I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

409K 24.5K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 94

1.2K 86 7
By itsmarresemonika


Medyo mataas ang araw ngayon pero hindi 'yon ang dahilan upang tumigil ako sa pagtatrabaho. Patuloy pa rin ako sa pagpupulot ng mga kabibe sa dalampasigan. Kasama ang dalawang babae na nakakita sa akin ng loob ng bangka. Napag-alaman ko na ang mga pangalan nila ay Li Fen at Dai Ya. Kwento nila, magkaibigan na daw sila simula pagkabata. Masaya daw at simpleng pamumuhay daw ang meron sila. Ngunit, noon daw 'yon. Dahil isang araw ay sinakop daw ng mga kalaban ang kanilang nayon na nasa pinakadulong hilaga ng Jian Yu. Tanging sila nalang daw ang nakaligtas at nakatakas kahit na masakit daw na masaksihan nila kung papaano daw ginawa sa kanilang pamilya. Hanggang sa napadpad daw sila sa templo na 'to. Sa kabutihang-palad ay tulad ko, malugod silang tinanggap ng mga punung-babaylan. Binigyan sila ng tahanan, pagkain at trabaho.

Pagkatapos namin magpulot ng mga kailangan ay nagpasya na kaming tatlo na pumasok na sa templo upang ihatid na ang mga dala naming basket. Hindi ko akalain na marami pala kaming makukuhang mga kabibe sa dalampasigan kaya hindi na ako nagtataka na ito ang pangunahing kabuhayan ng mga nakatira sa templo na ito. Napansin ko din na medyo malayo pala itong kinalalagyan namin sa syudad na nakita ko.

"Maya-maya din ay pupunta kami ng syudad para ihatid ang mga ito sa pagawaan, nais mo bang sumama sa amin?" nakangiting tanong sa akin ni Li Fen habang tinatahak namin ang templo.

"Hindi kaya nakakaabala ako sa inyo?" may halong pagkabahala nang tanungin ko 'yon pero diretso ang tingin ko sa aming dinadaanan bagamat masyadong makipot dito kaya dapat ay todo-ingat ang nararapat.

"Walang problema, sa katunayan ay mas masaya sa syudad dahil marami kang makikita na magagandang bagay doon. Baka malay mo, sa oras na tumapak na tayo doon ay may makita kang magugustuhan mong bagay, sa oras na nakaipon ka ng sapat na halaga ay mabibili mo na 'yon!" masiglang bulalas ni Dai Ya, tulad ni Li Fen ay malapad ang ngiti ito.

Saglit ako natahimik. Siguro ganoon nga pero wala sa isip ko na bumili ng magagandang bagay tulad ng mga palamuti para sa damit, ang nais ko lang ay makapag-ipon ako ng sapat na halaga sa gayon ay wala akong poproblemahin sa paghahanda sa magiging paglalakbay ko kung sakali. "Wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan." ang tanging nasabi ko.

"Pero alam mo, noong una ka namin nakita, tingin namin ay may halong dugong-bughaw ka." wika ni Dai Ya sa kawalan.

Bigla ako napatigil sa paglalakad. Tila naramdaman nila 'yon kaya tumigil din sila't lumingon sa aking direksyon. Pareho nila ako binigyan ng nakakapagtatakang tingin. Diretsong tingin ang iginawad ko sa kanila. "Dugong... Bughaw?" ulit ko pa. Umukit ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa aking mukha.

Nagkatinginan silang dalawa ng ilang segundo bago nila ibinalik 'yon sa akin. Sabay silang tumango. "Oo, sa balat mo palang, hindi namin masasabi na anak ka ng isang magsasaka o mangingisda. Mukhang alagang-alaga ang 'yong balat. Iyon ay tingin lang namin." pagpapaliwanag ni Dai Ya.

Nahagip ng aking mga mata na ngumiwi si Li Fen. "Hayaan mo na ang sinasabi ni Dai Ya, masyado kasi siyang prangka. Sinasabi talaga niya kung ano ang nakikita niya, pagpasensyahan mo na." saka siniko niya ang kaniyang kaibigan.

Nilahad ko ang isa kong palad. Pinagmasdan ko 'yon. Bahagyang kumunot ang aking noo. Pilit kong isinaalala kung talaga bang isa akong dugong-bughaw. Iyon ba ang dahilan kung bakit naririto ako ngayon? Inalis ba ako sa pinanggalingan kong bansa at napadpad ako sa lugar na ito? May mga tao ba na ayaw sa akin kaya ipinatapon ako?

"Ayos ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni Li Fen, nag-aalala.

