ALLISON
"Handa na ba ang lahat? Siguraduhin niyong kumpleto ang mga upuan at lahat ng bata ay may panulat." Utos ko sa mag-kasintahan. Tumango sila at pinagtuunan ng pansin ang mga bata.
"Magandang umaga, mga bata!" Nakangiti kong bati sa mga ito.
"Magandang umaga, Binibining Monteverde." Muntikan nang mag, sabay sabay na balik ng mga ito.
"Mukhang dumagdag pa tayo ngayong linggo ah. Mabuti iyan." Nakaramdam ako ng tuwa nang makitang halos dumoble ng dami ng mga bata sa harapan ko.
Buti nalang rin at pinayagan kami ngayon ng mga tiga-pamahala dito.
"Nung huli tayo nagkita-kita naturuan ko na kayong magsulat, Hindi ba?"
"Opo!" Ngumiti ako.
"Naalala niyo pa ba kung paano?" Natawa ako nang may iilang hesitanteng um-oo at mayroong hindi sumagot.
"Huwag kayong mag-alala. Mageensayo lang tayo magsulat ngayong araw. Sa susunod na ulit ang ibang aralin."
Tumingin ako sa likod ng mga bata nang makita ang isang pamilyar na sasakyan.
Nakasandal dito ay isa ring pamilyar na lalaking napapaligiran ng usok ng sigarilyo.
Nang mapansing nakatingin ako sa kanya, Ngumiti ito at kumindat.
Itinaas nito ang palad at pinakita ang sigarilyo. Parang sumesenyas na mamaya na siya lalapit kapag ubos na ang bisyo. Minasahe ko ang sentido ko at tumingin sa mga bata.
"Kopyahin ninyo ang nakasulat dito sa pisara. Magsimula na kayo." Ngumiti ako bago lumapit kayla Rodel.
"Kayo muna ang bahala dito." Mahina kong sabi kay Rodel at Rowena.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Sebastian na hindi parin tapos.
"Uhm... Helping?" Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Helping? Saan?"
"Sa iyo, Obviously." Bumunting hininga ako.
"Plus, We need to talk about our project-slash-research topic. It's two months till the deadline and we don't even have a title yet." Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito ni Sebastian at bigla siyang dumidikit sa akin. Pero wala akong tiwala dito kahit na kaunti.
"Bakit mo ba pinipilit na ako ang maging partner mo? Madami pang iba dyan at madami tayong ibang kaklase."
"Well, I've heard from a little birdie you're the smartest in our batch. Also, It's not like you have a partner." Bumuntong hininga ako. Wala narin naman akong magagawa. Totoo naman ang sinasabi nito, Wala akong ibang makakasama sa thesis at wala akong kaibigan sa mga unibersidad. Kung meron man, Iba ang kursong kinuha ng mga ito. Kahit si Axe.
"Hindi na kita mapipigilan, Ano?" Walang pag-asa kong tanong.
Ngumiti ito at umiling.
"Nope." Tinapon niya ang sigarilyo kung saan man.
"Wala ka rin namang maitutulong. Kasi nag-eensayo lang silang magsulat." Sumimangot si Sebastian.
"Well, That's boring."
"They're learning."
"I didn't say they weren't." Nilampasan ako nito at dumiretso sa mga bata.
Pag lapit ko sa kanya nakasingkit ang mga mata nito at pinapaypay ang damit sa sarili.
"You let these kids stay in the heat for how ever long this class takes?" Tanong niya.
"Hindi naman... I mean, Wala naman kaming ibang magagawa." Tumingin si Sebastian sa paligid.
"No."
"Huh?"
"No."
"Anong 'no'?" Takang tanong ko.
"We're moving inside the baranggay hall." Tinuro niya ang malaking estraktura na katabi lamang ng plaza.
"Hindi pwede." Ngumuso ito at tinuro ang sarili.
"Do you know my full name?" Tanong niya.
"Oo na, Sebastian Castel. Sa tingin mo mapapakiusapan o matatakot mo sila."
Inis ko itong tinignan nang itulak niya na naman ang noo ko gamit ang daliri niya.
"Actually my full name is Prince,"
"Prince Sebastian Castel. That was suppose to be the joke, I can do whatever I want cause I'm a prince." Tumingin siya sa baranggay hall.
"But that works too. Tara." Sinundan ko ito papasok ng baranggay hall.
