52

17 2 1
                                    

Pinagbigyan niya ako na mag usap kami. Hindi kami sa office nya nag usap kundi sa bahay namin na akala ko ay naabandona na.

Simula noong umalis kami sa firm nila, tahimik lang kami hanggang sa byahe at kahit hanggang ngayon. Parang hindi gaya ng dati, kaya nya na 'kong tiisin.

Mas naging tahimik kami ngayon na nakarating na kami rito sa bahay namin.. dati.

Ipinasok niya ang kotse at nang pagka-park niya palang, ramdam ko na ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Agad akong lumabas ng kotse at nagpalinga linga sa paligid.

Walang nagbago. Maganda at malinis parin ang bahay.

"Come inside. I'm sure someone will be surprised to see you," he coldly utter as he walk towards the door and open it.

Napalunok ako nang pumasok na siya sa loob. Dahan dahan ang hakbang ko papasok at hindi pa man ako nakakapasok, may isang dalagang babae ang agad na lumapit sa 'kin. Natulala ako at hindi agad naproseso sa utak ko ang nangyari.

"Tita Shan! I'm glad that you're finally back!" She gladly said while hugging me tight as if she missed me so much. Who is she again?

I held her shoulders and make her look at me because I can't remember her.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang tuwa sa mga mata niya. Pero mas napuno ako ng pagtataka nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kilala ko ba siya?

"Tita! I'm glad your finally back! Sobrang namiss ka po namin ni Da-," hindi nya na natuloy ang sasabihin nya nang may biglang magsalita.

"Akesha, go to your room. Do your assignments," may awtoridad na utos ni AJ sa dalaga. So, siya na 'yon? Ang laki nya na! Mas gumanda siya at habang tumatagal, mas nakikitang kamukha nya ang Mama niya.

"Pero, Dad," aangal na sana si Akesha nang seryoso siyang tignan ni AJ. Teka, Dad? Tama ba ang narinig ko?

"Just go to your room and your not allowed to go outside unless I say so. Do you understand, Akesha?"

Napayuko naman ang dalaga bago tumango. Wala siyang nagawa kundi maglakad paakyat ng hagdan at magtungo sa kwarto niya.

Nang masiguradong nakapasok na talaga siya ng kwarto, humarap sa 'kin si AJ at para bang ang hirap basahin ng iniisip niya. Walang emosyon lang siyang nakatingin sa 'kin habang nakatayo sa harap ko.

"T-Tama ba 'yung narinig ko? Tinawag ka nyang D-Dad?" Nauutal na tanong ko sa kaniya dahil para bang ang hirap paniwalaan ng nakikita ko. Hindi manlang nagbago ang emosyon niya.

So, totoo nga? Anak niya si Akesha? Pero sino ang nanay niya?

"What are we going to talk about? I told you, don't waste my precious time. Hindi basta basta ang oras ko," malamig nyang aniya. Napalunok naman ako nang maglakad siya patungo sa sala at iginiya ang pang dalawahan na sofa. Iginiya niya iyon kaya naman wala akong nagawa kundi maupo roon.

I cleared my throat. "I want to know about so many things."

He put his finger to his lips. I swallowed hard and unconciously looked away.  Is he teasing me?

"Hmm, like what?" Sa tono pala ng boses nya, alam ko nang nakangisi siya. Hindi ako agad nakasagot nang maramdaman ko ang kamay nyang papalapit sa 'kin. Halos pigilan ko pa ang paghinga ko nang abutin nya ang kamay ko at hatakin iyon, dahilan para mapalapit ako sa pwesto nya. Hinawakan nya ang bewang ko nang marahan nyang bitawan ang kamay ko.

Hindi ako marupok! Hindi ako bibigay sa kaniya!

"C'mon, talk," he comvinced me. I, again swallowed hard as if I was drinking. Halos mapigil ko ang paghinga ko nang maramdaman ko ang paglapit ng kaniyang mukha dahil unti unti ko nang nararamdaman amg paghinga nya. "Napipi ka ata? Are you uncomfortable in our position? Don't you want me close to you? Just like.. the old times," he erotically asked me.

All Too WellWhere stories live. Discover now