42

15 2 0
                                    

"I'm not hungry. Please, leave. I want to be alone."

Tatlong araw na simula nang magising na siya at ang tanging sinasabi niya lang ay busog siya o 'di kaya ay wala siyang ganang kumain.

She looks fine but her eyes won't lie. I knew her very well and seeing her now makes my knees weak but I have to be strong for her.

Hindi pa siya nakakaalala ngayon. Hindi naman alam ng pamilya at kaibigan namin na magkasama kami dahil ang alam nila ay nasa trabaho ako, habang si Shaneia naman ay wala parin silang balita.

Simula kasi nang iwanan niya ako, hindi na rin siya nag abalang magpaalam sa mga magulang niya at kahit sa mga kaibigan namin.

Pakiramdam ko ay napaka-selfish niya dahil sa ginawa niyang desisyon pero hindi ko siya masisisi. It's her choice and she can do what she want.. even if it hurts me like hell.

"Please, kahit kaunti lang. Kain ka na kahit konti lang," mahinahon kong pakiusap sa kaniya. Hawak ko ang lugaw na dinala rito ng food server at kutsara na may laman ng lugaw.

"Sinabi nang ayaw ko nga, e!"

My eyes widened when she pushed me, causing the bowl of porridge to be thrown on the floor. Others were thrown on my clothes and I could feel the heat of the porridge. It wasn't too hot but I felt a little pain but I didn't care.

Natigilan siya at mukhang narealize niya ang kaniyang ginawa. Ayoko siyang mag alala kaya naman maliit akong ngumiti para iparating na ayos lang.

"Sorry, lilinisin ko na lang," nakangiting sabi ko bago magtungo sa comfort room para kumuha ng basahan roon.

Ako nalang ang maglilinis dahil kasalanan ko naman kung bakit natapon. Sayang lang at hindi nakain ni Shaneia.

Binasa ko ang basahan at pinigang mabuti para hindi siya madulas kung sakaling tatayo siya.

Ayokong sisihin niya ang sarili niya dahil roon dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Pinilit ko siyang kumain, kaya naman nainis siya sa 'kin at hindi ko nahawakang mabuti ang mangkok.

Nang bumalik ako roon, malungkot siyang nakatingin sa kung saan at para bang malamim ang iniisip. Hinayaan ko lang siya roon at tahimik na nilinis nalang ang natapon na lugaw.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok roon bago buksan ang pintuan at iniluwa ang isang babaeng mukhang magilinis na ng kwarto. Nagpatuloy parin ako sa paglilinis dahil nakkakahiya naman kung siya pa ang maglilinis, samantalang ako naman ang nakatapon ng lugaw.

"Naku, Sir, ako na po riyan.  Maupo nalang po kayo." Agad na lumapit sa 'kin ang babae pero hindi ako umalis at nagpatuloy lang ako sa paglilinis dahil namumutawi parin ang hiya dahil sa pagkakalat ko.

"Hindi na, kaya ko na, Miss," Sagot ko roon sa babae pero hindi siya nagpatinag at binasa ang map bago magkuskos ng sahig. 

Agad akong napaurong sa isang tabi nang inuna niyang kuskusin ang natapon na lugaw. Nahihiya akong napgasalamat sa kaniya bago tumayo at dalhin ang basahan na medyo may lugaw para kuskusin iyon at hugasan ang basahan. 

Napabuntong hininga ako bago ilagay sa pinagkuhanan ko ang basahan bago lumabas ng banyo. Napansin kong tapos na maglinis roon ang janitress kaya naman tinignan ko si Shaneia at nakitang walang emosyon siyang nakatingin sa kung saan. 

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero ngayon ko lang ulit nakitang wala siyang emosyon sa kaniyang mukha. Huling beses kong nakita ang emosyon niyang iyon nang hilingin ko sa kaniya na umuwi siya sa bahay namin. 

I've never thought na makikita ko siyang ganoon. Nasanay kasi ako na tahimik siya at palangiti. Maldita man minsan pero hindi naman gaano. 

Mas gumaganda siya kapag nagmamaldita. 

All Too WellWhere stories live. Discover now