11

10 1 0
                                    

Watching my man kissing other woman are my biggest heartbreak. Aminado naman ako na pagdating kay AJ, mahina ako. Marami akong kinakatakutan pagdating sa kanya at sa relasyon namin.

"Are you okay?", nag aalalang tanong ni Aljaine nang makita nyang parang gripo ang walang tigil na pagpatak ng luha ko.

"Paano mo nalaman 'to?", namamaos na tanong ko sa kanya habang pinapanood ko si AJ at Raxxie na nakangising naghahalikan habang ang mga kasama naman nila na nakaupo sa sofa ay naghihiyawan na.

"Someone send me some pictures of them. Ayoko namang itago ito sa'yo dahil karapatan mong malaman ang tungkol sa bagay na ito. You're the girlfriend. You should know about this"

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Para akong nasa isang palabas sa pelikula na nahuli ko ang boyfriend ko na may ibang babaeng kahalikan.

Halo halo ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung tama pa bang panoorin ko lang sila hanggang sa higit pa sa halikan ang mangyari sa kanila.

Gusto ko lang malaman kung bakit umabot sa ganito. Nalaman na ba nya ang tungkol sa video? Sinabi na ba sa kanya ni Raxxie?

Knowing AJ, hinding hindi sya lalapit sa ibang babae lalo pa at hindi nya naman kilala at hindi nya naman kaibigan. Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa kanya kaya sya nakikipaghalikan sa iba.

"Tara alis na tayo",pagyaya ko kay Aljaine dahil hindi ko matagalan na makita pa ang ginagawa ni AJ at Raxxie. Tumango lang sya bago kami sabay na lumabas ng bar.

Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makabalik na kami sa ospital. Wala ako sa tamang huwisyo para magsalita dahil baka bigla na namang pumatak ang luha ko.

Alam kong pinakikiramdaman ako ni Aljaine, pero mabuti na rin siguro na hindi nya muna ako kinakausap. Kailangan ko rin kasi makapag isip dahil sa totoo lang, para bang hindi nakikisama ang isip ko.

*

"Ate Sha, where is kuya?",tanong nya nang dumating ang kinabukasan at ididischarge na sya. Tipid akong ngumiti sa kanya bago sumagot.

Hindi na sya pumunta kahapon sa ospital at hanggang ngayon ay hindi sya pumunta. Tanging ako lang at si Harvey ang narito dahil may trabaho na si Aljaine.

"Busy si kuya AJ e. Narito naman kami ni tito Harvey mo. Ayaw mo ba no'n?", marahang tanong ko sa kanya. Ngumuso lang sya, nalulungkot parin.

Napabuntong hininga nalang ako. Nasaan na naman ba si AJ? Nasa babae nya na naman ba?

Lumapit si Harvey sa bata at lumuhod sa harap nito. Matamis syang ngumiti kay Akesha bago ay kuhanin sa bulsa nya.

Nang ilabas nya ang kanyang kamay mula bulsa, may lollipop sya at tatlong chocolate na Hershey's. Sumilay ang ngiti ni Akesha bago kuhanin ang candy mula sa kamay ni Harvey na ngayon nakalahad na kay Akesha.

Pinagkrus ko ang aking braso sa taas ng dibdib ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ngayon palang ay naiimagine ko na na magiging mabuting ama si Harvey kapag nagkaanak na sila ni Aljaine.

Sampung taon na sila Harvey at Aljaine at masasabi kong ang kulang nalang ay ang kasal nilang dalawa. Hanggang ngayon kasi ay wala namang nagbago sa kanilang dalawa.

Maya maya, biglang bumukas ang pinto. Akala ko ay doctor iyon ni Akesha pero laking gulat ko nang makita si AJ na magulo ang buhok habang gusot ang damit. 

Nang magtama ang mata namin, sya ang unang nag iwas ng tingin. Mapait akong ngumiti sa isip ko. Mabuti naman ay narito na sya. Mabuti at bumalik sya rito kahit ididischarge na si Akesha. 

All Too WellOnde as histórias ganham vida. Descobre agora