa kamay ko.

Kahit nanghihina ay tumingin ako sa maraming taong nagdadagsaan. My eyes widened when I saw the boy lying on the floor full of blood. Nagkakalat iyon dahil sa tubig ulan. A shiver runs up my spine when I realized it was Yorish!

Gumapang ako nang mabilis para lapitan sya.

"Tumawag kayo ng ambulansya!!"

"Ano nangyari sa driver?! Buhay pa ba yung bata?!"

"Buhay pa 'yung bata! Jusmiyo tumawag na kayo agad!"

Hindi na matigil sa pagbuhos ng luha ko nang makitang ganito ang sitwasyon ni Yorish. He saved me and the dog. Bakit nya pa ginawa iyon!?

Bago ako mawalan ng malay. Something suddenly popped into my mind. The memory that I have forgotten.

"My balloon!!" 

I shouted. Ate stopped me because it was flying everywhere. I didn't follow him because that balloon was expensive. Winaldas nya ang pera para sa akin, kaya dapat ko itong pakiingatan. Niyaya ko sila sa park na ito pagkatapos naming magsimba. Maraming tao ngayon dahil paparating na ang Christmas.

"Redgie, Where are you going?!" Sigaw ni mommy nang patakbo kong hinahabol ang balloon.

Hindi ko na maabot ang lobo, kaya pinanood ko nalang syang lumipad sa kalangitan. Nanlaki ang mata ko nang pumutok iyon dahil sa nakawalang ibon na nagmumula sa ibaba. Kasabay nun ang pagtulak sa akin. Nabagok ang ulo ko.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now