I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

408K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 141

878 72 10
By itsmarresemonika


Simple at palaaral na estudyante noon si Hyrus sa mundo ng mga mortal. Sa katunayan ay hindi niya gusto ang atensyon. Sapat na sa kaniya na nakakasama daw niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, at syempre, ang mapabilang sa mga iskolar sa isang unibersidad. Pero habang nasa gitna siya ng pagkasubsob niya sa pag-aaral at bigla daw nagliwanag ang buong silid niya hanggang sa matagpuan niya ang kaniyang sarili sa silid ng pagtawag na parte din ng Palasyo. Doon niya nalaman na mataimtim siyang ipinatawag ng mga malalakas na salamangkero na mismong ipinag-uutos ng dating Emperador ng Cyan, si Emperador Haremis Eryndor, ang mismong lolo ni Vencel sa tuhod. Ipinaliwanag daw sa kaniya na si Hyrus daw ang magiging bayani ng Cyan dahil ito mismo ang nakikita ng dating Emperador----may kakayahan ito na makita ang magaganap.

Noong una syempre, hindi matanggap ni Hyrus ang naging kapalaran niya. Ayaw niya sa mundo na kaniyang kinalagyan. Ni hindi niya lubusang kilala ang mga naririto. Ni hindi niya maitindihan ang mga salita at letra na nakikita niya. Tila nangangapa siya sa dilim. Wala siyang sandingan maliban lamang sa kaniyang sarili.

Ngunit dahil sa tulong ng binatang emperador, tinutulungan siya nito. Nag-umpisa siya sa wala. Mismong ito ang nagturo sa kaniya kung papaano makipaglaban laban ang mga sandata, maski ang mahika na kahit kailan ay hinding hindi makapaniwala si Hyrus na magagawa niya ang mga bagay na 'yon habang naririto siya sa mundong ito---na imposibleng mangyari 'yon sa mundo ng mga mortal.

Lahat ginawa niya. Pero dahil matalino siya, sa maiksing panahon lang ay naging bihasa siya sa pakikipaglaban. Umangat pa ang tingin sa kaniya ng mga Cyanian sa kaniya sapagkat, ilang digmaan na ang natagumpayan niya. Ilang paligsahan lang din ang kaniyang ipinalo. Masasabing isa siya sa mga dahilan kung bakit mas naging kilala ang bansang Cyan dahil sa marami niyang nagawa.

Liban sa kaalaman ng lahat, gumagawa rin ng paraan si Hyrus upang makabalik siya sa mundo na kaniyang pinanggalingan. Liban sa nakikita ng lahat, nananatili pa ring nangungulila ang binatang si Hyrus. Nasasabik siyang makita ang syudad na madalas niyang nakikita habang nasa labas siya ng kanilang bahay noon. Ang makakausap ang mga malalapit na kaibigan at mga kapamilya, maski ang mga kamag-anakan. Nasasabik din niyang pakinggan ang turo ng mga professor sa unibersidad. Lahat. Lahat ng buhay na mayroon siya noon, subalit, wala siyang napala. Wala siyang nakuhang kasagutan sa kaniyang mga tanong.

Hinayaan niya muna ang bagay na 'yon habang ginagawa pa rin niya nag tungkulin niya bilang kinikilalang bayani ng Cyan. Mas naging malapit siya sa emperador at naging matalik silang magkaibigan. Hindi niya magawang umalis sa tabi nito hanggang nagawa nang mag-asawa ang emperador.

Hindi niya makalimutan ang araw na naghihingalo ang Emperador Haremis sa malapad at malambot nitong kama sa silid nito dahil sa katandaan. Walang gabi na hindi niya ito binabantayan.

"H-Hyrus," tawag sa kaniya ng matandang emperador.

"K-kamahalan!" malakas niyang tawag sa kaniyang nagsisilbing guro. Kasabay na tumayo siya mula sa sofa na nasa tabi lang ng kama. Mabilis niyang dinaluhan ang matanda at mahigpit na hinawakan ang isang kamay nito. "May kailangan po ba kayo?" hindi mabura sa boses niya ang labis na pag-aalala.

Hindi agad sumagot si Emperador Haremis, sa halip ay tinititigan pa siya nito. Sa huli ay sumilay ang matamis nitong ngiti. "Matagal na panahon na din pala... Nakalipas... Nang ipinatawag kita..."

