Platonic Hearts (Compass Seri...

By kimsyzygy

1.6K 70 0

Compass Series #1 (Completed) Growing up in a discouraging household, Aria Solace only wanted one thing to gi... More

--
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Epilogue
Rhysand
Playlist

Chapter Twenty-four

23 1 0
By kimsyzygy

Walk away

Xavier’s Hospital was not that far, but not that near for a walk also. It was the name of the hospital where Dian was taken. Si Manang Liz na mismo ang nagtext sa akin nito dahil wala pa ring may binabalita sa akin si mama tungkol dito hanggang ngayon. And I don’t think she plans to let me know about this… dahil pinagbubuntungan pa ako ng lahat ng galit.

It’s currently 10 in the morning. Sigurado akong nakapasok na si Rhysand sa school at may klase na. Sigurado rin akong nasa trabaho na si papa… So as my aunts and uncles, and my sisters that probably went with them in the hospital. But for my mother, I’m not so sure. I just hope that she is or she’s somewhere basta huwag lang sa hospital sa mga sandaling ito. I really want to see Dian… I want to see my baby sister. I wanted to know her condition and what exactly happened.

At si Manang Liz lang ang tanging malalapitan ko ngayon. Bukod sa pangalan ng hospital ay wala na siyang iba pang nabanggit. And I could only hope that she’s there with Dian right now.

I didn’t bother texting Rhysand where I’m going. Pinagsabihan na niya ako, but like what I said before, this is between me and my family. Him stepping in last night is already a bad move, not only to my parents but to his too if they knew. Hindi ko na siya gustong manghimasok pa.

I understand his concern. I’ve always appreciated that in him. But this is overstepping, and I want to fix this my way. Kahit na hindi ako sigurado kung magagawa ko nga ba iyon sa pagkakataong ito.

Kabado akong tumapak sa loob ng hospital. I asked for my sister’s name in the nursery station and immediately found her room. Naka-private siya at under monitoring pa. Sumikip ang dibdib ko. Pumasok sa isipan ko lahat ng mga sinabi sa akin ni mama sa tawag niya noong araw na ‘yun.

Dian… almost lost her breath.

“Maraming salamat po…” I thanked the nurse before rushing inside the elevator.

I bit my nails while waiting for the elevator door to open. Bawat patak ng floor number ay mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa oras na bumakas iyon ay napahugot nalang ako ng hininga at walang tigil nang lakad papunta sa kwarto ni Dian. Halos takbuhin ko na ang daan papunta roon. I started gasping for no reason as well.

Room 206... 207... 208...

I counted in my head every room I passed by until I reached room 210. Tumigil ako sa harapan ng pinto at halos bumagal ang paghinga ko nang makita ko ang mukha ni Dian.

There was a small glass window in the door. Mukhang nakalimutang ibaba ang kurtina mula sa loob at magagawa ko pa ring maanig siya mula rito sa labas. She's sleeping on her little, hospital crib bed. There was a tube on her nose where the oxygen might enter. Bakas rin ang pag-iiba ng kulay ng balat niya. She looks pale, but her lips remained reddish. May mga marka rin ng syringe ang iba't ibang bahagi ng braso niya.

I grabbed the handle of the door. Balak ko na sanang buksan iyon nang bigla nalang iyong kusang umawang. Sumalubong sa akin ang hindi maipintang mukha ni Manang Liz.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang sobrang matamlay. She has dark circles beneath her eyes. Sabog ang buhok niya at nangangayat na ang pangangatawan.

"M-Manang Liz? Anong nangyari sa inyo?" Nanginig ang boses ko. Umangat ang pagod niyang tingin sa akin at parang doon na lamang natauhan. She shut the door behind her and pulled me on the side. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha.

"Aria! Naku po... K-Kamusta ka? Saan ka nakatira ngayon? Nakakakain ka ba ng maayos? Naku! Sobra akong nag-alala sayong bata ka!" She pulled me for a hug. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko at mariing napapikit. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Ayos lang po ako, manang... Ano po ba ang nangyari? Please, tell me everything..."

Kumalas siya sa akin bago napahinga ng malalim. Napasapo siya sa noo niya at bahagyang nanghina. Sumandal siya sa pader bago nagsalita.

"Did you... Did y-you..." Napalunok ako. Ang sabi ni mama siya ang naglagay kay Dian sa higaan sa maling paraan... "Manang, did you..."

Umiling-iling siya.

