26

9 2 0
                                    

"Hindi ka ba nagugutom?", marahang tanong ko sa kanya makalipas ang isang oras na katahimikan sa pagitan namin rito sa loob ng bahay.

"Ikaw ba? Gutom ka ba?"

Nagulat ako at nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan ang sinabi nya. Napasinghap ako, dahilan para mag angat sya ng tingin sa'kin.

Nasa magkabilang dulo kami ng sofa nakaupo, malayo sa isa't isa. Para bang ang layo nya sa'kin kahit nasa iisang bahay lang naman kami at sa iisang mahabang sofa nakaupo.

"No, hindi ako gutom. Baka ikaw nagugutom ka. Magsabi ka lang sa'kin ah. Ipagluluto kita", malumanay na sagot ko sa kanya. Sumulyap sya sa'kin at tipid na ngumiti.

My heart beats fast because she's smile at me. Fuck! She fucking smiled at me!

"I'm hungry. What do you want for our dinner?", mahinahon na tanong nya. Napalunok ako dahil sa saya at takot. 

Saya dahil para bang unti unting bumabalik ang dati nyang pakikitungo sa'kin at takot dahil baka bukas ay bigla nalang syang umalis at iwan ako. 

"You know my favorite food, love,"  malambing na ani ko sa kanya. I bit my inner cheeks when I saw that she's now blushing.

Fucking cute!

Tumayo sya at naglakad patungo sa kusina nang hindi ako nililingon. Napapailing akong tumayo at sinundan sya.

Napangiti ako nang makita syang nakayuko sa ref habang kumukuha ng ingredients para sa bulalo. Naging paborito ko na ito dahil mahilig sya rito.

Lahat ng paborito nya, lahat ng gusto nya.. nagustuhan ko na rin. Kahit na ayaw ko ng gulay, ginusto ko rin iyon dahil napansin kong mahilig sya sa gulay at paborito nya ito.

Nang unang beses nya akong piangmaneho ng kotse, nahiya ako non at para bang gusto ko ring matutong magmaneho kahit takot na takot ako. Lahat ng iyon ay dahil sa kanya. She changed my whole life. She taught me how to love.

And I love her for being simple and have a soft heart. Masasabi ko talagang ipagmamalaki ko sya kahit na hindi ko sya nakilala.

Walang tao ang hindi sya maipagma-malaki dahil sa magandang katangian nya at mala anghel nyang mukha.

"Hey!", bumalik lang ako sa huwisyo nang biglang tawagin ako ni Natasha. Tatawa tawa syang nakatingin sa'kin at para bang mas nahulog ako sa kanya sa kanyang ngiti.

Damn! Calm fucking down, Anthony!

Naramdaman ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa nararamdaman ko. Ang lakas makabakla!

"Hmm?", I hummed. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakatayo na sya ng maayos habang inilalapag ang mga ingredients sa countertop.

"Bakit ka nariyan? Sa sala ka nalang mag antay. Nood tayo ng movie habang kumakain", nakangiting aniya pa. Napanguso naman ako pero sa loob loob ko ay halos hindi magkandamayaw ang puso ko dahil sa mabilis na tibok nito.

"W-What movie do y-you want to watch?", utal na tanong ko sa kanya. Kumuha sya ng kutsilyo at sangkalan bago kinuha ang mga gulay. Kinuha nya rin ang karne ng baka at inilagay sa isang lalagyan bago hugasan.

"Ikaw nang bahala mamili. Mangangalay ka lang kakatayo riyan, kaya mas okay kung nakaupo ka nalang sa sofa.", nakangiti paring aniya.

"A-Alright! I love you babe", malambing na sabi ko sa kanya. Mas namula naman ang pisngi nya, dahilan para mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hmm, I love you too. Lakad na mamili ka na ng movies. Magluluto lang ako."

Napatigagal ako at natulala dahil hindi ko inaasahan ang naging tugon nya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil para bang unti unti na kaming bumabalik sa dati.

All Too WellDär berättelser lever. Upptäck nu