Siya naman ang natahimik. Nanumbalik sa kaniyang isipan ang mga alaala buhat na nakarating siya sa hindi pamilyar na lugar. Imbis, itinukod niya ang isa niyang tuhod. Lumapat 'yon sa sahig pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa kamay nito.

"A-alam kong huli nang... Sabihin ko 'to sa 'yo... Hyrus... Patawad... Patawarin mo ako... Kung... Tinangay ko ang... Buhay mo sa dati mong... M-mundo..."

Pakiramdam ni Hyrus at pinipiga ang puso niya sa mga salita na kaniyang narinig. Tahimik siyang yumuko. Wala siyang makapang salita upang sagutin ang mga sinasabi ng pinagsisilbihan niyang emperador. Mas pinili niyang pakinggan ang anumang sasabihin nito. Subalit, mas nanaig ang pagpapatawad sa kaniyang sistema. Mas pinili niyang patawarin ito dahil kung hindi rin dahil sa emperador, ay wala siya ngayon dito. Hindi rin niya masasaksihan ang kaniyang sarili kung ano ang mga natagumpayan niyang nagawa hindi lang para sa bansang Cyan, kungdi para na rin sa kaniyang sarili.

"Parang... Kapatid na din ang... Turing ko sa 'yo, Hyrus..." pagpapatuloy pa ng emperador. "Pero... Kung gusto mong... Makabalik... Isang bagay lang ang ang daan..."

Doon siya naglakas-loob na tingnna muli si Emperador Haremis.

"Kung ika'y isang diyos, Hyrus... Kung magiging diyos ka ng Cyan... Magagawa mo kung anuman ang... Gustuhin mo... Maaari kang bumalik... Sa dati mong... Buhay..."

"K-kamahalan..." hindi siya makapaniwala sa rebelasyon na itinapat nito.

"Pero... Kung mas pipiliin mong... Manatili dito... Maaari bang... Humiling sa 'yo...?"

Pumikit siya ng mariin. "Gagawin ko po ang inyong hinihiling sa abot ng aking makakayan, mahal na emperador."

"P-protektahan mo ang aking... anak... Nais kong... Ipagpatuloy ng mga... Susunod na henerasyon... Kung anuman ang... Aking nasimulan... A-alam kong... Makakaya at... Malagpasan ang lahat..." hanggang sa tuluyan na itong ipinikit ang mga mata. Ramdam din ni Hyrus ang tuluyan na siyang iniwan ng emperador. Ang nagsisilbi niyang guro at kapatid sa mundong ito. Ang tanging tao na hindi siya iniwan at inilabas siya sa ssilid ng punung-puno ng dilim.

Hindi rin nagsayang ng panahon pa si Hyrus. Ginawa niya ang lahat kung anuman ang payo sa kaniya ng dating emperador. Ginawa niyang mas lumakas pa. Mas bumaha pa ang respeto sa kaniya ng mga tao na nasa kaniyang paligid. Hindi lang ang Cyan, kungdi tatlong bansa pa. Ang Thilawiel, Oloisean at Severassi ay malaki rin ang respeto sa kaniya. Walang sinuman ang nakakatalo sa kaniya. Wala rin nagtatangkang makipaglaban sa kaniya. Habang mas dumadami ang mga taong naniniwala sa kaniya, mas nararamdaman niyang ang malaking lakas at enerhiya na kaniyang natatanggap---at doon ay nagsimula na niyang maging diyos ng Cyan. Siya ang unang naging diyos sa mundong 'yon hanggang sa nakatanggap siya ng mga disipulo kahit na sa una palang ay ayaw niya dahil ayaw na niyang kumuha pa ng isa pang responsibilidad. Ngunit hindi nagpatinag ang mga ito.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na bumalik nga sa mundo ng mga mortal. Pero laking gulat niya na hindi na ito ang mundo na kaniyang nasilayan noong huling araw niya bago siya dinala sa Cyan. Marami na ang ipinagbago. Mas maraming gusali nanaglipana. Mas dumami na ang tao sa paligid. Pero ang unang prayoridad niyang hanapin ay ang kaniyang pamilya. Pero bigo siya.

Ito ang unang beses na mawawasak siya. Wala na ang kaniyang pamilya. Ni isa sa kanila. Nalaman niyang namatay na pala ang mga ito dahil sa sakit at sa katandaan. Pakiramdam niya ay wala rin palang silbi na bumalik siya dito kung wala na rin pala siyang mababalikan.

Doon din niya napagtanto na walang ipinagbago sa kaniyang hitsura. Ni hindi siya natanda. Ni minsan ay hindi siya nailagay sa bingit ng kamatayan noon pa man.