Napukaw niya ang aking atensyon. Isang maliit na ngiti ang aking ibigay sa kaniya. "Ayos lang ako. Sadyang nais ko lang alalahin kung ano talaga ang nakaraan ko... Kung tama bang sinasabi ni Dai Ya." malumanay kong wika.

"Huwag mo muna alalahin ang nakaraan mo. Sa bawat pilit mong alalahanin ang lahat, hinding hindi mo ito maalala, hayaan mong kusa itong lumabas. Baka malay natin, hindi ba?" pagpapagaan niya ng aking kalooban.

Hindi ako nakapagsalita. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Tara na, para hindi tayo mahuli sa oras ng paghahatid natin sa mga ito." sa huli ay inaya na niya akong umalis sa lugar na ito.

Tama, huwag ko muna pipilitin kung ano ano ang tunay kong katauhan sa nakaraan.

Hindi ko akalain na masigla ang sentro ng syudad nang narating namin ito. Hindi ko rin akalain na maraming tao ang naririto. Mas marami kaysa sa inaasahan ko. Namamangha kong pinagmamasdan ang mga ito. Hindi mabura sa aking mukha ang pinaghalong kagalakan at pagkamangha habnag pinagmamasdan ko ang lugar. Maraming mga bagay-bagay na ibinebenta sa merkado na buong buhay ko lang nakikita. Totoo nga ang sinasabi nina Li Fen at Dai Ya, maganda nga dito sa syudad. Buhay na buhay. Nahagip din ng aking paningin ang mga matatandang lalaki na magkaharap at malalim ang iniisip. Iyon pala ay naglalaro sila sa pamamagitan ng makapal na tabla na nasa kanilang harap. May mga matatanda at may edad na lalaki na nakapalibot sa dalawang koponan, animo'y nagpupustahan ang mga ito.

Binawi ko ang aking tingin saka ipinagpatuloy ko pa ang aking paglalakad. Medyo binilisan ko upang makahabol ako sa mga kasama ko. Ayokong mawala sa lugar na ito. Pero hindi pa rin nagsasawa ang mga mata ko na pagmasdan ang mga bagay-bagay na nakakaaya sa aking paningin.

Namataan ko din ang mga grupo ng kababaihan na ayos na ayos at may mga kolorete sa mga mukha nila. Ang ganda pa ng pagkaayos sa kanilang mahahaba at itim na buhok. Napansin ko na ako lang ang dayo sa lugar na ito at tiyak na mabilis ako makakuha ng atensyon. Mukhang alam ng dalawa kong kasama kung ano ang mangyayari kaya ang ginawa nila ay tinakpan ang tela ang aking mukha sa gayon ay hindi ako mahahalataan na isa akong dayo at may dugong banyaga. Na hind ako karaniwan sa lugar na ito.

Nang sumagi sa isipan ko 'yon ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. Mabuti nalang ay nakahabol ako sa dalawa. Naramdam nila ang aking presensya. Pinaalalahan ako ni Li Fen na huwag na huwag daw ako mapapawalay sa kanila para hindi mag-alala ang mga punung babaylan.

Hanggang sa napadpad sa isang tindahan na nasa aming harap. May nakasulat sa taas nito. Dahil hindi ko alam kung ano ang ibig n'on sabihin, ang tanging magagawa ko lang ngayon ay sundan ko sina Li Fen ay Dai Ya. Tahimik lang ako nakasunod sa kanilang dalawa nang pumasok sila sa lugar na 'yon.

Doon na rin namin ibinaba ang mga dala naming basket. Biglang may tinawag si Dai Ya nang natumapak na kami sa loob ng tindahan. Habang ginagawa niya 'yon ay muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Kusang sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Maraming mga bagay-bagay at burluloy na kadalasan na ginagamit ng mga kababaihan sa lugar na ito. Mayroon din na ginagamit para sa mga kalalakihan, siguro. May nakikita din akong mga tela sa isang gilid. Nilapitan ko 'yon saka hinawakan. Umawang ang aking bibig nang mahanwakan ko ito. Ang ganda ng kulay at ang lambot. Ramdam ko na mataas at talagang pinaghirapan ang paggagawa sa tela na ito. May bakas na dekalidad.

Nakuha din ang aking atensyon ang isang kulay berde na bato. Hindi kasing kintab ng emerald, ngunit makinis ito at simple lang na maganda rin sa paningin.

"Ang ganda, hindi ba?" bigla kong narinig ko ang boses ni Li Fen mula sa aking likuran.

