8

9 1 0
                                    


Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone. Napapapikit ako ng mariin at kasunod no'n ay ang tunog ng mga baril.

Rinig ko ang palitan ng baril ng dalawang panig. Narinig ko rin ang mahinang mura ni Raxxie.

"Pumunta ka na rito Shaneia. Kailangan ka namin ngayon, please",pakiusap ni Raxxie bago nya ibaba ang tawag.

Marahas akong napabuntong hininga. Kailan kaya matatapos ang kaguluhang ito? Hanggang kailan ba kailan mangyari ito?

"Babe"

Nagmulat ako ng mata at nakita ang nag aalalang mukha ni AJ habang nakatingin sa'kin. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakapikit.

Pilit akong ngumiti para hindi na sya mag alala. Ayokong mag alala sya sa'kin dahil baka hindi na ako makaalis rito sa tabi nya.

Lumapit ako sa kanya bago sya salubungin ng yakap. Agad naman nya akong niyakap pabalik na ikinangiti ko.

"May problema ba?", marahan na tanong nya. Umiling ako habang nakayakap sa kanya.

"I just wanna hug you, babe. I want hug from you", malambing kong tugon. Hinagod nya naman ang likod ko bago halikan ang sentido ko.

"Ang mahal ko naglalambing", panunukso nya. Natawa naman ako ng mahina bago sya kinurot sa tagiliran. Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya bago hawakan ng dalawa kong palad ang kanyang pisngi.

"I love you", malambing at buong puso kong sabi sa kanya. Matamis syang ngumiti sa'kin bago ako halikan sa labi. Hinawakan nya rin ang pisngi ko ng kanyang dalawang palad.

"I love you more",namamaos na tugon nya. Natigilan ako nang mapansin na nanlalabo ang kanyang mata, mukhang paiyak na.

"Why? Bakit naiiyak ka? May problema ba?", nag aalalang tanong ko sa kanya. Tipid syang ngumiti bago ako muling halikan sa aking labi. Buong puso akong tumugon sa kanya.

Magaan ang paraan ng paghalik nya. May pag iingat na animong isa akong babasagin.

Tumigil lang kami sa paghahalikan nang para na kaming mauubusan ng hininga.

"Mahal na mahal kita, Shaneia. 'Wag mo akong ipagpapalit sa iba, hmm? Ako lang dapat mahal mo, naiintindihan mo? Hindi ka pwede sa iba kasi sa'kin ka lang. Itatali na kita sa'kin."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti ko. Napansin nya naman ata iyon kaya ngumuso sya na parang batang inagawan ng candy.

Tumayo na ako ng tuwid at unti unting pinakawalan ang kanyang pisngi. Mas lalo syang ngumuso, na ikinahalakhak ko.

"Hindi mo na 'ko mahal", nakangusong aniya. Mas lalo akong napahalakhak sa kanya.

"Ang cute cute mo",kinurot ko ang pisngi nya at pinanggigilan na para syang bata.

"Hindi mo na 'ko mahal. Kinukurot mo na ang pisngi ko", mas natawa ako sa kanya. Para bang lahat ng sinasabi nya ay natatawa ako. Para syang bata. Ang cute lang!

"Kuya, para ka pang bata kaysa sa'kin. Mag matured ka naman!",napalingon ako kay Akesha, na gising na pala. Nakanguso lang sya sa kanyang kuya bago pinagkrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib.

"Akesha", seryosong tawag ni AJ sa kapatid nya. Tumawa lang si Akesha kaya hindi ko rin mapigilang matawa.

"Ano ba 'yan? Dalawa kayo tapos mag isa lang ako. Paano ako mananalo sa inyo?", nakangusong tanong nya. Hinalikan ko lang sya sa labi, na ikina angat ng tingin nya sa'kin.

"Reward mo 'yan kasi napatawa mo kami ni Akesha. You're so cute love!", I pinched his cheeks lightly.

"E paano kung higit pa roon ang gusto ko?", ngumisi sya ng nakakaloko bago hinatak ang kamay ko, dahilan para mapaupo ako sa kandungan nya. Hinampas ko ang braso nya dahil sa kapilyuhan nya.

All Too WellWhere stories live. Discover now