I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

408K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 111

1.1K 87 8
By itsmarresemonika

Nagising ako at natagpuan ko nalang ang aking sarili na nag-iisa sa isang silid. Sinubukan kong bumangon. Pinapakiramdam ko ang aking sarili. Mukhang ayos na ako, wala ang masakit na dinadamdam ko. Saglit, ilang araw ba ako nakatulog? Ang huling pagkaalala ko, pagkatapos akong ipakilala bilang bagong emperatris ng Jian Yu ay doon na sumakit ang aking dibdib. Hindi ko malaman kung bakit. Ang alam ko lang ay malusog naman ang aking pangangatawan. Wala akong sakit na iniinda, 'yon lang.

Mas minabuti ko nalang na tanggalin ko muna sa aking isipan ang mga bagay na 'yon dahil may mas importante pa akong gagawin. Kailangan kong magampanan ang aking tungkulin bilang emperatris ng bansang ito! Mas importante sa akin ngayon ay wala na akong dinadamdam at hindi na ako nanghihina. Sa ngayon ay kinakailangan ko munang maligo at magbihis. Nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama saka hinawi ang kurtina palabas pero natigilan ako nang madatnan ko ang grupo ng mga tagapagsilbi. Umawang nang bahagya ang aking bibig sa aking nakikita. Tingin ko ay hindi tataas ng labing limang katao na nasa aking harap. Lahat sila ay lumuhod nang makita nila ang aking presensya saka nakayuko dahil hindi sila maaaring tumingin sa akin nang diretso sa aking mukha o aking mukha, tanging si Ju Fen o ang punong mayordoma at punong bating lamang ang maaaring tumingin at kumausap sa aking ng maayos.

"Payapa po namin binabati ang Kamahalang Imperyal, ang minamahal po naming Emperatris!" sabay nila ako sinalubong ng masiglang pagbati.

"Maaari na kayong tumayo." malumanay kong sambit. Bumaling ako sa isang babae na humakbang sa unahan. Base sa kaniyang pisikal na anyo ay mapapansin ko na mas matanda siya sa akin ng kaunti.

"Kamahalang Imperyal, pahintulutan ninyo po sana ipakilala ko ang aking sarili. Ako po Wei Niu, ang punong mayordoma at inatasan ng Kamahalang Imperyal, ang mahal na emperador na magsisilbi sa inyo." magalang niyang pagpapakilala sa akin.

May isang lalaki naman ang lumapit habang nakayuko, kapantay niya ang babaeng nangangalang Wei Niu. "Muli, binabati ko po ang aming ina. Ako po si Kang Shen, ang magsisilbing punong bating ninyo, mahal na emperatris. Sinisiguro ko po na maaasahan ninyo po ako, kami sa mga nais ninyong ipag-uutos sa hinaharap."

"Ikinalulugod ko rin kayo makilala. Sandali, ilang araw na pala akong nakatulog mula nagkasakit ako?" may bahid na kuryusidad sa aking tanong.

"Halos isang linggo po buhat nang hinimatay po kayo, Kamahalang Imperyal." si Wei Niu, ang punong mayordoma ang sumagot ng aking katanungan. Wala akong naramdaman na pagkagusto niya sa akin, Sadyang malumanay at pormal siyang sumagot. Bakit parang may naalala ako sa kaniya? Hindi ko lang matukoy kung sino 'yon. "Kasalukuyan pong nakahanda na ang inyong pampaligo at damit na susuotin. Ngayong umaga po ay babatiin po nila kayo."

Naningkit ang aking mga mata. "Sino...?" nagtataka kong tanong.

"Mga grupo po ng mga kababaihan na naninirahan din po sila dito sa loob ng Palasyo. Sila po ay mga naging asawa... ng mga dating emperador." sagot niya.

Nanigas ako sa aking kinakatayuan. "Mga naging asawa... Ng mga dating... Emperador?" hindi makapaniwala kong ulit.

"Opo, Kamahalan. Maipapaliwanag ko din po sa inyo ang lahat sa oras na mabati po nila kayo ngayong umaga."

Awtomatiko akong tumango, tila naiitindihan ko ang sinabi kahit na hindi pa talaga maproseso ang mga sinasabi niya sa sistema ko. Sa ngayon siguro ay kinakailangan ko munang kumilos at gawin na makaharap ko ang mga sinasabing mga dating asawa ng mga nagdaan na emperador ng bansang ito.

