I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

407K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 121

1.3K 110 13
By itsmarresemonika


Hindi matanggal ang tingin namin sa dalawang emperador. Mas lumalaki ang tensyon sa loob ng Throne Room. Hindi na rin ako magugulat dahil isa ito sa mga inaasahan ko. Napansin ko na hindi lang si EmperadorYu Shan lang ang seryosong nakikipagtagisan ng tingin sa mga Eryndor, gayundin sina Prinsipe Ting Fei pati ang mga personal nilang tagapagpbantay na sina Heneral Yi Peng at Kapitan Du Yi. Palihim akong sumulyap sa mga iba pang emperador na naririto, bakas din sa mga mukha nila ang kaseryosohan, mukhang may alam sila na hindi maganda ang ugnayan ng Cyan at Jian Yu.

Kumawala ang isang malalim na buntong-hininga si Emperador Shan. "Naririto ako upang sabihin na nais kong ibaon na natin ang masamang nakaraan ng dalawang bansa sa limot, Emperador Shan." panimula niya, may bahid na ding kaseryosohan sa tono niya.

Lumipat ang tingin ko sa mga Eryndor. Kusang kumunot ang kanilang mga noo sa sinabi ng kaharap nila. Alam kong naguguluhan sila sa nangyayari. Nagtataka din sila kung bakit biglang bubuksan ng naturang emperador ng kaaway na bansa tungkol sa bagay na 'to? Pero masaya ako dahil sumusunod nga si Emperador Shan sa usapan namin bago man namin nilisan ang Jian Yu upang makarating lang dito.

"Anong..." si Raegan, hindi pa rin nawawala ang pagatataka sa nangyayari. "Anong na-udyok sa 'yo upang magkasundo na sa amin, Emperador ng Jian Yu? Sa tinagal-tagal na magkaaway ang ating bansa, bakit ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit at makipagsundo?"

Hindi parin nagpapatinag si Emperador Shan. Nanatili siyang nakatingin sa mga Eryndor. "Dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makarating sa Cyan, mga kamahalan. At ayoko na ring tumagal pa ang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya. Alam kong hindi naging maganda ang tingin ng aming ninuno sa inyong pamilya, kaya ako'y napaparito ay upang personal na humingi ng tawad sa kanilang ginawa at ipinaramdam nila ang pag-aalipusta laban sa inyo." walang sabi na lumuhod siya sa mismong harap ng mga Eryndor na dahilan upang manlaki ang aming mga mata sa pagkagulat! Hindi lang siya, maski sina Prinsipe Ting Fei, Heneral Yi Peng at Kapitan Du Yi. Kahit na walang kinalaman sina Ju Fen, Wei Niu at Liu Ai sa nangyayari ay sinundan nila kung ano ang ginawa ng kanilang pinuno! Yumuko pa sila at halos halikan na nila ang sahig ng Throne Room!

Hindi ko inaasahan 'to! Kusang kumilos ang aking katawan! Walang sabi na hinawakan ko ang mga damit ng magkapatid na Yu. Marahas ko silang inangat sa gayon ay maputol ang pagluhod nila sa mga Eryndor. Alam kong magugulat ang lahat sa ginawa ko.

"Rini?" nagtatakang tawag ni Vencel sa kaniya.

Seryoso akong tumingala sa mga Eryndor. Hindi lang siya ang nagtataka, pati na din ang mga kapatid ko. Ganoon din ang mga tatlo pang emperador, ang mga prinsipe at ang prinsesa, mga kaibigan ko... Lahat. Lahat ng mga tao sa loob ng silid na ito ay nawindang sa aking inakto.

"Prinsesa... Styriniana...?" nagtatakang tawag sa akin ng magkapatid na emperador at prinsipe, gayundin ang mga mga kasama nila.

"Tama nang humingi kayo ng tawad pero huwag na umabot sa ganyang paraan upang humingi kayo ng tawad, Emperador Shan." medyo matigas kong sambit. "Dahil sa umpisa palang ay wala na kayong kinalaman sa alitan, nadamay at malas lang kayo dahil ninuno ninyo ang mga tampalasan na kumutya sa mga Eryndor."