"H-Hindi ko alam, Aria... Ang pagkakalagay ko kay Dian sa higaan niya ay maayos naman... Pero pumasok si madam sa nursery at hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos... Lumabas nalang siya nang wala ng malay si Dian sa mga braso niya. At nandun na rin si Sir pagkadating ko, bigla nalang akong dinuro at s-sinabihan na i-ipapakulong daw ako..."

Napasinghap ako. I don't know what exactly happened... But I'm sure in one thing. Sa tagal ng pagiging nurse ni manang kay Dian, she couldn't possibly be wrong in placing her down on the bed. She loves her too. Kaya imposible ang sinasabi ni mama tungkol sa pagkakalagay niya... At kung totoo man, bakit nandito pa rin hanggang ngayon si manang? They could've fire her... or do what my father told her.

"Nak, umalis ka nalang kaya muna? Tutulungan kitang makapasok dito ulit kapag wala na si madam. H-Hindi pa sila kalmado hanggang ngayon... Sigurado akong ipabubuntungan ka lang ng galit kapag nakita ka--"

"Manang... gusto ko pong ayusin ito..." Mahina kong tugon sa kanya.

Mabilis siyang umiling at bumakas ang kaba sa mukha. "Alam mo bang nawalan ang negosyo niyo ng malaking investor dahil hindi nakabayad si Sir? May business meeting sana siyang pupuntahan at may ibibigay na malaking halaga sa investor kaso hindi natuloy dahil nangyari ito? Ilang araw na silang hindi nakapagtrabaho ng maayos... dahil wala ka. Walang may mag-aasikaso ng bahay at mga gawain ng mga kapatid mo, at kay Dian dito sa hospital. Napakadaming bayarin at utos ang doctor, Aria... Hindi na nila mapagbalanse ang mga oras nila..."

Napailing siya ulit at mas lalo humigpit pa ang hawak sa akin. "Kung ako sayo ay babalik nalang ako sa ibang araw--Madam!"

Dumapo ang gulat niyang mga mata sa likuran ko. Bago pa ako makalingon ay may humablot na sa braso ko. I heard a woman on the hallway shrieked as if someone pushed her. May ilang nagtakbuhan na sa daan papunta sa kanya.

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. I almost slammed on the floor if it weren't for Manang Liz grabbing my shoulder. I thought that was it when I heard her scream. Napatili ako nang may sumabot sa buhok ko.

"M-Madam!"

"Huwag kang makisali dito!"

Napasinghap ako. Si mama... nandito siya.

I immediately trembled on the floor. Ramdam ko ang pilit niyang paghila sa akin. Hindi na rin ako nakatayo pa dahil tuluyan nang bumaliktad ang katawan ko sa sahig. Ang dalawang kamay ko ay nakahawak na rin sa braso niyang humahablot sa akin. I felt my heart beating heavily in my chest.

"Kasalanan mo ito! At may mukha ka pang ihaharap sa amin pagkatapos ng lahat-lahat? I warned you, you wretched child! Ito ang problemang ibabagay mo sa amin?! We lost an important investor because of this! Because of you!"

"Mama! Bitawan niyo po si Ate..."

Mas lalo pa akong nanginig nang marinig ang boses ni Calli. Nagsilabasan na ang mga luha sa mga mata ko nang masilayan ang pagdaan ng mga paa sa harapan namin. They started making a circle as if my mother has finally an audience for this scene. Nakahawak sa akin si manang pero ramdam ko na anumang oras ay parang bibitawan na niya nalang rin ako dahil sa hiya at takot.

"Did I told you to come back? 'Di ba hindi pa?! Hindi ka marunong gumalang! Hindi ka marunong sumunod! Anong klase kang anak? Doon ka nalang sa kaibigan mong walang hiya rin! Nagsumbong ka pa talaga! The nerve of him attacking us last night... What price did you pay him for that, huh?"

"Ikaw ang nasa kwarto niya, mama!" Nagulat ako sa sariling sigaw, pero wala na akong pakialam. All I can think was this is too much... and I'm so much in pain right now. I raised my gaze up at her. "Ikaw ang kasama ni Dian! How... How could you blame me for all of this?"

"P-Paanong ako lang? Paanong ako nalang parati ang may k-kasalanan para sayo?" Ilang beses akong pumiyok. I want to grab something--to hold on something. But there's nothing around me now but a shame. Sumikip ang dibdib ko at tumayo para harapin siya.

Halos hindi maguhit ang mukha niyang nakatingin sa akin. There's shock, discuss, and disappointment written all over her face but I don't care anymore. Kailangan ko ng umalis dito bago pa man ako may magawa na hindi ko gugustuhing gawin.

