I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

409K 24.5K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 98

1K 93 4
By itsmarresemonika


Tahimik na patuloy na tinatahak nina Ceca at Frostine ang mataas at malalapad na hagdan patungo sa isang egrandeng Palasyo. Masyadong maliwanag na halos massisilaw na ang iba. Pero sa kaso nilang dalawa at sa iba pang diyos at diyosa sa mundong ito ay sanay na sila sa kanilang nakikita kahit na ilang daan na tao na silang hindi nakakabalik sa lugar na 'to. Ang mismong Kaharian ng kanilang Panginoon na si Miriel, ang pinuno ng mga diyosa at diyosa ng mundong ibabaw. Iilan lang ang nakakaalam kung nasaan ang mismong Kaharian nito. Matatagpuan ito himpapawid at natatakpan ito ng mga makakapal na ulap kaya hindi ito agad makikita.

Kusa silang tumigil sa harap ng malaki at mataas na pinto bilang pasukan ng Palasyo. Dahil sa kanilang presensya, kusa itong nagbukas nang paunti-unti. Muli silang humakbang upang makapasok na. Sa kanilang pagtapak sa mismong loob, bumungad sa kanila na walang kasangkapaan na madalas nilang nakikita sa loob ng Palasyo ng Thilaiwel. Dito naman, ang tanging makikita lang nila dito ay ang engrandeng hagdan na yari sa salamin.

Nagkatinginan muna silang dalawa at nagpalitan sila ng tango sa isa't isa. Sabay silang tumingin sa kanilang harap saka nilapitan 'yon. Nagsimula na silang humakbang paakyat upang marating na nila ang silid. Inaasahan nila sa loob n'on ay mga kikitain nila, lalo na ang kanilang pinuno na sila Miriel. Hinihiling kasi nila na makausap ang ito sa lalong madaling panahon dahil napakaimportanteng bagay ang kanilang iuulat para dito, pati na din sa mga inasahan nilang mga kasamahan na dadating din sa lugar na ito.

Pareho silang tumigil nang matanaw nila ang isang babae. Kasing edad na nila ang mga 'to. At kilalang kilala nila kung sino ang nakatayo na 'yon, tila inaasahan nito ang kanilang pagdating. Si Ezuna, ang persona na kanang-kamay ni Miriel. Napukaw nila ang atensyon nito. Ginawaran sila ng isang blangkong ekspresyon sa mukha at nilapitan sila nito. Tumigil lamang ito nang tagumpay itong nakalapit sa kanila.

Tulad ng inaasahan, marahan itong pumikit saka yumuko ito nang bahagya upang batiin ang kanilang pagdating. "Binabati ko po ang mga Diyosa ng Thilawiel, mga bininyagan na pangalan mula ng prinsipe at prinsesa na tagapagmana nito, Binibining Ceca, ang agila. At Binibining Frostine, ang lobo." pormal na pagbati nito sa kanilang harap.

Nanatili silang tahimik. Inaabangan nila ang susunod na sasabihin nito.

Tumayo ito ng tuwid at diretso itong nakatingin sa kanila. "Kasalukuyan na pong nasa silid ang mga iba pang mga diyos at diyosa na nagmula sa iba't ibang bansa at Imperyo. Ang tanging hinihintay nalang po ay kayo at ang Panginoong Miriel." sunod nitong sinabi. "Hayaan po ninyong ihatid ko po sa kayo kung nasaan po sila naroroon."

Tumango sila bilang pasang-ayon. Tahimik na tumalikod si Ezuna sa kanila at nagsimula na ulit sila naglakad para ihatid sila sa silid na tinutukoy nito. Kahit na patuloy sila sa paglalakad, kani-kanilang silang lihis ng tingin ni Frostine. Napansin kasi nila na mas dumami ang mga tagapagsilbi dito. Sa kanilang pagkakatanda, kakaunti palang ang naririto. Naisip nila na siguro ay gawa ito ng kanilang Panginoon. Siguro ay mas dumami ang ginagawa nito sa Palasyo kaya naisipan nitong mas padamihin pa ang mga tagapagsilbi na naririto. Medyo nagtataka sila kung para saan? Bakit parang may pinaghahandaan ang mga 'to? Hindi kaya may kinalaman ito sa binaggit sa kanila ni Miriel na malapit na ang isang malaking digmaan sa oras na magising na ang Panginoon ng mga Demonyo kaya todo ang paghahanda ng kanilang Panginoon sa anumang ang mangyayari tulad ng sabi nito?