"Pero..."

"Kung nais mong mapalapit sa bansa na 'to, hindi mo kailangan isuko lahat, pati ang dignidad na mayroon ka. Magtira ka para sa sarili mo, Emperador Shan." huminga ako ng malalim. "Kahit na hindi mo gawin ang bagay na 'yan, tutulong pa rin ako... Kami."

"Anong ibig mong sabihin, Rini? Anong tulong na tinutukoy mo?" hindi mapigilang magtanong ni Vencel.

Ibinalik ko sa mga Eryndor ang aking tingin. Kapag talaga nasa ganitong lugar ako, kailangan kong maging seryoso. "Tama po kayo ng narinig. Nais ko po sanang magbigay ng tulong sa kanila kapalit ng pagtulong nila sa akin habang ako'y nasa kanilang teritoryo. Nang mga panahon na hindi pa po nanumbalik ang aking mga alaala at mga kapangyarihan."

Umingay ang tao sa paligid. Kahit sila ay hindi makapaniwala na magagawa akong tulungan kahit na prinsesa ako ng kalaban na bansa. Hindi ko nalang inisip tungkol sa bagay na 'yon.

"Anong tulong naman ang ibibigay mo sa kanila bilang kabayaran sa pagtulong nila sa 'yo, Rini?" tanong ni Cederic.

"Habang nasa Jian Yu pa po ako, nalaman ko na malalakas din po ang mga mamamayan na naroroon. Hindi lang sa mahika, pati na din sa pampisikal na lakas. May nakilala din po akong tao, napag-alaman ko pong retirong heneral po siya at nagtayo ng sarili niyang paaralan upang magturo siya ng sining sa pagtatanggol ng sarili at pakikipagdigma. Napagtanto ko po na malaking bagay ito upang maging maunlad at bumuo ng alyansa sa pagitan ng mga Imperyo." pagpapaliwanag ko.

"Sa madaling salita...?" si Raegan. Inaabangan niya ang susunod kong sasabihin.

"Naisip ko po na bakit hindi po sila magpadala ng mga estudyante dito upang mas mapag-aralan at mas lumawak ang kaalaman nila pagdating mahika, habang ang mga mamamayan ng Cyan, Thilawiel, Oloisean at Severassi naman ay maaaring ipadala sa Jian Yu upang mas palawakin ang kaalaman nila sa pakikipagdigma? Dahil po ako mismo, natutunan ko na po ang pamamaraan po nila sa pakikipaglaban sa maikling panahon lamang at masasabi ko na magiging kapaki-pakinabang po ito. Hindi ko naman po sinasabi na walang kwenta ang pamamaraan natin sa pakikipaglaban. Ang ibig kong ipahiwatig ay bakit hindi pa po tayo dumiskobre? At tingin ko din po, sa pamamagitan din nito, mas tatagal po sila sa lugar ng digmaan." dagdag ko sa aking paliwanag.

Kita ko kung papaano sila natigilan, maliban lang sa mga taga-Jian Yu na kasama ko. Hindi na rin bago sa akin kung ano ang reaksyon na maibibigay nila sa akin kapag napaliwanag ko na sa kanila tungkol sa bagay na 'to.

"Oo nga, Vencel. Maganda rin ang suhesyon ng Prinsesa Styriniana!" malakas na bulalas ni Emperador Kron. "Sa tingin ko din ay kailangan nga namin 'yan dahil kapos sa kaaalaman ang karamihan sa aming mga kawal at mga kabalyero ng Oloisean dahil mas napako ang aming atensyon sa paggamit ng mahika bilang panlaban."

"Sang-ayon din ako, Vencel." segunda pa ni Emperador Nerius. "Ang buong akala ko ay ang Ibilania lang ang may kakayahan na magturo sa sining sa pakikipaglaban, hindi natin nabibigyan-pansin na kaya rin pala makipagsabayan ang Jian Yu pagdating sa ganitong bagay." nakangiti siyang bumaling sa magkapatid na Yu. "Wala naman sigurong masama kung magpapadala ako ng mga batang Severassian sa Jian Yu, Emperador Yu Shan?"

