Platonic Hearts (Compass Seri...

By kimsyzygy

1.6K 70 0

Compass Series #1 (Completed) Growing up in a discouraging household, Aria Solace only wanted one thing to gi... More

--
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Epilogue
Rhysand
Playlist

Chapter Ten

22 1 0
By kimsyzygy

Avoid

Hindi ako kinausap ni Rhysand kinabukasan. It is already obvious to me that he's avoiding and I don't know why. Ilang beses ko na rin siyang sinusubukang kausapin sa tuwing magkakasalubong kami, pero wala pa din. Naging ganun siya ng ilang pang araw hanggang sa napagdesisyonan ko ng hayaan nalang siya.

He said he'll be more mindful of me. Was this his way of being mindful? Hindi nakakatawa.

Pinasadahan ko ng tingin ang table nila. Him and his friends were chatting. Ngayon lang siya sumama sa kanila sa lunch when he was supposed to be with me instead. Samantalang ngayon ay napilitan tuloy akong sumama kina Veronica kahit na naiilang ako. Fine, them! Bahala siya diyan.

"Like girl, seriously! Sobrang gwapo niya talaga kanina! Halos napalaway na din ako kanina kasama ng mga freshmen!"

Humagalpak ng tawa ang mga babae kong kaklase. Some of them even screamed. Panay patahimik naman ni Veronica sa kanila dahil napapabaling na rin sa amin ang ibang mga professors na nandito. Samantalang ako patuloy lang sa pagkain, but I couldn't help but to chuckle with them. Masaya naman silang kasama. It's just that... they are very much after trouble.

"Naku, kung hindi lang talaga siya malayo kanina, I would've fall right in front of him!" Natalie, one of my classmates giggled. Tinampal naman ni Lyanna ang pisngi niya.

"Gaga! Hahayaan ka nung mauntog sa sahig! Iisipin pa niyang isa kang malaking tanga. Duh! Why would anyone fall in the middle of a chess game practice?" umiiling niyang sambit.

Natalie snorted and rolled her eyes. "Nagbabakasakali lang naman... I just really want to talk to him! I mean, sino baa ng hindi gusto? Since first year ko kayang crush 'yun."

Veronica shrugged beside me. "Why don't you just talk to someone he's close to? Pa-reto kayo ganyan..." Bigla siyang bumaling sa akin. "Right, Aria? Nagkausap na kayo ni Aphelion, hindi ba? He's the reason kung bakit hindi tayo nakapresent last time, hindi ba? Pa-reto naman diyan, oh." Ngumisi siya. She slightly bumped my shoulder then giggled.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga kaklase namin sa harapan. Gulat ko rin silang tinignan isa-isa. Wait... s-si Ashen pala pinag-uusapan nila?

"S-So... the rumors are true?! He joined your organization? Oh, my gosh!" tili ni Lyanna at niyugyog pa ang kaibigang katabi hanggang sa tumili na silang lahat. Muli kaming pinagtitigan sa cafeteria.

Dahil dun, napabaling ako sa mga katabing mesa namin. I mouthed to them 'sorry' before glaring at them. Napahampas naman si Veronica dahil sa lamesa. Ito 'yung sinasabi ko eh. We will get in trouble because of this. Bakit pa ba kasi binanggit ni Veronica ang tungkol sa nangyari sa amin?

Napangiti nalang din ako nang maisip. It was an awkward and risky interaction, it didn't end well too, pero... aaminin kong masaya pa din. Tinulungan niya pa rin ako...

My glance suddenly dropped at Rhysand's table. Karamihan din sa kanila ay nakatingin sa table namin dahil sa ingay ng mga katabi ko. Umiwas rin ako agad ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. I caught him sipping his drink while staring at us. May kunot sa noo niyang napatingin nalang sa akin nang bumaling ako sa kanila.

"Ayos lang ba kayo ng boyfriend mo?" Veronica suddenly whispered beside me. She slightly leaned on my chair while glancing at Rhysand's table too. Napabuntong-hininga lang ako at nagkabit-balikat.

"Una sa lahat, hindi ko nga siya boyfriend, Nic... Ilang beses ko bang kailanga sabihin sa inyo 'yun?" I folded my arms and leaned back on my chair. "At wala lang 'to. Misunderstanding lang..."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sana all may ka-misunderstanding!" nanguna siya sa pagtawa ulit. The girls seemed to hear it too and started laughing with her again.

Napatampal nalang ako sa noo ko sa kanila. This is why I rarely go along with them. Masaya naman sila kasama. They are just very... exaggerating.

"I probably should go, guys..." Ngumiti ako sa kanila at sinimulan nang iligpit ang lunch box ko. Ngumuso naman sila sa harapan.

"We're still chatting, Aria! Tagal ka ring hindi sumama sa amin, ah? Stay for a while, pretty please!" Alok ni Lyanna. She held my hand on the table and twinkled her eyes as if pleading.

"I can't. May isasauli pa kasi akong book sa library..." I said apologetically. "Maybe next time?"

