Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian...

By Chienk21

346K 7.4K 354

Ang mga mata niya, napanganga nalang ako tapos yung smile at ang boses niya.. Nawala nalang ako bigla sa sari... More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Credits

Chapter 29

6.1K 137 8
By Chienk21

Third Person's POV

3 years ago...


"Sige na H..it's just a dare" sabi ni Yuri.



Nasa isang beach ang magkakabarkada at may bonfire silang ginawa habang nag-iinuman sila. Naglalaro din sila ng truth or dare pero kailangan dare lang ang piliin nila.


"French kiss! French kiss! French kiss! French kiss!" cheer ng  barkada kay Hailey.


"Okay fine!" ininom muna nito ang alak at tumayo. Dahan-dahan itong lumapit kay Faith at hinawakan ito sa mukha. Pumikit naman ito agad at hindi na siya nakapagpigil pa, hinalikan niya ang bestfriend niya. Pinapasabay muna niya ito ng dahan-dahan sa galaw ng labi niya hanggang ginamitan niya na ito ng dila na nagpamoan naman dito. "Mmmm" hindi niya alam kung dahil sa espiritu ba ng alak ang dahilan ng pag- iinit niya ngayon kaya mas diniinan pa niya ang pag-halik dito at hinawakan ito sa ulo. Pero mas ikinagulat niya ang ginawa nitong paghawak sa leeg niya, gamit ang dalawa nitong kamay at ito naman ang nagpamoan dito "Mmmmm". Hindi na na nila namalayan na may kasamahan pala silang nakapaligid sa kanila at nag-eenjoy sa live show nilang dalawa.


"Wow! sobrang hot niyo!" sabi ng isang girl.


"Isa pa!" sigaw naman ng guy.

"Witweew! tapusin niyo na yan sa kwarto pero sali ako!" sabi naman ng manyak ng barkada pero binatukan naman ito ng mga nakapaligid nito. Naghiwalay naman sila agad at parehong nag-blush, medyo hindi naman nahalata ng barkada dahil pareho na naman silang may tama ng alak.


Matapos nga ang pangyayaring iyon, hindi na mapakali si Faith sa nararamdaman niya. Ibang-iba na ang naiisip niya tuwing nakikita niya ang bestfriend niyang si Hailey. At lalo pang nagpagulo sa isip niya ay ang dahilan na aware naman siya na bisexual ito. Pero siya, sa sarili niya hindi niya matanggap iyon. Hindi siya pwedeng makaramdam ng ganung attraction sa kapwa niya babae, lalong-lalo na sa bestfriend niya.



Naging mailap naman si Faith tuwing nakakatabi niya si Hailey, hindi niya hinahayaan na maiwan sila ng silang dalawa lamang. Nagpapasalamat naman siya at hindi ito napapansin ng dalawa niyang bestfriend.


"Bestie, H, mauna muna ako sa inyo ha? Darating kasi parents ko ngayon at alam niyo naman na ayokong mag-aksaya ng oras pag-andyan sila" biglang excuse naman ni Yuri sa dalawa. Plano kasi nilang manood ng sine ng araw na yun pero tumawag naman ang parents ni Yuri at sinorpresa ito na darating daw sila sa mismong araw ding iyon. Kaya wala nang nagawa ang dalawa kundi tumuloy ng silang dalawa lamang.


Pagdating nila sa mall, pumila agad sila sa may ticket station. Napagdesisyunan nilang dalawa na manood ng Frozen dahil yun kasi ang pinipilahan ng mga panahong iyon.


"Nilalamig ka ba? Hiramin mo muna itong jacket ko" alok ni Hailey kay Faith pero hindi na nakatanggi ang huli dahil sa hinubad na nito iyon. Nakaupo sila sa may bandang likod ng sinehan.


"Paano ka? Hindi ka ba nilalamig?" tanong naman ni Faith.


"Okay lang ako, mas may taba naman kasi ako kumpara sa iyo kaya huwag kang mag-alala at siyempre para din feel na feel ko yung movie na pinapanood natin. Gusto kong makarelate kay Elsa" sagot naman ni Hailey na pabiro.


"Sira ka talaga" hinampas naman ni Faith si Hailey ng mahina at nagtawanan silang dalawa.


"Shhh...Psssttt.." saway naman ng mga taong nakapaligid sa kanila na matamang nanonood sa movie na yun. Tumahimik naman sila at pinigilan ang pagtawa ulit na gustong kumawala sa mga bibig nila.


Pagkatapos manood ng  movie, dumiretso na din silang magdinner sa isang restaurant. Nagkwentuhan lang sila at nagtawanan ng kahit na anong bagay na napapansin nila.


Dahil past 8pm na, nag-aya ng umuwi si Faith at hinatid naman siya ni Hailey sa bahay nito.


