14

9 1 0
                                    

Hindi ko namalayan na nahimatay pala ako at nagising nalang ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako?

Nang subukan kong tumayo, agad may pumigil sa'kin. Si Tita Rhea pala iyon. Mabuti pa ang Mommy ni AJ narito, sya wala.

"Don't move hija. 'Wag ka munang tumayo. Makakasama sa'yo.", seryosong aniya. Nakinig naman ako at nahiga muli ng maayos. Nang maalala ko ang baby ko, hinawakan ko ang tyan ko at pinakiramdaman ang anak ko.

"Nasaan po tayo? Kamusta po yung baby ko? Narito parin po sya sa tyan ko, diba?", sunod sunod na tanong ko kay Tita Rhea.

"You need to calm down, hija. Makakasama 'yan para sa'yo.", sagot nya lang. Hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Where's AJ? Bakit po wala sya rito?", mahinahong tanong ko.

"Umuwi na sya kagabi pa sa Manila. May kasama raw syang umuwi, kaya pinayagan ko na. Tinanong ko pa nga kung kasama ka nya pero sabi nya may emergency raw roon sa dental clinic. Kailangan nya na raw unuwi dahil maraming may kailangan sa kanya roon."

Bakit hindi nya ako hinintay? Nagmamadali ba sya? Sinong kasama nya? Babae ba? Mga kaibigan ba namin? Sino sino?

Maya maya, may pumasok na isang doktor. Nakangiti syang lumapit sa'min ni Tita Rhea. 

"Doc, kamusta po ang baby ko? Ayos lang po ba sya?", tanong ko agad. Naupo ako ng maayos sa kama at inalalayan naman ako ni Tita Rhea na makaupo ng maayos. 

"Yes, your baby is fine. Just don't stress out yourself. Mahina po ang kapit ng bata, Mommy. Kaya sana ay iwasan n'yo ang mga bagay na dahilan para mastress kayo. Baka po sa susunod na duguin kayo ay hindi na kumapit pa si baby."

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat at kumapit ka anak. Makikilala ka pa ng Daddy mo. Babalik pa tayo ng Manila. Kapit ka lang sa'kin anak. Mas iingatan na kita ngayon.

"Salamat doc", sabi ni Tita Rhea. Nakangiti syang ipinatong ang kanyang palad sa ibabaw ng tyan ko at marahang hinaplos iyon. 

"You just have to take care of yourself because it's also for your baby, Ms. Mendez. Dahil sa susunod na maulit ito, hindi natin alam kung kakapit pa ba ang baby o hindi na."

"Don't worry, doc. Kaming bahala sa kanya. We'll do everything para hindi sya mastress", si Tita Rhea ang sumagot.

"Alright! By the way, I have to go. Marami pa akong pasyente. Ms. Mendez", baling sa'kin ng doktor. "Take care of your baby"

"Salamat ulit, doc", si Tita bago umalis ang doktor. Nang lumabas na ang doktor, nakahinga ako ng maluwag. Salamat at ligtas ang baby ko.

"Kailan mo balak sabihin sa'min na buntis ka?", seryosong tanong ni Tita.

"Kanina ko lang rin po nalaman na buntis ako.", magalang na sagot ko.

Naupo sya sa monoblock na malapit sa kama ko habang hindi inaalis ang kanyang palad sa tyan ko.

"Masaya ako dahil magkaka apo na kami. Ilang weeks ka na raw bang buntis?"

"8 weeks po", tipid na sagot ko.

"Sa tagal nyong magkarelasyon ng anak ko, bakit ngayon nyo lang kami binigyan ng apo?", para bang may bumara sa lalamunan ko nang tanungin nya iyon. Hindi ko akalain na nag eexpect pala sya sa'min ni AJ.

"Tita", nahihiyang tawag ko sa kanya. Tumawa lang sya habang patuloy na hinahaplos ang tyan ko. "Nasaan nga po pala si Akesha? Bakit po wala sya rito?"

"Nasa bahay sya kasama ng mga kaibigan nyo ni AJ. Nagpresinta silang sila muna ang magbabantay kay Akesha.", marahang sagot ni Tita. 

"S-Si AJ ba alam na ang tungkol rito? Alam ba nyang buntis ka?", tanong ni Tita. 

All Too WellWhere stories live. Discover now