I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

409K 24.5K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 110

1.1K 67 1
By itsmarresemonika


Maingat na naglalakad si Otis sa gitna ng kagubatan. Kunot-noo niyang hinawi ang mga ligaw na baging sa kaniyang harap. Gusto niyang tumigil sa paglalakad at magpahinga muna pero hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniya upang ipagpatuloy pa niya ang kaniyang paglalakad at walang kasiguraduhan kung anong daan itong tinatahak niya. Kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa.

Sa paghawi niya ng halamanan ay tumambad sa kaniya ang dalawang tao. Natigilan siya sa kaniyang nakita. Parehong nakatalikod sa kaniya ang isang babae at isang lalaki. Pawang itim at mahaba ang mga buhok nito. Hindi pamilyar sa kaniya ang kasuotan. Nakaharap ang mga ito sa bilog at maliwanag na buwan. Hindi niya maiwasan na mas magtaka pa sa kaniyang nakikita. Hindi niya maitindihan kung sino ang mga ito.

Nanigas siya sa kaniyang kinakatayuan nang makita niya lumingon sa kaniya ang isang babae. Ngumiti ito sa kaniya saglit saka binawi din ang tingin. Nagsimula na itong maglakad ng lalaking kasama nito sa direksyon kung nasaan ang buwan. Ang mas ipinagtataka niya kung bakit tila may tumusok sa parte sa kaniyang puso. Napasapo siya doon saka nilukot niya ang kaniyang damit kung nasaan ang kaniyang dibdib. Muli siyang sinulyapan ng babae, gumalaw ang bibig nito na para bang may nais sabihin sa kaniya. Sa kasamang-palad ay hindi niya marinig ang sinasabi nito. Subalit tila naitindihan ng kaniyang puso ang ibig nito ipahiwatig.

"Sagipin mo siya, Prinsipe Otis..."

Mabilis niyang idinilat ang kaniyang mga mata at bumalikwas ng bangon. Malakas din niyang binigkas ang pangalan ng kaniyang asawa sa kawalan. Natigilan siya't napagtanto na isang panaginip pala ang kaniyang nakita. Napasapo siya sa kaniyang noo na nakakunot na. Ilang beses pa nagtaas-baba ang kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa kaniyang nasaksihan. Lalo na sa sinabi ng babae na nasa kaniyang panaginip. Naging palaisipan sa kaniya ang sinabi nito. Hindi kaya ang kaniyang asawa ang binabanggit nito? Ibig sabihin, nasa kapahamakan si Rini sa mga oras na 'to? Kaya ba inatake siya ng araw na 'yon at muntik nang mailagay sa kapahamakan? Hindi mangyayari sa kaniya ang bagay na 'to kung walang mapapahamak ni isa sa kanilang dalawa sapagkat magkadugtong na ang kanilang buhay bago man sila ikinasal.

"Rini..." mahina niyang tawag sa kaniyang asawa kahit bigo siyang marinig nito. Agad niyang binalingan ang espasyo na nasa kaniyang tabi. Tama, wala ang kaniyang pinakamamahal. Gumuhit ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Masuyo niyang hinaplos ang espasyo kung saan madalas humihiga ito. "My rose..." muli niyang tawag.

Nagpasya na siyang umalis sa ibabaw ng kama. Sumagi sa kaniyang isipan na prayoridad niyang iligtas ang prinsesa na tagapagmana. Kahit tulog siya ay naririnig niya ang usapan ng kaniyang ama at kapatid na nag-uusap tungkol sa papalapit na digmaan. Ito na ang malaking araw na 'yon. Ang araw ng digmaan upang sagipin ang magiging emperatris niya! Kahit anong mangyayari ay lulusubin niya ang Azmar sa lalong madaling panahon! Kailangan niyang malaman kung saan itinago ang kaniyang asawa sa gayon ay maibalik niya ito dito, lalo na't naghihintay ang kanilang anak sa kaniyang pagbabalik!

Dinaluhan niya ang tokador saka binuksan niya 'to. Medyo gumaan na ang kaniyang pakiramdam kaya hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon para kumilos. Kailangan na niyang gumalaw dahil natitiyak din niyang naghihintay na rin ang tatlong Imperyo sa pagdating ng kaniyang hukbo. Ayaw niyang masayang ang malaking pagkakataon na 'yon. Siya na mismo ang naghanda ng susuotin niya kahit si Rini ang madalas na gumagawa nito para sa kaniya.

Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay tahimik siyang lumabas ng silid. Tumambad sa kaniya ang mga tagapagsilbi na nagulat sa kaniyang presensya. Base sa mga mukha nito ay mukhang hinihintay ang kaniyang paggising. Agad siyang nilapitan ni Egos na nanatiling may pagkagulat sa mukha.

"Kamahalan, Prinsipe Otis." pormal na tawag nito sa kaniya. "Ang bilin po ng mahal na emperador ay magpahinga po kayo---"

"Wala na akong panahon para magpahinga pa, Egos. Kailangan ko nang puntahan ang aking asawa at alam kong naghihintay na siya." mariin niyang pahayag.

"Pero..."

"Inaasahan niya ang aking pagdating. At hinding hindi ko 'yon bibiguin."

Natahimik ito. Para bang nanibago ito sa kaniyang ikinikilos. Madalas ay hindi siya nagpapakita ng pagkairita o matinding galit sa kanang-kamay na matagal nang naninilbihan sa kaniya. Tama, hindi nga sanay ito. Mas hindi siya kampante sa sitwasyon na kinalalagyan niya ngayon. May iilang taktika na din ang nabubuo sa kaniyang isipan na ilang araw na niyang pinag-aralan at sinabi sa kaniyang hukbo nang siya mismo ang nagbitaw ng magkakaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng apat na Imperyo at Azmar. Tulad niya, nagalit din ang mga kabalyero sa nangyari, lalo na ang personal na tagapabantay ni Rini, sina Ramas at Raymound! Nababasa niya sa dalawang 'yon ang determinasyon na ililigtas ang prinsesa na tagapagmana sa kamay ng mga kalaban.

Nakasunod lamang sa kaniya si Egos pati na din ang mga iilang tagapagsilbi habang patuloy siyang naglalakad sa pasilyo. Huminto lang siya nang tumambad sa kaniya ang kaniyang ama, si Emperador Audrick at ang mga kapatid niya, sina Hari Mival at Prinsipe Hadden. Tulad niya, seryosong mukha din ang iginawad sa kaniya. Alam niya na pipigilan siya ng mga ito dahil tingin ng mga ito ay hindi pa siya tuluyang nagaling. Pero ang mas ipinagtataka niya kung bakit kasama ng mga ito ang kaniyang pinsan na si Prinsesa Eglantine, nakasuot ito ng damit pandigma.

"Anong ibig sabihin nito, Eglantine?" seryoso niyang tanong sa kaniyang pinsan na babae.

Suminghap ito. "Tutulong ako sa pagsagip kay Prinsesa Styriniana, kuya Otis."

Naningkit ang kaniyang mga mata sa narinig. "Anong sabi mo?"

"Nakiusap siya, kuya." si Hadden ang nagsalita. "Halos isang linggo nang nakalipas buhat inatake ka, 'yon din ang mga araw na nagsanay siya na gamitin ang kaniyang kapangyarihan."

"Alam kong malakas na kapangyarihan na meron ka, Eglantine. Pero hindi sapat ang ilang araw upang maging bihasa ka sa paggamit ng mahika." mariin niyang sambit.

"Pero tulad ni Prinsesa Styriniana, ang tanging nais lamang ni Eglantine ay mapatunayan niya din ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng digmaan na 'to. Ilang ulit na niyang sinabi sa amin na nais niyang tumulong. Ipinapangako niya na hinding hindi siya makakasagabal, ipinapangako din niya na lalayo siya mismo kung may papalapit na kapahamakan." kalmadong paliwanag naman ni Hari Mival. "Bakit hindi natin siya pagbigyan kahit ngayon lang?"

"K-kahit babae ako, gusto ko ding maging malakas tulad ninyo, kuya Otis... Tulad ni ate Styriniana... Na mapatunayan ko na may dugong Cairon din na nanalaytay sa aking katawan!" hindi na mapigilang malakas na maibulalas ni Eglantine ang mga salita na 'yon.

