Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian...

By Chienk21

346K 7.4K 354

Ang mga mata niya, napanganga nalang ako tapos yung smile at ang boses niya.. Nawala nalang ako bigla sa sari... More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Credits

Chapter 35

6.2K 146 5
By Chienk21

Lilian's POV

Palagi na kaming magkasama ni Buchok ngayon pagwala si best dahil sa magkasama sila ni Richard. Sa tingin ko sinasadya ni best na mapalapit ako dito kay Josh. Mukhang botong-boto ito kay Josh at palagi pa kaming tinutukso nito. Ang nakakainis nga lang, minsan parang sinsadya niya ito pag nandyan si Lee kaya napapansin ko na umiiwas ito pagkasama ko si Buchok.



Masaya naman kasama si Josh. Marami siyang kwento na nagpapatawa sa akin at nagpapaalala sa akin noong mga bata pa kami. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ang gwapo at ang cute na nito kumpara noong bata pa kami na sobrang taba nito.



"So susunduin nalang kita mamayang 7:30?" tanong ni Josh sa akin, mamayang gabi na kasi ang welcome party ni Faith at pauwi na ako sa apartment ng makasabay ko si Josh palabas ng campus.


"Oo, salamat pala at pumayag kang samahan ako Buchok ha? Siguradong magiging third wheel lang ako kina best at Richard, atleast pag andun ka may makakausap ako. Pero sigurado ka bang wala kang lakad mamaya? Baka naman napilitan ka lang? Promise, I won't mind kung magba-backout ka" sabi ko dito.



"No, wala talaga akong lakad. Okay nga yun, chance ko na din na mas lalong mapalapit sa'yo" medyo mahinang sabi nito sa last part.



"Anong sabi mo? hindi ko masyado narinig yung huli mong sinabi"  nagtatakang tanong ko dito.



"Ah-eh...ang i-big....kong sabihin chance ko nang .........m-akakilala ng marami pang....... c-hicks..hahaha..yun..nga..ang..ibig kong sabihin..hehehe.." sagot naman nito.



"Ah..ganun ba? Siguradong marami kang makikilala dun. Sige, una na ako Josh may jeep na oh. Diyan na lang ako sasakay" paalam ko dito.



"Sige Iya, text na lang kita pagsundo ko sa'yo" paalam din nito.


Nakauwi na ako sa apartment at naghanap na ng damit na isusuot mamayang gabi ng may tumawag sa phone ko. Pagtingin ko sa Caller ID.



"Hello ma?" si mama pala ang tumawag, lagot ako nito. Masyado pa naman itong madrama.



"Oh anak, buti napatawag ka at naalala mo pa ako" sarcastic na sabi nito.



"Sorry ma, medyo busy lang po. Sorry din kung hindi ako nakauwi noong semestral break. May nangyari lang at kailangan ko lang magstay nalang dito" palusot ko dito.



"Anong nangyari anak? Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Gusto mo bang puntahan kita diyan?!" sabi ko na nga ba eh. Kaya nga dapat palagi ko itong tinatawagan, hysterical pa naman itong mag-alala.



"Okay lang ako ma, don't worry na-handle ko na po at tsaka nandiyan naman si best para tulungan ako" pag-aasure ko dito.


"Sigurado ka anak ha? Alam mo naman na palagi lang kaming nandito ng tatay mo at ng mga kapatid mo. Basta ba tawagan mo lang kami pag may problema ka, okay?" malambing na  tanong nito.



"Opo ma, pasensya na talaga at hindi na ako nakakatawag sa inyo pero pag hindi na medyo busy sa school, uuwi din po ako" promise ko dito..hay nakakakonsensya talaga at hindi ko man lang naisip sila mama dahil sa kadramahan ko sa buhay. Dapat talaga mag-focus nalang ako sa mga priorities ko sa buhay.



"Sige anak, asahan namin yan ha? I love you anak. Namimiss ka na namin dito, kinakamusta ka na din nitong mga nakababata mong kapatid."



"I love you din po ma, kayo ni papa. Ikamusta mo nalang ako kay Bea at Paul. Sabihin mo may pasalubong ako sa kanila pag-uwi ko."



"Sige anak, siguradong matutuwa ang mga yun. Bye anak" paalam ni mama.



"Bye ma" paalam ko din.



Namimiss ko na ang pamilya ko, lalo na yung dalawang nakakabata kong kapatid. Kailangan makauwi na talaga ako.


Nagpatuloy lang akong maghanap ng outfit ko ng mag-ring ulit ang phone ko. This time si Lee naman ang tumatawag. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko..hay..grabe talaga ang epekto niya sa akin.


"He-llo..Lee?" 



"Hi Yan, hmmm...gusto... ko.... s-anang itanong ko..p-wede ba kitang..s-unduin...mamayang gabi? tanong nito, bakas sa boses nito ang kaba.