Pinaliguan at binihisan ako ng maayos bago ako hinatid sa isang silid---ang silid ng pagpupulong. Binanggit din sa akin ni Wei Niu dito daw madalas na nakakausap ng emperatris ang pangkat ng mga kababaihan. Lalo na ang mga kababaihan na matataas ang katungkulan at matataas ang ranggo. Hindi ko lang malaman kung magpapasalamat ako dahil ako ang pinili ng dragon at adarna at narating ko kung ano ang posisyon na meron ako ngayon o hindi. Pakiramdam ko kasi hindi maganda ang kinahinatnan sa oras na makakaharap ko ang mga ito. Bukod pa doon ay ito lang ang hindi naabot ng aking kaalaman. Hindi kaya ito ang binanggit sa akin ng mag-asawang Yi sa oras na maging ganap na akong emperatris at malalaman ko na ang mga magaganap at kung anong meron sa loob ng Palasyo?

Sandali, ibig sabihin alam ni Emperador Shan ito? Kung ganoon, bakit hindi sa mga ito ang mga pinili niya na maging emperatris niya kaysa gugulin ang kaniyang oras na alagaan at pinili niya ako maging isa sa mga pundasyon ng kaniyang pinamumunuan?

Maraming katanungan pa ang nabubuo sa aking isipan pero sa ngayon, kailangan ko munang malaman pa ang mga mayroon sa loob.

Umupo ako sa gitna, kung nasaan ang trono ng isang emperatris. Ako at ang punong mayordoma palang ang naririto. Kasalukuyan naming hinihintay ang mga inaasahan na bibisita. Ang mga konsorte ng Palasyo. Habang wala pa ay pinapakalma ko ang aking sarili. Kailangan ay hindi ako magpapadaig sa oras na nasa harap ko na sila. Hinahandaan ko ang aking sarili sa anuman ang mangyayari. Hinding hindi ako matatakot sa kanila. Habang wala pa sila ay nagtanong ako kay Wei Niu kung anu-ano ang mga pangalan at anong mga ranggo ng mga kababaihan na makakausap ko maya-maya lamang. Sa kabutihang-palad ay itinuro niya sa akin kung ano ang mga dapat kong malaman pero tungkol sa papaano nag-umpisa at ugat kung bakit nagkaroon ng maraming asawa ang isang emperador, aalamin ko nalang ito sa mga susunod na araw. Nabigay-alam din niya sa aking kung ano ang kasalukuyang kaganapan sa pagitan ng pangkat na ito.

Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang anunsyo na dumating na ang mga inaasahan na bisita sa mansyon kung nasaan ako ngayon---ang aking tinutuluyan ngayon. Nasa parte din ng tinitirhan ko ang silid ng pagpupulong. Umayos ako ng upo at malamig na ekspresyon sa aking mukha ang aking iginuhit. Hindi nila mababasa sa akin kung masaya ba ako o malungkot. Basta isiniksik ko sa aking isipan na wala akong papanigan sa oras na may hindi mapagkaunawaan sa pagpupulong na 'to.

Sinalubong ako ng labing apat na kababaihan sa aking harap. Sabay silang bumati sa akin. Lahat sila ay lumuhod saka may iwinagayway silang mga hawak na panyo sa ere ng tatlong beses. Pagkatapos n'on ay agad sila inalalayan ng mga mga personal nilang tapagsilbi at hinatid sa mga sari-sarili nilang mga upuan. Dumapo ang tingin ko sa isang bakanteng upuan na pinakamalapit sa akin.

Seryoso akong tumingin sa aking mga kaharap. "Nakikita ko na hindi pa dumarating ang Maharlikang Imperyal na konsorte na si Binibining Yue," pormal kong panimula. Wala akong nakuhang kasagutan sa kanila. Napansin ko lang na nagkatinginan sila. Ramdam ko din ang pagkailang nila sa akin.

"Matuto kayong rumispeto sa Kamahalang Imperyal!" isang malakas at nakakabiglang panenermon sa kanila ni Wei Niu, kahit ako ay nabigla sa kaniyang inasta. "Kabastos-bastos ang pang-uugali na ipinapakita ninyo bilang mga dating asawa ng yumaong emperador! Matuto kayong lumugar!"