Nanigas sya sa kaniyang kinatayuan. Gayundin ang kaniyang ama at mga kapatid. Hindi nila sukat-akalain na maririnig nila ang bagay na 'yon mula sa nag-iisang pinsan. Ang buong akala kasi niya ay wala itong interes sa pakikipaglaban simula nasagip nila ito mula sa mapait at malagim nitong kahapon. Na namatay ang ina nito ng mismong kamay ng ama nito at hindi na matagpuan kung saan na ito naroroon pagkatapos mapaslang ang nakakabatang kapatid ng kaniyang ama, ang dating prinsesa ng Thilawiel.

"Kuya Otis... Nakikiusap ako... Sana ay pagbigyan ninyo ako. Kaya ko lang ginagawa ito ay para kay ate Styriniana, para sa inyo... Para na din sa sarili ko. Ito nalang ang tanging paraan na alam ko upang makawala na ako." pagmamakaawa pa nito sa kaniya.

Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pumikit siya ng mariin. "Basta gawin mo kung anong binitawan mong pangako, Eglantine. Delikado at madugong digmaan ang masisilayan at mararanasan mo." humakbang pa siya palapit patungo sa direksyon ni Eglantine. "Ang isang Cairon ay walang awa pumaslang kung kinakailangan upang mabuhay at hindi ko kailangan ng taong mahina."

Napalitan ng determinadong ekspresyon sa mukha ang kaharap niya, nababasa din niya sa mga mata nito ang kagalakan sa kaniyang pagpayag. "Maraming salamat, kuya Otis! Maraming salamat."

Muli siyang nagbuntong-hininga. "Lagot ako kay Arundel sa oras na malaman niya ito."

**

Sa pamamagitan ng isa sa mga katangian ng kapangyarihan niya ay nakagawa siya ng malaking portal kung saan ang labas nito ay papasok sa bansang Azmar---kung saan naghihintay na din ang mga kasamahan nila. Nagawa niyang papasukin sa naturang portal na doon ang malalaking hukbo nila. Ang totoo ay kalahati lang ang dinala nila para may magbabantay sa Thilawiel habang wala sila. Nadatnan nilang naroroon na ang tatlong angkan. Ang mga Eryndor, Albelin at Levanadel. Dala din ng mga 'to ang malalaking hukbo na isasama nila sa pagsugod nila sa Azmar. Tulad nila ay nababasa niya ang kaseryosohan sa mga mukha nito. Mukhang handang-handa na ang mga ito na sumugod na.

"Mabuti at nakarating na kayo." seryosong puna sa kanila ng emperador ng Cyan, si Vencel. Nakahalukipkip ito habang nakatayo sa labas ng tolda na itinayo. Lumipat ang tingin nito sa isa nilang kasama, si Eglantine. Mas sumeryoso ang mukha nito. "Bakit kasama ninyo ang prinsesa sa lugar na 'to?"

"Nais daw niyang tumulong sa pagliligtas kay Prinsesa Styriniana." kaswal na sagot ni Emperador Audrick. "Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin naming magiging ligtas siya sa lugar na 'to."

Sabay silang napatingin sa iisang direksyon kung nasaan ang Palasyo ng Azmar. Pawang matatalim na tingi ang iginawad nila doon. Hanggang sa unti-unti na lumalabas ang malalakas na enerhiya sa kani-kanilang katawan. Hinding na nila makapaghintay na bumagsak ang bansa na 'to sa mga kamay nila. Hinding hindi rin papalagpasin na ginulo nila ang apat na pinakamalakas na Imperyo sa mundong ito. Sa pamamagitan ng digmaan na 'to, paparusahan nila ang mga tao na nasa likod ng pagkawala ni Rini ngayon. Na ito ang dahilan kung bakit hindi niya kasama ang kaniyang asawa.

"Dukesa Ceola, ikaw ang bahala sa paggagamot kung sakaling may mga sugatan sa ating hukbo." sambit ni Vencel sa pamamagitan ng mababa niyang boses.

Yumuko si Ceola. "Nakahanda po ako, Kamahalan."

"Eglantine, dumpipende ka muna sa paggagamot ngayon. Tulungan mo si Dukesa Ceola ng Cyan." pagbibigay niya ng kautusan sa kaniyang pinsan.