"Ah..sorry Lee pero si Josh na kasi ang susundo sa akin. Pumayag na kasi ako pero salamat sa offer" sagot ko naman.



"Ganun ba? Sige, magkita nalang tayo mamaya" sabi nito at mahahalata mo ang lungkot sa boses nito.



"Sige b--." may narinig naman akong boses sa kabilang linya.
"Pahiram nitong shirt mo H ha?" teka familiar yung boses na yun.."Naman Faith! Magtapis ka nga!, hindi dahil sa pareho tayong babae ay pwede ka nang maglakad ng naka-bra at panty lang!" rinig kong sigaw nito "Bakit ba? Sexy naman ako dib--" hindi ko na tinapos pakinggan ang pag-uusap nila at in-end ko na yung call. Tama nga yung desisyon ko na iwasan na lamang ito. Paninindigan ko na talaga ang pagmo-move on ko.



Matapos makapili na ng isusuot, nagshower na ako. Narinig kong may pumasok sa loob ng kwarto ko at si best pala. Nagtanong lang ito kung ready na ba ako at kung may napili na ba akong isusuot. Gusto din nitong gawin ang make-up ko  pero tinaggihan ko nalang. Alam kong kailangan din nitong mag-ayos ng sarili nito at gusto kong light lang ang make-up ko ngayon so kaya ko na siguro yun.



Nakablack  na halter dress lang ako with 3 inch heels na color black din. Nagsuot na din ako ng jewelry para naman ma-blend sa sinusuot ko na all black outfit. Si best naman ay nakadress na color gold na hanggang tuhod lang ang haba at nakablack stilletos. 



Ready na kami ni best at hinihintay lang namin sina Josh at Richard na dumating. Halos magkasabay naman dumating ang dalawa pagkatapos ng paghhintay ng limang minuto. Sumakay na agad kami ni best sa sundo namin. Bagay na bagay kay Josh ang suot nitong all black na suit, mas malinis pa lalo ito tingnan. Gusto ko talaga yung lalaki na neat tingnan at maalaga sa katawan.



"Sorry nga pala kong medyo natagalan ako sa pagsundo sa'yo Iya, hinintay ko pa kasi si pinsan dumating para mahiram ko itong sasakyan. Muntik pa nga nitong malimutan na hihiramin ko pala itong kotse niya hahaha..gagala pa sana ito" paliwanag naman ni Josh.



"Okay lang naman, hindi ka naman talaga nahuli, parehas pa nga kayo ni Richard na dumating eh" sabi ko dito. Nag-focus na ulit ito sa pagdrive at pagkatapos ng 20 mins. Nakarating na kami sa malapalasyong bahay nila Faith. Ang taas ng gate nila at halatang matindi ang security dito. Mahahalata mo din yung kamera na naka-install sa taas ng puno at sa bubong ng bahay para may look out talaga. Ipinakita na namin ang invitation card namin sa guard at pinapasok naman kami agad nito. Nakasunod lang sila best sa amin. Ang daming  sasakyan ang nakaparada, halatang para sa mga sosyal talaga ang party na ito at halatang mga upper class ang halos lahat ng bisita dito.



Inalalayan naman agad ako ni Josh pababa at bumungad sa amin ang malaki nilang garden kung saan ang setting ng party.
Sinalubong naman kami agad ni Lee na naka-leather jacket lang, fitted blue jeans at boots. Hindi man lang ito nagdress? Confident pa din ito kahit siya lang yata ang iba ang damit sa amin.



"Hi Yan, buti naman at safe kayo nakarating" bati agad ni Lee.



"Syempre naman, maingat magdrive itong driver ko eh!" biro ko dito sabay hampas kay Josh na tumawa lang sa biro ko pero pilit na ngiti lang ang isinagot ni Lee.



"Hi guys, salamat at nakarating kayo!" biglang sulpot naman ni Faith. Ang ganda ng suot nitong kulay silver na dress, may mga beads at mga kakaibang burda sa dress niya na mas nagpaganda sa suot nito. Kumpleto din ito sa mga jewelries sa katawan at ang mas nakaka-agaw pansin dito ay ang diamond earrings na suot nito na mas lalong nagpaganda dito. Nakipagbeso na ito sa amin at ng makita niya si Lee.


"Naman H! Hindi ka man lang nag-effort sa outfit mo! Sabi ko na nga ba eh, you wouldn't dare to wear the dress that I bought and give to you. Ugh! You're impossible! I should've known, hindi na sana ako nag-effort na pumunta sa bahay mo" panenermon nito kay Lee.



"Sorry na Faith, alam mo naman na ayokong magsuot ng dress at alam mo din na ayoko talaga sa ganitong klase na pary" paliwanag naman nito.



"Whatever H, tayo na doon sa may table na ni-reserve ko para sa inyo at para masimulan na din itong party na ito ni mama."



"Saan nga pala si tigre?" tanong ni Lee kay Faith.



