I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

409K 24.5K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 144

789 57 1
By itsmarresemonika


Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong lugar nang marinig namin ang isang masamang balita---mula sa mismong bibig ni Frostine---ang pagkamatay ng aking byenan, ang Emperador Audrick Cairon ng Thilawiel. Kasabay pa na naramdaman ko ang pagpiga ng aking puso. Kahit ganoon, mas nanaig sa akin ang sobrang pag-aalala sa dalawang tao na kasama namin ngayon. Ang magkapatid na Otis at Hadden. Sila ang una namin tiningnan na may pag-aalala sa aming mga mukha. Nang dumapo ang tingin ko sa kanila ay nakaukit sa kanilang mukha ang labis na pagkabigla. Sa lagay nila ngayon ay ayaw nilang tanggapin ang mapait at masama sinapit ng kanilang ama.

"Otis..." mahina kong tawag sa kaniya, marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. Pinisil ko 'yon. Gusto kong iparamdam sa kaniya na naririto ako. Handa akong umagapay sa nararamdaman niya ngayon. Bumaling ako kay Frostine. Pilit kong ipakita sa kanila ang pagiging kalmado sa kabila na gumagapang na galit na sistema ko. "Maaari mo bang isalaysay sa amin kung ano ang buong pangyayari ng mga oras na 'yon, Frostine?"

Inangat niya ang kaniyang tingin sa amin. Suminghap siya. "Ang totoo ay hindi namin alam ang buong detalye pero nang dumating kami ni Ceca sa kaniyang Opisina ay natagpuan nalang namin siyang nakahandusay sa sahig... Naliligo na siya sa sarili niyang dugo... Naabutan namin siya na ganoon ang estado, Prinsesa Rini..." nag-uumpisa na naman manginig ang kaniyang boses habang ikinuwento niya sa amin ang nangyari. Hindi kandamayaw ang kaniyang mga luha sa pagtulo.

"Kailangan kong bumalik ng Thilawiel sa lalong madaling panahon." bigla ko narinig ang boses ni Otis. Kalmado 'yon, subalit, hindi maitago ang galit sa kaniya.

"Ganoon din ako." segunda ni Hadden na nanginginig din ang boses. Pinaghalong galit at humihingi ng katarungan para sa kanilang ama.

Hindi agad ako makapagsalita. May problema pa kaming dapat lutasin bago man kami makabalik ng Thilawiel. Iyon ay ang misyon na ibinigay sa amin ni Vencel. Ang malaman namin kung sino ang nasa likod ng pagbabanta sa pamilyang Stodge. Hanggang ngayon ay hindi pa namin matukoy kung sino ang nais kumuha ng bato na itinatago ng pamilya ni Maria. Sadyang kagulat-gulat man talaga ang pangyayari na nagaganap ngayon sa Thilawiel.

"Pero ang mas masama pa ay lumusob na ang mga halimaw sa Thilawiel nang pumanaw na ang mahal na emperador." dagdag pa ni Frostine.

Muli kaming tumingin sa kaniya na may pagkabigla sa aming mga mukha. Rinig ko ang singhap ng mga kasamahan namin. Hindi rin sila makapaniwala. Hindi, nasabi sa akin ng tagapagsalita at pansamantalang pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong ilalim na aasahan ang paglusob ng mga demonyo.

Pumikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang tapusin namin ang misyon o ang pagbabalik namin sa Thilawiel sa lalong madaling panahon---

"Rini," tawag sa akin ni Raegan.

Lumingon ako sa kaniya gamit ang namumungay kong mga mata. "Kuya Raegan..."

Tumango siya na seryoso ang mukha. "Ang mabuti pa ay kayo na ang pumunta ng Thilawiel. Kami na muna ni Cederic ang maghahanap sa mga nagtatangka sa buhay ng pamilyang Stodge. Mas kakailanganin kayo ngayon ng mga Thilian." suhesyon niya sa pamamagitan ng mababa niyang tono.

"Pero..."

"Rini," si Cederic naman ang tumawag sa akin. Nilapitan niya ako. Hindi lang siya, maski si Ceola. "Tama ang unang prinsipe. Tutal naman ay parating na din dito sina Duke Houstin at batang Duke na si Caldwell para magbigay ng tulong para sa misyon ninyon dito sa Corbin." dagdag paliwanag niya. Mahina niyang tinapik ang aking balikat. "Huwag mong kalimutan na naririto pa kami bilang mga nakakatanda mong mga kapatid, aming bunso. Kung ano ang nararamdaman mo ay ganoon din ang nararamdaman namin."

