15

9 1 0
                                    


Dito kami dumiretso sa condo unit, kung saan si Mariz lang ang mag isa rito. Nasa ibang bansa raw kasi ang parents nya dahil maraming inaasikaso sa ibang bansa. Sya nalang raw ang narito kaya kahit saan naman sya pumunta, marami naman raw syang condo unit. Nagkalat pa nga raw. 

"Pasensya ka na kung medyo maliit yung unit ko ah. Hindi pa kasi ako nakakalipat e", sabi ni Mariz nang makapasok na kami sa loob ng unit nya. Nilibot ko ang mata ko at namangha ako dahil ang ganda ng unit nya. Malinis, maganda at sa unang tingin mo palang, malalaman mo na agad na babae ang narito.

"Ang ganda naman rito sa unit mo! Para tuloy gusto ko na rito nalang ako", pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman sya bago bumalik mula sa kusina. May hawak na syang tray na may laman na dalawag juice dalawang tubig at mga prutas.

"Tama na pambobola. Kain ka na muna", pagyaya nya. Napapailing nalang akong naupo sa may kahabaan na sofa. Inalalayan nya rin ako nang makalapit na ako. Inilagay nya pa ang unan sa likod ko bago ko dahan dahan na isinandal ang likod ko.

Mabilis na kasi ako mangalay kaya naman kailangan ko na ng unan sa likod kahit 8 weeks palang naman ang baby sa sinapupunan ko.

"Bakit puro prutas yung narito? Wala bang  kahit tinapay lang?", nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Buntis ka kaya prutas nalang muna ang kainin mo. Tsaka ka na maghanap ng iba pa kapag hindi ka na buntis", malumanay na sagot nya naman.

"Oo na!", inabot ko ang grapes sa tray bago iyon kainin. Napapikit ako sa tamis non. Ang sarap! "Ang sarap naman nito", komento ko.

"Of course, masarap talaga 'yan. Fresh from our province. Nagustuhan mo ba?", nakangiting tanong nya. Kumuha pa ako ng isa at muling kinain iyon. 

"Yeah! Akin nalang! Kuha ka nalang ulit sa probinsya nyo", masayang sabi ko bago muling kumuha ng tatlo at isa isang kinain iyon. 

"What? Bibigyan nalang kita. Ubusin mo nalang 'yang nasa plato. Marami na nga 'yang inilagay ko riyan e", ngumuso naman ako at nang hindi makuntento, kinuha ko na ang plato na nakalagay sa tray. 

"Anong marami? Kakaunti kaya!", reklamo ko sa kanya sabay subo ng isang grapes. "Tinitipid mo ata kami ng inaanak mo e"

"Aayaw ayaw ka. Gusto mo rin pala.",mahinang bulong nya. Hindi ko na sya inintindi at kumain nalang ng grapes. 

Mukhang may bago akong kaaadikan na kainin ah! Nagustuhan mo ba anak? Matamis ito at masarap. 'Wag kang mag alala ah. Manghihingi tayo kay ninang mo.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa maubos iyon. Sarap na sarap ako sa grapes at para bang gusto ko pa. Manghingi pa kaya ako? 

"Naubos mo na?", gulat na tanong nya habang nakatingin sa plato kong nasa lap ko. Dumighay pa ako dahil sa kabusugan.

"Pahingi pa", tatawa tawa akong inilahad ang plato ko sa kanya. 

"Ang takaw mo naman", komento nya. Ngumuso ako at nagulat naman sya nang makitang paiyak na ako. 

"Ang damot mo naman!", paiyak na sabi ko sa kanya. 

"Naubos mo na nga yung isang plato e! Madamot pa ako nyan ah?", pagsusungit nya. 

"Madamot ka! Ang baho mo pa!", napatakip ako sa ilong ko nang maamoy ko ang mabaho nyang pabango. Yun na ata ang pinakamabaho kong naamoy na pabango!

"Hoy! Anong mabaho ako?", hinawakan nya pa ang kwelyo nya bago iyon inamoy. "Hindi ako mabaho! Ang pangit naman ng pang amoy mo!"

"Ang baho mo! Maligo ka nga! Baka paglabas ng inaanak mo, mabaho ang ninang nya. Manghihingi pa sa'yo 'to ng pamasko! Maligo ka naman! Ang lansa mo!"

All Too WellWhere stories live. Discover now