"Wala pong problema, Emperador Nerius. Ikinagagalak po naming tanggapin na kahit ang mga dayuhan na nais makarating sa aking teritoryo. Sisikapin po namin maturuan ang mga nais matuto sa pamamaraan namin sa pakikipagdigma."

"At isa pa po, mga kamahalan... Nais ko din pong imungkahi ang pagpalit ng kalakal sa bansang ito. May mga produkto mula sa Jian Yu na maaari nilang iluwas sa Cyan, Thilawiel, Oloisean at Severassi. Tulad ng pagkain, mga magaganda at dekalidad na mga tela. Naisip ko pong bakit hindi rin po tayo magluwas din ng kalakal sa kanila? Ihatid din natin po sa kanila ang mga ipinagmamalaki nating produkto mula sa apat na bansa. Samakatuwid, ang layunin nito ay magpalitan ng tradisyon at kultura, dayuhan man o hindi." muli kong sabi. "At isa pa, kung ang Cyan ay kilala dahil dito matatagpuan at nakakagawa ng mga mga pambihira at mga karaniwan na batong-hiyas, msasabi ko na hindi magpapahuli ang Jian Yu dahil sa batong-hiyas na mayroon at sa kanila lang po ito matatagpuan lalo na't isa po ito sa mga pinakamamahaling bato sa mundo."

Napasinghap ang nasa paligid namin.

"Anong batong-hiyas na tinutukoy mo, Rini?" mukhang curious na sila kung ano ang bato na tinutukoy ko.

Ngumisi ako. "Ang batong-luntian ng Imperyo (Imperial Jade), mga kamahalan."

"B-batong... Luntian...?" hindi sila makapaniwalang ulit nang banggitin ko ang pangalan ng batong-hiyas.

"Sandali, Rini!" malakas na awat sa akin ni Raegan. Mabilis siyang tumingin sa magkapatid na Yu. "Kung hindi ako nagkakamali, ayon sa mga naririnig ko... Bihira lang ang magkaroon ng ganitong hiyas, sapagkat sa sobrang mahal nito, kulang pa ang ilang baryang ginto upang magkaroon nito, maliban nalang kung ika'y mataas na maharlika o galing sa Pamilyang Imperyal."

Seryosong tumango si Prinsipe Ting Fei. "Tama po kayo, Prinsipe Raegan ng Cyan. Ang totoo po niyan ay hindi nga namin basta-basta ipinapamalas ang batong-hiyas na 'to dahil mahalaga po ito, katumbas ang halaga nito na siya din ang ibig sabihin ay Imperyal." sagot niya. "At isa po ito sa mga dahilan kung bakit ipinagbabawal namin na makapasok ang isang dayuhan noon pa man."

"Nalaman ko lang ang eksaktong halaga nito pagtapos akong mahalal bilang bagong emperador noon. Hindi ko pa kasi nalaman agad na malaki pala ang halaga ang bato na madalas kong ibinabato kay Ting Fei noong mga bata palang kami." wika ni Emperador Shan. "Sa tuwing nag-aaway kami, hindi ko siya mapigilang batuhin ng hiyas na 'yon."

Laglag ang panga namin sa kwento niya. Ano daw? Binabato lang niya ang Imperial Jade noong mga bata palang sila?! Seryoso ba siya?! Kung nasa dating mundo ko siya, malalaman niyang malaking halaga talaga ang katumbas n'on! Dahil nakakahalaga ang Imperial Jade ng ilang milyon sa dati kong mundo at dolyares pa! Papaano pa kaya kapag naconvert 'yon sa peso?!