Lumapat ang tingin ko sa lupa. Hindi agad ako sumagot. Tama nga sila. Hindi lang ako ang mag-isang nakikipaglaban. Nariyan pa sila. Nang buo na ang aking desisyon ay tumingin ako sa gawi nina Vencel at Theavia na may pag-aalalang tingin para sa akin. Nilapitan ko sila saka lumuhod sa harap nila. "Mga kamahalan, kung bibigyan ninyo sana kami ng pahintulot, nais po sana naming umatras sa misyo na ibinigay ninyo sa amin at payagan na makarating ng Thilawiel sa lalong madaling panahon..."

"Rini..." tawag ni Vencel na may banayad na tono. Lumuhod din siya sa akin saka hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Huwag mo muna isipin tungkol sa misyon. Mas mainam na umalis muna kayo ng Prinsipe Otis dito. Sa oras na mahuli na namin ang mga taong 'yon, agad kaming susunod sa Thilawiel at magbibigay ng tulong para sa mga Thilian."

"P-papa..."

Lumapit din sa amin si Theavia at Rina. Lumuhod din sila sa harap ko. Pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi nang masilayan ko ang kanilang mga mukha. "Anak, hindi mababalewala ang mga pinagharapan mo kung ano ang kinalalagyan mo ngayon. Humayo na kayo't kami na ang bahala dito." si Theavia. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Alam naming hindi lang ang mga Eryndor at Cyan ang nais mong protektahan, maski ang pangalawang tahanan mo, ang Thilawiel."

"Basta palagi mong tatandaan na mag-iingat ka, Rini. Hihintayin ka namin." si Rina na nakangiti pero may pag-alala sa kaniyang mukha. Nag-alala dahil ito ang unang beses na maeencounter niya ang digmaan.

"M-maraming salamat po." saka tumayo na ako. Bumalik ako sa direksyon nina Otis, Hadden at Frostine. Natigilan ako nang makita ko na nasa tabi nila sina Hyrus at ang mga diyos at diyosa ng Cyan. "A-anong..."

"Sasama kami sa iyo patungong Thilawiel. Nagbabakasakali lang kami na kailangan mo ang tulong namin lalo na't naglipana ang mga halimaw mula sa kanilang lungga." nakangising wika ni Hyrus sa amin.

"Kung ganoon ay wala na akong magagawa pa, unang panginoon ng Cyan." pormal kong saad. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko palapit pa sa kanila. Humarap ako sa mga Eryndor, sa Pamilyang Imperyal ng Jian Yu at sa mga kaibigan ko. "Aalis na po kami." pagpapaalam ko. Unti-unti lumalabas ang enerhiya sa paligid na nagmumula sa aking katawan. "Transfer." bigkas ko saka mabilis kaming nakaalis sa harap nila sa isang kisap-mata lang.

Napadpad kami sa mismong Throne Room ng Palasyo, sa Thilawiel. Napukaw naming lahat ang atensyon ng mga naririto. Ang mga opisyal at mga lupon ng bansa. Bakas sa mga mukha nila na hindi makapaniwala sa aming pagsulpot pero nababasa ko din sa kanila na tila nakahinga sila ng maluwag sa aming pagdating. Agad nila kami dinalo saka lumuhod sila sa harap namin biglang pagbigay-pugay.

"Mga kamahalan," pormal na tawag sa amin ni Ceca, siya ang unang sumalubong sa amin. Yumuko siya bilang pagbati. "Maraming salamat at nakarating kayo agad."

"Anong nangyayari, Ceca?" ako ang unang nagtanong.

"Una sa lahat, nais kong humingi ng tawad, nabigo ako sa tungkulin ko bilang isa sa mga diyosa ng Thilawiel. Pero masam kong ibabalita sa inyo na may naghimasok sa Palasyo at pinatay ang mga tagapagsilbi at mga kawal. Sa tingin ko ay 'yon ang naisip nilang daan ipang mas mapalapit pa sa mahal na emperador."

"Ngunit, malakas at makapangyarihan pa ang ama! Imposibleng mapapaslang siya ng basta-basta!" malakas na sadd si Hadden.

"Ayon sa nadiskobre ko, may gumamit ng mahika na may kinalaman sa lason... Na siya din ang ugat upang maging paralisado ang kamahalan." sunod kong pagpapaliwanag. "Ang nilaslas ang kaniyang leeg na siya ang dahilan upang tuluyan nang mawala ang Emperador Audrick."