"Hindi ka ba papasok" tanong ni Faith kay Hailey paghinto nito sa tapat ng bahay nito.


"Hindi na, late na masyado. Pakisabi nalang kay Tita na dumaan ako."


"Sige, ingat ka at salamat sa gabing ito. Nag-enjoy talaga ako ng sobra!" masayang sabi naman ni Faith.


"Ako d-" hindi na natapos ni Hailey ang sasabihin niya dahil paglingon niya dito ay nagdampi  na ang kanilang labi na dapat sana sa pisngi ang intensyon ng halik na iyon. Pareho silang nagulat at parehong nanlaki ang mga mata nila, habang magkadampi parin ang kanilang labi. Pero imbes na humiwalay sa halik na iyon, unti-unti silang pumikit at dinama ang halik na iyon. Nang pareho na silang kinapos ng hininga, humiwalay sila sa labi ng isa't-isa at parehong tahimik lang  na nagpapakiramdaman.



"Hindi dapat nangyari yung halik H, kalimutan natin na nangyari ito. Mag-ingat ka sa daan, Goodnight" yun lang ang nasabi ni Faith at dali-daling pumasok sa bahay nito. Naiwan naman si Hailey na nakatulala at sinusubukang intindihin ang nangyari at ang huling sinabi nito.



Iniwasan nga ni Faith na pag-usapan ang nangyari sa kanila ni Hailey na nirespeto naman nito. Pero hindi lingid sa kaalaman ni Faith na nasaktan niya ang bestfriend niya. Napapansin din niya ang mga tinging pinupukol nito sa kanya pero pinag-sawalang bahala lang niya. May hinala na siyang may gusto ito sa kanya kaya wala na siyang ibang maisip kundi paki-usapan ang kakilala niyang si Patrick na magkunwaring ligawan siya nito. Hindi naman ito nakatanggi sa pakiusap niya dahil may utang na loob din naman ito sa kanya, nang minsang nagkunwari siya na gf nito para tigilan na ito ng ex-gf na naghahabol dito.



Natatawa naman si Faith sa expression ng mukha ni Yuri noong unang araw na nagpakilala si Patrick at nanligaw ito. Kitang-kita din niya ang pagsimangot ni H sa lalaki. Ayaw naman niyang saktan ang kaibigan sa ganoong paraan pero wala na talaga siyang maisip na iba pang paraan. Siguro in time, naisip niya na mawawala din pareho ang nararamdaman nila para sa isa't-isa at eventually mare-realize nila na tamang pinigilan nila ang nararamdaman nila sa isa't -isa dahil mas mahalaga ang friendship nila.



Sinadya talaga ni Faith na mas bigyan ng oras si Patrick kaysa sa dalawang bestfriend niya. Alam niyang nagtatampo na ang dalawa sa kanya dahil palagi siyang nagca-cancel ng lakad nila at last minute na niya pinapaalam ito. Pati rin naman siya nasasaktan sa pinag-gagawa niya pero wala na talaga siyang maisip na ibang paraan. She need to stop the attraction she feel for her bestfrriend bago pa siya ma-inlove at ganoon din ito sa kanya. She think that she's just doing both of them a favor.


Nagyaya na naman ni Yuri sa kanya na mag-mall silang tatlo dahil nga hindi na sila na nakakapag-bonding. Tinanggap naman niya ang pag-aya sa kanya nito pero alam naman niyang hindi din siya sisipot at idadahilan na naman niya si Patrick.



"Siguraduhin mong sisipot ka bestie ha? Kung hindi magtatampo na talaga kami ni H sa'yo" pagpapa-guilty naman ni Yuri dito.



"Promise, sisipot na talaga ako this time" pangako nito sa kanila at gusto nitong sapakin ang sarili nito sa kasinungalingan na nasasabi na naman nito ngayon at hindi ini-expect na magiging natural na sa kanya pagsisinungaling sa kanila. Si Hailey naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawa at hindi mabasa ni Faith ang nasa isip nito ngayon.



Dumating na nga yung oras ng pagkikita nila sa mall, bandang 5pm na, tsaka nagtext si Faith kay Yuri na hindi ito makakarating dahil unexpected yung pagyaya sa kanya ni Patrick papunta sa isang birthday party at aware siyang magagalit na talaga sila sa kanya this time. Tinawagan niya naman agad si Patrick kung nasaan ito ngayon dahil baka makasalubong nito sila Yuri pero hindi niya ito makontak. Naghintay pa ito ng mga 15 mins. pero hindi pa din ito makontak kaya nagdecide na nga si Faith na pumunta nalang ng mall baka maabutan pa nito sina Yuri at Hailey. Hindi nga ito nagkamali at nandun pa nga ang dalawa na may seryosong pinag-uusapan. Kaya dahan-dahan itong lumapit sa kanila at hindi nito in-expect ang narinig nito..


