I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

408K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 113

1K 76 6
By itsmarresemonika


Kita ko kung papaano niya mariin itinikom ang kaniyang bibig. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Pero ang mas napukaw ng aking atensyon ay ang marahas na tumulo ang butil ng pawis sa bandang patilya niya. Binawi ko ang aking tingin saka ngumiti. "Iyon ay naisip ko lang, huwag masyadong dibdibin." ang tanging nasabi ko. Pero totoo ang sinasabi ko kahit na ang tingin nila ay kuro-kuro ko lang 'yon.

Sa sinabi ko ay parang nakahinga siya ng maluwag sa pagbawi ng aking sinabi. Inalis ko ang aking tingin mula sa kaniya. Ibinaling ko nalang 'yon sa iba pero sa loob-loob ko ay gusto kong matawa. Gusto ko siyang pagtawanan dahil sa kinikilos niya. Dahil 'yon ang galaw ng may mga kasalanan.

Habang binibihisan ako nina Wei Niu kahapon, hindi ko mapigilang itanong sa kaniya kung ano ang dahilan kung anong madilim na nakaraan ang Jian Yu noon. Nabanggit niya sa akin na namatay ang ama ni Emperador Shan mula sa pagkapaslang kahit na alam ng lahat kung gaano kabait at marangal ang dating emperador. Nalaman ko din na hindi lang ang dating emperador ang napaslang, maski ang dating emperatris. Bata pa ang kasalukuyang emperador habang sanggol palang si Prinsipe Ting Fei nang naganap ang malagim na pangyayari na 'yon. Pero iisa lang ang naisip ko ng mga oras na 'yon...

Kahit sino pa ang malapit sa 'yo, hindi mo maaaring pagkatiwalaan ng lubos.

Pagdating sa politika, mayroon at mayroon talagang hihila sa 'yo paibaba. Hindi mo matutukoy kung sino ang mapagkakatiwalaan mo. Hindi mo rin maturo kung sino ang kalaban mo. Kumbaga, mag-isa kang mabubuhay at mangangapa sa madilim na lugar. At ang tanging magagawa mo lang ay dedepende ka lang sa 'yong sarili. Ipaglalaban mo ang buhay mo upang manatiling ligtas. Kahit na binalaan na ako ng mag-asawang Yi na delikado para sa akin na pumasok sa Palasyo. Kahit na protektado ka ng makakapal at matataas na pader ng Palasyo, sa loob nito ay mas maraming mananakit sa 'yo. At 'yon ang ginagawa ko ngayon.

Naisip ko din na bago ko man iwan ang posisyon na kinalalagyan ko ngayon, bago ko man lisanin ang Jian Yu, kahit papaano ay sisiguraduhin kong ligtas ang Pamilyang Imperyal. Wala man akong kapangyarihan o hindi man ako makagawa ng mahika tulad ni Ginoong Otis, gagamitin ko nalang ang aking pisikal kong lakas at isipan para sagipin sila. Kailangan ko din makakolekta ng maraming impormasyon at mga ebidensya upang maituro kung sino ang mga traydor sa mga opisyal, lupon at mga pantas. Hinding hindi ako aalis dito hanggang sa malaman ko king sino sila. At sa tingin ko ay isa si Binibining Yue ay kasabwat ng mga 'yon pero hindi ko muna ibubunyag. Kailangan ko patunayan ito.

Kung mayroon lang akong mahika...

Ramdam ko ang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid na 'to. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga sa harap nila. Isang huwag na ngiti ang ipinakita ko sa kanila. "Siya, dumako naman tayo sa usapin tungkol sa laang-gugulin (budget) para sa paparating na tag-init. Ngunit bago 'yan, kailangan ko ng kompletong ulat kung gaano kalaking halaga ang iginastos ng mga nakaraang buwan." bumaling ako kay Binibining Re Xiu, siya ang itinalaga ko ukol sa bagay na 'to. "Sana ay maibigay mo ito sa susunod na linggo."

Ngumiti siyang tumango. "Naiitindihan ko po, Kamahalang Imperyal." masigla niyang tugon.

"Sa oras na makuha ko ang naturang ulat, tatakalayin namin ng mahal na emperador kung ano ang magiging desisyon niya para sa paparating na tag-init." dagdag ko pa.

"Masusunod po, Kamahalang Imperyal." sabay nilang tugon.

"Pero, Kamahalang Imperyal..." may isang babaeng nagsalita.

Binalingan ko 'yon. "Ano 'yon, Binibining Pan Yun?" tawag ko sa babaeng nasa pinakadulo sa kanan, ang sabi ay siya ang pinakabata sa mga babaeng nasa silid na 'to.

