13

10 1 0
                                    

"You are 8 weeks pregnant, Ms. Mendez", anunsyo ng doctor nang matapos nyang makita nya sa screen ang litrato ng tyan ko. 

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong pinagbagsakan ng langit ang lupa sa sinabi ng doktor. Hindi ko alam kung paano ipapaiwanag ang magkahalong saya at kaba na may nabubuhay sa sinapupunan ko. 

8 weeks pregnant.

8 weeks pregnant.

8 weeks pregnant.

Nangingilid ang luha sa mga mata ko habang nagpapaulit ulit sa tainga ko ang nalaman ko. Buntis ako at sigurado akong si AJ ang ama ng anak ko. 

Hindi ko mapigilang mapaluha at dalhin ang aking palad sa tyan ko. Hinaplos ko iyon at bagama't maliit pa naman iyon, pinakiramdaman ko parin ang nabubuhay sa sinapupunan ko.

Hindi ko alam kung normal bang maging emosyonal ako pero hayaan na muna nila ako.

"Doc , normal po bang maging emosyonal ang mga buntis?", tanong ni Danica. Mabuti nalang ay nagtanong sya dahil wala akong balak itanong pa iyon.

Matamis na ngumiti ang doktora bago tumango.

"Oo naman! Lahat ng buntis nagiging emosyonal. Mabilis magbago ng mood at paiba iba ng cravings.", sagot naman ng doktora.

Humalukipkip si Danica sa kanyang inuupuan habang nakamasid sa'kin, pinapanood ako habang umiiyak.

"That makes sense.",komento naman ni Danica.

Bumangon na ako bago umayos ng pagkakaupo. Inalalayan naman ako ng doktor bago hinagod ang likod ko.

"Normal po ba talagang maging iyakin?", inosenteng tanong ko.

"Oo naman! Karamihan ng mga buntis na nagpapa konsulta sa'kin rito ay umiiyak. That's normal, Ms. Mendez.", tugon ng doktor.

"So, lagi akong iiyak tapos mag iiba iba ng cravings? Baka po mahirapan ako nyan", nangunot naman ang noo nya.

"Bakit? Nasaan ba ang ama ng dinadala mo? Bakit si Danica ang kasama mo at hindi si Danica?"

Natigilan ako at nag isip ng pwedeng sabihin. Ayoko namang maging masama ang tingin nila kay AJ.

Tumikhim si Danica kaya hindi na ako sumagot pa. Tumayo sya at lumapit sa'kin. Naglahad sya ng kamay sa'kin bago ako marahan na inalalayan para tumayo.

"Busy sya doc e. May mga inaasikaso kaya sa'kin muna pinakisuyo si Shaneia.", seryosong pagpapaliwanag ni Danica sa doktor.

"Oh! That makes sense pero diba dapat girlfriend nya muna inuuna nya bago ang iba?", napalunok ako at hindi makatingin sa doktor. Para bang sa isang iglap, naalala ko yung iniisip ko kanina.  "Anyways, kailangan mga healthy ang kainin mo  Shaneia para sa baby. Para paglabas ng baby, heathy sya. Drink milk, 'wag kape. Tsaka hindi pwede ang liquor at mga junk foods. Maselan ang pagbubuntis mo hija. Hindi ka dapat mastress dahil makakasama sa baby."

Tama naman ang doktora pero hindi naman alam ni AJ na buntis ako for pete's sake!

Hindi nalang ako nagsalita. Baka kapag nagsalita pa ako, maiyak nalang ako bigla. Hindi ko alam kung macocontain ko pa ba ang emosyon ko o dahil buntis ako, mas lalo lang magkukusang lumabas ang emosyon ko. 

Nang maramdaman kong magsimula na namang manubig ang mga mata ko, hinatak ko na ang braso ni Danica. Napalingon naman sya sa'kin bago bumaling sa doktora. 

"Sige na, doc. Salamat ng marami", aniya sa doktora. Ngumiti naman ang babaeng doktor bago tapikin ang balikat ko. 

"You're welcome.", sagot nya kay Danica bago bumaling sa'kin. "Take care of your baby, okay? Dapat sa susunod kasama mo na yung Daddy ng baby, ah?", marahang aniya. Ngumiti nalang ako ng tipid kahit hindi naman ako sigurado kung hanggang kailan ba magiging busy si AJ.

All Too WellWhere stories live. Discover now