28

10 2 0
                                    

"I'm sorry if I have to do this. I'm sorry if I have to leave you. Hindi ko naman talaga gustong iwan ka, pero kailangan lang talaga. I need to sacrifice for all of us.", mahinang bulong nya. Napabuntong hininga pa sya bago ko maramdaman ang kamay nyang nakahawak na ngayon sa pisngi ko.

Alam kong umiiyak sya ngayon kahit pa nakapikit ako at nagtutulog tulugan para lang hindi makita ang pag alis niya. Kahit magkunwari akong tulog, nasasaktan pa rin ako.

"Mahal na mahal kita, Anthony. Hindi ko maipapangako na babalik ako, pero susubukan ko para sa'yo. Please, don't be inlove with someone else. Wait for me, baby. Mahal na mahal na mahal kita, Anthony Jae Loriette. Ikaw lang"

She kissed my lips before I felt that she stood up and left the tent. Doon lang ako nagmulat ng mata. Nakatingin ako kung saan sya nakahiga kanina. Hinawakan ko iyon at pinakiramdaman na yakap yakap ko sya kahit alam kong imposible.

It made my heart more weak. Nang isama ko sya sa pabalik sa bahay, alam kong kahit imposible ay umasa parin akong magbabago ang isip niya. Baka maisip niyang hindi niya kaya nang wala ako.

Pero sa pagbabakasali ko, nasaktan pa rin ako. Umalis pa rin sya. Iniwan niya parin ako.

Naupo ako at isinubsob ko ang mukha ko sa aking tuhod. Doon ako umiyak ng umiyak dahil pakiramdam ko kapag hindi ko inilabas ang totoo kong nararamdaman, baka maipon lang sa loob ko at mas sumakit lang lalo.

Matinding pag iyak ang ginawa ko hanggang sa maisip kong baka nariyan pa si Shaneia sa labas. Baka hinihintay nya lang ako. Baka hindi na sya umalis pa.

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo bago lumabas ng tent, umaasang maabutan ko sya. Pero kahit anino nya, hindi ko makita. Walang Shaneia. Umalis na talaga sya.

Nanghihina ang tuhod ko na naglakad palapit sa dagat. Naupo ako sa mabatong upuan roon at pinagmasdan ang tahimik na dagat. Napabuntong hininga ako at ramdam ko ang bigat roon. Hindi pa rin nawawala.

"Ahh!", sumigaw ako hanggang sa hindi ko na mapigilan ang matinding sakit sa puso ko. Hindi ko na kayang kimkimin. Hindi ko kayang tiisin. Masakit na talaga.

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa napahagulgol na 'ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Mapait akong ngumiti hanggang sa mapapikit ako dahil sa sakit na patuloy kong nararamdaman.

Hindi nababawasan. Hindi manlang naaalis ang sakit kahit pa umiyak ako ng umiyak. Ano bang kailangan ko para mabawasan manlang ang sakit? Kahit mabawasan nalang, kahit 'wag na mawala.

Iniwan niya na ako.

I bitterly smiled when I open my eyes and I saw the moon in the sky. 

From now on, I hate moon. I hate the nights. I hate what we used to liked.

Hindi na ako nakatulog ng oras na iyon dahil nawalan na ako ng gana. Makakatulog pa ba ako sa lagay na 'to?

When the sunrise, inayos ko na ang tent at ipinasok sa loob ng compartment. Wala akong gana sa lahat ng ginagawa ko. Nang maipasok ko na ang tent sa loob ng sasakyan ko, muli kong pinagmasdan ang lugar. 

The place where she said yes. Itong lugar na ito kung saan ko sya mas nakilala. Itong lugar kung saan kami mas nagkakilala.. at ang lugar kung saan nya ako iniwan. Dito sa lugar na 'to nangyari ang lahat ng espesyal na bagay tungkol sa'min. At ito rin ang lugar na hindi ko na muling pupuntahan. Hindi ko na ito tatanawin dahil dito sa lugar na ito, dito nya rin ako binigyan ng masakit na alaala.

Kakalimutan na kita. 

Hindi rin nagtagal at napagdesisyunan ko nang umuwi. Ni wala akong maramdaman. Ni hindi ko alam kung ano  bang tumatakbo sa isip ko. Pakiramdam ko gusto ko nalang matulog at magpahinga dahil pagod na pagod ako.. 'yon ang nararamdaman ko. 

All Too WellWhere stories live. Discover now