"Huwag mong ibintang sa akin ang lahat ng ito dahil lang hindi mo kayang aminin sa sarili mo na kasalanan mo ito. Ikaw. Ikaw ang may kasalanan kung bakit na-ospital ang anak mo. Ikaw ang nagpabaya--"

Dumapo ang isa pang malakas na sampal sa pisngi ko. My lips were shaking when my head spun to the side. Marahas kong pinunasan ang bumagsak na mga luha ko dahil sa sampal niya bago naglakad ng mabilis papalayo. I pushed myself through the crowd, not minding their murmurs.

"Go ahead, then. Leave! Tignan natin kung saan ka pupulutin! Hindi ka na kailangan ni Dian! Hindi ka na namin kailangan!" Her screamed echoed in the hallway.

Mariin akong napapikit. Isang malaking kahihiyan na ang gagawin niya kung patuloy pa siyang magsisigaw diyan.

I take the stairs and went straight down. Wala na akong may pinansin pa kung hindi ang paglabas sa hospital. It's useless... Everything I came for here were useless.

"Ate!"

Hindi ko pinansin ang tawag ni Calli at tuluyang lumabas na ng pintuan. I stopped near the hospital's garden when I continued hearing her footsteps. Napahilamos ako ng mukha bago humarap sa kanya.

"Calli, please..."

“I'm on your side. I believe you, Ate." Pagpigil niya sa akin at tumigil na rin sa paglalakad. She's still on her school uniform. I have no idea on why she's here, ngayon na school hours pa sa school nila. But she's not supposed to hear and see all of that.

She took another towards me. "At hindi ako bulag sa mga nangyayari sayo. Bea... has always been focus on her own success and competition against you. You may not notice that, but she is, Ate… I hate her for it. For backstabbing you. I also hate mama and papa for treating you like this. Simula pa noon, wala na akong nakikita na pakikitungo nila sayo kung hindi puro galit nalang. They’ve always looked at you like you’re their biggest disappointment. I hate them for that. I hate this family.”

Umiwas siya ng tingin na para bang iniiwasang ipakita sa akin ang galit niya. I saw how her little hands balled and her tears surfaced on the side of her eyes. “They told me to be like mama… successful and intelligent. B-But, I want to be like you, Ate…” she shyly rubbed her eyes, removing her tears when they started to fall.

Malungkot ko siyang tinitigan. Hindi ko maipagkakaila ang gulat ko sa mga sinasabi niya ngayon, pero mas nagingibabaw ang saya ko. This is the first time Calli has been so open, both on her words and emotions. It’s overwhelming, at the same time heartbreaking to see her like this.

“I want to be s-strong… kagaya mo.” she sobbed. “But I’m not doing enough all the time…”

“Calli, huwag mong sabihin ‘yan…” I wiped her tears oh her cheeks. Lumuhod ako sa harapan niya. “You’re doing great, okay? Bata ka pa at marami ka pang pwedeng gawin… you can do better than me and I believe that…” I proudly smiled at her.

“And thank you… kasi nandito ka para kay Ate kahit na unti-unti na akong nawawala sa tabi niyo. But I promise I’ll fix this… Babalik ako sa bahay at ipagluluto ko ulit kayo ng ulam. I’ll woke you early up each morning again and force you to brush your teeth.” I slightly laughed.

She finally smiled at me while wiping her tears. Napaigtad pa ako nang bigla niya akong niyakap.

"Makukumpleto ulit ang ABCD?" she whispered hopefully.

Napatawa ako. ABCD was her hidden joke for us when we were kids, which each letter stands for our names. Aria, Beatrice, Calliope, and Dian. Hindi ko inaasahan na naaalala niya pa ito.

"Y-Yes... Of course, Calli." I couldn't hide my hesitation. Pero pinilit ko nalang ang sariling umasa ngayon. I'll continue to hope and pray that we will. But if we'll go back to what we were before... I'll also go back to the same, old treatment I've been tolerating. At sa ngayon, hindi ko alam kung gugustuhin ko pa ba iyon, lalo na ngayon na pabagsak na ako... sa school... sa lahat ng expectations... sa sarili...

I'm about to fail at everything, and the thought of my parents witnessing that scares me.

"B-But for now, kailangan ko munang umalis, ah? Kailangan muna nating pahupain ang gulo... At ang galit ni mama at papa sakin." Kumalas ako sa yakap niya.

Mabilis na kumunot ang noo niya. "I still don't understand why are they pointing fingers at you. Bakit ikaw, Ate? Wala ko doon... Wala kang kasalanan... You didn't do anything." She shook her head aggressively and confused.

