All Too Well

By Peinstories

1.1K 154 18

There are two different kinds of love, the first one is, you are loved voluntarily and the second and the mo... More

Disclaimer
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67

42

15 2 0
By Peinstories

"I'm not hungry. Please, leave. I want to be alone."

Tatlong araw na simula nang magising na siya at ang tanging sinasabi niya lang ay busog siya o 'di kaya ay wala siyang ganang kumain.

She looks fine but her eyes won't lie. I knew her very well and seeing her now makes my knees weak but I have to be strong for her.

Hindi pa siya nakakaalala ngayon. Hindi naman alam ng pamilya at kaibigan namin na magkasama kami dahil ang alam nila ay nasa trabaho ako, habang si Shaneia naman ay wala parin silang balita.

Simula kasi nang iwanan niya ako, hindi na rin siya nag abalang magpaalam sa mga magulang niya at kahit sa mga kaibigan namin.

Pakiramdam ko ay napaka-selfish niya dahil sa ginawa niyang desisyon pero hindi ko siya masisisi. It's her choice and she can do what she want.. even if it hurts me like hell.

"Please, kahit kaunti lang. Kain ka na kahit konti lang," mahinahon kong pakiusap sa kaniya. Hawak ko ang lugaw na dinala rito ng food server at kutsara na may laman ng lugaw.

"Sinabi nang ayaw ko nga, e!"

My eyes widened when she pushed me, causing the bowl of porridge to be thrown on the floor. Others were thrown on my clothes and I could feel the heat of the porridge. It wasn't too hot but I felt a little pain but I didn't care.

Natigilan siya at mukhang narealize niya ang kaniyang ginawa. Ayoko siyang mag alala kaya naman maliit akong ngumiti para iparating na ayos lang.

"Sorry, lilinisin ko na lang," nakangiting sabi ko bago magtungo sa comfort room para kumuha ng basahan roon.

Ako nalang ang maglilinis dahil kasalanan ko naman kung bakit natapon. Sayang lang at hindi nakain ni Shaneia.

Binasa ko ang basahan at pinigang mabuti para hindi siya madulas kung sakaling tatayo siya.

Ayokong sisihin niya ang sarili niya dahil roon dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Pinilit ko siyang kumain, kaya naman nainis siya sa 'kin at hindi ko nahawakang mabuti ang mangkok.

Nang bumalik ako roon, malungkot siyang nakatingin sa kung saan at para bang malamim ang iniisip. Hinayaan ko lang siya roon at tahimik na nilinis nalang ang natapon na lugaw.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok roon bago buksan ang pintuan at iniluwa ang isang babaeng mukhang magilinis na ng kwarto. Nagpatuloy parin ako sa paglilinis dahil nakkakahiya naman kung siya pa ang maglilinis, samantalang ako naman ang nakatapon ng lugaw.

"Naku, Sir, ako na po riyan.  Maupo nalang po kayo." Agad na lumapit sa 'kin ang babae pero hindi ako umalis at nagpatuloy lang ako sa paglilinis dahil namumutawi parin ang hiya dahil sa pagkakalat ko.

"Hindi na, kaya ko na, Miss," Sagot ko roon sa babae pero hindi siya nagpatinag at binasa ang map bago magkuskos ng sahig. 

Agad akong napaurong sa isang tabi nang inuna niyang kuskusin ang natapon na lugaw. Nahihiya akong napgasalamat sa kaniya bago tumayo at dalhin ang basahan na medyo may lugaw para kuskusin iyon at hugasan ang basahan. 

Napabuntong hininga ako bago ilagay sa pinagkuhanan ko ang basahan bago lumabas ng banyo. Napansin kong tapos na maglinis roon ang janitress kaya naman tinignan ko si Shaneia at nakitang walang emosyon siyang nakatingin sa kung saan. 

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero ngayon ko lang ulit nakitang wala siyang emosyon sa kaniyang mukha. Huling beses kong nakita ang emosyon niyang iyon nang hilingin ko sa kaniya na umuwi siya sa bahay namin. 

I've never thought na makikita ko siyang ganoon. Nasanay kasi ako na tahimik siya at palangiti. Maldita man minsan pero hindi naman gaano. 

Mas gumaganda siya kapag nagmamaldita. 

Bumalik lang ako sa huwisyo nang may narinig akong parang nahulog at wala sa sarili akong nagbaba ng tingin at nakitang nahulog ang cellphone ni Shaneia mula sa side table ng kama niya. 

Lumuhod ako at yumuko para pulutin iyon pero hindi sinasadyang dumaplis ang kamay ng janitress sa 'kin, dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nagtama ang paningin namin nang mapatingin siya sa 'kin pero bago ko pa man maiiwas ang kamay ko, narinig ko ang pagtikhim ng sino man. 

Kinuha ko ang cellphone bago umayos ng pagkakatayo. Naglahad rin ako ng kamay sa janitress para tulungan siya sa pagtayo pero hindi niya iyon tinanggap at nakangiting tumayo bago magpagpag ng kaniyang pants na suot.