Halos wala siya sa sarili nang bumalik siya sa Cyan. Ilang araw siyang walang gana sa lahat ng bagay. Wala siyang ganang kumain at gawin ang mga naiwan niyang trabaho.

"Panginoong Hyrus," tawag sa kaniya ng emperador. Si Emperador Maion Eryndor, ang unang anak ng kaniyang guro.

Nanumbalik ang kaniyang ulirat. Agad niyang tiningnan ang binatang emperador. "Kamahalan..." mahina niyang tawag. Nagbigay-pugay din siya sa kaharap. "Patawad, hindi ko po namalayan na... Nariyan pala kayo."

Ngumiti ito sa kaniya. "Narinig ko na sinubukan mong bumalik sa mundo ng mga mortal." panimula nito. Umupo ito sa sofa na nasa kaniyang silid. "Maaari bang malaman kung anong problema?"

Binawi niya ang kaniyang tingin. Bumaling siya sa bintana ng kaniyang silid. Malungkot niyang tinititigan ang buwan. "Wala sigurong masama kung aminin kong nalulungkot ako." mapait siyang ngumiti. "Iniwan ako ng aking guro sa mundong ito... Ngayon, nalaman ko pong... Wala na pala akong babalikan sa dati kong buhay..." kinuyom niya ang kaniyang kamao. "Minsan napapaisip ako kung anong pakiramdam ang kamatayan."

Gulat na tumingin sa kaniya ang emperador. "Panginoon... A-anong..."

Malungkot niyang ibinalik ang tingin sa kausap. "Pagod na ako, kamahalan. Wala naman sigurong masama kung... Ibig ko nang magpahinga nang payapa."

Marahan na pumikit si Emperador Maion. "Kung napapagod ka na, maaari ka na munang magpahinga. Magpakalayo-layo ka muna. Alam kong kailangan mo ang bagay na ito dahil marami ka nang nagawa para sa Cyan at labis akong nagpapasalamat doon."

"Pero, nais ko pa rin magampanan ang huling tungkulin na ibinigay sa akin ng yumaong emperador. Para sa mga susunod na henerasyon. Nais niyang manatili ang mga Eryndor na mamumuno ng Cyan." binuksan niya ang kaniyang palad. "Sa oras na mapalayo man ako ngayon, nais ko pa rin malaman kung nasa maayos pa rin kayo. Nais ko pa rin kayo protektahan sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Iyon ay igugunay ko ang buhay ko sa inyo, Emperador Maion."

"The end."

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid pagkatapos niyang magkwento ng kaniyang talambuhay. Nanatili kaming tahimik ni Rina habang nakatitig kami kay Ginoong Hyrus. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kung bakit sinasabi niya sa nakakonekta ang buhay niya sa mga dating emperador ng Cyan. Iyon pala ay ang kagustuhan ng great great grandfather namin. Kaya pala ang Cyan ang pinakamalakas na Imperyo sa mundong ito. Dahil pala sa lalaking ito. Malaki ang kontribusyon niya para umangat ang pangalan ng aming bansa. Masasabi ko na malakas nga siya at hinding hindi matatanggi 'yon.

"Pero bakit hindi mo na magawang bumalik pa bilang pinuno ng mga diyos at diyosa?" sunod kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya. "Dahil sa tingin ko ay magagampanan ng maayos ni Miriel ang kaniyang tungkulin bilang bagong pinuno ng mga panahon na 'yon at hindi nga ako nagkamali. Kahit na wala ako sa Palasyo, naroon pa rin si Ezuna upang alalayan siya." saka humigop siya ng inumin. "At bukod pa doon, mas masaya na ako sa ganitong buhay Kahit na ilang beses na akong nagtatangkang magpakamatay." saka malakas siyang humalakhak.

Ngumiwi ako. Si Rina naman ay nawindang sa naging pahayag ni Ginoong Hyrus. Kulang nalang ay hihimatayin. Kumsabagay, naiitindihan ko din naman ang parte niya. Hindi rin maganda na nabubuhay ka sa mahabang panahon. Ilang henerasyon na rin ang inabutan niya. Pakiramdam niya patuloy nga siya nabubuhay pero wala siyang kamalayan kung kailan 'yon magwawasak. Sa ginagawa niyang ito, napunta na siya sa punto na tila pinaparusahan niya ang kaniyang sarili mula sa pagkawala ng Emperador Heramis at ang pamilya niya sa dati naming mundo. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, maaaring ganoon din ang mararamdaman ko. Sa oras na may mangyayaring masama ni isa sa mga taong napalapit na sa akin.

