10

14 1 0
                                    


"Uy? Wala bang sasagot ng tanong ko? Parang gulat na gulat kayo sa tanong ko ah", bahagya akong natawa kahit nagtataka ako sa reaksyon nila. 

"Wala si AJ. Kaaalis nya lang. Hindi mo ba sya nakita?", sagot ni Harvey. 

"Magtatanong ba ako kung nakita ko sya?", sarkastikong pagbalik ko ng tanong sa kanya. 

"Sinong kasama nya? May kasama ba sya?", tanong ko kay Aljaine. Lumunok naman ang babae at halatang kinakabahan. Nagtaka naman ako kasi walang gustong sumagot sa tanong ko.

"Bakit hindi kayo makasagot? May nangyari ba?",bigla akong kinabahan. Wala naman kasi syang ibang pwedeng puntahan kundi sa ospital lang dahil narito si Akesha pero bakit wala sya? Nasaan ba talaga sya?

"Shaneia",kinakabahang tawag sa'kin ni Aljaine.  Lalo akong nabalot ng takot at kaba. 

"What? Bakit ba hindi kayo makasagot? Nasaan nga si AJ?", pangungulit ko. Hindi ko mapigilang ipakita ang kaba at takot na namumuo sa dibdib ko. 

"Sha-", Harvey cut his girlfriend off at sya na ang sumagot ng tanong ko.

"Kasama nya si Raxxie. May lakad raw sila kaya  kanina pa sya wala rito", natigilan ako sa sinabi ni Harvey. Para akong bahagyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung anong  nararamdaman ko. 

Sinubukan ko naman na itago ang totoong emosyon ko at nagpapasalamat ako dahil nagawa ako ang best ko para magawa iyon. Ngumiti ako kahit pilit para ipakitang ayos lang sa'kin. 

"Ahh ganon ba? Yun lang naman pala e. Hindi nyo pa masagot ang tanong ko"

Tumikhim naman si Harvey bago obserbahan ang reaksyon ko. Kahit na parang bahagyang kumirot ang dibdib ko dahil sa kaisipang magkasama si AJ at Raxxie, pinilit kong itago ang totoong nararamdaman ko. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong ipakita na sa maliit na bagay na may kasamang ibabang babae si AJ, ay nasasaktan na ako. Ayos lang naman talaga sa'kin, kahit hindi naman talaga.

"Ayos lang ba sa'yo na may kasamang ibang babae si AJ? Hindi ka ba nagseselos?", seryosong tanong ni Aljaine. Ngumiti ako ng tipid bago sumagot.

"Ano ka ba! Kasama nya lang naman, hindi nya naman ako ipagpapalit sa ibang babae sa pagsama sama lang nila. 12 years na kami. Ngayon pa ba kami susuko? Ngayon pa ba nya ako ipagpapalit sa ibang babae? Tsaka hindi naman ako selosa 'no!", pagtanggi ko. Nagkatinginan ang magkasintahan bago nakangising muling lumingon sa'kin. 

Pinagtaasan ko sila ng kilay dahil para bang ayaw nilang maniwala na hindi ako selosa. Hindi naman kasi talaga ako selosa. Bakit naman ako magseselos e magkasama lang naman si AJ at Raxxie? May nakakaselos ba roon?

"Talaga bang hindi ka nagseselos?", pangungulit pa ni Harvey. Kinagat ni Aljaine ang kanyang pang ibabang labi, pinipigilang matawa. 

"Hindi, bakit naman ako magseselos?"

"Kasi may kasama syang ibang babae?", patanong na sagot ni Harvey.

"Babe, 'wag mo nang ulitin baka lalong magselos si Shaneia. Malalagot ka kay AJ kapag napikon si Shaneia sa 'tin", sabat ni Aljaine. 

"Sinabing hindi nga ako nagseselos, e! Ba't ba napakakulit nyo?", pigil ang inis na pagtanggi ko. Napahalakhak naman si Aljaine, habang si Harvey naman ay lumawak ang pag ngisi. 

Napatigil lang sila sa pagtawa nang may biglang pumasok sa pinto. Napatayo ako nang makitang pumasok ang doctor ni Akesha. Naalimpungatan si Akesha dahil sa pagcheck ng nurse sa dextrose nya. Kinusot nya pa muna ang kanyang mata gamit ang kamay nyang hindi naka dextrose. 

Nakangiting lumapit ang doktora kay Akesha. 

"How are you, Akesha?", she asked Akesha with sweet tone of voice. The kid just pouted her lips, looking sleepy.

All Too WellWhere stories live. Discover now