I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

409K 24.5K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 160

1.7K 89 24
By itsmarresemonika


Tumigil sa paglalakad sina Miriel at Amus nang tagumpay silang nakalabas ng Kasilyo. Muli nilang sinuot ang mga balabal. Muling lumingon ang panginoon ng mundong ibabaw habang ang kasamahan nito ay isang pagtatakang ekspresyon ang umukit sa mukha nito, habang nasa mga bisig nito ang katawan ng tao na kanilang natagpuan sa loob. Sa puntong ito, bumabalot sa paligid ang isang nakakalungkot at madamdaming tagpo. Animo'y ito na ang huling pagkakataon na mapapadpad sila sa lugar na ito.

"Panginoon?" nagtatakang tawag ni Amus sa kaniya. Bahid din sa tinig nito ang pag-aalala.

Lumipat ang tingin niya sa kasama ngunit sa huli ay binawi niya 'yon. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. "Kinakailangan nating magmadali. Natitiyak kong hinihintay na nila ang ating pagbabalik." mahina niyang saad. Inihanda na niya ang kanilang pag-alis.

Inangat niya ang isa niyang kamay habang nilang may mabilis na dumaan na isang matulis at delikadong bagay sa kaniyang direksyon. Dahil sa malakas ang kaniyang pakiramdam ay agad niya 'yon iniwasan ngunit sadyang kinulang pa siya sapagkat nagawang daplisan ang kaniyang pisngi na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Hindi maitanggi na nawindang siya.

'Anong...' sambit ng bahagi ng kaniyang isipan. Sinubukan niyang bumuo ng teoriya sa kaniyang isipan na maliban sa kaniya, ay may iba pang nakakaalam ng lumugmok na Kaharian na ito. Sa pagkakaalam niya ay tanging siya at si Lorah at piling mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw ang nakakaalam nito!

Maski si Amus ay muntikan na niyang bitawan ang hawak na katawan dahil sa pagkataranta, lalo na't kitang-kita niya kung papaano nasaktan ang pinagsisilbihang Panginoon. Ngunit, mahigpit na ibinilin na huwag na huwag pababayaan ang katawan na ito hangga't maaari.

"Magpakita ka." mahinahong utos ni Miriel sa kawalan. Nanatili siyang nakatayo at hindi gumagalaw sa kinakatayuan nito.

Ilang saglit lamang ay rinig nila ang nababaliw na bungisngis. Natitiyak niya na nasa malapit lang ito. Tila inaantay ang kanilang paglabas mula sa pinanggalingan na Kastilyo. Naningkit ang mga mata niya, pamilyar sa kaniya ang tawa na 'yon. Ilang libong taon nang nakalipas ay tandang-tanda niya kung sino ang nagmamay-ari n'on. Base din sa sandata na gamit nito laban sa kaniya, alam na niya kung sino ang may kakayahan na gumamit ng mga delikadong karayom.

"Vadum," tumalim ang mga mata niya nang banggitin niya ang pangalan ng nagtangka sa kaniyang buhay.

Mas lalo lumakas ang tawa nito hanggang sa tuluyan itong nagpakita sa kaniyang harap. Isang lalaking nababalutan ng tela. Kalahati ng mukha nito ay nababalutan ng itim na tela. Kulay pilak ang buhok nito at sa pangangatawan nito, ay natitiyak niyang mabilis itong kumilos. Noon pa man ay isa ito sa mga malalakas na demonyo, hindi lang niya sigurado kung gaano na ito kalakas sa paglipas ng mga panahon. "Isang malaking karangalan na natatanda pa ng panginoon ng mundong ibabaw ang aking pangalan." nakangisi nitong sambit, diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.