Ngumiwi siya, kita ko na may pag-aalangan sa kaniyang mukha. "Ano po kasi... Kung mararapatin ninyo, maaari ko po bang itanong kung may pagkakataon po bang bibisitahin kami ng Kamahalang Imperyal, ang emperador sa aming mga tinutuluyan? Ilang taon na po simula nagkaroon ng tagapagmana ang Palasyo. Ilang taon na din ang nakalipas, wala pa pong ipinanganak na mga prinsipe o prinsesa..."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi makapaniwala akong nakatitig kay Binibining Pan Yun. "Prinsipe... Prinsesa...? Tagapagmana?" mahina kong ulit.

"Opo, kamahalan. Kaya po kami naririto ay upang kami ang magdala ng mga magiging tagapagmana ng mga Yu. Na kami ang magsisilang ng mga prinsipe at prinsesa." dagdag pa niya.

Rinig ko ang pagsinghap ni Wei Niu. Mabilis siyang bumaling sa akin. Bakas na may pag-aalala para sa akin.

Teka, hindi ba dapat ang Emperatris ang dapat gumawa niyan? Bakit may ibang babae pa ang nasangkot dito? Para akong kakapusin ng hininga sa mga nalaman ko. Kaya ba maaaring magpakasal ang emperador ng ilang beses sa bansang ito?!

"Mahal na Emperatris?" nag-aalalang tawag nila sa akin.

Nanumbalik ang aking ulirat. Suminghap ako at pekeng ngiti ang iniukit ko sa aking mga labi. Ipinapakita ko na ayos lang ako. "Susubukan kong kausapin ang mahal na emperador tungkol sa...Bagay na 'yan." paniniguro ko sa kanila, may bahid din ng pag-aalangan.

Ngumiti din sa akin si Binibining Pan Yun, hindi lang siya. Lahat sila ay napangiti sa aking sinabi. Sa mga mukha nila, para bang nakakita sila ng panibagong pag-asa na matagal na nilang inaasam.

Ano bang ibig sabihin nito? Bakit labis ako nawindang sa mga nalaman ko? O sadyang hindi abot ang kaalaman na meron ako ukol sa bagay na 'to? Kung maraming babae na maaaring magdala ng magiging tagapagmana ni Emperador Shan, bakit ako pa ang pinili niya na maging emperatris niya? Dahil lang ba talaga na ako ang itinuro ng propesiya na kanilang binabanggit noon?

Naputol lamang ang pag-iisip ko na biglang dumating ang isa sa mga bating na ibinigay sa akin. Hindi, mismo si Kang Shen ang dumating, ang punong bating!

"Kamahalang Imperyal. Paumahin sa pagiging lapastangan ngunit may hatid po ako na masamang balita." pormal at nag-aalala niyang panimula.

Kusang kumunot ang aking noo. Naguguluhan sa nangyayari. "Anong masamang balita na dala mo, Kang Sheng?"

"Tungkol po ito sa isa sa mga bilanggo, si Binibining Liu Ai."

Mas lalo ako nagulat nang banggitin ang pangalan ng bilanggo. "Anong tungkol kay Binibining Liu Ai? Anong masamang balita tungkol sa kaniya?" hindi ko na mapigilang taasan ang aking boses.

"Natatakot po akong sabihin sa inyo po ito ngunit, kalat na po sa buong Palasyo na mas pinaaga ang paghatol sa kaniya."

"Kailan?"

"Sa mga oras na 'to, Kamahalang Imperyal."

Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Bigla ako ginapangan ng pinaghalong takot at pag-aalala para sa binibini. Walang imik akong umalis. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ng mga babaeng kasama ko sa naturang silid na 'yon pero sadyang wala akong pakialam sa kanila. Mas importante sa akin ngayon ay ang kaligtasan ni Binibining Liu Ai. Nangako ako sa kaniya na tutulungan ko siya. Na ililigtas ko siya mula kapahamakan! At ayoko siyang biguin sa unang pagkakataon na ibinigay niya sa akin ang kaniyang tiwala at katapatan!

Dali-dali akong naglakad palabas. Medyo nainis ako dahil medyo mabagal ang aking kilos dahil sa mataas na sapatos na aking suot. Tumigil ako saglit. Rinig ko ulit ang sunud-sunod na tawag nila sa akin. Yumuko ako at walang pakundangan kong hinubad ang isang pares ng sapatos na aking suot sa harap nila. Rinig ko na naman ang mga pagkagulat mula sa kanila. Wala na akong panahon para tingnan o hintayin sila. Ang importante sa akin ngayon ay makaabot ako sa nagaganap! Kailangan kong puntahan kung saan ang lugar ng pagpaparusa!