"Naririto na po tayo, Binibining Ceca, Binibining Frostine." muli nilang naringi ang boses ni Ezuna. Muli silang tumigil sa isa pang mataas at malapad na pinto. Yari 'yon sa ginto at nakaukit doon ang mga sinaunang letra na nagagawa pa rin nilang basahin ang ,ga 'yon. Pinapanood nila kung paaano maingat na binubuksan ng kanilang kaharap ang pinto na 'yon. Tulad ng pinto na pasukan ng Palasyo ay ganoon din ang nangyari sa pinto ngayon. Nang tuluyan na itong nagbukas at pormal itong humarap sa kanila. Nilahad pa nito ang palad sa pinto na 'yon. "Maaari na po kayong pumasok sa loob."

"Maraming salamat, Binibining Ezura." sabay nilang sambit sa wakas. Saka naglakad ulit.

"Walang anuman po." saka yumuko ito sa kanila nang lagpasan nila ito.

Nang tumapak ang mga paa nila sa isang malawak at maliwanag na silid. Tumambad sa kanila ang mga kasamahan na nagsisilbing mga diyos at diyosa. Nakita din nila ang mga diyos at diyosa na nagmula sa tatlo na pinakamalakas na Imperyo. Sina Haldir, Ivor at Tehissa na nagmula sa Imperyo ng Cyan. Sina Dian at Wences ng Severassi, at sina Luth at Heidi naman sa bansang Oloisean. Lahat sila ay naka adult form na. Agad nilang napukaw ng atensyon ng mga ito. Matatamis na ngiti ang agad na umukit sa mga mukha ng mga ito na akala mo ay ngayon lang sila ulit hindi nagkita-kita.

"Ceca! Frostine!" galak na galak na tawag sa kanila ni Tehisa na may kasama pang pagkaway. Hindi pa ito nasiyahan. Mabilis silang nilapitan ng mga ito. Gayundin ang iba't iba pang mga diyos at diyosa mula Cyan, Oloisean at Severassi.

"Mabuti at nakarating kayo sa tamang oras!" masayang bulala ni Heidi sa kanil. Masaya din ang isang to na makita sila. "Ilang saglit din ay dadating na ang Panginoong Miriel para sa isang malaking anunsyo."

"Malaking anunsyo?" sabay sila ni Frostine na sambit, may halo 'yon na pagtataka. Bakas sa mga mukha nila na hindi ito inaasahan. Ang tanging alam lang nila ay maghahatid lang silang dalawa ng isang importanteng balita ukol sa prinsipe at prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel, sina Prinsipe Otis at Prinsesa Rini. Nagkatinginan silang dalawa na hindi nawawala ang pagtataka sa kanilang mukha.

Bago man sila magtanong sa mga kasamahan ay napukaw ang kanilang atensyon ang isang tunog. Mula 'yon sa kanilang likuran. Napasinghap sila nang tumambad sa kanila ang paparating, si Miriel. Tulad nila, naka-adult form na din ito. Hindi lang 'to nag-iisa. Nakasunod sa kanilang Panginoon ang anim na babae at lalaki na paniguradong mga tagapagsilbi ng may-ari ng Palasyo kung nasaan sila ngayon. Hindi na sila nagsayang pa ng panahon. Agad sila humilerang lahat at lumuhod kay Miriel upang batiin sa pagdating nito.

"Binabati po namin kayo, aming Panginoon!" sabay-sabay nilang bati sa bagong dating.

"Magsitayo kayo." nakangiti at malumanay nitong utos sa kanilang lahat.

Sabay silang tumayo. Dinaluhan nila ang malawak na hugis-bilog na umupo kung saan sila uupo at maguusap-usap. Nanatili silang tahimik kahit sa pag-upo. Pinapanood nila ang kanilang kasamahan na tahimik din na nagsibalik sa kani-kanilang silya. Kasunod niya ay inumpisahan na din sla pagsilbihan ng mga kasama ni Miriel kanina. May mga hawak na bandeha yari sa pilak. May mga basong inumin doon na yari din sa pilat. Isa-isa 'yon ipinatong sa kanilang harap.

"Magsisimula na tayo." anunsyo ni Miriel. Hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses. Bumaling ito sa kanilang dalaw ani Frostine. "Balita ko ay magkakambal ang inuluwal ng prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel, totoo ba?"