"Masusunod po, prinsipe na tagapagmana." maagap nitong tugon. Nag-umpisa na itong kumilos saka dinaluhan na si Ceola upang maghanda.

"Paparating na sila." rinig niya sa kaniyang katabi na si Calevi.

Nanatili ang tingin nila sa direksyon na 'yon. Naniningkit ang kaniyang mga mata nang matanaw nila ang malalaking hukbo ng mga kalaban. Kusang sumilay ang mala-demonyo niyang ngisi nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang tao na sakay ng isang kulay tsokolate na kabayo, pinamumunuan ang naturang hukbo na humahakbang palayo mula sa Palasyo. "Narito na rin ang pangahas." ang tinutukoy niya ay si Prinsipe Arundel na nakasakay ngayon sa nakasakay sa kabayo. Kahilera nito ang mga heneral ng bansang Azmar.

"Nangangati na akong paslangin ang mga 'to." sunod na narinig niya ay si Cederic.

"Maghanda na rin tayo." seryosong aya sa kanila ni Emperador Audrick. Nauna na itong tumalikod saka dinaluhan ang isang tolda kung nasaan ang kani-kanilang baluti. May mga eskudero (squire) na naghihintay sa kanila. Ito ang tutulong sa kanila upang suotin ang mga baluti at mag-aabot sa kanila ng mga sandata na kanilang gagamitin para sa pakikipagdigma.

Sumunod na rin sila sa sinabi ng Emperador ng Thilawiel at isa-isa na silang pumasok sa tolda.

Habang inaalayan sila na suotin ang mga baluti, pinag-uusapan din nilang lahat kung ano ang taktika na gagamitin nila sa pagsugod. Ang mga emperador ng apat na Impyero, Caldwell, Houstin at ang mga hukbo ng mga kabalyero ang susugod sa labas. Samantalang ang mga prinsipe at ang dalawang hari na sina Eomund at Mival ay susugod sa loob at gagamitin nila ang gagawin niyang portal upang payapa silang makakapasok. Ang lahat ay sumang-ayon sa kanilang naisip, kahit ang apat na emperador. Kung tutuusin ay kating-kati na ang kanilang mga kamay sa magaganap. Lalo na siya. Hinding na siya makapaghintay na makita niya ang kaniyang asawa at mauuwi na niya ito sa Thilawiel anumang oras.

Pagkatapos nilang maghanda ay dinaluhan ng apat na emperador, Caldwell at Houstine ang mga kabayo na inihanda para sa kanila na agad din itong sinakyan. Ang mga prinsipe naman ay nanatiling nakatayo. Nakatingala sila sa kani-kanilang ama.

"Mag-iingat kayo, siguraduhin na mababawi natin si Rini." pormal na utos sa kanila ni Vencel.

Lumuhod silang lahat sa harap ng mga ito bilang mga kabalyero. "Masusunod po, Kamahalan!" sabay nilang tugon.

Tumango lamang si Vencel. Hinila na nito ang tali na nakakabit sa sinasakyan nitong kabayo upang lumipat sa ibang direksyon. May sarili din silang paghahanda silang apat. Dahil sila ang haharap sa hukbo na dala ni Prinsipe Arsalan. Dagdag pa ni Vencel sa suhesyon niya, sa oras na magtatapos ang digmaan sa labas ng Palasyo, 'yon din ang hudyat na sasalakay ang mga prinsipe sa loob upang ubusin ang mga nagbabantay doon, kasama na din sa plano nila paslangin ang mga monarkiya na narooon, ubusin hangga't maaari. Maliban sa namumuno na ang reyna at ang prinsesa upang gawing buhag. Ang iba pa sa kanila ay hahanapin kung naroroon si Rini.