"Kung kaya napagpasya kong isasama ang batong-luntian sa parte ng palitan ng kalakaran. Bilang karagdagan at sa tingin ninyo ay nag-aalangan pa rin kayo, mamarapatin ninyo sanang iiwan ko ang tatlo sa aking mamamayan upang personal na pagsilbihan si Prinsesa Styriniana bilang tanda ng kasunduan namin na ibabaon na sa limot ang masamang nakaraan ng dalawang bansa." segunda pa ng Emperador ng Jian Yu.

"Kasunduan? Anong kasunduan ito, Rini?" tanong ni Raegan nang nakatuon sa akin ang kaniyang tingin.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Kung natatandaan ninyo po noong pitong taon gulang palang po ako, kung anong kasunduan na ginawa namin ni Prinsipe Cederic, kasama ang mga prinsipe ng Thilawiel, Oloisean at Severassi, ganoon din po ang kasunduan na ginagawa namin ng Emperador Shan, hindi lang po siya, maski ang Prinsipe Ting Fei ay nangako na magbibigay ng dagdag pwersa sa oras na haharap sa mga paparating na digmaan."

"Ano sa tingin mo, Vencel? Kung ako, walang problema sa akin kung sasang-ayunan ko ang iminungkahi ng 'yong anak. Maganda nga na may bagong bansa na makikipag-alyansa sa atin, alalahanin mo kung ano ang susunod na magaganap. Kung ano ang babala na ibinigay sa atin ng mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw at mundong ilalim." si Emperador Audrick na nakangiti.

Kumawala ng malalim na buntong-hininga si Vencel. "Kung ganyan naman ang intensyon nila kung bakit sila'y nasa harap ko ngayon, siguro ay maganda nga kung tanggapin ko nga ang kanilang alok." malamig niyang sagot. Lihim ako napangiti dahil hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang aking ama na suplado. Pero alam kong masaya siya dahil magwawakas na ang alitan sa pagitan ng Cyan at Jian Yu. Muli siyang tumingin ng diretso sa direksyon ni Emperador Shan. "Simula ngayon, ibabaon na nga natin sa limot kung ano ang masamang nakaraan ng dalawang bansa, sa halip ay magsimula muli at bumubo ng bagong alaala na tanda ng magiging magkaibigan ang dalawang bansa. Ngayon, malugod at bukas-palad naming sinasalubong at tinatanggap ang bagong bansa na magiging parte sa alyansa ng Cyan, Thilawiel, Oloisean at Severassi, ang Jian Yu!" malakas niyang anunsyo sa buong silid.

Pumalakpak sila. Ipinaramdam nilang tinatanggap din nila ang mga Jian sa bansang ito. Napangiti ako sa naging resulta. Bumaling ako sa mga kasama kong Jian. Bakas sa mga mukha nila na hindi makapaniwala.

"Ngayong parte na ang Jian Yu sa alyansa, inaasahan ko ang pagbisita mo sa Thilawiel. Hayaan mong ipapakita ko din sa 'yon ang mga produkto na maaari naming ibenta sa palitan ng kalakaran." maagap na sambit ni Emperador Audrick.

Nakangiting tumango si Emperador Nerius. "Inaasahan ko din ang pagdayo mo sa Severassi upang mapag-usapan din natin tungkol sa bagay na 'yan, Pamilyang Imperyal ng Jian Yu."

"Inaasahan ko din ang pagbisita mo sa Oloisean, batang Emperador---teka, may asawa ka na ba?" biglang tanong ni Emperador Kron. "Sa edad mong 'yan ay wala ka pang asawa at emperatris?"

"Ah!" malakas na bulalas ni Ju Fen na may kasamang palakpak pa.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko, pati na din ang mga kasama kong Jian. Sabay kaming napatingin sa kaniya.

"Nagkaroon na po ng asawa ang mahal na emperador subalit---"

Kusa din gumalaw ang katawan ko. Ganoon din sina Heneral Peng, Kapitan Du Yi, Wei Niu at Liu Ai. Mabilis naming nilapitan si Ju Fen. Bigla humawak ang dalawang lalaki sa magkabilang balikat ni Ju Fen habang ang dalawang babae naman ay humarang, ako ang nagtakip ng bibig niya! Nawindang siya sa ginawa namin. Gulat na gulat siya na binigyan naming pressure sa kaniya. Ang dalawang Yu naman ay animo'y nabato sa kinakatayuan. Akala mo ay kalmado lang sila pero sa loob-loob nila ay pinagpapawisan na sila ng malamig.