Nagsalitan ang tingin sa amin ng lalaking nasa front desk.
Namumukhaan niya siguro ako dahil sa mga protests, Syempre namumukhaan din nito si Sebastian.
"Bati na kayo?" Tumawa si Sebastian-
Masyadong malakas na tawa. Tumingin ako sa sahig dahil sa hiya. Ano ba naman itong mga mayayaman na ito, Medyo makapal ang mga mukha.
"Can I talk to ninong?" May tinignan sa papel ang lalaki.
"Pwede, Pwede. Dumiretso ka nalang. Wala naman siyang ganap ngayon."
Hindi na ako naka-angal nang kunin ni Sebastian ang kamay ko at hilahin ako papunta sa opisina ng kapitan.
"You can stay here." Sabi niya habang kumakatok.
"Pasok!" Binuksan ni Sebastian ang pintua .
Matapos ang ilang minutong paghihintay dito, Lumabas si Sebastian na nakasimangot.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko.
"There's no space inside the hall daw." Bumuntong hininga ito.
"Ayos lang, Sebastian. Tara na. Hinihintay na nila tayo."
"But they let me borrow a tent. I guess, That's better than sitting in the heat for a couple of hours. " Ngumiti ako.
"Ano ka ba? Ang laking tulong noon."
"I guess... Tara, Let's wait outside. Ilalabas nalang daw nila."
"Saan ka galing, Lis?" Tanong ni Rodel. Tinaasan nito ng kilay si Sebastian.
"Ma-walang galang na, Pero bakit siya nandito?" Tanong ni Rodel sa akin.
"Wala ngang galang." Natatawang sabi ni Sebastian.
"I'm here to help." Tumango ako sa sinabi ni Sebastian. Lumapit si Rowena kay Rodel.
Sabay nilang tinignan mula ulo hanggang paa si Sebastian at pabalik.
"Do you want me to spin around for you?" Biro ni Sebastian.
"Boss! Saan namin ito ilalagay?" Tumingin kaming lahat sa mga lalaking buhat ang mga bakal at malakin tarpolina.
"Just... Place it down there. Kami na ang bahala. Thank you." Sabi ni Sebastian sa mga ito at tumango.
"Wait. I'll assemble this then I'll help with teaching." Sabi ni Sebastian.
"Tulungan na kita, Sasabihan ko lang ang mga bata." Pinitik niya ang noo ko.
"You're too small." Umirap ako at hindi nalang sumagot. Lumapit ako sa mga batang kinokopya parin ang mga salita sa pisara.
"Magpakabait kayo, Ha. Tutulungan ko lang si kuya Sebastian ninyo na ayusin iyong tent para may masilungan tayo."
"Opo!" Ngumiti ako bago bumalik kay Sebastian.
"Let's just build this around your set up para hindi na natin ilipat mamaya." Binuksan ni Sebastian ang bakal na suporta ng tent.
"Wait..." Sabi ko at hinawakan ito sa kabilang dulo. Dahan dahan naming binuklat at pinaghiwa-hiwalay ang mga bakal hanggang sa masakop nito ang mga bata at mga gamit namin.
"Wait lang!" Rinig kong sigaw ni Sebastian na tumungtong sa upuan at sinabit ang magsisilbing bubong ng tent.
"Let's do this side." Sabi niya at binaba ang upuan sa harapan ko.
Aakyat na sana ako dito nang pigilan niya ako.
"You can't reach that."
"Excuse me?" Tumawa ito.
"I'll do it. Hindi mo ma-aabot." Ngumisi ako.
"Pustahan, Aba." Natawa si Sebastian.
"Be my guest." Sumenyas ito sa upuan.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang mapagtantong tama siya. Kahit tumayo pa ako sa upuan na ito, Hindi ko maabot ang sabitan.
"Ready to accept defeat?" Nang-aasar na tanong nito.
"Hindi, 'no!" Mayabang kong sabi.
Tumayo ako gamit ang mga daliri ko sa paa, Pilit na inaabot ang sabitan.
"Kaunti pa..." Bulong ko habang ginagawa ang lahat para lang mas mapa-haba pa ang mga kamay.
"Allison, Just get back here. Ako na diya-" Hindi natapos ni Sebastian ang sasabihin nang mapa-sigaw ako.
Sinarado ko ang mga mata at hinanda ang sariling bumagsak sa sahig.