"Kamahalang Imperyal!" rinig kong tawag sa akin ni Kang Shen! "Kamahalan!"

Inis akong bumaling sa kaniya. Agad din akong natigilan nang makita ko na may dala silang palankwin. Kita ko din na nakahabol din sina Wei Niu at Ju Fen. Mas ikinagulat ko dahil nakahabol din ang mga kababaihang konsorte na mataas ang ranggo!

"Sumakay po kayo dito, Kamahalang Imperyal. Mas mapapadali po natin marating ang lugar ng pagpaparusa." nilingon niya ang mga bating na may dala ng sasakyan na 'yon. "Ibaba ninyo at sasakay ang mahal na emperatris!"

Sumunod ang mga ito. Ibinaba nila 'yon. Agad ko 'yon nilapitan. Inalalayan ako ni Ju Fen at Wei Niue hanggang sa tagumpay akong nakasakay doon.

"Pakibilisan hangga't maaari. Ayokong magsayang ng oras. Hindi ako maaaring mahuli!" malakas kong utos sa kanila.

Inangat nila ang sasakyan at halos patakbo na ang ginawa nila

**

Hindi rin nagtagal ay narating namin ang malaking tarangkahan. Ito ang pasukan patungo sa lugar ng pagpaparusa. May dalawang kawal na nagbabantay doon. Kita ko kung papaano sila nagulat sa aking pagdating. Rini ko ang malakas na inanunsyo ni Kang Shen ang aking presensya. Gayundin ang mga kababaihan na kasama ko. Aligagang kumilos ang mga kawal. Hindi sila nagdalawang-isip na pagbuksan kami hanggang sa tumigil kami mismo sa harap ng sinasabing lugar.

Sa pagtapak ng aking mga paa ay agad ko hinahanap kung nasaan si Binibining Liu Ai. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siyang nakatali sa isang poste. Nakayuko siya. Bakas ang labis na panghihina sa kaniya. Nagpapasalamat ako dahil nakaabot pa ako. Nang masaksihan ko ang kalunos-lunos niyang esatado ay kusang kinuyom ko ang aking mga kamao. Umigting ang aking panga. Nag-umpisa na akong maglakad sa mahabang daan. Tumingin ako sa labas ng gusali na nasa aking harap kung nasaan si Emperador Shan at Prinsipe Ting Fei. Gayundin ang mga kanang-kamay nila at mga personal na tagapagsilbi. Kita ko kung papaano sila nagulat sa aking pagdating. Ganoon din ang mga opsiyal, lupon, mga pantas at mga myembro ng maharlika. Maski ang mga kawal na pumapalibot sa lugar na ito ay nagulat din.

Mas sumeryoso ang aking mukha. Malamig na tingin ang ibinigay ko. Pakiramdam ko sa mga oras na 'to ay unti-unti umaalab ang puso ko dahil sa galit. Galit na may mamamatay dahil wala itong ginawang masama. Mamamatay si Binibining Liu Ai dahil sa wala. Inosenteng wawasakan ang kaniyang buhay.

Hanggang sa tumigil ako sa mismong harap ni Binibining Liu Ai. Ginawa kong harang ang aking sarili upang maprotektahan siya.

"M-mahal na e-e-emperatris..." nauutal na tawag sa akin ni Binibining Liu Ai dahil sa panghihina. Alam kong nawindang din siya sa aking presensya.

"K-kamahalang Imperyal!"

Sabay nagsiyuko ang mga tao sa paligid ko. Halos halikan na nila ang lupa. Maliban lang kay Emperador Shan. Nagsukatan kaming dalawa ng tingin. Tila tumindig ang balahibo niya nang mapagtanto niya na malamig na eskpresyon sa aking mukha ang suot ko ngayon.

"A-anong ginawa mo, Emperatris Rei?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Narito ako upang sabihin na hinding hindi ko mapapayagan na wakasan ninyo ang buhay ng taong ito." malamig kong tugon.

"Pero sinasabing traydor siya ng Dinastiya!" wika ng isa sa mga opisyal.

"Sinasabi? Hindi ka sigurado?" may bahid na sarkastiko kong wika.

Natigilan siya't napalunok.

Nanlisik ang aking mga mata nang balingan ko ang mga opisyal. "May sapat ba kayong ebidensya na magpapatunay na isa nga siyang taksil?" ako naman ang nagtanong.