Nagsukatan sila ng tingin. Pinagmasdan niyang mabuti ang anyo ngayon ng demonyo na nangangalang Vadum. Sa pagkakatanda niya ay nakakatanda itong kapatid ni Fvyagi. Kung ang nakakabatang kapatid ay magaling ay isang tuso, ang nakakatanda naman ay di hamak na madalas itong nagwawagi kung sukatan ng lakas at bilis ang pag-uusapan. Sumagi sa kaniyang isipan si Rini. Sa katunayan ay nasaksihan na din niya kung papaano nakipaglaban ang hahaliling emepratris ng Thilawiel, subalit hindi naman niya matantya kung magkapantay ang dalawa. Kung sino ang mas mabilis o mas malakas sa kanilang dalawa. Pero may mga problema pang dadating sa oras ng digmaan. Hindi lang ang magkapatid ang malakas. Mayroon ding sampung tauhan ang panginoon ng mga demonyo. Hindi rin tulad sa iba, hindi basta-basta nagpapakita ang mga 'yon, maliban lamang kung mahigpit na ipinag-uutos ang panginoon na kumitil kung sinuman ang nanaisin na kitilan ng buhay.

Kusang kumuyom ang kaniyang mga kamao. "Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" walang paligoy-ligoy niyang tanong.

Bago man siya sagutin ay hinimas nito ang baba. Lumihis ang tingin nito sa kaniyang bandang likuran. "Sabihin natin na kinakailangan kong makuha ang nasa kamay ninyo."

Bahagya siyang natigilan. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Alam na alam niya kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Iyon ay ang katawan ng diyos ng digmaan! Ang isa pang katawan na ipinagkatiwala sa kaniya ni Lorah!

"Wala naman sigurong magiging problema kung ibibigay mo siya sa akin nang mahinahon at matiwasay..." naningkit ang mga mata nito, gumuhit ang mapaglarong ngiti. "Miriel."

Umigting ang kaniyang panga. Pilit pa rin niyang maging mahinahon sa harap ng kabalan. "Ipagpatawad mo subalit hinding hindi magagawa ang bagay na 'yan."

Ikiniling ang ulo nito na may ekspresyon na pagkadismaya. "Ah, ganoon ba? Sayang naman... Sapagkat ay kailangan na kailangan ang kaniyang katawan bilang pangunahing elemento upang magising ang aming panginoon." tumayo ito ng tuwid at nagkabit-balikat. "Kung ganoon ay tila wala na akong magagawa pa." sa isang kisap-mata lang ay hindi alintana na nagpakawala na naman ito ng mga nakakamatay na karayom!

"Iwas!" malakas na utos ni Miriel kay Amus. Pareho silang tumalon paitaas upang makailag sila.

Tumigil sila sa ere. Tumingala sa kanila si Vadum na nakangisi. Umukat ito hanggang sa tagumpay na lumabas ang mga pares ng mga pakpak sa kanilang likod. Sinundan sila sa ere at tumigil sa harap nila. "Wala pa ring kupas ang 'yong bilis, Miriel. Hindi nga maitanggi na disipulo ka ng dating Panginoon ng mundong-ibabaw. Ano nga ulit ang pangalan n'on? Hyrus?"

"Kailanma'y hinding hindi ko binigo ang aking guro kung anuman ang kaniyang itinuro sa amin." sabi niya na blangkong ekspresyon sa kaniyang mukha. "At hindi pa oras upang tayo'y magkaharap."

Ngumuso ito. "Mali ka, sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon, Miriel. Gusto ko rin malaman kung hindi pa rin ba kumukupas ang 'yong galing sa pakikipaglaban!" mabilis itong sumugod sa kaniya pero mabilis din niyang nahuli ang isang kamay nito at walang sabi na hinagis ang kalaban sa kawalan.

"Hangga't may oras pa, bumalik ka na sa Palasyo kasama ang katawan sa gayon ay nasa maayos at ligtas siya. Ayokong madismaya sa akin si Lorah sa oras na magising siya." malamig niyang utos sa kasama.

"Pero papaano po kayo, Panginoon?" nag-aalalang tanong sa kaniya.