Pinapanood nila ang papalayo na mga kabayo kung nasaan ang mga emperador hanggang sa tumakbo ito, kasabay pa na nagpakawala ng malalakas na hiyaw ang mga hukbo na dala ng mga ito bilang pagsugod kina Arsalan at sa mga kasama nitong heneral. Seryoso ang kanilang mga mukha pero ang hindi nila akalain ay kita niya kung papaano galit na hinugot ni Emperador Vencel ang dala nitong espada at walang sabi na inugoy ito sa direksyon ng mga kalaban. Sa simpleng ginawa lang nito ay nakagawa siya ng isang malaking nakakurbang ilaw. Laglag ang mga panga nila nang masaksihan nila nakalahati sa hukbo ay kusang namatay! Sunod naman nagpakawala ay si Emperador Audrick ng isang malakas na mahika. Inangat naman nito ang isang kamay saka naglabas ng isang malaking yelo mula sa ere at kusa itong sumabog at tumama 'yon sa hukbo ni Arsalan! Si Emperador Kron ay inangat din ang isang niyang kamay at nagpakawala ng sunod-sunod na ipo-ipo ngunit malalaki ang mga 'yon at tila nawawala. Tumama 'yon sa ibang kabalyero ng Azmar, hindi rin maiwasan na tumilapon ang mga ito sa paligid, kahit ang mga sakay itong kabayo. Samatalang si Emperador Nerius naman ay itinapat ang isang palad nito sa harap. Kusang may mga lumalabas na nakapadaming palaso na gawa sa tubig. Pinakawala niya ang mga 'yon. Masyadong mabilis pumunta ang mahika na pang-opensa na 'yon sa direksyon ng mga natitirang kabalyero. Hindi agad umiwas ang mga 'to dahil inaakala nila ay hindi sila masasaktan dahil gawa ito sa tubig kaya medyo kampante sila ngunit nagkakamali sila. Isa-isa tinamaan ang mga 'to sa iba't ibang parte ng katawan ng mga 'to. Kusang bumagsak ang mga 'to sa lupa at duguan na. Akala mo ay kasing tigas ng yelo ang mahika na 'yon.

Napangisi siya nang makita niya kung papano nagulantang si Prinsipe Arsalan sa nangyari. Siya nalang ay ang mga heneral nalang ang natitirang nakatayo sa lugar ng digmaan. Pinaatras nito ang kabayo at balak tumakas, subalit huli na. Bumagsak ang kabayo na sinasakya nito at sugatan na dahil sa pinakawalan ulit ni Vencel ang makakurbang ilaw mula sa espada nito.

Pagulong-gulong si Prinsipe Arsalan sa lupa. Tumigil lang ito nang tinapakan siya mismo ni Vencel na nanlilisik ang mga mata. Marahan siyang pumikit dahil alam na niya kung ano ang sunod na mangyayari sa oras na nasa kamay na siya mismo ng pinakamalakas na Emperador---at 'yon ay ang Emperador ng Cyan, ang pinuno ng mga Eryndor!

May mga natira pa namang mga kawal at mga kabalyero mula sa hukbo pero ang pinakaimportante sa ngayon ay nagawang patayin ang dapat patumbahin mula sa mga kalaban.

Tumalikod siya, kasabay na narinig niya ang malakas na sigaw ni Prinsipe Arsalan sa kawalan.

Walang awa ang pagkapaslang doon.

Ngayon, siya naman ang kikilos.

Tahimik niyang itinapat ang kaniyang palad sa kawalan. Kusang umilaw ito at unti-unti ulit siya gumawa ng isang portal na ang labas nito ay sa loob mismo ng Palasyo. Lumapit na sa kaniya ang mga kasamahan niya. Isa-isa na nagsipasukan sa ginawa niyang portal at siya ang mahuhuli.

Pagtapak niya sa loob ay bumungad sa kanila ang mga kawal na agad din naramdaman ang kanilang presensya. Walang sabi na sabay sumugod ang mga 'to.

"Kami nang bahala, hanapin ninyo si Rini. Susunod kami!" malakas na sambit ni Raegan sa kaniya.

Doon na sila nagkahiwa-hiwalay. Kasama niya sina Calevi at Dilston sa paghahanap kung nasaan si Rini. Bawat kawal na kanilang naeengkuwentro ay madali para sa kanila na paslangin 'yon kahit hindi pa sila nagpapakawala ng mahika laban sa mga itio. Tanging ginagamit nila sa mga ito ay ang mga espada.

Nang maubos na nila ang paunang grupo ng mga kawal ay binalingan niya si Dilston. Ngumisi siya. "Hindi ko alam na bihasa ka na sa paggamit ng sandata, Dilston."