"It's hard to understand, Calli... I'm supposed to be there but I'm not. Nagtagal ako at nakalimutan ko ang responsibilidad ko sa inyo. I had a part of the fault... because I should be the one looking after Dian at night..." I explained to her. Hindi ako sigurado kung naiintindihan ba niya, but I hope she'll understand sooner.

"But, Ate..."

Umiling na ako. "It's okay."

I kissed her forehead before standing up. Binitawan ko na rin ang mga kamay niya at unti-unti nang humakbang papalayo. Umangat ang tingin ko sa langit.

"Bumalik ka na sa loob. Mukhang uulan na, Calli. Remember what I always remind you to do... Y-Your assignments, your clothes..." Mapakla akong ngumiti at hindi na nagawang dugtungan pa ang mga sasabihin. "Basta lahat. Take care, okay? Look after Dian for me..."

Masunurin siyang tumango. But her eyes still long for something, her face too sensitive and observant. Umiwas nalang siya ng tingin at hindi na muli akong pinasadahan pa ng tingin bago tumakbo papalayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng building. I heaved a deep breath before stepping away as well.

"Babalik ako..." I whispered, convincing myself that I will for her. Only for Calli this time.

---

I cried under the rain.

Wala na akong pera bilang pamasahe pabalik sa apartment building. I had no choice but to walk my way to it. Pero sa paglalakad ko ay tuluyan nang bumuhos ang ulan at nabasa pa ako. Sumilong ako sa isang shelter at doon hindi ko na napigilan pa ang sariling emosyon.

I cried and cried. I don't know how to stop. I don't even know if I can right now.

Nang bahagyang humupa ang ulan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. I don't care if I'm crying while walking. Alam kong pinagtitingin na rin ako ng mga nadadaanan ko pero hindi ko na iyon inaalala pa. I just wanted to go back and regret everything that had happened.

I tiredly went inside the building. I was about to get inside the elevator when someone grabbed my arm. Halos sumalampak ako sa dibdib ng kung sino man ang humila sa akin. It's like my cue that my body was about to give up completely.

"Aria? What happened to you?"

Napaungol ako sa sakit ng katawan. Lumabas ako sa hawak niya at hindi siya pinansin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi na naman siya pumasok?

"Wait... What happened to you, Aria? Nanginginig ka... I'll take to your floor--"

"I'm fine, Ashen. Please... Huwag ngayon." Umiling-iling ako sa kanya. "Hindi ko talagang makausap ka ngayon. I'm too tired... I want to rest. Is that okay?"

He stepped away, stunned. His jaw clenched before nodding. Inayos niya ang strap ng guitar bag niya sa balikat at ang bitbit niyang camera. I almost thought he looked scared for a moment. "Do you want me to walk away?" Tanong niya.

Mahina akong tumango.

"Okay... Okay." He murmured underneath his breath, nodding to himself as if holding back something then looked sideways. Hindi na niya ako magawang tignan pa.

"If you'll even need me... Alam mo na kung saan ako hahanapin, 'di ba? It's either I'm in bar near your friend's apartment building. Or I'm in the street at McDonald's..." A warm smile appeared on his face. "And I'm still expecting you... in my every performance. Always will."

Pinilit kong ngumiti pabalik sa kanya. "Thanks, Ashen. And I'm sorry... again."

Binaba niya ang camera niya, as if he just lost the desire to capture anything again. Ganun din ang ginawa niya sa gitara niya. He pushed the guitar on his back and let hang there improperly. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napasinghap ako nang pinulupot niya ang braso sa katawan ko. He seemed not to mind my wet clothes. Tumigil ako sa panlalamig nang maramdaman ang init ng katawan niya.

He smiled before letting me go and taking a step back.

"It's okay. We'll only talk about it when you're ready, okay?" he murmured then turned away, leaving me in the cold aching for another embrace he just gave me.

***

-kimsyzygy

Continue Reading

You'll Also Like

105K 897 5
Kilala mo ba sila? Narinig mo na ba silang kumanta? Nakita mo na ba ang kanilang mga mukha? Napatigil ka ba nang marinig mo ang mga tinig nila? Halin...
32.3K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
284K 3.8K 44
Disclaimer: This is the unedited version. The printed version is/will be 60% edited and revised. **The Life Of A Secret Agent II** Retired Mafia Em...
208K 3.5K 11
She's not a vampire but she's fast and strong. Not a werewolf but sometimes acts as one. Not a witch but has powers nor a ghost but can disappear fro...