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga saka tumayo na. Napukaw ko ang kanilang atensyon. Binigyan nila ako ng isang napagtatakang tingin. "Kailangan na anting bumalik sa Manor, ate Rina." kaswal kong saad. "Tiyak hinahanap na nila tayo. Labis na silang nag-aalala dahil sa biglaan mong pagkawala kanina."

"A-ah!" aligaga siyang tumayo na din. Gayundin si Ginoong Hyrus. "Maraming salamat pala sa masarap na tsaa na ipinainom mo sa akin, Ginoo!"

Iwinagayway ng ginoo ang isa niyang palad. Matamis siyang ngumiti sa amin. "Wala 'yon, walang problema. Baka nga hinahanap na nga kayo sa inyo."

"Bakit hindi ka nalang sumama sa amin, Ginoong Hyrus?" bigla kong sabi.

"Ha?" he looks clueless.

Ako naman ang ngumiti. "Alam kong matagal nang patay ang kaluluwa mo dahil sa mga masasakit na nangyari sa 'yong nakaraan. Bakit hindi ka sumama sa amin? Baka malay mo, mahanap mo ulit ang rason upang muli kang mabuhay."

Kita ko kung papaano siya natigilan sa sinabi ko. It looks like I hit him hard through his chest. Sa hitsura niya ngayon, para bang ngayon lang siya binigyan ng ganoong payo sa buong buhay niya. "Kamahalan..."

"Bukas ay kaarawan ng isa sa mga diyos at diyosa ng Cyan, si Ivor na siya ding isa sa mga disipulo mo. Matagal mo nang itinago ang kapangyarihan mo para hindi ka nila maramdaman, hindi ba? Bakit hindi mo gawin ang presensya mo bilang regalo mo sa kaniya? Matitiyak kong labis niyang ikakatuwa kung makikita niya sa mismong kaarawan niya ang guro niya. Ang humubog sa kaniya kung ano siya ngayon."

Biglang pumapalakpak si Rina. Umaliwalas ang mukha niya sa aking suhesyon. "Oo nga naman, Ginoong Hyrus! Magandang ideya nga ang naisip ni Rini. Tiyak ngang matutuwa ang mga disipulo mo sa oras na makita ka nila." mas tumais ang kaniyang ngiti. "Alam kong nasasabik na din silang makita ka muli. Alam ko ding maiitindihan din nila kung bakit ito ang pinili ninyong desisyon noon."

"Mga prinsesa..." ang tangi niyang masabi.

"Kaysa magsisisi ka sa huli, hindi ba?" dagdag ko pa.

Sumilay ang banayad na ngiti sa kaniyang mga labi. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Sa huli ay nagkibit-balikat siya. "Mukhang wala na akong magagawa pa. Kung ano ang hinihiling ng mismong mga prinsesa, siguro ay kailangan ko ngang pagbigyan ito." saka bumungisngis siya. Bigla umiba nag ekspresyon ng kaniyang mukha. Nanlisik ang mga mata niya na dahilan upang matigilan kami ng kakambal ko. "Hinding hindi rin ako makapaghintay na makabawi sa kanila..."

Nagkatinginan kami ni Rina sa isa't isa. Tinagilid niya ang kaniyang ulo, may bakas na pagtatanong sa kaniyang mukha. Wala akong ideya upang sagutin siya kaya ang tanging magagawa ko lang ay magkibit-balikat.

**

Tahimik kaming tatlong naglalakad sa kakahuyan. Naririnig din namin ang iba't ibang boses. Ilang ulit na tinatawag sang pangalan namin nina Rina. Tulad ng aking inaasahan, hinahanap na nga nila kami. Anong oras na din kasi. Siguro ay lumipas na ang hapunan. Para mabawasan namin ang pag-aalala nila ay agad kong hinawakan ang isang kamay ni Rina saka binilisan pa namin ang lakad namin para marating namin kung nasaan sila ngayon.

"Narito kami!" malakas kong sagot sa mga tawag nila.

Tumigil din kami sa paglalakad. Balak ko sanang hindi na kami uusad muna para madali kaming mahanap sa parte ng kakahuyan na ito at hindi nga ako nagkamali. Madali nga nila kami nahanap dito. Nasa likuran naman namin si Hyrus, tahimik lang niyang iginala ang kaniyang tingin sa paligid.