Agad ako napatingin sa kaniya. "Oo, maganda nga. Anong tawag ninyo dito?" sabay turo ko sa berdeng bato na nakita ko.

"Ah, yu (jade) ang tawag namin d'yan. Paniniwala namin ay kapag magkakaroon ka ng ganito kahalagang bato ay suswertihin ka at mahahanap mo ang 'yong kaligayahan." marahan nitong pagpapaliwanag sa kaniya.

Tumangu-tango siya, na tila naiitindihan nia ang ibig nitong sabihin. "Malalalim pala ang ibig sabihin ng mga bagay na ito sa inyo." kumento ko. "Ngunit, hindi ko maipagkaila na maganda nga ito."

Berde, bakit pakiramdam ko ay may nakita na akong isang berdeng bagay pero hindi ko alam kung ano 'yon.

"Gusto mo bang tikman naman natin ang mga pagkain dito? Hayaan muna natin si Dai Ya. Alam na alam niya kung papaano niya kakausapin ang may-ari tutal ay matagal na namin itong kilala."

"Pero wala akong pera, Li Fen."

Ngumiti siya. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Dumapo ang tingin ko doon na may pagkabigla sa aking mukha. "Huwag ka mag-alala, libre ko naman. Ang tanging gusto ko lang ay magustuhan mo ang bansa na ito. Tara?"

Hindi ko na magawang sumagot ay mabilis na niya akong nahila palabas mula sa tindahan na ito at napadpad kami sa kalsada kung saan na mas maraming tao. May mga nagtitinda ng mga pagkain sa tabi ng daan. Hindi ko maipagkaila na nakakagutom nga, sa amoy palang! Teka, bakit pamilyar sa akin ito?

"Hayun!" malakas na bulalas ni Li Fen sabay hila niya ulit sa akin.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng isang maliit na tindahan. Nakita ko na may mga binebenta siyang pagkain. Iba't iba 'yon kaya maaari kang mamili. Bumaling lang ako sa kaniya habang kausap niya ang tindero hanggang sa inabot sa kaniya ang mga pagkain na itinuro niya. Masaya siyang nagbigay ng bayad. Tumingin sa akin si Li Fen sabay abot niya sa akin ang isang kulay puti na tinapay. "S-Salamat..." nahihiya kong sambit nang tinanggap ko ito.

"Walang anuman. Bao zi ang tawag namin dito. Basta tikman mo, natitiyak ko na magugustuhan mo 'to." saka siya ang unang kumagat sa tinapay na binili niya.

Tumalima ako. Kumagat din ako ng isa sa tinapay. Nakakatuwa dahil mainit-init pa ang bao zi na 'to. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil ramdam ko ang karne at iba't ibang sangkap sa loob ng tinapay na hawak ko. "Ang sarap!" hindi ko mapigilang mapabulalas ang kataga na 'yon.

Rinig ko ang mahina niyang tawa. "Sabi ko sa 'yo, masarap, hindi ba? Pero mas marami pa tayong matitikman sa oras ng selebrasyon na pagkabalik ni Prinsipe Ting Fei." sambit niya.

"Nabanggit nga sa akin ng isa sa mga punung-babaylan. Siya ang nag-iisang kapatid ng emperador, hindi ba?"

Tumango siya. "Tama." saka nagbuntong-hininga ito. Tumingala ito sa kalangitan. "Sana ay makahanap na agad ang mahal na emperador ng mapapangasawa niya sa gayon ay mabiyayaan pa ang Jian Yu ng marami pang biyaya."

"May kinalaman ba ang biyaya sa oras na makapag-asawa na ang emperador?" nagtataka kong tanong.

Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga saka inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. Muli siyang tumango. "Oo, malaking bagay na may asawa na ang kamahalan sa gayon ay maging balanse ang Jian Yu. Ang emperador ay sumisimbolo ng kalangitan habang ang emperatris naman ay sumisimbolo ng mundo. Kaya nabalitaan namin na lubos na nag-aalala ang mga lupon at mga matataas na ranggo sa lipunan para sa mahal na emperador."

"Pero marami naman sigurong mga babae na galing sa mga prestihiyosong pamilya at mga kabilang sa dugong-bughaw, bakit hindi niya 'yon patuunan ng pansin?" sunod kong tanong.

Ngumuso siya. "Siguro ay dinibdib ng kamahalan ang balita sa kaniya ng punong babaylan na ipinadala ng dragon at piniks.."

"Anong sinabi naman?"