"Huwag na huwag mong babanggitin kung ano ang dapat mong sabihin, Ju Fen." matigas kong bulong. Pinagdidilatan ko siya. "Kung gusto mo pang payapang makagala sa labas ng Palasyo na 'to."

"Utang na loob, Ju Fen. Huwag na huwag mong ipapahamak ang Pamilyang Impyeral. Huwag mong ibunyag ang nangyari sa prinsesa at sa mahal na emperador." bulong ni Wei Niu. "Kakabati lang ng dalawang bansa, huwag na huwag mong palalain ang panibagong problema."

"Prinsesa Styriniana? Anong nangyayari?" rinig kong nagtatakang tanong ni Emperador Kron.

Binawi ko ang aking kamay ko mula sa pagkatakip ko sa bibig ni Ju Fen. Nakangiwi akong humarap sa kaniya. "Ang totoo po kasi niyan ay hindi pa maganda na pag-uusapan natin ang tungkol sa emperatris ng Emperador Shan..."

"Huh, bakit?" sunod na tanong ni Emperador Nerius.

"Kakamatay lang po ang emperatris, mga kamahalan." mabilis kong sagot.

Natigilan sila sa aking pahayag. Nakatuon ang atensyon nila kay Emperador Shan. Nababasa ko sa mga mata ng mga tao ang awa para sa Emperador ng Jian Yu.

"Nakikiramay kami, Emperador Shan. Hindi ko alam na may pinagdadaanan ka pala ngayon." malumanay na wika ni Emperador Kron.

Mapait na ngumiti si Emperador Shan saka umiling. "Maraming salamat, pero maluwag na ang aking kalooban dahil tapos na ang kaniyang paghihirap. Matatagpuan na niya ang magandang lugar kung saan siya karapat-dapat." saka sumulyap siya sa akin. "Pero labis din ang pagpapasalamat ko dahil nakilala ko siya."

**

Pagkatapos ng reconciliation, nagkaroon ng munting salo-salo sa bulwagan. Pero ako, wala pa akong ganang kumain. Sa halip nagpaalam ako na nais kong magpahinga kahit idlip lang ang magagawa ko. Syempre, mismong si Otis ang sumama sa akin. Nakasunod naman sa akin sina Nesta, Faila, Regie, pati na din ang tatlong magiging personal kong tagapagsilbi na sina Ju Fen, Wei Niu at Liu Ai. Naipakilala ko na din sila sa isa't isa. Pero napapansin ko ang pagiging tahimik ni Otis. Gayundin si Ju Fen. Dahil alam kong magkakilala ang dalawa nang mga araw na naligaw si Otis sa Jian Yu. Kahit ganoon ay wala akong naramdaman na takot o pagkabahala dahil wala naman akong ginawang masama.

Pagtuntong namin sa dati kong silid ay inutusan muna ni Otis na sa mga ladies-in-waiting na maghintay muna sa labas. Magalang nagsisunod ang mga ito. Humarap ako sa direksyon ng aking asawa. Siya na ang mismong nagsara ng pinto saka humarap sa akin na seryoso ang mukha.

"Otis," kaswal kong tawag sa kaniya.

"My rose," hanggang sa tagumpay niya akong nilapitan. "Ikaw ang emperatris, hindi ba?" diretsahan niyang tanong.

Tahimik akong tumango bilang tugon sa kaniyang kasagutan.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Alam kong mawiwindang siya sa oras na malaman niya ang totoo pero wala akong balak na itago 'yon sa kaniya dahil nagbabalak akong sabihin sa kaniya ang bagay na 'yon sa oras na kaming dalawa nalang. Ayoko lang malaman 'yon ng mga emperador at mga prinsipe na naging emperatris at naging asawa ako ni Emperador Shan. Nangyari lang ang mga bagay na 'yon dahil nasa ilalim ako ng isang sumpa. Wala akong alaala, wala akong kapangyarihan. Kaya ano pa bang aasahan ko?

