ALLISON
Nilaro ko ang mga daliri ko habang pinapanood kumanta si Axe.
Iba ang presensya nito kapag kumakanta. Hindi yong tipo ng mayabang, mataas ang tingin at naguumapaw sa kompiyansa sa sarili habang tumutugtog. Para siyang nanghihikayat, parangg ang komportable niyang tao.
Nang matapos ang kanta lumapit sa akin si Axe.
"Are you bored?" Mabilis akong umiling.
"Sigurado ka? Buong araw naman ang event, Hanggang alas diyes pa bukas ang university." Tinignan ko ang mga kabanda niyang kanina pa ako sinasamaan ng tingin.
Mga hipokrito, Ang tataas ng tingin sa sarili samantala mga anak ng politiko at sikat na artista. Ang layo nila kay Sebastian. Napailing naman ako.
Kelan ko pa kinukumpara ang ibang tao kay Sebastian?
"Pwede naman ako sumunod sayo after nito. Pero while I'm here you can go out and have fun." Ngumiti si Axe. Tinitigan ko ito para makasigurong seryoso siya at hindi lamang sinasabi ito.
"Babe, I'm serious. Just go. I'll be fine." Ngumiti ako nang halikan niya ako sa noo.
"I'm sorry, Hindi kasi talaga nila ako gusto. Pakiramdam ko hindi ako dapat nandito." Mahina kong sabi kay Axe. Bumuntong hininga ito bago tumingin sa mga kabanda.
"Sorry, Babe. You can go."
Hinalikan niya ako sa labi. Bakit ganon? Ilang beses na niya akong nahahalikan pero kasing tamis parin ito ng una.
"Mag-ingat ka. If you need anything, Balikan mo ako dito or text me." Tumango ako.
Dahil wala rin naman akong dalang gamit kung hindi pitaka at telepono, Umalis na agad ako sa music room.
Naglalakad man ako sa hallway, Malayo ang tingin ko. Kahit gaano pa kalakas ang usapan at tawanan ng mga mag-aaral, Parang hindi ko sila naririnig.
Hindi ata ako bagay sa mundo ni Axe. Mabuti pa siguro noong nasa gilid lang ako nito, Hindi ngayong tinuturing niya na akong mundo.
"Putangin-" Hindi ko na naitulog ang malutong na mura nang umangat ang tingin ko sa nakabangga sa akin.
"You look depressed." Umikot ang mga mata ko nang mamataan ang ngisi ni Sebastian.
"Pasensya ka na, Tulala lang. Bye." Nilagpasan ko ito.
"Sebastian..." Mahina kong sita dito nang hatakin niya ang likod ng damit ko.
"Are you okay?" Tanong nito habang hawak ako na parang pusa.
"Bitawan mo nga ako." Mahina kong sita dito. Sa totoo lang, Wala akong gana makipaglokohan sa kanya ngayon.
"Aw. Poor, Doll. Nasaan si Axe?" Nangaasar na sabi nito. Binitawan niya ang damit ko.
"Nag-eensayo." Tipid kong sagot bago humakbang muli palayo.
Bumuntong hininga ako nang marinig ang mabilis na hakbang ng mga paa Sebastian.
"For what?"
"For their band performance."
"Ah. That's good for him." Binilisan ko ang pag-lakad, Ngumit mas bumilis rin siya.
"Seb, Bakit mo na naman ako kinukulit?" Tanong ko dito.
"Wow, Seb." Hindi ko man siya nakikita, Alam kong nandiyan na naman ang ngisi niya.
"Bakit? 'Al' nga ang tawag mo sa akin, Nagreklamo ba ako?"
"Ako ba, Nagreklamo?" Hindi ako sumagot.
"That's what I though."
"Allison, I'm getting tired from following you." Lalo kong binilisan ang lakad, Kaunting bills pa magiging takbo na ito.
"Edi huwag kang sumunod."
"Where are you going anyway?"
"Wala ka na doon." Umirap ako. Bumaba ang tingin ko sa sahig nang mapansing lahat ng mag-aaral na madadaanan namin ay naka-titig.
"Why don't you come with me instead?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko man nakikita ang mga mata ng bawat dadaanan namin, Ramdam ko ito.
"Ayaw ko. Ganoon ka simple."
"Alliso-" Napatigil ito.
"Aray..." Kinapa ko ang noo ko nang humampas ito sa pintuan.