"Opo, aming Panginoon. Dalawang lalaki at isang babae." sagot niya.

Rinig niyang suminghap ang kaniyang mga kasama. Pawang may kasiyahan sa mga mukha dahil sa inabot niyang balita. "Hindi ko inaasahan na magkakambal pala ang dinadala ni Prinsesa Rini ng mga panahon na 'yon!" bulalas ni Tehisa. "Kamusta na pala siya?"

Kusa silang natigilan ni Frostine sa sunod na tanong nito. Umiba din ang ekspresyon sa mukha ng mga kaharap. Mukhang natunugan ng mga ito ang masamang balita na kanilang hatid. Bumaba ang tingin ni Ceca, animo'y isang napalaking kahihiyan na nagpakita silang dalawa sa lugar na ito. "Ang totoo po n'yan, hindi tunay na Prinsesa Styriniana ang nasa Thilawiel ngayon." sa huli ay nagawa niyang sambitin ang bagay na 'yon sa harap ng mga kasamahan.

Sabay suminghap ang mga ito. Tulad ng kaniyang inaasahan.

"Ang sinasabi mo ba'y nawawala ang tunay na prinsesa na tagapagmana?" hindi makapaniwalang tanong ni Heide na akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa sa lagay na 'yan.

"Maaari. Pero, kahit anong gawin namin ni Frostine upang mahanap namin siya ay bigo pa rin kami." malungkot niyang sambit.

"Kahit na nakaugnay na ang buhay niya sa amin, hindi pa rin namin masaganap ang kaniyang mana." segunda pa ni Frostine na malungkot din pero agad din napalitan ng pagkainis. Kinuyom niya ang kaniyang kamao sa ere. "Hindi talaga ako makakapayag na may impostor na gumagala sa Palasyo ng Thilaweil at magpapakilala na siya ang Prinsesa Styriniana. Bago man lumaki ang magkakambal ay kailangan mahanap na namin siya!"

"Tutulong kami sa paghahanap." biglang wika ni Haldir. "Pero may palagay na kayo kung sino ang maaaring kaaway ng Prinsesa Styriniana kung sakali?"

"Ang prinsesa ng Azmar, si Arsalan. Pati ang asawa nito." si Frostine ang sumagot. "Ang lalakas ng mga loob nilang hamunin ang apat na Imperyo, hindi na ako magtataka na matagpuan nalang nila ang kanilang mga sarili sa Impyerno!" mas lalo ito nagagalit.

"Pero may nauna nang gumawa ng hakbang kaysa sa atin." biglang sabi ni Miriel na ikinatahimik nila. Nakatuon sa kanilang Panginoon ang kanilang tingin. "Ang sa akin lang ay nagawa na natin ang ating parte, 'yon ay napabilis natin ang pagbubuntis ni Prinsesa Styriniana. Anumang oras ay magagawa niyang bumalik sa Thilawiel, sa tamang panahon."

"Pero... Aming Panginoon..."

"Sila na bahalang umasikaso sa lahat, kinalaingan naman nating gawin ay maghanda pa bago man magising ang Panginoon ng mga demonyo."

"Subalit, aming Panginoon... Ano po palang malaking anunsyo na sasabihin po ninyo sa amin? Ang pinakadahilan kung bakit ninyo po kami ipinatawag?"

Bago man ito sumagot ay kumawala ito ng isang mlalaim na buntong-hininga. "Nais ko sanang bigyan kayo ng misyon."

Napaayos ng upo ang mga ito. "Ano pong misyon ito, aming Panginoon?" si Ivor ang nagtanong.

"Iyon ay hanapin si Theavia. Dahil buhay pa pala siya."

Nanigas silang lahat sa kanilang narinig. Tama, hindi nila inaasahan ang bagay na 'to. Hindi nila sukat-akalain na buhay pa ang kanilang kasamahan. Para sa kanila, napakaimposible. Dahil kitang kita nila kung papaano ito binawian ng buhay sa mga huling sandali nito! Na namatay ito sa piling ng pinakamalakas na Emperador, kay Emperador Vencel ng Cyan! Dahil din sa pagkabigla ay iba't ibang tanong ang nabubuo sa kanilang isipan. Hindi lang siya ang naiisip ng ganoon, maski ang kanilang mga kasamahan.

"Aming Panginoon... P-papaano po nangyari ito...?" maingat niyang tanong.