"Wala na akong pagpipilian pa. Mapipilitan akong kalabanin siya habang hindi pa niya nakukuha ang kaniyang pakay." mas sumeryoso ang kaniyang mukha. "Ipatawag mo ang mga diyos at diyosa mula sa mga Imperyo, ipasa sa kanila ang mensahe na maaga ang paghahanda para sa malaking digmaan. Ganoon din sa mga emperador."

Lumunok ng matindi si Amus. Namumuo na ang pawi sa mukha nito dahil sa kaba. "Ma-masusunod po, Panginoon." yumuko ito ng bahagya hanggang sa nawala na ito sa kaniyang likuran na parang bula.

"Aaaaaaahhhhhhh! Nasaan na sila?!" malakas na tanong sa kaniya ni Vadum. Punung-puno ng pagkadismaya.

"Sa lugar na hinding-hindi mo malalaman." may halong sarkastiko niyang sagot.

Ngumiwi ito. Marahas itong bumuga ng malalim na buntong-hininga. Napakamot ito ng ulo. "Mukhang wala na rin akong magagawa." bigla itong nawala sa kaniyang paningin.

Wala pang tatlong segundo ay sumulpot din ito pero mas malapit pa sa kaniya---sa mismong harap niya. Dahil sa bilis ng pangyayari ay nagawa itong dakmalin ang kaniyang leeg at malakas silang bumagsak sa lupa. Pumutok ang lupa dahil sa pwersa na binitawan ni Vadum. Napangiwi siya. Dahil halos magkapantay sila ng kapangyarihan ng kaharap niya ngayon, ay hindi niya maiwasang masaktan. Pumutok ang kaniyang noo.

"Pambihira ka, Miriel. Gagawin ko pa namang pustahan ang katawan na 'yon, kaakibat na gusto ko rin malaman ang lakas mo sa mga oras na ito! Dinaya mo ako!"

Nagawa pa niyang hawakan ang kamay na nakahawak sa kaniyang leeg. "Dahil alam ko kung ano ang kaya mong gawin, Vadum. Hindi lakas at bilis ang sinusukat natin, maski ang ating utak. Ngayong tayong dalawa nalang ang naririto, malayang malaya tayong maghaharap na walang madadamay. Ang tanong, sino ang mananalo sa ating dalawa?" hanggang sa sumilaya ng ngisi sa kaniyang mga labi. Unti-unti umiilaw kaniyang mga mata. "Mananalo ka kaya sa isang tulad ko? Sa mismong pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw?"

Umiba ang ekspresyon sa mukha ni Vadum nang sambitin niya ang mga kataga na 'yon. Mas humigpit ang pagkasakal nito sa kaniyang leeg. Unti-unti na din lumalabas ang bayoleta na enerhiya na bumabalot sa katawan nito. Base sa mukha nito ay umukit ang paghihimok na paslangin siya anumang o kung nanaisin nito. Subalit, isang bagay na hindi inaasahan. Bigla di nawala ang enerhiya mula sa kalaban sa maiksing panahon lamang na ikingulat nito. Hindi lang 'yon, kapansin-pansin na pautay-utay ding nagiging buto't balat ang katawan nito, animo'y hinihigop ang buong lakas nito hanggang sa isang kahabag-habag na paslit ang sumasakal sa kaniya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit walang sinuman ang nagtatakang humawak akin, maski ang 'yong tinitingalang panginoon, Vadum?" malamig niyang tanong.

Dahil sa labis na pagkabigla, bumitaw ito sa kaniya na may halong pagkataranta. Napaupo ito sa lupa. Kalmado siyang tumayo at bumaba ang mataimtim na tingin sa nakakahabag na kalaban. Bakas na wala na itong laban sa kaniya dahil nababasa niya ang pinaghalong takot at kaba. Alam niyang hindi ito makapaniwala sa nangyayari.

"Nakakalimutan mo yata kung ano ang mahika ang aking pagmamay-ari?"

Tama, kaya niyang manipulahin ang oras at panahon kung nanaisin nito! Hindi lang ang pisikal na anyo, maski ang kapangyarihan nito ay kaya rin nito paliitin o permanenteng mawawala na. Sa madaling salita, kaya nitong gawin na walang silbi habambuhay ang kalaban nito!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" umalingawngaw ang sigaw ng batang Vadum sa gitna ng kagubatan.