"Kuya Otis! Ate Styriniana! Hadden!" rinig namin ang boses ni Eglantine sa hindi kalayuan. Nang inilipat namin ang mga tingin namin sa kaniya ay kita namin kung papaano siya natatarantang tumakbo palapit sa amin. Bago man namin ibuka ang aming mga bibig upang magtanong ay bigla niya kaming sinalubong ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang mabigat niyang kalooban at emosyon sa pamamagitan ng yakap na 'yon. "P-patawarin ninyo ako... Bigo ako sa tungkulin ko..." hinagpis niya sa amin.

"Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, Eglantine." kumento ni Otis. Marahan niyang tinapik ang likod ng nakakabata niyiang pinsan. Ayaw namin iparamdam sa kanila ang guilt na nararamadaman niya ngayon. "Narito na kami kaya wala ka na dapat ipag-alala pa."

"Pero... Pero... Sumulpot siya, kuya Otis." sunod niyang sinabi, patuloy pa rin siya sa pagtangis. "Bumalik na siya... Kuya... Bumalik na ang taong... Pumaslang sa aking ina!"

Tila nabato kami sa aming kinalalagyan nang marinig namin ang isa pang balita. Kung hindi ako nagkakamali, ang pumatay sa dating prinsesa na kapatid ni Emperador Audrick ay ang dating Makwis Bennet. Ang ama nina Masonesa Alva at Eglantine. Ang pumatay din sa dating Duke Bennet na ama ni Houstin. Ito ang ugat kung bakit tuluyang bumagsak ang angkan na 'yon!

"P-paano..." ang tanging nasambit ni Otis, hindi muli siya makapaniwala sa natanggap niyang balita.

"Kampon na talaga siya ng kasamaan, kuya! Nais niya akong kunin, subalit labis akong napapasalamat dahil biglang dumating si Duke Arundel at kasalukuyan silang naghaharap ngayon sa kakahuyan." suminghap ito. "At naririto po ako upang sabihin din na nasa maayos na kalagayan na ang katawan ng mahal na emperador."

Nagkatinginan kami ni Otis. Nagpalitan kami ng tango sa isa't isa. Mabilis naming ibinalik ang tingin namin kay Eglantine. "Dalhin mo kami sa kaniya." mahinahon ngunit seryosong utos ni Otis.

**

Sa isang pamilyar na lugar kami dinala ni Eglantine. Ito ang daan kung saan namin matatagpuan ang libingan ng panginoon ng mga diyos at diyosa ng mundong-ilalim, si Lorah. Kusang sumindi ang mga ilaw sa makipot na dinadaanan namin. Tahimik naman kaming nakasuno, gayundin sina Hyrus pati ang mga diyos at diyosa ng Cyan, maliban kay Theavia na nagpaiwan sa Corbin para ipagpatuloy ang naiwan kong misyon.

Kusang tumigil kami sa paglalakad nang marating namin ang dulo nito. Bumungad sa amin ang katawan ng dalawang tao doon. Sina Lorah at ang Emperador Audrick.

Ramdam ko ang pagtusok ng parte ng aking puso nang makita ko ang katawan ng mahal na emperador na wala nang buhay. Agad ko tiningnan ang magkapatid na Otis at Hadden na halos wala sa sarili nang lapitan nila ang katawan ng kanilang ama. Pabagsak na lumuhod si Hadden saka hinawakan ang kamay nito, samantala si Otis naman ay nanatiling nakatayo. Malungkot niyang tinititigan ang ama.

"Ama..." garagal na tawag ni Hadden. "P-patawad... Patawad... Ama..." pumikit ito ng mariin saka hinalikan ang kamay nito.

Wala akong narinig ni isang salita mula kay prinsipe na tagapagmana. Naiitindihan ko ang nararamdaman niya sa ngayon. Nais man niyang magdalamhati sa pagkasawi ng kanilang ama, subalit, kailangan din niyang maging matatag, hindi lang para sa mga Cairon, para na din sa mga Thilian na umaasa sa kanila lalo na sa nangyayari ngayon. Ayaw niyang ipakita sa lahat kung ano ang tunay niyang emosyon. Pinanindigan niya ang pagiging tagapagmana ng trono at korona na kaakibat nito ay ang mabigat na responsilidad na ibibigay sa kaniya. At ako, bilang magiging emperatris niya, handa ko siyang tulungan. Hindi man agad ngunit unti-unti kong babawasan ang bigat na kaniyang nararamdaman.