"Nagbago na ba ang tingin mo sa akin, Otis?" malamig kong tanong sa kaniya. May bahid na kaseryosohan.

Natigilan siya sa naging tanong ko. Gulat niyang inangat ang tingin niya sa akin. "My rose..." ang tanging lumabas sa kaniyang bibig.

"Kung ang inisip mo kung may nangyari sa aming dalawa pagkatapos ng kasal, ako na mismo ang magsasabi sa 'yo, walang nangyari. Dahil bago man tayo ikinasal, nagbitaw na ako ng pangako na ikaw at ikaw lang ang makakaangkin sa akin." sunod kong sinabi, sa pamamagitan pa rin ng malamig na tono. Binawi ko ang aking tingin, dumako 'yon sa balkonahe. "Buhat din na ibinigay ko ang sarili ko sa 'yo, ipinapangako ko na ikaw lang. Na ikaw lang ang magiging dahilan upang lumago pa ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa 'yo. Nagpasalamat din ako dahil nasa ilalim tayo ng basbas nina Ceca at Frostine, na ako ang pinili nila para sa 'yo at ikaw ang pinili niya para sa akin."

"Rini..." namamaos niyang tawag sa akin.

"Mahal kita, Otis. Gusto ko na habang lumalaki ang mga anak natin, masasaksihan nila na hindi sila nabuo dahil sa politika. Nais kong iparamdam sa kanila ang pagmamahal at masayang pamilya na nararanasan ko dito sa Cyan."

Bigla niya akong niyakap. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking balikat at panga. "Patawad... Patawad kong mali man ang naiisip ko. Ssa mga sinabi mo ngayon, pakiramdam ko ay hindi na ako karapat-dapat para sa 'yo."

Ginantihan ko siya ng yakap. "Mali, Otis. Karapat-dapat ka para sa akin. Walang sinuman ang makakaagaw ng atensyon ko dahil ikaw lang ang makakagawa ng bagay na 'to sa akin." malumanay kong sambit. "Asawa kita kaya karapatan mong malaman kung ano ang mga nangyari sa akin sa panahon na wala ako sa tabi mo sa mga araw na nagdaan."

"Mahal kita, Rini. Sobrang mahal kita."

"Ganoon din ako, Otis. Kaya huwag ka na mabahala pa. Si Emperador Shan ay maituturing ko lang na kaibigan, tulad nina Calevi at Dilston. Kahit kina Caldwell at Houstin."

Medyo niluwagan niya mula sa pagkayakap niya sa akin. Ngumuso siya. "Talaga? Ganoon lang ang pagtingin mo sa kaniya?"

Tumango ako. "Oo naman. Dahil ikaw ang ama ng magkakambal, hindi ba?" saka ngumisi ako.

Muli na naman niya aking niyakap. "Nasasabik ako sa 'yo, my rose..." dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin pero agad ko siya pinigilan sa pamamagitan ng paghawak ko sa mukha niya. Natigilan siya sa ginawa ko.

"May papalapit na digmaan, huwag mo muna ako buntisin, Otis."

"My rose..." para siyang nawalan ng pag-asa nang sabihin ko ang mga bagay na 'yon. Now, he's looks like a puppy. 

Continue Reading

You'll Also Like

938 83 10
When the demon lord Mingze threatens to destroy the human realm, three strong priestesses emerge to protect humanity from the evil force. They are th...
20.7K 1.1K 24
There's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people int...
14.8K 1.1K 43
Celeste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. He...
23.9K 1.3K 45
Handa kabang lumaban para sa buhay mo? Handa kabang isakripisyo ang ibang tao para sa sariling kapakanan? Handa kabang lumaban para sa mahal mo sa...