**

Sa pagdilat ng aking mga mata ay napagtanto ko na nasa pamilyar lugar ako. Sa apartment kung saan kami nanatili habang naririto kami sa mundo ng mga mortal---na ipinahiram sa amin ng mag-asawang Black. Speaking of, nasaan ba sila ngayon?

Napansin ko din na suot ko pa ang damit pang-Ospital. Mariin kong ipinkit ang aking mga mata dahil sa isang kamalian na ginawa ko. Naputol ko ang pangako ko kay Ramael Black na hinding-hindi ko gagamitin ang aking kapangyarihan habang naririto kami, subalit wala na akong magagawa pa. Wala na akong magpagpipilian pa, lalo na't tapos na 'yon at hinding hindi na mababalik pa. May parte din sa akin na hinihiling ko na sana ay hinding-hindi na magkukrus ng landas namin ng lalaking 'yon. Dahil tanda-tanda ko pa kung ano ang ginawa niya sa akin kung bakit humantong ako sa Ospital pagkagising ko. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko. Pakiramdam ko ay malaking kataksilan ang ginawa ko para sa aking asawa, ang hahaliling Emperador ng Thilawiel---si Otis.

Marahas akong bumuga ng malalim na hininga. Gumalaw na ako. Pinili kong puntahan ang kuwarto namin. Pinihit ko ang pinto saka itinulak 'yon. Unang tumambad sa akin ay ang kurtina na sumasayaw sa hangin. Muli kong iginala ang aking mga mata.

Nanigas ako sa aking kinakatayuan nang makita ko ang lalaking pinakamamahal ko na nakahiga sa kama. Lumipat ang aking tingin sa kaniyang tabi. Isang aparato na nakakabit sa kaniya. Dagdag pa ang plorera na may mga sariwang bulaklak na sa pagkakatanda ko ay wala 'yan buhat nang nakarating kami dito sa unang pagkakataon.


Anong nangyayari?

Kumawala ako ng hakbang palapit kay Otis. Kusang idinikit ko ang aking mga tuhod sa sahig, sabay na hinawakan ko ang isang kamay niya. Pinapakiramdaman ko ang init sa kaniyang palad. Maraming katanungan ang nabubuo sa aking isipan. Bakit siya naririto na animo'y nakaratay siya? Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya nagkakaganito? May nangyari bang masama sa kaniya? Sinong tampalasan ang gumawa nito upang humantong siya sa ganito?

"O...tis..." halos pumiyok na ako nang sambitin ko ang kaniyang pangalan. Ngunit, bigo ako. Walang sagot akong natanggap. Umigting ang aking panga saka pumikit ng mariin.Idinikit ko ang kaniyang kamay sa aking mukha. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Halos kakapusin ako ng hininga. Hindi ko kayang makita ang aking asawa na nagkakaganito. Hindi ako sanay. Malakas siya. Hindi lang niya kayang ipinagtanggol ako at ang aming mga anak, kahit ang buong Imperyo ay kaya niyang protektahan sa mga kamay niya!

"R-Rini?" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.

Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ko itong nilingunan. "Calevi," tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang nakatayo sa pintuan. May hawak siyang tray. May laman na tubig ang pitsel doon at may baso na kasama. Tumayo ako saka hinarap siya.

Itinabi niya ang hawak niya sa mesa. "Papaanong... Ibig kong sabihin, saan ka nanggaling? Alam mo bang labis kaming nag-aalala sa iyo?" matigas niyang sabi. Sa puntong ito, ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito, pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kaniyang boses.

"Patawad, Calevi..." madamdamin kong sabi. "Pero, maaari bang sabihin mo sa akin kung anong nangyari sa Otis? Nasaan nga pala ang iba?" ako naman ang nagtanong.