Lumapit ng ilang hakbang si Otis sa kaniyang ama. Itinukod ang isa niyang tuhod saka hinawakan na din niya ang isang kamay nito. Hinalikan niya ito saka pumikit ng mariin. "Ako na ang bahala sa Thilawiel, ama. Ipapangako ko po na hinding hindi ko kayo bibiguin." namamaos niyang sambit ngunit pilit pa rin niyang maging matatag. "Sana ay magkita na kayo ni Lorah, ang inyong iniibig..." tumayo na siya saka humarap na siya sa amin.

"Otis..." nag-aaalala kong tawag sa kaniya.

"Kailangan na naitng ibalita sa mga Thilian na pumanaw na ang mahal na emperador. Ayokong tuluyan sila mawalan ng pag-asa dahil sa pagkawala ng aking ama, my rose." pormal niyang sambit. "Gagawin ko ang lahat upang hindi madismaya sa akin ang mahal na emperador."

Tikom ang aking bibig. Sa halip ay yumuko ako. Sensyales na pumapayag ako sa magiging desisyon niya. Nauna na siya palabas mula sa sikretong lugar na ito. Nagsisunod na ang lahat sa kanila, maliban lang sa akin na nanatili muna kahit kaunting panahon pa. Sumulyap ako mga katawan nina Emperador Audrick at Lorah. Tumitig pa ako. Sa lagay nila ngayon, animo'y mahimbing ang kanilang tulog. Hindi pa ako nakuntento, nilapitan ko pa sila saka ipinagdasal ko ang kanilang kaluluwa. Muli ako nagbigay-pugay hanggang sa nagpaalam ako sa kanila.

Tahimik akong naglalakad sa pasilyo patungo sa silid namin ni Otis pero agad ako tumigil na may napagtanto ako. Bumaling ako sa isa sa mga bintana. Nilapitan ko 'yon. Mula sa kinalalagyan ko ay natatanaw ko ang apoy na kumakalat sa kabisera. Nakikita ko din ang makakapal na usok na nagmumula naman sa kakahuyan. Kusang kinuyom ko ang aking kamao. Kinagat ko ang aking labi. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Agad ko binawi ang aking tingin saka nagmamadali akong pumunta sa silid namin pero walang Otis akong natagpuan dito. Huminga ako ng malalim saka mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Pinagana ko ang clairvoyance skills ko. Bumalot 'yon sa buong Palasyo. Kailangan kong matagpuan si Otis kung nasaan siya naroroon ngayon---sa Throne Room! Nakikita ko na nakasuot siya ng baluti ngayon na karaniwang suot ng mga kabalyero. Ganoon din ang kaniyang kapatid na si Hadden. Nasa harap sila ng mga opisyal at mga lupon!

Kung hindi ako nagkakamali, pinag-uusapan nila ngayon ang pagpuputong ng korona sa kaniya na hindi ko mawari kung kailan! Kung bago o sa pagtatapos ng digmaan na ito!

Mabilis kong idinilat ang aking mga mata saka nagteleport ako sa mismong harap ng pinto ng Throne Room. Alam kong mali itong gagawin ko pero gagawin ko kung ano ang nararapat. Kahit na magagalit siya sa akin, wala akong pakialam!

"Kamahalan?" gulantang na tawag sa akin ng dalawang kawal na nagbabantay sa pinto ng Throne Room. "Emperatris Styriniana..."

Isang blangkong ekspresyon sa mukha ang ibinigay ko. "Nais ko sanang hanapin ninyo ang dalawa kong personal na tagapagbantay. Sina Ramas at Raymound. Hangga't maaari, pakibilisan."

Maski may pag-aalinlangan sa kanilang mukha ay sa huli ay wala na silang magagawa pa. "Masusunod po." mabilis din silang umalis sa harap ko. Hinatid ko muna ito ng tingin hanggang sa tuluyan na silang nawala. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, kasabay na kinuyom ko ang aking mga palad. Ngayong wala na nagbabantay dito, kukunin ko ang pagkakataon na ito.

Nilapitan ko pa ang matayog na pinto ng Throne Room saka binuksan ko 'yon. Dahan-dahan ito nagbukas. Humakbang ako papasok at nakuha ko ang atensyon ng mga tao na naririto. Lalo na si Otis na napatayo mula sa trono ng Emperador.

"M-mahal na Emperatris...!" windang tawag sa akin ng mga Opisyal at mga lupon, hindi rin nakaligtas ang mga natitirang tagapagsilbi ng palasyo sa aking presensya.