"Nagsasayaw lang sila ni Andy doon" sagot naman nito. Naglakad na nga kami papunta sa table namin na malapit lang sa ginawang mini stage sa garden. May nakita akong babae na umakyat dito na may hawak na mikropono, sopistikada itong tingnan, maganda at sa tantiya ko nasa mid forties pa ito pero hindi naman halata sa itsura nito. Naka red gown ito at kulay gold na high heels.



"Good evening everyone! Thank you for coming here, on this welcoming party for my daughter, Faith Jane Cuenca. Tonight, we gather here to celebrate and to show her, how we are all happy for her to come back. I know this is already late and it's been weeks since she came back here but I just felt that I owe her this party and I'm just glad and thankful that she will be staying here, this time for good. I love you baby and for me you are always be my baby!" Nagpalakpakan naman kami matapos magsalita nung babae. So, mommy pala ito ni Faith. Kaya pala, may nakita akong pagkakahawig nila ni Faith at yung class sa paggalaw at suot nito. Pumunta din si Faith sa stage at niyakap ang mommy nito, kita ang closeness nilang dalawa.



"Mommy naman, nahahalata tuloy kung gaano ako ka-mommy's girl" tawanan naman ang lahat sa reklamo nito na parang bata. "I love you too mom, kayo ni dad. Kahit wala siya dito alam ko na you're all doing  these things for me and I can't thank you enough sa lahat ng nagawa niyo para sa akin" dagdag pa nito na nagpaluha naman sa mommy ni Faith. Lahat ng bisita nakatitig sa kanila ng may ngiti sa kanilang mga labi.


"Okay tama na ang drama baby, bakit hindi mo iparinig ang kanta na sabi mo ginawa mo noong nasa states ka pa anak. Sabi mo nga para sa special someone mo yun? Nandito ba siya anak? Ipadinig mo naman sa mga bisita mo. Pasasalamat mo nalang din sa pagpunta nilang lahat dito" sabi naman ng mommy nito.



"Sige na nga mom, binuking mo na ako eh!" napilitang sagot nito. May nag-abot naman ng gitara dito. Lahat ba ng kaibigan ni Lee marunong talaga kumanta? Hayy..kami lang yata ni best ang hindi. Nagsimula na itong tumugtog sa intro ng song..

Well you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missing home
Only know you love her when you let her go
And you let her go

Staring at the bottom of your glass
Hoping one day you'll make a dream last
But dreams come slow and they go so fast
You see her when you close your eyes
Maybe one day you'll understand why
Everything you touch, surely dies

But you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missing home
Only know you love her when you let her go

Staring at the ceiling in the dark
Same old empty feeling in your heart
'Cause love comes slow and it goes so fast
Well you see her when you fall asleep
But never to touch and never to keep
'Cause you loved her too much and you dive too deep

Well you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missing home
Only know you love her when you let her go
And you let her go
Oh oh oh no
And you let her go
Oh oh oh no
Well you let her go

'Cause you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missing home
Only know you love her when you let her go

'Cause you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missing home
Only know you love her when you let her go
And you let her go


All throughout the song ay nakatitig ito kay Lee at halatang intended para kay Lee  ang song na kinanta nito. Nang matapos na ang kanta nagpahid naman ito ng luha pero hindi halata ang ginawa nito kung hindi ka talaga nakatitig ng maige sa mukha nito. Nagpalakpakan naman ang lahat. Paglingon ko kay Lee, tahimik lang ito at tumalikod, hindi ko alam kung saan ito papunta pero sinundan ko parin ito. Huminto naman ito sa malaking puno at sumandal dito ng nakatayo. Halatang malalim ang iniisip nito habang nakatanaw sa napakaliwanag na buwan.



Naglakad ako papunta dito pero nakita kong lumapit si Faith kay Lee at yumakap ng mahigpit dito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nakikita ko ngayon pero ang sakit-sakit na makita silang dalawa. Akala ko kaya ko pero hindi pala ganun kadali. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Ni hindi nga naging kami ni Lee at wala akong karapatan sa kanya.



Siguro, yun nga ang masakit wala akong karapatan sa kanya at nung makita kong hinalikan ni Faith si Lee, hindi ko na kinaya at lumayo na ako sa lugar na yun. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang namalayan. May narinig akong tumawag sa  pangalan ko pero diretso lang akong naglakad ng mabilis at naghanap ng cr sa bahay ni Faith.



*****

A/N: Sorry po kung late yung update at hindi masyadong maganda itong chapter na ito. Nakalaan po para sa next chapter yung utak ko..hahaha.

Thanks sa time sa pagbasa ng story ko.
Hope nag-enjoy po kayo :])

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 34.9K 59
GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be able to study quietly and live my life at...
1.5M 44.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
831K 34.4K 45
Ella Claire Fuentes is one of the most popular girls in their University. Nbsb since wala pa syang time for love. She just wants to enjoy her life. K...