Nagbuntong-hininga siya't nagpameywang. Diretso siyang tumingin sa aking mga mata. "Nang gabing nawawala ka, nadatnan ko si Otis na nakahandusay na sa sahig. Dinala namin siya sa lugar na tinatawag na Ospital. Ngunit, sinabi sa amin ng isa sa mga manggagamot doon na wala silang nakitang mali sa kaniya. Pero si Hyrus, sinabi niyang pamilyar ang sakit na dinadamdam niya ngayon---at 'yon ay may kinalaman sa basbas na ibinigay sa inyo ng isa sa mga diyosa ng Thilawiel."

Natigilan ako nang sabihin niya ang bagay na 'yon. Binawi ko ang aking tingin. Kumunot ang noo ko. Dumapo ang tingin ko kay Otis na tila mahimbing ang kaniyang tulog. Biglang sumagi sa aking isipan ang mga pangyayaring kaugnay sa pahayag ni Calevi sa akin. Dalawang beses akong inatake sa puso at nagsimula 'yon noong ikinasal ako sa Jian Yu at ang pangalawa naman ay ang paghalik sa akin ng estranghero na nangangalang Elio Mancini. Oh, whoever he is.

Nanlaki ang mga mata ko nang napagkabit-kabit ko na ang mga bagay na 'yon. Muli kong tiningnan si Calevi. "Ibig sabihin..."

"May ibang lalaki ka ba, Rini?" walang emosyong tanong niya.

Nabato ako sa kinakatayuan ko. "H-huh?" bakit pakiramdam ko ay hihiwalay na kaluluwa ko sa tanong na 'yon?

"Ang sabi sa amin ni Hyrus, sa oras na mahalikan ang isa man sa iyo, ikinasal sa iba at iba pa ay may kay kapalit. Iyon ay ang nararamdaman ninyo ngayon ni Otis." humalukipkip siya. "Sa makatuwid, sa oras na binasbasan na kayo ng mga diyos at diyosa bilang kayo'y itinadhana, paninindigan ninyo. At kung magtataksil man ang isa man sa inyo, buhay ang kapalit."

Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Hindi ko maitanggi na hinalikan ako, Calevi." pag-amin ko.

Rinig ko ang pagsinghap niya. Aminado akong hindi siya makapaniwala sa rebelasyon na aking ipinahayag.

"Ngunit, aksidente 'yon. Dahil nang gabing inatake si Otis, iyon din ang gabing dinukot ako at dinala sa isang lugar na hindi ko alam. Pinilit akong halikan n'on." pagpapaliwanag ko. Wala na akong pakialam kung maniniwala ba siya o hindi dahil ako, sinabi ko lang kung ano ang totoong nangyari.

"Hindi ako... Magdadalawang-isip... Na kumitil ng buhay... Sa mundong ito."

Pareho kaming nasulyap ni Calevi sa kama na nanlalaki ang mga mata. Kita namin si Otis na nakadilat na't ilang beses pang kumukurap. Pero naroon pa rin ang panghihina niya.

"Sino... Sino ang lapastangan ang humalik sa iyo?" sunod niyang tanong.

"Otis..." ang tanging magagawa ko lang ay tawagin ang kaniyang pangalan. Para bang binunutan ako ng malaking tinik sa aking dibdib nang makita ko ang pag-asa na magiging maayos na ang aking emperador. Ang ama ng aking mga anak. Agad ko muli hinawakan ang kaniyang kamay at umupo sa kaniyang tabi na nakaharap sa kaniya.

Bigla siyang kumilos. Gusto niyang umupo at isandal ang likod sa headboard. Inalalayan ko siya upang gawin 'yon.

"Ang mabuti pa ay maiwan ko muna kayo. Pag-usapang ninyong mabuti. Tawagin ninyo nalang ako kung may kailangan kayo. Tatawagin ko na din ang iba para sa magandang balita." wika ni Calevi at nagmartsa na siya palabas ng silid. Nang marinig namin ang pagsara ng pinto ay muli nagsalita si Otis.