Napasinghap ang mga 'to. Kinagat nila ang kanilang mga labi, ang iba din sa kanila ay pumikit ng mariin. Walang sabi na muli siyang lumuhod sa aking harap at halos halikan na nila ang sahig ng lugar ng pagpupulong. "Patawad sa aming pagiging lapastangan, Kamahalang Imperyal! Maawa po kayo sa amin!" sabay at malakas nilang sambit sa akin.

Huminga ako ng malalim saka pumikit nang marahan. "Masitayo na kayo. Naiitindihan ko kung ano ang nararamdaman ninyo. Kahit ako ay walang makapang salita nang nasa harap ko na kayo." marahan ko ding sambit. "Maaari na kayong magsibalik sa inyong mga upuan. Mag-uumpisa na tayo sa pagpupulong."

"Labis po kaming nagpapasalamat sa Kamahalang Imperyal." sumunod sila sa aking sinabi. Nagsibalik na sila sa kanilang mga upuan.

Huminga ako ng malalim. "Napag-alaman ko na kasalakuyang may krimen na nagaganap sa loob ng Palasyo... Lalo na sa pagitan ng dalawang pangkat na mga nakalaan na magiging asawa ng mahal na dating emperador." pormal kong sambit.

"Opo, Kamahalang Imperyal. Ang pinag-ugatan po nito nang namatay ang isa sa mga dating asawa ng nakalipas ng emperador." si Binibining Mei Xiang ang sumagot, siya ang pangatlo sa ranggo ng mga asawa ng mga nakalipas na emperador. Sinasabi na lehitimong anak ito ng isa sa mga kilalang angkan mula sa kanluran ng Jian Yu. Magaling daw ito sa pagpipinta at pagtugtog ng mga instrumento.

"At itinuro po na salarin ay si Binibining Liu Ai, na nadanas pong nakunan ng anak. Isa din po siyang asawa ng nagdaan na emperador. Matagal na pong usap-usapan sa loob ng Palasyo na hindi po talaga sila magkasundo dahil nag-aagawan po sila ng atensyon noon sa dating Kamahalang Imperyal." ang sumagot naman ay si Shu Yi, ang pang-anim sa ranggo. Ang banggit sa akin ni Wei Niu, isang tapat na indibiwal at walang balak na makipagkompetensya sa mga kasamahan niya sa pangkat na 'to sa pag-aagaw ng atensyon ng emperador.

"Kung ganoon, nasaan si Binibining Liu Ai sa mga oras na ito?" sunod kong tanong.

"Sa pagkaalam po namin ay napasailalim siya ng matinding parusa. Nasa piitan po siya ngayon at itatakda ang pagpaparusa sa kaniya sa makalawa." si Mei Xiang ang muli sumagot.

Naningkit ang aking mga mata. "Anong kaparusahan ang isasagawa para sa isasakdal?"

"Kamatayan po, mahal na emperatris. Lalo na po't napag-alaman po ng mga opisyal na galing po siya sa angkan ng mga binabayaran upang pumatay. Tinutukoy din po nila na sila'y mga traydor ng Dinastiya."

Natigilan ako. Sa hindi ko malaman na dahilan, ginapangan pa ako ng kuryusidad sa mga narinig ko. May parte sa akin na nais kong makilala nang personal ang binabanggit nilang Liu Ai. Nais kong malaman ang buong istorya. Nais kong marinig ang kaniyang panig.

Pagkatapos kong makilala at makausap ang pangkat ay ako na ang mismong tumapos ng pagpupulong. Pinabalik ko na sila sa kani-kanilang mansyon. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa unang araw ng aking tungkulin ay hindi na masama ang kinalabasan. Tanging kami nalang ni Wei Niu ang naiwan sa silid na 'to. Nanatiling seryoso ang aking mukha, nakatitig ako sa kawalan hanggang sa may sumagi sa aking isipan.

"Wei Niu," pormal kong tawag sa punong mayordoma.

"Ano pong maipaglilingkod ko, Kamahalang Imperyal?" nakayuko niyang sambit.