"Okay! Pero, uhh... May assignment ka na ba sa Stats? I just want to check mine kasi if it's right. If it's okay with you..." She flashed a shy smile. Tumango rin ang iba ko pang mga kaklase sa tabi niya at tumingin rin sa akin na para bang naghihintay rin ng sagot.

Tumango ako sa kanila at binuksan ang bago. I took out my yellow pad. Before I could even place it on the table, hinablot na iyon ni Veronica. Nagsikuha na rin sila ng kanilang mga papel at tinupok ang paper ko.

"Please, keep it neat..." Tugon ko sa kanila bago pinasan na ang bag. "Kunin ko nalang mamaya sa inyo sa room."

They nodded while looking down at my answers. Halos lahat sa kanila ay wala pang mga sagot. I could only sigh while watching them. "I'll go ahead."

"We got you, Ari!" Tugon ni Veronica habang mabilis ng nagsusulat sa papel. The others gave me a thumbs up. Kumaway naman si Lyanna sa akin. "See you later, girl! Salamat dito, ah?"

Tumango ako sa kanila bago tumalikod. I can only hear their laughters before I could even step out at the door. Sandali kong pinasadahan ng tingin ang lamesa nina Rhysand. Just like most of the groups in the cafeteria, mukhang nagkakasayahan rin naman sila. And Rhysand... he looks genuinely happy with them.

May kumirot sa dibdib ko nang mga sandaling iyon. I cannot deny that sometimes I used to think what if our friendship didn't last this long? Mukha naman siyang masaya sa kung sino lang ang makakasalamuha niya. He's also been a part of random groups before noong High School. Pero parati niya pa rin akong inaalala. I know he missed a lot of parties... A lot of field trips and night outs dahil lang hindi ako pinayagang pumunta. Mas pinili niyang samahan akong magreview or mag-overtime sa resto.

Masyado na ba akong... pabigat ngayon? Kaya niya ba ako iniiwasan? Did he realize that I'm maybe causing hindrances in his life? Siguro, naiisip na rin niya iyon. He could... do a lot more fun stuff with them than he could with me. At deserve rin naman niyang maranasan ang mga bagay na iyon...

Napasinghap ako nang bigla siyang bumaling sakin. I was standing in the middle outside the door and just watching them through the glass wall. Napako ako sa kinatatayuan nang gumalaw siya sa pwesto. Lito siyang pinagmasdan ng mga kaibigan nang bigla nalang itong tumayo ng walang pasabi.

I looked away. I don't want him to lose that moment just because of me, lalo na't nagkakasiyahan sila.

Dahan-dahan akong napahakbang papalayo hanggang sa mabilis nang umalis. Nakalayo na ako sa cafeteria nang mahagip ang pagbukas nito. Hindi ko na iyon pinansin pa at sa patuloy lang sa paglalakad.

"Aria!"

I almost flinched when I heard his voice. Napatakbo na ako ng tuluyan sa field. What's wrong with him? Bakit pa siya sumunod? Akala ko ba iniiwasan niya ako?

I walked through the buildings. Hindi ko na alam kung saan na ako papunta nito. Mas pinalayo ko pa ang sarili sa library sa daang tinahak. I just know I need to get him out of my sight. Wala akong oras ngayon para makipag-usap sa kanya. He doesn't want us to talk, right? Then, so be it. Doon nalang siya sa mga kagrupo niya.

"Yes, I'm on my way--"

"Aw!"

Nagkawatak-watak ang mga libro na hawak-hawak ko nang may bumangga sakin. Bumagsak rin ang mga papeles ng nakabangga ko sa lupa. I heard the guy mutter curses before kneeling down to get them. Agad akong tinupok ng pagkailing at mabilis ring lumuhod. "I-I'm sorry! I'm so sorry... Hindi ko sinasadya!" I muttered, panicking. Tinulungan ko siyang kunin ang mga dala niya.

"Solace?"

I shivered when I recognize the voice. Saglit akong natigilan at pinasadahan siya ng tingin.

"Hi... In a hurry?" Bumakas ang ngiti sa mukha niya. He calmly stood up and lend me a hand. Hindi ko iyon tinanggap at agad na tumayo ng matuwid. Hindi ko alam kung paano tumingin sa kanya.

"Y-Yes. Pasensya ka na..."

"No, it's okay. Let me..." Kinuha niya ang mga papeles niya sa mga kamay ko. "I'm sorry too. I was... in a hurry." Tahimik niyang saad. A small smile flashed on his face when I gaze up to him. "Ang haggard ah?"

"H-Ha?" Tinignan ko ang sarili. Doon ko nalang napansin ang ayos ko. My uniform's tangled all over. My ID's already hanging from behind my neck. Nalalagas na rin ang bag ko sa balikat at nasira na ang pagkakatali ng buhok ko dahil sa hangin sa field.

"Aria!"