Narinig kong huminga nang malalim si Seb.
Bago humalakhak.
"Bwisit ka." Lalong lumakas ang tawa nito.
"See? The universe wants you to go with me. Tara." Wala na akong nagawa nang hatakin niya ang braso ko.
Mabilis ang mga hakbang ni Sebastian, Halos kaladkarin na ako nito sa totoo lang.
"Saan na naman tayo pupunta?" Walang gana kong tanong dito.
"Sa horror house." Nanigas ang mga paa ko sa sahig.
"Why?" Tumigil din si Sebastian.
"Sa iba nalang. Pangit iyang horror house ngayong taon." Lumunok ako ng laway.
Tumaas ang kilay ni Sebastian.
"How'd you know?" Tanong nito.
"Kasi kami ang nag-ayos niyan. Tara na. Sa iba nalang." Mariin akong tinitigan ni Seb.
Bumilog ang mga mata ko nang ngumisi ito.
"Prince Sebastian Castel, Ibaba mo ako!" Hiyaw ko nang bitbitin niya ako sa maskuladong balikan na para bang sako.
"Ayaw ko! Bitawan mo ko!" Napapikit ako nang tumakbo si Sebastian papunta sa horror house.
"Are you sure?" Bulong nito.
"Oo- Hindi!" Sagot ko nang mapagtantong baka literal na bitawan ako nito.
"Good." Tumawa si Sebastian habang bitbit parin ako.
"Sebastian!" Desperado ko itong tinawag habang mahinang tinatapik ang likod nito.
"Sorry, I can't hear you over the screams inside the horror house." Nang-aasar na sabi nito.
"For two, Please." Natatawa nitong sabi sa nagbabantay.
"Sir."
"Yey..." Mahinang sabi ni Sebastian nang abutan siya nito ng tickets.
"Bye!" Mabilis na hinawakan ni Sebastian ang braso ko nang akmang tatakbo ako palabas.
Huminga ako nang malalim bago nilibot ang mata ko sa paligid. Sinarado na ng mga nagbabantay ang pintuan. Hindi na kami makakalabas.
At kahit bukas ito, Hindi ako makakawala sa pagkakahawak ni Sebastian.
"Seb, Please. Ayoko dito."
"Well we don't really have a choice now, Don't we?" Tumawa si Sebastian.
Sumeryoso ang mukha nito nang tignan ako.
"You're really scared?" Tanong nito. Tumango ako at pumikit.
"Here." Binuksan ko ang mata ko at nakitang nakalahad sa harap ko ang kamay nito.
"Hold my hand," Ngumiti ito. Hindi iyong tipo ng ngiti na nang-aasar.
"You'll be safe. None of this is real,"
"Except for me." Napalunok ako bago dahan dahang ilapag ang kamay ko sa palad niya.
"You're shaking."
"Alam ko." Tinitigan niya ako bago ako hilahin pabalik ng pintuan.
Kumatok si Sebastian.
"Open the door."
"Sir, Hindi na po pwede-"
"Open it or I'll break it open. Your choice. We get out either way." Dumilim ang boses nito. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang dumilim ang mga ilaw bago kumisap.
"Al, It's fine. We're the only real thing here." Huminga ako ng malalim.
Pagbukas ng pintuan dali dali kaming lumabas.
"Let's get some drinks." Sabi ni Seb habang hinihila ako papunta sa isang stall.
Hindi nalang ako nag-salita. Malakas parin ang kabog ng dibdib ko.
"Sit." Tinuro ni Sebastian ang bangko. Sabay kaming umupo dito.
"Drink this. You're sweating." Inabit niya sa akin ang inuming binili. Hindi ko napansing pinapawisan na pala ako.
Huminga ako ng malalim matapos ang malalaki at sunod sunod na lagok.
"I'm sorry, I didn't know you had anxiety over those kinds of things."
"Ayos lang. Hindi ko rin naman alam." Sagot ko. Lumunok ako ng laway at binaba ang ulo.
Dito ko lang napansin na hindi pala bumitaw ang mga kamay namin. Dahan dahan kong inalis ang akin.
"Are you okay?" Tumango ako.
"Hindi ko rin alam bakit ganoon ang naging reaksyon ko. Naalala ko lang kasi iyong takot ko sa ganoon nung bata ako."
"Muntik na kasi akong maiwan ni papa sa loob noon." Mahinang tumawa si Sebatian.
"I'm sorry."
"It's fine."