"My rose," hindi makapaniwala nilang tawag ni Otis sa akin. "Anong..."

"Narito ako upang pigilan ka, Otis." malamig kong turan, diretso ang tingin ko sa kaniya. "Pipigilan ko ang magaganap na koronasyon."

Kita ko kung papaano kumunot ang kaniyang noo. "Anong sabi mo?" tulad ng inaasahan ko, hindi niya mapigilan ang sarili niyang magulat at may bahid na inis sa aking pahayag.

Balutan ng bulung-bulungan ang buong silid sa kanilang narinig. Mas nagulat sila, hindi nila inaasahan na maririnig nila ang hinaig ko na 'yon mula sa aking bibig.

"Kamahalan, kahit anong mangyari... Ang Prinsipe Otis ang susunod na Emperador ng Thilawiel." medyo kinakabahan na sabi ni Makwis Faringray.

"Alam ko, pero ayoko maging emperador ang Prinsipe Otis." matigas ko pang saad. Kumpirmasyon na hindi sila nagkamali sa kanilang narinig.

Tumalim ang tingin ni Otis sa aking direksyon. "Anong kahibangan ito, Rini?" matigas niyang tanong. "Wala akong panahon makipagbiruan."

"Ganoon din ako, Otis. Hindi biro ang sinasabi ko." nagawa ko pa makipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Hangga't may panahon pa, umatras ka sa pagiging emperador mo."

"Kung aatras ako, sino ang mamumuno ng Thilawiel? Hindi ko masikmurahan kung ano ang masamang sasapitin ang aking bansa!" medyo pasigaw niyang sabi.

Hindi ako napagtinag. Nagawa ko pang humakbang palapit hanggang sa nasa tamang distansya na ako. Tumingala ako sa kaniya. "Ikaw pa rin ang mamumuno ng bansang ito. Ikaw pa rin ang mamalakad ng Thilawiel pero hindi sa ngayon." mas lumamig ang aking tono. "Hindi mo pa oras upang hawakan ang Impyero na ipinamana sa iyo."

"Bigyan mo ako ng matinding rason upang gawin ko ang iminumungkahi mo."

Hindi agad ako nagsalita. Nanatili kaming nagsusukatan ng tingin. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid. "Dahil sa inililigtas kita sa maaaring mangyari, Otis."

Kita ko ang banayad niyang ekspresyon. Rinig ko ang palitan ng opinyon ng mga tao.

"Kung naalala mo ang usapan natin bago mo ako kinuha sa Cyan... Noong gabi na tinanggap ko ang panukala mo na magiging emperatris mo, sinasabi ko na nais ko kayong iligtas. Hindi lang ang mga Eryndor ang nais kong sagipin. Dahil ng gabing 'yon, nakita ko na mapapahamak ka sa oras na maging emperador ka, Prinsipe Otis."

"Rini..." sa hitsura niya ngayon, hindi na niya alam kung ano ang desisyon na pipiliin niya.

Tinalikuran ko siya at nilapitan ang dalawa sa mga opisyal. Walang sabi na hinugot ko ang mga espada na nakasabit sa kanilang bewang. Ang isa ay hinagis ko sa harap niya. "Bibigyan kita ng pagpipilian, kapag nanalo ka, hahayaan kitang maging emperador. Kapag nanalo ako, makikinig ka sa akin."

"My rose!"

"Labanan mo ako. Sa mga oras na ito, kalaban mo ako. Kung kaya mo na nga bang protektahan ang nasasakupan mo. Na malaki nga ba ang maaasahan nila sa iyo. Ipakita mo sa akin---sa lahat na naririto na sapat na ba ang ipamalas mo upang mahalal ka nga na maging Emperador ng Thilawiel, Prinsipe Otis."

Continue Reading

You'll Also Like

430 59 10
A young, licensed mage from another kingdom has opted to embark on her voyage to Regulon, where she discovers her last hope of finding a cure for the...
1.2K 297 85
After the death of her beloved Gaudia, Saigie accidentally reveal her mysterious identity which lead the way to make her live with the people who kil...
66.7K 2.1K 45
(COMPLETED)✔ Have you ever wondered if someone is keeping a secret from you? Have you ever had a complicated life? Hetheria Academy, a school for pri...
59.7K 1.5K 45
book 2 ng My gangster daddy is my boyfriend *u* basahin po muna ang book 1 para maka-relate hoho ^^ pero kung tinatamad pwede na rin cguro haha :D Ta...