"Na dadating daw ang magiging emperatris ng kamahalan. Sinasabi sa propesiya na galing daw ito sa ibang lugar. Ito daw ang itinuro ng mga diyos at diyosa, ang dragon at ang piniks." malumbay siyang nagbuntong-hininga. "Ang mga tao sa templo ay walang pakialam kung sinuman ang nais na mapangasawa ng mahal na emperador, kahit isa itong dayo. Basta ang makita at malaman namin na masaya siya ay sapat na sa amin. Ngunit, hindi rin maipagkaila na marami din ang tutol sa propesiya na 'yon, lalo na sa mga matataas nang ranggo at mula sa mga kabilang dugong-bughaw dahil matagal nilang inaasam ang tulong na maibibigay sa kanila ng kamahalan."

Hindi ko magawang magsalita. Tumingala na din ako sa kalangitan. Bakit parang pamilyar na naman sa akin ang mga narinig ko? Bakit pakiramdam ko ay may nagsabi sa akin tungkol sa mga bagay na 'yon?

"Magnanakaw! Magnanakaw! Tulungan ninyo ako! May magnanakaw!"

Naputol ang pag-iisip ko nang marnig ko ang tili ng isang ginang sa hindi kalayuan mula sa amin. Agad ko binalingan ng direksyon ng ginang. Nahagip din ng aking paningin ang isang lalaki na tumatakbo, dala-dala nito ang isang makintab na tela na tingin ko ay pagmamay-ari ng ginang na ninakawan.

Kusang kumilos ang aking katawan. Walang sabi na ibinigay ko muna kay Lin Fei ang bigay niya sa aking tinapay. "Saglit lang ako, Lin Fei." seryoso kong sabi.

"T-Teka---"

Hindi ko na siya pinakinggan pa. Sa halip ay mabilis akong tumakbo para mahabol ko ang lalaking magnanakaw. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Kahit na ilang beses akong nakabangga at hindi ko 'yon ininda basta ang iniisip ko ngayon ay mahabol ko ang magnanakaw na 'yon. Kahit ako ay hindi ko maitindihan kung bakit kusang kumilos ang aking katawan. Hindi ko rin maitindihan kung bakit ganito kabilis ako tumakbo. Para bang madalas kong ginagawa ang bagay na ito!

Marahas akong umiling para mabalewala ko muna ang mga katanungan sa aking isipan. Sa ngayon, dapat ay mabawi ko ang ninakaw na ng lalaking 'yon mula sa ginang.

Nakita ko na bigla siyang lumusot sa isang eskinita. Lihim ko kinagat ang aking labi habang patuloy ko pa rin ito hinahabol. Ilang liko pa ang ginawa namin hanggang sa tumigil siya dahil pader na ang kaharap nito. Wala na siyang matatakbuhan pa!

Mabilis siyang humarap sa akin. Galit siyang ngumiwi nang makita niya ako sa harap niya. Lalapit sana ako nang makita ko na may hinugot siya mula sa kaniyang damit. Itinutok niya 'yon sa harap ko. Sinasabi na huwag na huwag akong lalapit sa kaniya. Pero hindi ako nagpadaig. Tila balewala sa akin na makakita o makaranas ako ng ganitong sitwasyon.

Pero mas natigilan pa ako nang may naramdaman ako na may lumabas mula bansang likuran ko. Agad ko 'yon hinarap. Nanlalaki ang mga mata ko dahil ako pala ang napapaligiran ngayon! Ibig sabihin, dito kumukuta ang mga masasamang loob?!

Kusang kinuyom ko ang aking kamao. Sa dami nila ay kailangan ay mapatumba ko sila! Kailangan kong gumawa ng paraan! Pero papaano?!

"May dinala ka palang bisita dito, Ru." wika ng isang lalaki. May edad na ito pero halatang delikado siya.

"H-hindi ko po alam pero... Bigla akong hinabol ng isang ito!" malakas na pagpapaliwanag ng lalaking nangangalang Ru. Kung titigan mo ang isang 'to, malalaman mo na isang binatilyo pala ang isang ito!

"Iligpit ito." matigas na utos ng pinakapinuno sa mga kasamahan niya.

Nakangisi ang mga kampon niya. Humakbang ang mga ito palapit sa akin. Pinapatunog nila ang kanilang kamao, naghahanda na sila na sugurin ako. Rinig ko pa ang mala-demonyo nilang tawa habang papalpit sila sa akin. Napaatras ako. Matalim ko silang tinitingnan. Kainis, ano ba ang dapat kong gawin ngayon?

May sumugod sa akin na isa na may kasang suntok. Agad ko ito iniwasan. Hanggang sa sunud-sunod na silang sumugod sa akin na halos magkakasabay na sila. Napangiwi ako. Bakit ganito? Bakit mas mabilis ang kilos nila kaysa sa inaasahan ko?!