Bumaling sa kaniya si Miriel. "Hindi ko rin alam, Ceca. Subalit, sa oras na mahuli ninyo si Theavia ay dalhin ninyo siya dito sa gayon ay matanong natin sa kaniyan kung anong nangyari. Kung ano ang dahilan at anong layunin niya."

"Masusunod po, aming Panginoon."

"At isa pa," pahabol pa nito. "Napag-isipan ko na ng ilang beses 'to pagkatapos makita ng dalawa kong mga mata si Prinsesa Styriniana. Nakapagdesisyon ako na idudugtong ko sa unang pagkakataon ang aking buhay sa prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel."

Mas lalo sila nagulat sa naging pasya ng kanilang pinuno. Napsinghap ang iba sa kanila. Ang iba naman ay napatulala, lalo na ang mga kalalakihan. Isang balita na naman ang hindi nila inaasahan. Tama ang sinabi ng kanilang Panginoon. Ito ang unang beses na idudugtong ng buhay nito sa isang tao. At kay Prinsesa Styriniana pa! Ang bunsong anak pa ni Emperador Vencel ng Cyan!

"A-aming Panginoon...Sa oras na idugtong mo ang 'yong buhay sa kaniya, 'yon din ang hudyat!" hindi mapaniwalang bulalas ni Tehisa.

"Tama, dahil isa din ako sa tinitingalang Diyosa ng Cyan. Idudugtong ko din sa kaniya ang aking buhay dahil nakadugtong na din ang mga buhay ninyo sa mga prinsipe ng Cyan at sa hari ng Crossa na anak din ni Vencel. Ang ang tanging prinsesa na tagapagmana nalang ang hindi pa nabibiyaan kahit na nakaugnay na ang buhay ng mga diyosa ng Thilawiel sa mag-asawa."

"Panginoon..."

Isang maaliwalas na ngiti ang iginawad nito sa mga kasamahan. "Gagawin ko din ang lahat ng aking makakaya upang manatili silang ligtas. Kahit ang mga anak niya, ay napasailalim na sila ng aking basbas at proteksyon. Walang sinuman ang magtatangka na gumalaw sa mga ito kung sakali."

Marahan silang pumikit at yumuko ng kaunti. "Naiitindihan po namin, aming Panginoon." sabay-sabay nilang tugon. "Kung ano ang pasya ninyo ay siya din ang aming susundin."

**

Hindi mabura ang mapaglarong ngiti sa mga labi ng babaeng naka-itim na bestida. Tulad ng kaniyang inaasahan ay kitang kita niya kung papaano pinagpawisan ng malamig ng impostor na nasa kaniyang harap. Hinding hindi talaga siya nagtataka dahil kilos palang nito ay malayong-malayo ito mula sa naririnig niya kung anong deskripsyon sa kaniya ng mga taong kausap niya tungkol sa prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel, isa na doon na hindi agad napatol at mahaba ang pisi nito. Matalino daw ito, sa halip ay ito daw ang utak kung papaano maganda ang kalagayan ng bansa na kinalalagyan niya ngayon.

Bumaba ang tingin niya sa mga kamay ng kaharap. Parehong nakakuyom na ang mga kamao nito. Nanginginig na din ito sa pinaghalong takot, kaba at galit. Ibinalik nia ang kaniyang tingin sa mukha ng impostor. Mabilis niyang itiniklop ang hawak niyang pamaypay. Taas-kilay niya itong pinasdahan ng tingin ang kaharap.

"Bakit hindi ka makasagot, kamahalan? May problema ba?"

Lumunok ito ng matindi. Mabilis itong umiwas mula sa pakikipatitigan nito sa kaniiya. "W-walang problema." tugon nito.

Lumabi siya saka humakbang palapit. "Maaaring may mga tao na maniniwala sa 'yong munting palabas. Pero sa isang tulad ko... Hinding hindi mo malilinlang."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat siya. "Malalaman mo din sa mga susunod na araw dahil hindi pa ito ang huling pagkikita natin, impostor." sinadya niyang hiniaan ang huling salita. "Kaya maghanda ka sa mismong araw na 'yon, kamahalan. Inaasahan namin ang 'yong kooperasyon. At inaasahan namin kung anong maipapamalas mo sa amin..."

"Hindi ako impostor." matigas nitong turan sa kaniya. Hininaan din ang boses nito.