"Ha, napagtanto ko lang na hindi sa lahat ng oras ay dedepende lang ako sa aking mahika." tugon nito na may mapaglarong ngisi.

"Saan natin matatagpuan si Rini nito?" seryosong tanong ni Calevi sa kanila.

"Wala dito ang hinahanap ninyo." rinig niya ang hindi pamilyar na boses sa hindi kalayuan. Babae 'yon. Nagmumula 'yon sa kanilang likuran. Kasabay ang sunud-sunod na yabag ng mga paa.

Sabay nilang hinarap 'yon. Tumambad sa kanila ang isang babae na nakaitim na balabal. Hindi lang nila maaninag ang mukha nito pero bakit tila umiilaw sa dilim ang kulay lila na mga mata nito. Mas sumeryoso ang mga mukha nila nang makita nilang may hawak itong manipis na espada. Mas humigpit ang pagkahawak nila sa kanilang mga armas. Naniningkit ang mga mata niya dahil iba ang pakiramdam niiya sa babaeng nasa harap nila ngayon.

Huminto ang babae sa kanilang harap. Tahimik lang itong nakatingin sa kanila.

"Kung wala siya dito, nasaan siya? Saan ninyo siya dinala?" matigas niyang tanong. "Titigil ang digmaan na 'to kung ituturo mo sa amin kung nasaan siya naroroon."

Nagbuntong-hininga ito sa harap nila. "Hindi ako kalaban." mahina nitong wika. "Kayo din ang iniitindi ko. At ayoko din na tumagal kayo sa lugar na 'to dahil ayoko kayong mapahamak. Mas mainam kung umalis na kayo..." saka mabilis silang sinugod sa isang kisap-mata lamang!

Ang buong akala niya ay siya ang unang pupunteryahin nito dahil bigla itong sumulpot sa mismong harap niya! Ngunit nagkamali siya, biglang lumihis ito at sumulpot sa harap ni Dilston. Napaatras ang prinsipe na tagapagamana ng Oloisean dahil sa bilis ng pangyayari. Walang sabi na itinulak nito si Dilston at bigla itong nalaglag sa isang mahika na ginawa mismo ng babae, ang elemental teleport!

Nanlaki ang mga mata niya, gulat na gulat naman si Calevi sa nasaksihan. Ang buong akala lang nila ay si Rini lang ang makakagawa ng ganyang mahika! May isang tao pa pala!

Sunod naman ang pinagbalingan ng babae ay si Calevi. Tulad ni Dilston napaatras din ito at nawala na parang bula!

Silang dalawa nalang ng babae ang naiwan.

Galit siyang tumitig dito. "Saan mo sila dinala?"

"Sa kanilang pinanggalingan. Sa Oloisean at sa Severassi." kaswal nitong sagot. Bigla ulit ito nawala. Sumulpot ito mismo sa harap niya, mas malapit pa. Aminado siya na hindi niya magawang sundan ang bawat galaw nito! "At ikaw..." hanggang sa dumikit ang hintuturo nitong daliri sa kaniyang dibdib.

Tila nagslow-mo ang paligid. Nawalan siya ng balanse. Dahan-dahan siyang bumabagsak. Natagpuan niya unti-unti nang nagiging madilim ang kaniyang paligid. Pakiramdam niya ay parang nahulog siya sa isang malalim na balon. Hindi mabura ang pagkagulat sa kaniyang mukha habang nanatili ang tingin niya sa babaeng nakaharap. Nanatiling nasa ere ang mga kamay niya, tila pilit niyang abutin 'to pero bigo siya. Palayo nang palayo sa kaniya ang babae habang nakipagtitigan din ito sa kaniya sa pamamagitan ng malalamig nitong tingin.

Hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng itim...

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 1.8K 32
⚠PLAGIARISM IS A CRIME⚠ I experienced everything first hand. And when I was ready to submit to my fate. I woke up and found myself in a world where...
13.1K 751 27
Life in NSA is getting tougher than expected. Will they survive? How will the gang defeat their foes? Language: TagLish Cover made by; Cha
1.2K 297 85
After the death of her beloved Gaudia, Saigie accidentally reveal her mysterious identity which lead the way to make her live with the people who kil...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...