"Na naman! Sila na ba Yuri?" galit na tanong naman ni Hailey.



"Aba malay ko! Bakit hindi mo siya tanungin? At bakit sa akin ka nagagalit? Teka nga H, napapansin ko na talaga ito ha! Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Faith?" seryosong tanong naman nito. Natahimik naman siya sa tanong ni Yuri.



"Oo, mahinang sagot ni Hailey sa kanya. "Sinubukan ko namang pigilan Yuri pero hindi eh, nahulog na ako sa kanya. I'm sorry kaya hindi ko sinabi kasi nga ayoko may magbago sa friendship nating tatlo" explain naman nito pero nabigla ito sa naging reaksyon ni Yuri na nakatitig sa likuran niya. Paglingon niya ay si Faith na shock ang itsura nito at mukhang narinig nito lahat ng sinabi niya. 



Tumakbo naman agad si Faith sa lugar na iyon dahil sa hindi niya alam ang dapat na maging reaksyon sa narinig niya. Gusto siya ni Hailey at masaya siya narinig niya kahit may hinala na siya dito pero naisip niyang mali eh, hindi niya kayang harapin ito kahit na gusto din niya ito. Hindi niya kayang harapin ang panghuhusga ng mga tao at pag-nalaman ng parents niya at mga relatives niya ito, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito at hindi niya alam kung open ba ang mga ito sa ganoong relasyon. Alam niyang masyadong negative ang naiisip niya pero hindi niya talaga alam ang gagawin sa ganoong klaseng sitwasyon. Inaamin niya naman na duwag siya, she's a coward at hindi isang katulad niya ang nababagay kay Hailey, hindi niya kayang ipaglaban at manindigan kung tatanggapin niya ang pakikipagrelasyon kay Hailey.



Kaya agad itong nakiusap sa mommy niya na sa ibang bansa na siya mag-aaral, gaya ng mga pinsan niya na ikinagulat naman nito pero nagpasaya naman sa daddy niya kasi matagal na siya nitong gustong paaralin sa ibang bansa dahil nga mas advance ang pagtuturo sa ibang bansa. Iniwasan na din niya sina Yuri at Hailey simula noon dahil baka magbago pa ang desisyon nito pag-nakausap niya ang dalawa. Malungkot siya dahil sa tagal na pag-iiwas niya sa naramramdaman niya para ma-save sana ang friendship nilang tatlo, doon din pala ang ending at siya ang naging dahilan nun dahil isa siyang malaking duwag.


Umalis si Faith ng bansa nang hindi man lang nagpaalam sa dalawang taong napakaimportante sa buhay niya.


Nagsimula siyang muli sa isang estrangherong bansa na bago sa kanya ang lahat. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya dahil mas pinili niyang takbuhan ang problema para humarap sa mas malaking problema pero inaamin niyang marami siyang natutunan sa banyagang lugar na iyon.


Natuto siyang uminom, smoke, drugs, maglakwatsa, maging independent, maging matapang at manindigan para sa sarili niya. Natutunan niyang kailangan niyang may mapatunayan bago umani ng  maraming kaibigan at respeto, natutunan din niyang huwag basta-basta magtitiwala sa kahit na sino dahil hindi mo alam ang paningin nila sa'yo pagtalikod mo. Naging liberated siya sa lugar na yun, nawala ang virginity niya, naging malawak ang paningin niya sa bagay-bagay. She have dated boys and girls pero hindi niya maiwasang hanapin ang naramdaman niya kay Hailey sa mga dini-date nito. Most people na nakilala niya just date each other because of lust or for a good f*ck. They just come and go pero hinahanap niya yung affection, yung passion, yung spark at yung  nagrarambulang paru-paro sa tiyan niya, at alam niyang sa isang tao lang niya naramdaman lahat ng yun at hopefully hindi pa huli ang lahat para sa kanya...


****

A/N: Sorry sa late update. Mataas na ba yung chapter? May nagrequest po kasi..pero flashback nga lang muna yung update ko ngayon. Next update try kong pa ding habaan :) .Dahil sa chapter na to, naguluhan tuloy ako kung sino mas bagay kay Hailey. Sino sa tingin niyo? Please do comment and vote.

Salamat sa pagbasa, hope nag-enjoy kayo :])

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 19.8K 45
Maaari kayang mainlove Ka sa taong bwisit sa araw araw na pag gising mo?! I hate it! I'm Inlove with an annoying person!
3.8K 271 9
A collection of GxG and BxB stories that will either leave a smile on your face or leave you in tears.
23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...