"Rini! Rina!" malakas na tawag ng mga kapatid namin. Gayundin ang mga prinsipe na tagapagmana.

"My rose!" si Otis na madaling dumalo sa amin saka sinunggaban niya ako ng mahigpit na yakap.

"Rina!" si Kapitan Averescu na hapong-hapo na nilapitan si Rina. Hindi rin mapigilang yakapin ang aking kakambal. Bakas sa mukha nila ang labis na pag-aalala sa amin.

"Wow, sweet." rinig kong mahinang sambit ni Hyrus sa likuran namin. "Huwag ninyong ipamukha sa akin na single ako, Prinsesa Rini."

Napangiwi ako. Hindi ko alam na may ganitong side pala ang isang ito.

Natunugan siya ni Otis. Siya mismo ang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Kunot-noo siyang tingnan ng asawa ko. "Sino ang isang ito, my rose?! Siya ba ang nagtatangka sa mga Stodge?!" walang sabi na itinapat ang palad niya sa kasama namin.

"Ah, nagkakamali ka, Otis. Hindi siya ang hinahanap natin. Bagkus, siya pa ang nakahanap kay Rina." pagpapaliwanag ko. "At siya ang unang Panginoon ng Cyan."

"A-ano...?" sabay nilang reaksyon.

"Tama kayo ng narinig. Siya nga ang dating Pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw." dagdag ko pa. "Ginoon, maaari mong ipakilala ang 'yong sarili."

"Hi! Pangalan ko pala ay Hyrus. Ang tagal din bago ulit ako makausap ng mga tao." saka malakas siyang humalakhak sa harap namin. "Pasensya na, busy kasi ako sa kakasuicide kaya medyo maninibago ako humarap sa mga tao."

"Rini?" tawag sa akin ni Dilston. "Anong pinagsasabi niya?"

"Ano 'yong Hi at suicide?" si Otis na punung-puno ng pagtatanong.

Muli na naman ako ngumiwi. Napakamot ako ng ulo. "Ano kasi... Katulad ko pala siya. Hindi talaga siya galing sa mundong ito. Pareho kami ng pinanggalingan..." hindi ko na alam kung ano pa ang idudugtong ko sa aking paliwanag.

"Panginoong... Hyrus?" rinig naming boses ni Miriel sa hindi kalayuan.

Sabay kaming tumingin sa kaniyang direksyon. Napasapo ito sa bibig. Bakas sa mukha niya an hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Hindi lang siya, maski sina Haldir, Ivor at Tehisa.

"Oh, Miriel! Narito ka na pala! Hindi ko inaasahan na matanggap mo ang mensahe ko---"

Mabilis na lumapit sa kaniya ang apat. Laglag ang panga namin nang bigla siyang nilapitan ng mga ito saka binigyan ng malalakas na batok!

"Bakit ngayon ka lang, ha?! Ang tagal mong nawala, guro!" gigil na gigil na panenermon ni Tehisa.

"Ang sabi mo panandalian ka lang mawawala at nais mo lang magpahinga! Hindi ko akalain na aabutin ng ilang henerasyon bago ka magpakita sa amin!" si Miriel naman ang naiinis.

Parang balewala lang kay Hyrus ang ginawa sa kaniya. Patuloy pa rin siyang natawa. "Bakit, Miriel? Tinutulungan lang kita na makalimot sa taong nagugustuhan mo noon. Pero hindi ko akalain na gagawa ka ng batas na ipinagbabawal na umibig ang diyos sa isang tao kahit maaari naman!"

"H-ha...?" ang tanging masasabi ko. "M-maaaring... Umibig ang diyos... Sa tao?"

Bumaling sa akin si Hyrus. "Aba, syempre! Kaya nga magawang umibig ni Lorah noon, hindi ba?"

Napaupo ako sa lupa dahil sa panghihina. "Ibig... Sabihin..."

"Ah, brokenhearted noon si Miriel. Masyadong bitter kaya pinagdiskitahan niya ang lovelife ng mga magulang mo. Pagpasensyahan mo na ang disipulo ko na ito. Malakas din ang saltik."

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
538 64 7
METEMPSYCHOSIS SERIES FANTASY TAGLISH COLLABORATION Installment 9 of 9 *** After pulling an all-nighter, Kalima, an avid reader of RC Astralia's nove...
14.8K 1.1K 43
Celeste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. He...
948 83 10
When the demon lord Mingze threatens to destroy the human realm, three strong priestesses emerge to protect humanity from the evil force. They are th...