"Samahan mo ako kung nasaan ngayon si Binibining Liu Ai. Nais ko siyang makausap." saka sumulyap ako sa kaniya.

Kita ko kung papaano siya natigilan sa aking sinabi. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata nang nagtama ang aming paningin. "P-pero..."

Bigla akong tumayo. Inaayos ang aking sarili. "Kung hindi mo ako masasamahan, ako na mismo ang pupunta kung nasaan siya naroroon." malamig kong wika.

Rinig ko ang pagsinghap niya. "S-sasamahan ko po kayo, Kamahalang Imperyal!" malakas niyang bulalas pero ramdam ko pa rin ang takot sa kaniyang boses.

Pinili ko nalang na hindi na magsalita pa. Humakbang na ako papalabas ng silid ng pagpupulong. Nakasunodo lang sa akin si Wei Niu. Nadatnan ko si Ju Fen na nakatayo sa hindi kalayuan, naghihintay sa aking paglabas. Nang makita niya ako ay agad niya akong dinaluhan. Doon ako nagsalita. Nagbigay ako ng utos na samahan din niya ako sa lugar kung saan ko makikita si Binibining Liu Ai---sa piitan.

**

Huminto lamang ako nang nasa harap na ako ng isang lumang gusali. Kasama ko din ang ilang kawal na pansamantalang ipinahiram sa akin upang masamahan ako sa lugar na ito. Nanatiling seryoso ang aking mukha pero bakas din doon ang kuryusidad. Pero sa loob-loob ay hindi na ako makapaghintay na makilala at makaharap ang itinuro nilang traydor ng Dinastiya. Nakahanda na din ako sa anumang papakawala nitong galaw sa oras na nasa harap ko na siya. Kung manlalaban ba siya o aatakihin ako. Malaki na rin ang ipinagpapasalamat ko dahil naturuan ako ng dating Heneral Yi sa larangan ng pakikipaglaban. Magagamit ko ito sa mga imporanteng mangyayari bilang pagtatanggol sa aking sarili na 'yon ang pangunahin niyang itinuro sa akin

Nagsimula na kaming naglakad papasok. Mabuti nalang ay hindi kami hinarangan ng mga kawal na nagbabatay sa lugar na ito. Napansin ko na medyo madilim dito. Tanging apoy mula sa mga nakahilerang sulo na nakakabit sa pader ang nagsisilbing liwanag. Tumambad din sa akin ang mga magkakadikit na selda. Nagpasya akong manguna sa paglalakad, ituturo naman nila sa akin kung sino ang eksaktong tao na nais kong makita.

"Narito po siya, Kamahalang Imperyal." rinig kong sambit ng isa sa mga kawal na nagbabantay. Napadpad kami sa pinakadulo ng piitan. "Nasa likod ng selda po na 'yan ang Binibining Liu Ai."

Tumango ako. "Pakibuksan." malamig kong utos.

"Masusunod po." at sinunod nga nito ang aking inuutos. Nang nabuksan na ang pinto ay ako at dalawang kawal ang pumasok doon.

Pinasadahan ko agad ito ng tingin pagtapak ko sa loob ng piitan. Sumalubong sa akin ang isang payat at sugatan na bilanggo. Nakatali ang mga kamay nito, gulo-gulo na ang buhok. Sa lagay niyang 'yan ay tila pinapatay na siya dahil sa gutom. Naramdaman niya ang aking pagbisita. Inangat niya ang kaniyang tingin sa amin.Nagtama ang aming tingin. Kita ko din kung papaano namumungay ang kaniyang mga mata dahil sa panghihina.

"Binibining Liu Ai, tama?" malamig kong tanong.

"S-sino ka...?"

"Siya ang kasalukuyang Emperatris ng Kamahalang Imperyal, ang mahal na emperador. Si Emperador Yu Shan."

Tila wala siyang pakialam kahit na ipinahayag na sa kaniya kung sino ako na nagustuhan ko. "Anong... Kailangan ninyo sa akin...?"

"Magsilabas muna kayo. Nais kong makausap ang binibini nang sarilinan." utos ko sa mga kasama ko.

"Pero, Kamahalang Imperyal..." balak nilang tumanggi sa aking utos dahil sa pagkabahala dahil isang kriminal ang nasa harap ko ngayon.