Ramdam ko na may humalbot sa suot kong balabal at hinila 'yon.

Natigilan sila nang tumambad sa kanila ang mukha ko pati ang kulay ng aking buhok. Bakas sa mga mukha na hindi mapaniwala. Na hindi talaga ako taga-Jian Yu. Naladlad sa kanila na isa akong dayuhan!

"Gintong buhok." wika ng pinuno nila. Pero agad din 'yon napalitan ng ngisi. "Hindi ko alam na may naligaw palang dayuhan dito."

Hindi ko rin namalayan at mabilis nilang hinawakan ang magkabilang braso ko. Nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas. Hindi ako makawala kahit anong gawin ko!

Lumapit as akin ang pinuno nila. Walang sabi na bigla niya akong sinuntok sa sikmura. Napayuko ako dahil sa sakit. Halos luluwa ang kinain ko sa ginawa niya! Hindi ko rin inaasahan na ganito kalakas ang pwersa ng suntok na dumapo sa aking katawan. Hindi lang isang suntok ang ibinigay niya sa akin, sunud-sunod! Ilang beses na rin ako napaubo. Tumulo na din ang dugo sa lupa mula sa aking natamo.

"Ano kaya kung ibenta natin ito mga bahay aliwan, tiyak pagkakaguluhan ang isang ito." wika niya sa mga kasamahan niya. "Dahil hindi rin karaniwan at dayuhan pa ito, tiyak malaking pera ang makukuha natin sa kaniya."

Pero bigla din itong natumba sa harap ko. Napabitaw sa akin ang mga lalaki at napaatras na ipinagtaka ko. Dahil din sa paghihina ay napaupo at dumapo ang mga palad ko sa lupa. Naghahabol pa ako ng hininga at lakas. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang hiyawan mula sa mga grupo ng lalaki na pinagkaisahan ako. Agad ko inangat ang aking tingin para masaksihan kung ano ang nangyayari pero nanlalaki ang mga mata ko nang may bumagsak ng mga talulot na mga bulaklak sa paligid. Pero ipinagtataka ko kung bakit nasusugatan ang mga lalaking 'yon kahit na walang tao sa paligid? Pero nakadikit ang mga talulot na 'yon sa kanilang balat?

Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko. Ibig sabihin, nagiging patalim ang mga tatlulot na 'yon?! Pero bakit hindi nangyayari sa akin 'yon?

Hanggang sa tuluyan nang bumagsak sa lupa ang mga lalaki sa harap ko.

"A-Anong..."

"Ayos ka lang ba?" rinig ko ang boses ng isang lalaki sa harap ko.

Dahan-dahan akong tumingala para malaman kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na 'yon. Bahagyang umawang ang aking bibig nang makita ko ang isang lalaki sa aking harap. Nakatali ang kaniyang buhok. Simple ang kaniyang kasuotan ngunit ramdam mo na sumisigaw 'yon sa karangyaan. May hawak siyang natitiklop na pamaymay na magagandang ang pagkadisensyo. Pero mas natigilan siya nang nagtama ang aming mga mata.

"I-Ikaw..." mahina niyang sambit. Tila gulat na gulat siya na ako ang nasa harap niya. Kilala ba niya ako?

Nanatili ako sa ganitong posisyon. Hindi agad ako makatayo dahil sa pambubugbog sa akin. "K-Kilala mo ba... Ako?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Hindi siya agad nagsalita. Muli na naman niya ako binigyan ng nagulat na ekspresyon sa kaniyang mukha. Pero napalitan din 'yon ng matamis na ngiti. Lumapit pa siya sa akin. Dumapo ang isang tuhod niya sa lupa. Hindi maalis ang tingin namin sa isa't isa. "Sa wakas, dumating ka na..."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Anong ibig mong sabihin? Kilala mo ba ako?" ulit kong tanong.

"Ikaw ang nakasaad sa propesiya. Ikaw ang sinasabi na magiging emperatris ko." 

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 198 9
Zairon Madrid was the epitome of beauty. An Architect. student With a silky black hair, beautiful pair of blue eyes, glowing and flawless skin. a ha...
381K 7.4K 41
The bratty chosen ones. Pasaway, matitigas ang mga ulo, nakakapikon, makukulit at palaging nasasangkot sa gulo. Grupo sila ng mga Pinili o Blessed Ch...
UNRIVALED! By Peachy

General Fiction

283K 16.3K 47
So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·v...
344K 15.6K 45
Sa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers out there except dark magic." At sa mga si...