Idinikit niya ang likod sa kaniyang palad sa kaniyangbibig. "Hmm... Hmm... Hmm..." tawa 'yon. "Sadyang mas mahina ang utak mo kaysa sa inaasahan ko, impostor. Hindi mo ba narnig ang sinabi ko? Ang isang tulad ko ay hinding hindi mo mapapabilog ng ulo."

Mukhang hindi na kaya magtimpi pa ang babaeng impostor. Inangat nito ang kamay, akmang sasampalin siya. Imbis na matakot siya ay mas lalo lumapad ang kaniyang ngisi, para bang inaasahan niya na mangyayari ito. Gusto niyang ipamukha sa mga Cairon na impostor at alipin ng Azmar ang kasama nila at hindi tunay na Prinsesa Styriniana!

Mukhang hindi yata matutuloy ang plano niya dahil may isang kamay na humawak sa impostor upang pigilan sa anumang ang gagawin sa kaniya sa harap ng mga maraming bisita.

Nanlalaki ang mga mata niya dahil hindi isa sa mga Cairon ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon. Kungdi ang kasama niyang si Hedis! Kusang tumindig ang kaniyang balabiho nang makita niya na nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa impostor!

"Sinong may sabi sa 'yon na pagbubuhatan mo ng kamay ang mas kataas-taasan kaysa sa 'yo?" matigas nitong tanong sa pekeng Rini.

Marahas na binawi ng pekeng Rinia ng kamay nito. "Sino ka ba?!" singhal pa nito.

'Hayyys, ang kapal talaga ng mukha.' sa isip niya saka inikot niya ang kaniyang mga mata. "Hayaan mo na Hedis. Nawalan na ako ng gana sa munting palabas na 'to." nauna na siyang umalis sa malawak na bulwagan na ito. Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong silid. Tanging tunog lang ang umiibabaw dito ay mula sa kaniyang sapatos. Ramdam niya nakasunod din sa kaniya ang kasama niya palabas sa lugar na 'to.

"Bakit mo ba ako pinipigilan, Hedis? Malapit na, eh." naiinis niyang sambit habang naglalakad sila pasilsyo.

"Hindi ko hahayaan na dumapo ang maruruming kamay ng impostor sa 'yon sa mukha mo. Ayoko ding mahalata 'yon ng nakakatanda mong kapatid." mariin nitong pagpapaliwanag.

Tumigil sila saka hinarap ito. "Balewala sa akin ang masaktan, Hedis. Dahil sanay na ako. At isa pa, kaya kong protektahan ang aking sarili laban kung kaninuman." malamig niyang wika.

"Ako ang malalagot kay Gelnius sa oras na malaman niyang nasaktan ka lalo na kung galing sa impostor na 'yon!"

"Impostor?"

Sabay silang natigilan nang may narinig nilang boses sa hindi kalayuan. Pareho silang tumingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Medyo nanlaki ang mga mata nila nang tumambad sa kanilang harap nila ang prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel, si Prinsipe Otis!

Kung ano na wala siyang nararamdaman na takot para sa impostor na nakasagupa niya, mas ginapangan siya ng takot para sa prinsipe na nasa harap nila ngayon! Kusang tumindig ang kaniyang balahibo snang makita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. Matalim ang tingin nito. Sa mahabang panahon na lumipas, ngayon lang niya ulit naramdaman ang nakakatakot na pakiramdam. Siguro ay dahil nasa prinsipe na tagapagmana ang isa sa mga katangian na meron si Lorah, ang kapangyarihan ng anino.

"K-Kamahalan!" sabay nilang bati sa pamamagitan ng pagyuko.

"Tama ba ang narinig ko? Na impostor ang kasama namin ngayon? Na hindi siya talaga ang asawa ko?" mas matigas nitong tanong.

"Tama po kayo, Kamahalan. Hindi po siya ang prinsesa na tagapagmana... Na ako, ang isa sa mga diyos at diyosa ng mundong-ilalim, si Myvia, ang diyos ng paglilihim, ang makakapagsabi sa inyo na totoo po ang aking sinasabi."

Continue Reading

You'll Also Like

344K 15.6K 45
Sa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers out there except dark magic." At sa mga si...
430 59 10
A young, licensed mage from another kingdom has opted to embark on her voyage to Regulon, where she discovers her last hope of finding a cure for the...
594K 34.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
2.9K 198 9
Zairon Madrid was the epitome of beauty. An Architect. student With a silky black hair, beautiful pair of blue eyes, glowing and flawless skin. a ha...