Tinagilid ko ang aking ulo. "Nagbabalak ba kayong baliin ang kautusan ng Emperatris? Nababalak kayong bastusin ako?" seryoso at malamig kong tanong.

"H-hindi po... Patawad. H-hihintayin nalang po namin kayo sa labas."

Ramdam ko na isa-isa na silang nagsilabas sa piitan, o masasabi ko na maghihintay nga sila sa labas ng lugar na 'to tulad ng kanilang sinabi. Nang maramdaman ko na wala na sila ay ibinalik ko ang aking tingin sa babaeng nasa harap ko ngayon. Humakbang pa ako palapit sa kaniya saka umupo patingkayad upang mas maaninag ko pa ang kaniyang mukha. Napansin ko na putok ang kaniyang labi at natuyo ang dugo doon. Madungis na siya at may ilang sugat din sa ilang bahagi ng kaniyang mukha't katawan.

Isang seryosong tingin ang iginawad niya sa akin. Tanda na wala siyang kinakatakutan kung sinuman ang ihaharap sa kaniya. Malakas man o makapangyarihan. "Hindi mo pa nasasagot ang aking katanungan... Anong kailangan ng mismong Emperatris sa isang bilanggo na tulad ko?" matigas niyang tanong.

Nanatiling malamig ang aking tingin sa kaniya. "Naririto ako upang kumpimahin kung totoo ba ang ibinibintang nila sa 'yo. Nais kong malaman ang 'yong panig." sagot ko.

Kusang kumunot ang kaniyang noo. Mahina siyang tumawa na halong panunuya. "Anong naisipan ng Kamahalang Imperyal at nais pakinggan ang aking saloobin...? Ang isang tulad mo ay walang panahon upang malaman kung ano talaga ang katotohanan."

"Ibahin mo ako." mas seryoso kong bigkas.

Nanigas siya. Nawala ang sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi. Sa mukha niyang 'yan ay tila gulat na gulat siya. "A-anong..." nanginginig ang kaniyang boses.

"Nalaman ko na galing ka sa angkan na binabayaran upang pumatay. Nais kong malaman kung sino ang pinapatay ninyo. Nais kong malaman kung kanino kayo pumapanig? Kung kanino ninyo ibinigay ang inyong katapatan. Sa Kamahalang Imperyal ba, na Emperador... O sa mga kalaban nito?"

Kita ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Ilang singhap pa ang kaniyang ginawa bago niya ako sagutin. "Ibinuhos namin ang buo naming katapatan para Pamilyang Imperyal ng ilang henerasyon. H-handa naming ialay ang aming mga buhay at maging harang sa mga nais kumalaban sa pamumuno ng mga Yu." mas nanginginig ang boses niya. Nais niiyang umiyak sa aking harap. Dahil sa hiya ay yumuko siya. Kita ko kung papaano tumulo ang isang butil ng luha. "Hindi ko po siya pinatay. W-wala po akong pinatay..." halos pumiyok na siya.

Kung ganoon, sinadyang pinagbintangan lang siya? Pero base kaniyang pag-iyak ay ramdam ko ang sinseridad doon. Ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo. Nagpasya na akong tumayo at nagpakawala ng malalim ba buntong-hininga. "Bilang ganti sa pagiging matapat mo, gagawin ko ang lahat upang mailigtas ka," pormal kong sambit.

Gulat na gulat siyang tumingala sa akin. "M-mahal na emperatris..." hindi makapniwala niyang sambit.

"Pero sa isang kondisyon."

"A-ano pong kondisyon..."

"Ilipat mo sa akin ang buo mong katapatan. Pagsilbihan mo ako tulad ng ginawa ninyo sa mga lumipas na emperador sa mga nagdaang mga henerasyon. Iyon lang ang hinihingi kong kapalit sa pagligtas ko sa iyo mula sa kamatayan."

"Kamahalan..."

Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi. "Dahil ikaw ang unang myembro na kukunin ko para sa aking sariling hukbo, Binibining Liu Ai."