"Pinatay niya ang isa sa mga asawa ng dating emperador, Kamahalang Imperyal! Sapat na ebidensya 'yon upang masabi na nagawa niyang traydorin ang Jian Yu!"

"Pero hindi ninyo magawang itukoy kung sino ang nasa likod ng pagkalaglag ng sanggol na nasa sinapupunan ng binibini noon?"

Muli na naman natahimik ang mga ito.

Taas-noo ko silang tiningan. "Bago ninyo muna paslangin ang binibini, ituro ninyo muna sa amin kung sino ang utak na upang mawala ang isa sa mga prinsipe o prinsesa noon" ngumisi ako. "O sadyang isa sa inyo ang mga traydor ng Dinastiya?"

"Anong ibig mong sabihin, Emperatris Rei?" hindi makapaniwalang tanong ni Emperador Shan. "Pakilinaw sa amin ang ibig mong ipahiwatig."

Hindi mawala ang mala-demonyo kong ngisi. "Dahil nais ng mga kalaban ay pabagsakin at ubusin ang Pamilyang Imperyal. Sa pagkaalam ko, labis na pag-aalaga ang ginagawa ng mga tagapagsilbi sa mga asawa ng emperador, lalo na ang mga magiging prinsipe at mga prinsesa kahit nasa sinapupunan palang ang mga ito. Kung hindi rin ako nagkakamali, itinuring na isang biyaya at mahalaga para sa Dinastiya ang isisilang na mga sanggol na kabilang sa Pamilyang Imperyal. Kaya nasabi ko na may nagtangka din sa buhay ni Binibining Liu dahil dala din niya ang dugo ng dating emperador."

Hindi sila makaimik.

"O hindi kaya nais ninyong takpan ang katotohanan? Na nais ninyo ding paslangin ang mga Kamahalang Imperyal? Ang mahal na Emperador Yu Shan at ang mahal na Prinsipe Yun Ting Fei? Sila ang isusunod ninyo tutal ay tagumpay ninyong napatay ang dating emperador at ang dating emperatris na silang mismong magulang ng mga Kamahalang Imperyal." hindi ko na mapigilan pang sambitin ang mga bagay na 'to.

"A-anong..."

Mas lalo nawindang ang magkapatid sa aking sinabi. Nanatili lang akong kalmado kahit na nagkakagulo na sila dahil sa aking pahayag. Wala akong pakialam. Tumingala ako sa magkapatid. "Ngayong nasabi ko na ang dapat kong sabihin, hayaan ninyong pagbigyan ninyo ako sa aking munting kahilingan, ang Kamahalang Imperyal, Emperador Shan." seryoso kong sambit.

Tila nanumbalik ang kaniyiang ulirat. "Anong kahilingan ito?"

"Nais kong ipaubaya mo sa akin ang buhay ni Binibining Liu Ai. Tanggalin siya mula sa posisyon niya bilang isa sa mga asawa ng dating emperador, sa halip ay gagawin ko siyang kawani at maging isa sa mga personal kong tagapagsilbi. Kung ang inaalala mo ay ang aking buhay dahil galing siya sa angkan ng mga bayaran upang pumatay, wala ka dapat ipag-alala. Mas gusto ko pa 'yon..." mas lumapad ang aking ngisi. "Sa gayon may poprotekta sa akin sa oras na may mga taong magtatangka sa aking buhay." may kasama 'yon na isang malaking babala.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Ramdam ko na parang kinakabahan na sila sa huling pangungusap na aking inihayag.

"Pakawalan ang isinakdal! Imbis na kamatayan ang magiging parusa, inaabiso ko na ibaba ko ang ranggo ni Binibining Liu Ai. Mula isa sa mga konsorte, gagawin siyang isa sa mga personal na tagapagsilbi na ipagkakaloob ko sa mahal na emperatris!"

"K-kamahalan!" hindi makapaniwalang bulalas ni Binibining Liu Ai sa narinig.

Lumingon ako sa kaniya. Ngumiti ako. "Sana ay maging masaya ka, Binibining Liu Ai. Natupad ko na ang pangako ko sa 'yo." malumanay kong sabi.

Nanatili siyang nakatulala sa akin. Tila nasa isang panaganip ang nangayayari ngayon. Napansin ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata hanggang sa marahas tumulo 'yon at kung saan na itong bumagsak. "K-kamahalang Im-peryal..." impit niyang tawag sa akin. Yumuko siya at nag-uumpisa na siyang humikbi sa harap ko. Humarap ako sa kaniya. Ikinulong ko ang mga palad ko sa kaniyang mukha. Marahan kong inangat ang tingin niya sa akin. Nanatili akong nakangiti. "Ma-raming... Sal-amat... H-hindi ko alam kung... Papaano kita p-pasasalamatan..."