I didn't miss Rhysand's voice. Naunang bumaling si Ashen sa likuran ko bago pa man ako makatingin. Humigpit ang hawak ko sa mga libro ko at humarap na sa kanya. Now he's getting in my senses.

Ashen was about to walk pass me. His eyes dropped down to me as if examining something. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang pinasadahan muna ng tingin ang naglalakad na si Rhysand papunta sa amin bago hinawakan ang kamay niya. Ashen's immediately fell to my hand, confused.

"Para ba ito sa facility?" Turo ko sa mga papel niya.

"Yes, but--"

"Tulungan na kita..."

"Aria..." Rinig kong tawag nang nakalapit ng si Rhysand. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Busy pa ako." Sagot ko sa kanya. Tumango ako kay Ashen at kinuha ang ilan sa mga dala niyang papel. "Tara na? Samahan na kita sa facility... Wala ka pang susi, diba? I brought mine here..."

"Seriously?" I heard Rhysand's growl from behind. "Pagkatapos kang ipahiya ng gagong 'yan? That was in front of our families, Aria. Tapos sumasama ka diyan?" Asik niya. He's sweating all over because of the heat and frustration raging on his face. "You tolerating the incompetence of your toxic friends, maiintindihan ko pa 'yun. But, this?" Duro niya kay Ashen.

"This is fucking hilarious..." He didn't even mind controlling his mouth.

Tuluyan na akong naubusan ng pasensya, ngunit bago pa ako makasagot ay pinangunahan na ako ni Ashen.

"If you're trying to make a scene here then think again. May nagka-klase sa loob ng building. You will get us all in trouble." Mahinahon niyang pahayag. "We were just heading towards our facility. May masama ba roon? And this completely none of your concern." Seryoso niyang tugon.

"Umalis nalang tayo, Ashen... I'm sorry, Rhy, nagmamadali kasi kami. Tawagan mo nalang ako mamaya." I forced my voice not to crack. Hinigit ko na ang braso ni Ashen papalayo sa kanya. "At pwede ba? Stop with the curses. If you want to avoid me, panindigan mo. Kausapin mo nalang ako kapag tapos na kayo ng mga kaibigan mo roon." Matigas kong sambit.

Tila napaigtad naman siya sa sinabi ko. His eyes slightly widened as if he just realized something. Umigting ang kanyang panga bago dahan-dahang napatango. He sighed then stepped away. "Fine!"

He ran his fingers through his hair. Nagpakawala lang siya ng marahas na bulong bago tumalikod na. He walked away arrogantly from us.

I disappointedly watch him. Always easy to walk away, Rhysand?

Ashen stepped in front of me while watching Rhysand left as well. Bumuntong hininga siya bago muling kinuha ang mga papeles niya sa kamay ko. "You and your boyfriend... Do you two frequently fight like this?"

Umiling-iling ako. "Hindi ko siya boyfriend. He's just a friend." Sagot ko. "And no... We don't fight like this. Nagkataon lang na pareho kaming wala sa modo. I don't want to deal with him, he doesn't want to deal with me too."

"Oh," tumango-tango siya. "That's good to know..." I heard him murmur.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Good to know?"

"I mean... Buti nalang wala kayong dalawa sa mood. Where we are now, is not a good place for a quarrel. Baka mapagalitan pa tayo. At ayoko ring pumagitna sa inyo."

"You just did..."

"Well, that was for our sake. What if someone sees us and they thought I'm involved?" He grinned. "Anyway..." Sumeryoso ang mukha niya. "Totoo ba ang sinabi niya kanina? You were letting your friends take advantage of you?"

Napaiwas ako ng tingin at mabilis na umiling. "No, he doesn't know anything about them. Wala siyang karapatan sabihin 'yun."

"If you say so." He shrugged. Inayos niya ang mga dala niya. "May klase ka ba ngayon?"

I shook my head. Hindi ko na napigilan ang ngiti habang niyayakap na ng mahigpit ang mga libro ko. "Vacant pa namin. Ikaw?"

"Wala rin." His grin widened. Inayos niya ang jacket niyang suot bago may hinilang string ng bag mula sa likod niya. Doon ko na lamang napansin ang nakasabit na gitara niya sa likod.

It was the same guitar he had that night...

"I'm sorry for that, by the way. I used you as an excuse... Hindi ko ginusto 'yun. I just really needed an escape. Kagaya ng sinabi ko, wala pa ako sa mood para makausap siya..." Nahihiya kong sambit.

"So, you owe me one?" He suddenly smirked then nodded. Bumaba ang tingin niya na para bang nag-iisip bago muling binalik ang mga mata sakin. That's when I noticed how... dark his eyes were. It was like pure, pitched black.

"Since we have no classes and you owe me one... Let's have ice cream, then?"

***

-kimsyzygy

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 292 33
Nagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang a...
6K 546 38
Gynophobia: A fear of Women. Genre: Mystery/Thriller/Romance Highest Rank #117 Mystery Gonnie Han Cuego has a peculiar phobia, called Gynophobia. His...
110K 5.5K 47
Tiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fasc...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...