**

Sumapit na ang gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Hind pa rin ako binibisita ng antok. Tanging ako lang naririto sa aking silid. Sa mga ganitong oras ay tulog na din ang mga tagapagsilbi at ang mga bating. Sadyang ako na lang talaga ang gising. Ilang ulit ako nagpakawala ng buntong-hininga habang nagbabasa pero lumilipad ang aking isipan. Nag-iisip ako ng paraan kung papaano ko mailigtas si Binibining Liu Ai mula sa parusang kamatayan na ipapataw sa kaniya.

Dahil ito ang gumugulo sa aking isipan ngayon ay pinagpasyahan ko nalang na itiklop ang liro na aking binabasa at ipinatong 'yon sa gilid ng mababang mesa na narito lang din sa aking silid.

Halos matalon ako sa gulat nang may narinig akong ingay mula sa likod ng aking silid-tulugan. Ako mismo kasi ang humiling kay Emperador Shan na maglagay ng silid doon para ilagay ang iba ko pang kagamitan na pinagbigyan niya ako. Pero hindi ko inaasahan na iingay doon dahil walang magtatangkang pumasok doon kung hindi muna dadaan sa akin. Medyo ginapangan ako ng pagiging alerto ay agad kong dinaluhan kung nasaan ang aking espada na personal na ipinagawa ni Ginoong Yi bilang regalo niya sa akin at magagamit ko daw ito upang protektahan ang aking sarili.

Marahas kong hinugot ang espada mula sa lagayan nito. Inagat ko ito at dahan-dahan ang aking kilos. Maingat kong nilapitan ang pinto ng sikretong silid. Hinahanda ko din ang aking sarili sa maaaring mangyari. Hindi kaya may nais tumangka sa aking buhay? Hindi kaya mga tauhan ito ng mga kalaban na opisyal?

Nang maabot ko ang pinto ay mabilis kong binuksan 'yon at walang sabi na ipinasok ko doon ang aking espada. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang isang tao na nasa loob! Muntikan na siyang masaksak ng hawak kong sandata. Tulad ko ay gulat na gulat siya at nakataas ang magkabila niyang mga kamay, tanda na pagsuko at hindi lalaban. Dahil sa sinag ng buwan na tumama sa kaniya ay naaninag ko ang kaniyang hitsura. Isang lalaki. Isang banyaga. Maputi na kasing puti ng niyebe. Kulay pula ang kaniyang buhok. Pero ang mas pumukaw ng aking atensyon ay ang kaniyang mga kulay berdeng mga mata na animo'y gawa sa isang mamahaling hiyas.

"Sino ka? Magpakilala ka." matigas kong utos sa kaniya. "Papaano ka napasok dito?"

"P-patawad, binibini. Kahit ako ay walang palagay kung nasaan ako. Wala akong intensyon na masama sa 'yo, kung kaninuman. Hindi ko rin alam kung papaano ako napadpad dito."

"Inuulit ko, sino ka? Anong pangalan mo? Isa kang banyaga."

Ngumiwi siya. "Maaari bang... Ibaba mo muna ang 'yong espada? Pangako, wala akong gagawin na masama."

Hindi ko alam kung bakit sinunod ko ang kaniyang hiling. Ibinaba ko ang aking hawak na espada. Napaatras lang ako nang bigla siyang lumuhod sa aking harap. Para siyang kabalyero. "Hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Otis Sergei Cairon mula sa Kaharian ng Thilawiel, binibini."

Otis... Sergei... Cairon? Bakit pakiramdam ko ay narinig ko an ang pangalan na 'yan? Bakit pakiradam ko ay kilala ko ang lalaking nasa harap ko? Hindi ko maitindihan kung bakit medyo bumilis ang aking tibok ng aking puso.

"Papaano ka napadpad dito?" sunod kong tanong.

Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. "Nasa kalagitnaan ako nng isang digmaan."

Kumunot ang aking noo. "D-digmaan?"

"Digmaan upang mabawi ang aking asawa. Ang nawawalang prinsesa na tagapamana ng Thilawiel na siyang magiging emperatris ko, binibini." 

Continue Reading

You'll Also Like

184K 5.5K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
948 83 10
When the demon lord Mingze threatens to destroy the human realm, three strong priestesses emerge to protect humanity from the evil force. They are th...
1.5M 61.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
66.1K 3.7K 47
"Bakit hindi sila namamatay?" Avery Avellon is not-so-ordinary citizen who used to read an article and history about undead creatures, like ghosts, v...