"Rini..." namamaos niyag tawag sa akin. "T-tama bang narinig ko...?"

Gumuhit ang kalungkutan sa aking mukha. Humigpit ang pagkahawak ko sa kaniya. Doon nalang ako kumukuha ng lakas ng loob sa mga oras na ito. Maniwala man siya o hindi sa aking sagot ay ayaw ko siyang bitawan anuman ang mangyari. Pakiramdam ko ay may bato na lalamunan. Imbis ay tango lang ang naisagot ko. "Patawarin mo ako, Otis..." kaunti nalang ay maiiyak na ako dahil sa kaba.

Lahat ay maaari kong kalabanin at kaharapin, maliban lang sa aking asawa. Na pinag-alayan ko ng aking pag-ibig at kaluluwa. Na siya lang aking sasambahin ko. Na siya lang ang bukod-tanging lalaking titingnan ko, sa aking mga mata ay walang hihigit sa kaniya. At pinangakuan ko sa harap ng aming nasasakupan, na siya lang at walang iba.

"Wala kang kasalanan, my rose..."

"Pero Otis..."

"Pinakinggan ko ang paliwanag mo. Sabi mo, siya ang pumilit sa iyong halikan ka. Alam kong labag sa 'yong kalooban ang gawin ang bagay na 'yon." isang maliit na ngiti ang iginawad niya sa akin. Inangat niya ang kaniyang kamay. Pilit niyang abutin ang aking pisngi. "Alam kong hinding hindi mo ako sasaktan at ganoon din ako sa iyo, my rose."

Sa mga binitawan niyang salita ay nagsimulang bumilis ng tibok ang aking puso. Ramdam ko na nagsisimula nang manginig ang aking mga kamay at higit sa lahat, nagbabadya na din ang mga luha sa aking mga mata. "At hindi ko rin kayang mawala ka, Otis. Inaamin ko na labis ang takot ang naramdaman ko nang makita kita sa ganitong kalagayan. Pakiramdam ko ay lalamunin na ako ng kadiliman dahil sa galit... Kahit sa sarili ko."

"My rose," tawag niya sa akin. Sinusubukan niya akong aluhin sa kabila ng panghihina niya. "Huwag ka nang umiyak, pakiusap... Dahil ipinangako ko sa aking sarili na papangitiin ka sa oras na akin ka na. Mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak lalo na kung dahil sa akin."

Yumuko ako. Sige pa rin ang hikbi ko. Ayaw magpaawat ang mga luha ko. Ramdam ko nalang ang mga palad niya na ikinulong ang aking mukha. Nagtama ang aming mga mata. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha. Kusang akong pumukit hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niya sa aking mga mata. Sunod niyang ginawa ay idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. Patuloy pa rin pinunusan ng mga hinalalaki niyang daliri ang aking mga luha.

"Alam ko kung gaano ako kahalaga sa 'yo, at alam mo din kung gaano kita kamahal, my rose. Pero palagi mong tatandaan, marami na tayong pinagdaanan na magkasama. Kaligayahan, kalungkutan at laban. Maraming beses kong sinasariwa sa aking alaala ang lahat ng bagay na pinagdaanan nating magkasama, kung kailangan kong pumili muli, iyon pa rin ang tatahakin ko. Ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong makasama kahit ilang buhay pa ang ipagkakaloob sa akin ng Diyos." hinalika niya ang tungki ng aking ilong. "Lubos kong ipinagmamalaki na ikaw ang aking asawa, ang emperatris na siyang ina ng aking bansa at ng ating magkakambal, my rose."

Continue Reading

You'll Also Like

2K 202 24
Si Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang...
597K 34.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
16.5K 411 22
Prince and Princess. King and Queen. They are for each other in this magical world. What if this rule ruins a queen's good heart? Will another queen...
128K 2.9K 16
FIRST ON THE BOOK OF CHANCES *** Ang eskwelahang ito ang magtuturo kung paano mo gamitin ang iyong mahika. Ang eskwelahan kung saan totoo ang tinata...