"Ang usapan natin, 'yon ang hinihingi kong kabayaran. Hindi mo na ba matandaan?"

Pumikit siya ng mariin. "Ipinapangako ko po... Taos-puso ko pong... Iaalay ang aking buhay para sa inyo... Kamahalan... Ibubuhos ko po ang buong kong... K-katapatan..." patuloy pa rin siya sa paghikbi.

Sapat na sa akin na marinig ang mga bagay na 'yon bilang kabayaran. Dahil tingin ko, karapat-dapat siyang isalba.

**

Abala ang mga tagapagsilbi sa labas ng mansyon. Pagkatapos ng malaking pangyayari kanina ay wala akong nakuhang mensahe na nais akong makausap ni Emperador Shan, siguro ay kasalukuyan niyang kausap ang mga opisyal dahil sa ginawa't sinabi ko. Pero kahit ganoon ang ginawa ko, nakaramdam ako ng pagod. At saka nadala na nina Kang Shen si Binibining Liu Ai sa isa sa mga silid ng mansyon na ito. Sa gayon ay mapagaling ang mga sugat na kaniyang natamo at makabawi na siya ng lakas. Alam kong mahirap ang kaniyang pinagdaanan sa mga ilang araw na nagdaan.

Laylay ang magkabilang balikat ko nang nakabalik na ako sikretong silid. Nadatnan ko si Ginoong Otis na nagbabasa. Napukaw ko agad ang kaniyang atensyon. Nagtataka siyang tumingin sa akin saka itiniklop niya ang hawak na libro. Tumayo siya saka nilapitan niya ako.

"Anong problema?" iyan agad ang bungad niya sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala doon.

Ako naman ang nagtatakang tumingin sa kaniya. Papaano niya nalaman na medyo problemado ako ngayon kahit hindi pa namin lubusang kilala ang isa't isa? Sa halip, binawi ko ang tingin. Isinara ko ang pinto at nilapitan ang isang sulok. Umupo ako doon at niyakap ang magkabilang binti ko. Ramdam ko na tumabi siya sa akin. "Ginoong Otis," malumbay kong tawag sa kaniya.

"Hmm?"

"Masama ba kung iniligtas ko ang isang tao na itinakdang parusahan ng kamatayan kahit wala naman talaga siyang kasalanan? Masama ba kung mabigyan ko siya ng hustisya sa kasalanan hindi talaga niya ginawa? Masama bang tumulong sa taong... Nangangailangan?" sunud-sunod kong tanong sa pamamagitan ng mababang tono. Hindi pa rin maiwasang malungkot.

"Walang masamang tumulong. Wala rin masama kung iligtas mo ang isang tao mula sa kapahamakan." marahan niyang wika. "Pero iisa lang ang alam ko, hindi lang ang buhay niya ang nagawa mong iligtas. Kungdi pati na din ang ngiti niya. Nagawa mong sagipin ang dalawang bagay na 'yon para sa taong nais mong tulungan."

Hindi ako makapaniwalang bumaling sa kaniya. "Ginoong Otis..."

Ngumiti siya. Ngiti na nakakagaan sa pakiramdam. "Pero masaya ka naman, hindi ba? Masaya ka na may naiiligtas ka. Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Pero tandaan mo na lumayo ka din sa kapahamakan para mas marami ka pang mailigtas."

Hindi ko magawang magsalita. Bakit sa mga binitawan niyang salita, nagiging komportable ako? Bakit ba sa tuwing siya ang kaharap ko, nagiging malaya kong sabihin kung ano ang mga naiisip at nararamdaman ko? Bakit ba sa tuwing tumitingin ako sa kaniya, iba na ang nararamdaman ko na hindi ko rin naman nararamdaman kay Emperador Shan?

Sa tuwing nagtatagpo ang mga mata natin, Ginoong Otis. Pakiramdam ko...

...Natagpuan ko na may mauuwian na ako. 

Continue Reading

You'll Also Like

66K 3.7K 47
"Bakit hindi sila namamatay?" Avery Avellon is not-so-ordinary citizen who used to read an article and history about undead creatures, like ghosts, v...
20.7K 1.1K 24
There's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people int...
127K 5.8K 30
Reincarnated Series #1 "Art defines the mood and emotion of the creator." A soul from the human world reincarnated into a world where art is the mos...
180K 5.3K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...