"Tapos na ba kayo maglandian?"

Natigilan ako at napalingon sa nagsalita. Walang emosyon siyang nakatingin sa 'kin na para bang may nagawa akong masama.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago umirap at tumingin sa kung saan.

Napatingin ulit ako sa janitress at alanganin na ngumiti sa kaniya. Napaisip ako kung bakit parang galit sa 'kin si Shaneia, samantalang wala naman akong  ginagawang masama. 

Masama bang pulutin ko ang phone niya? Ibibigay ko naman agad sa kaniya. Hindi ko bubuksan kung 'yon ang inaalala niya. Pinulot ko lang naman, masama ba 'yon?

"Lalabas na po ako, Sir. Tapos na po akong maglinis," magalang na paalam ng babae. Tumango lang ako bago magpasalamat sa paglilinis niya kahit trabaho niya naman iyon. 

Para sa 'kin, hindi naman porket trabaho ng mga janitress ay hindi na natin sila pasasalamatan sa kanilang paglilinis. There are times na they are tired from their job but they still can managed to smile. Lahat naman talaga ng trabaho nakakapagod pero kung gusto mo naman ang ginagawa mo, worth it ang lahat. 

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto, naupo ako sa monoblock na nakalagay sa gilid ng kama ni Shaneia bago muling tignan siya. 

Bakas sa kaniyang mukha ang pagka irita at nakakunot pa ang kaniyang noo. Para bang may kagalit siya kaya nakabusangot ang kaniyang mukha, pero kahit ganoon ay maganda parin naman siya.

"Psst. Simang." Pinigilan kong matawa nang hindi niya parin ako tinitignan. Mas kumunot ang noo niya na para bang mas nainis sa pagtawag ko sa kaniya. "Simang, pansinin mo naman ako." 

Kinulit ko siya ng kinulit, kaya naman halatang halata na gusto niya nang manakit. Para bang inis na inis siya sa boses ko lalo pa at tinatawag ko siyang 'simang'.

"Ang kulit mo, ah! Inaano ba kita?" iritable siyang hinarap ako at halos matulala ako nang mapagmasdan ang mataray ngunit maganda niyang mukha.

"Ito namang si simang. Hindi mabiro."

Mas lalong dumilim ang mukha niya at mukhang handa ng manakit. Sa itsura niya palang, alam kong hindi siya natutuwa pero dahil may sapak ako, mas lalo akong nagpursigi na inisin siya.

"Simang? Hindi ako si simang!"

"Ikaw kaya si simang. Palayaw mo nga 'yon, e!"

"Natasha ang pangalan ko, hindi simang!"

"E 'di, Natasha Shaneia 'Simang' Mendez full name mo?"

"Gago ka ba!?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at natawa ako dahil mukhang galit na galit na siya at paubos na ang pasensya niya.

"Kung sabihin kong, oo? May magagawa ka ba?," nakangising tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakatiis at pinaghahampas na ako sa aking braso. Tawa lang ako ng tawa habang hinahampas niya ako.

"Nagagawa mo pang tumawa! Gunggong ka!"

Mas natawa ako at wala sa sariling napahawak pa sa aking tyan gamit ang isa kong kamay. Tawa lang ako ng tawa habang siya naman ay patuloy lang sa paghampas sa 'kin. 

Sa nakalipas na sampung taon, ngayon nalang ulit ako nakatawa ng ganito. Akala ko, imposible nang maging masaya ako. Akala ko, wala nang dahilan para maging masaya ako nang hindi pilit. 

Siya parin pala ang magiging dahilan ng lahat. Siya parin talaga. 

Nang mapagod siya sa paghampas, kusa akong napatigil sa pagtawa ko. Seryoso na akong nakatingin sa kaniya. Tinitigan kong mabuti ang kaniyang mukha na animong makakalimutan ko iyon kapag iniiwas ko ang aking tingin sa kaniya. 

"Attorney. May problema ba?" Bakas sa kaniyang tinig ang pag aalala dahil sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya. 

Maliit akong ngumiti at akmang aabutin ang kaniyang kamay nang matauhan ako na hindi na pwede. Hindi ko na pwedeng hawakan ang kamay niya gaya noon. Hindi na pwede dahil may iba na siya at hindi niya pa ako naaalala. Ex niya na ako  ngayon. Parte nalang ng nakaraan niya.

Napapikit ako ng mariin at tahimik na pinapagalitan ang sarili ko dahil kung ano ano ang nasa isip ko.

 Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto kong makita ang ngiti at bawat pagtawa niya na ako ang dahilan. Gusto kong bawiin siya. Gusto kong agawin siya, pero lahat 'yon hindi pwede. Lahat bawal na. May limitasyon na at kailangan kong pigilan ang sarili ko na mahulog na naman sa kaniya.  

May iba na siya. Iniwan niya ako noon para sa pangarap niya. Sinaktan niya ako noon at hindi malabong maulit na naman iyon ngayon. Kayang kaya niya akong saktan at durugin ulit dahil ganoon naman niya ako sinaktan noon. 

"Ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo? Gutom ka na ba? Masakit ba mga hampas ko sa 'yo?," sunod sunod na tanong niya sa 'kin pero hindi ako sumagot. Ni hindi ako nagmulat ng aking mga mata dahil napuno na naman ng takot ang buong pagkatao ko. 

Takot na may maramdaman na naman ako gaya ng dati para sa kaniya. 

"Yeah, I'm fine. Ikaw ba, ayos ka lang ba?" 

Nagmulat ako ng mata at bakas sa kaniyang mga mata ang pag aalala pero ayokong mag assume. Hindi siya nag aalala dahil mahal niya ako, nag aalala siya dahil ibang tao ako sa isip niya. 

Kahit maalala mo ako bilang ex, Shaneia.. ayos lang sa 'kin. Kahit 'wag mo na akong mahalin ulit, alalahanin mo lang ako kahit bilang parte ng nakaraan mo. 

I felt my heart clenched while I'm looking at her. 

Noon, akala ko hindi ko na siya makikita ulit. Her features, I almost saw her everyday. Kahit sa panag inip ko nalang siya nakikita, masaya na ako. 

Pero ang isipin na iniwan niya ako nang hindi manlang ako binibigyan ng kahit anong rason kung bakit niya ako iiwanan, masakit.. sobrang sakit para sa 'kin. 

12 years. Labindalawang taon kaming magkasama sa lahat. Nasanay na kami na lagi kaming magkasama sa lahat ng ginagawa namin. Nasanay na kami sa presensya ng isa't isa, pero sa kabila ng lahat.. nagawa niya parin akong iwan.

Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong ipamukha sa kaniya na naging miserable ako simula nang iwanan niya ako. Gusto kong magalit, mainis, magwala, pero ayokong matrigger siya. Ayokong masaktan siya. Ayokong makita siyang umiiyak dahil mas nadudurog ako. 

Ayokong masaktan siya dahil sa 'kin. Ikakamatay ko. Her cries will be my greatest downfall. Baka ako pa ang magmakaawa sa kaniya na 'wag siyang umiyak at patawarin ako sa lahat ng nagawa ko dahil may kasalanan rin naman ako. 

Hindi ko kailanman inisip na isisi sa kaniya ang lahat dahil inaamin ko naman na may pagkakamali rin ako. We are both red flag. Walang kampihan na dapat mangyari dahil kahit mga kaibigan namin, wala namang kinampihan sa 'ming dalawa. That's the childish thing to do.

"Y-Yeah, masakit lang 'to."

Natigilan ako nang ituro niya ang kaniyang sentido at ang kaniyang dibdib, kung nasaang banda ang kaniyang puso. Malamlam ang kaniyang mga mata at bakas roon ang sakit na kaniyang nararamdaman.

"Hindi ko itatanong kung bakit, pero gusto kong malaman mo na kung ano man ang pinagdadaanan mo.. nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan," puno ng sinsero na pagkakasabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya ng tipid bago tumango.

"T-Thank you."

That smile. I missed that smile of her. I love seeing her smile. 

Gusto kong araw araw makita ang bawat pagngiti niya na ako ang dahilan pero alam kong hindi na pwede. Bawal na. Limitado na lahat. 

"No problem," I replied.  

While I'm looking at her, I felt I'm at peace. I can smile, laughed and more emotions. 

Pakiramdam ko, hindi ko kailangan magpanggap at itago ang totoong nararamdaman ko kapag siya ang kasama ko. Iba siya sa lahat.

Akala ko hindi na ako naniniwala sa pagmamahal. Simula kasi nang iwanan niya ako, naging manhid ako.

Naging mapaglaro ako at nagkaroon pa ako ng mga fuck buddies dahil para sa 'kin, hindi ko na kayang magmahal kung hindi rin lang naman siya.

Kung hindi siya ang mamahalin ko, ang dahilan ng mga ngiti ko, ang bawat pag iyak ko.. 'wag nalang. Mas gusto kong tumandang mag isa kung hindi rin lang naman siya ang kasama ko sa pagtanda.

Handa na ba ulit ako? Handa na ba akong masaktan ulit kung sakaling iwanan niya na naman ako?

Hindi ko alam. Hindi ko pa alam, pero ang masasabi ko lang ngayon... masaya ako kapag kasama ko siya.

Continue Reading

You'll Also Like

9.6M 629K 75
An Arranged Marriage Story. #1 Hot (17-11-23) #1 Happyending (17-11-23) #2 Shy (13-11-23) #3 Cold hearted (27- 10- 23) POWER!!!!! That's what he alwa...
3.1M 201K 90
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
267K 32.2K 24
People meet by accident, People fall in love by accident, But people surely don't become someone's baby daddy accidentally, or do they? What started...
1.1M 14.5K 52
NOT EDITED YET Gracie Owen's a headstrong journalist major rooms with her childhood best friend JJ Anderson for junior year, little does she know she...