21

13 2 0
                                    

Maya maya pa, bumalik na si Harvey. May kasama syang isang nurse na lalaki na may dalang wheel chair.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Harvey sa backseat at naka stand by naman nurse at inayos na ang wheel chair.

Bumaba na si Mariz at Aljaine bago pumihit sa pwesto ko para tulungan ako. Inalalayan ako ng nurse na lalaki at maingat akong pinaupo sa wheel chair. Maingat na itinulak ng nurse ang wheel chair papasok sa loob ng ospital.

Naramdaman ko namang sumunod silang tatlo. Lumiko kami papasok sa emergency area at tumigil kami sa isang empty na kama.

Maingat akong inalalayan ng nurse at inihiga ako sa kama. Natanaw ko agad si Harvey, Aljaine at Mariz na papasok na sa emergency area.

May lumapit na isang babaeng doktor na tingin ko ay bata pa. Siguro ay nasa 20's pa ang babae.

"What happened, Ma'am?", marahang tanong nya nang makalapit na sya sa gilid ng kama ko.

"Dinugo po sya, doc."

Si Mariz ang sumagot sa tanong ng doktor. Lumipat ang tingin sa kanya ng doktora at silang tatlo ang kinausap.

Habang nakatingin ako sa kanila, para bang unti unting nanlalabo ang paningin ko. Nanliit ang paningin ko habang pilit silang tinatanaw.

And moments later, everything went black.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na bakatulog per nagising nalang ako nang may marinig akong pamilyar na tinig. Hindi ako makapaniwala pero hindi rin akong pwedeng magkamali. Sya iyon.

Bakit sya narito?

Nakaharang ang kurtina ng ospital kaya hindi ko makumpirma kung tama ba ang pagkakarinig ko o guni guni ko lamang iyon.

I heard the word 'baby', so I held my palm on top of my tummy trying to feel if the baby was fine.

Alam ko naman na hindi ko pa gaanong makakaramdam ang anak ko na nasa sinapupunan ko palang dahil 8 weeks palang naman sya. Malabo pang makita sa ultrasound at maramdaman na sumisipa sa tyan ko.

I'll just wait for that time.

Nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng pagsinghap. Siguro dahil sa gulat, pero bakit sila magugulat? Anong nakakagulat?

"Let's just wait for her to wake up. I'm sure she'll be shocked.", rinig kong sabi ni Harvey.

"I don't think dapat natin syang biglain. Paunti unti lang muna natin ipaintindi sa kanya na ganon ang nangyari sa kanya. Stress na stress na sya dahil kay Anthony. He's not fucking helping", gigil na sabi naman ni Mariz.

"Calm down, Riz. Hindi makakatulong sa sitwasyon kung pangungunahan tayo ng galit. It's not helping the situation. We should remain calm", pagpapakalma naman ni Aljaine kay Mariz.

Nagtataka na ako at naguguluhan sa sinasabi nila. Ano bang pinag uusapan nila? Bakit galit si Mariz? Kanino sya galit?

"Do you think kakalma pa sya kapag nalaman nya ang nangyari sa baby nya, ha? I don't think so. Kaya ko nga rito pinapunta si Grant para makastigo nya si Anthony. Hindi na normal ang pag iisip ng kaibigan natin. Kita naman natin na humahalik na ng ibang babae. Dati nandidiri pa sya at laging iniisip ang nararamdaman ni Shaneia, ngayon para bang wala na syang pakielam.", mahabang litanya ni Harvey. Wait, tama ba ang narinig ko? Narito si Grant at ano? Kakastiguhin nya si AJ? What does Harvey mean?

Nakinig lang ako sa usapan nila hanggang sa hawiin nila ang kurtina na nagtatakip sa'kin. Nanlaki ang mata nila nang makita akong nakaupo sa kama habang puno ng pagtataka na nakatingin sa kanila.

All Too WellWhere stories live. Discover now