20

16 2 0
                                    


Nang makarating na ako sa tapat ng bahay ni AJ, natanaw ko ang isang pamilyar na sasakyan. Mukhang bad idea na umuwi pa ako rito sa Manila!

Hindi na ako nakapag antay dahil sa kaba na nararamdaman ko. Lumabas na ako ng kotse at dire diretsong naglakad papasok ng gate.

Halos takbuhin ko na ang papasok sa bahay hanggang sa makapasok na ako sa loob ng bahay. Nanlaki ang mata ko nang makita si Mariz na sinasampal at sinasabunutan si Raxxie. Lumipat ang tingin ko kay Harvey na nakapatong kay AJ habang patuloy itong sinusuntok. Si Aljaine naman ay umaawat na sa dalawang lalaki.

"Gago ka! Bakit mo niloloko si Shaneia!?", galit na sigaw ni Harvey habang pinagsusuntok si AJ. Hindi naman pumalag si AJ at sinalo ang lahat ng suntok ng kaibigan.

"Babe stop!", maluha luhang pag awat ni Aljaine kay Harvey.

"Malandi ka! Alam mo bang boyfriend ni Shaneia si Anthony ha!", lumingon naman ako kay Mariz habang sinasampal nya si Raxxie.

"Mas malandi 'yang kaibigan mo! She's a fucking flirt! A slut! Makati 'yang kaibigan mo!", gigil na sagot naman ni Raxxie kay Mariz. Hindi ko alam kung sino ang aawatin ko sa kanilang apat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sumasakit ang ulo ko at para bang humihilab ang tyan ko.

Nakamasid lang ako sa kanila sa hindi kalayuan. Pinapanood ko lang silang magsakitan.

Rinig ko ang malalakas na suntok ni Harvey kay AJ, ang pag awat ni Aljaine at ang sigawan at bangayan nina Raxxie at Mariz. Hindi ko alam kung sinong una kong aawatin. Naguguluhan rin ako.

"Ano nalang mararamdaman ni Shaneia kapag nakita nya kayong nag aaway ha?", namamaos na ani ni Aljaine sa kanilang apat.

Natigilan si Aljaine nang mapatingin sya sa direksyon kung saan ako nakatayo. Para bang namumutla sya habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.

Mukhang mali nga ang desisyon ko sa pag uwi rito sa Manila. Pinagsisisihan ko nang umuwi ako. Hindi na dapat ako bumalik pa rito.

"S-Shaneia",nangangatal na tawag ni Aljaine sa'kin. Mapait akong ngumiti bago suyurin ang tingin ko sa kanilang lahat.

"M-Masaya na ba kayong magkasakitan?", malamig na tanong ko sa kanila. Natigilan si Harvey at dahan dahan akong nilingon. Gayundin si Mariz na binitawan ang buhok ni Raxxie.

Ngumisi si Raxxie sa 'kin bago hatakin ang buhok ni Mariz. Tumakbo ako palapit sa kanila at pilit hinahatak si Raxxie na mariin na sinasabunutan si Mariz.

"Get off me! You bitch!", mariin at galit na pagpapatigil ni Mariz kay Raxxie. Nang hindi ko mapigilan si Raxxie, sinubukan kong ilayo si Mariz sa kanya. Sa hindi malamang dahilan, binitawan ni Raxxie si Mariz pero sa hindi malamang dahilan, bigla akong inatake ni Raxxie.

Mariin nyang hinawakan ang buhok ko at ramdam ko rin ang pananakit ng anit ko. Mukhang sanay na sanay syang makipagsabunutan. Alam na alam nya kung saan titirahin ang kalaban.

"Raxxie!", rinig kong tawag ni AJ kay Raxxie. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nakakalat na sa mukha ko ang buhok ko at ramdam ko na ang pagsakit ng leeg ko. Wala lang ilang minuto nya akong inatake at sinabunutan, nangalay na agad ang leeg ko. Expert!

Naramdaman kong may humatak sa'kin palayo kay Raxxie. Hindi ko alam kung sino iyon pero sana ay mailayo na nya ako kay Raxxie.

"Raxxie stop! Buntis si Shaneia!", rinig kong pag awat ni Aljaine kay Raxxie. Hindi nya parin ako binibitawan at nanatili lang syang nakasabunot sa buhok ko.

"Raxxie, baby, stop na. I can't afford if she'll hurt you", rinig kong malambing na pag awat ni AJ kay Raxxie, na nakapagpatigil ng mundo ko. Para bang sa sinabi nya, nawalan ako ng lakas.

All Too WellWhere stories live. Discover now