All Too Well

By Peinstories

1.1K 154 18

There are two different kinds of love, the first one is, you are loved voluntarily and the second and the mo... More

Disclaimer
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67

15

9 1 0
By Peinstories


Dito kami dumiretso sa condo unit, kung saan si Mariz lang ang mag isa rito. Nasa ibang bansa raw kasi ang parents nya dahil maraming inaasikaso sa ibang bansa. Sya nalang raw ang narito kaya kahit saan naman sya pumunta, marami naman raw syang condo unit. Nagkalat pa nga raw. 

"Pasensya ka na kung medyo maliit yung unit ko ah. Hindi pa kasi ako nakakalipat e", sabi ni Mariz nang makapasok na kami sa loob ng unit nya. Nilibot ko ang mata ko at namangha ako dahil ang ganda ng unit nya. Malinis, maganda at sa unang tingin mo palang, malalaman mo na agad na babae ang narito.

"Ang ganda naman rito sa unit mo! Para tuloy gusto ko na rito nalang ako", pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman sya bago bumalik mula sa kusina. May hawak na syang tray na may laman na dalawag juice dalawang tubig at mga prutas.

"Tama na pambobola. Kain ka na muna", pagyaya nya. Napapailing nalang akong naupo sa may kahabaan na sofa. Inalalayan nya rin ako nang makalapit na ako. Inilagay nya pa ang unan sa likod ko bago ko dahan dahan na isinandal ang likod ko.

Mabilis na kasi ako mangalay kaya naman kailangan ko na ng unan sa likod kahit 8 weeks palang naman ang baby sa sinapupunan ko.

"Bakit puro prutas yung narito? Wala bang  kahit tinapay lang?", nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Buntis ka kaya prutas nalang muna ang kainin mo. Tsaka ka na maghanap ng iba pa kapag hindi ka na buntis", malumanay na sagot nya naman.

"Oo na!", inabot ko ang grapes sa tray bago iyon kainin. Napapikit ako sa tamis non. Ang sarap! "Ang sarap naman nito", komento ko.

"Of course, masarap talaga 'yan. Fresh from our province. Nagustuhan mo ba?", nakangiting tanong nya. Kumuha pa ako ng isa at muling kinain iyon. 

"Yeah! Akin nalang! Kuha ka nalang ulit sa probinsya nyo", masayang sabi ko bago muling kumuha ng tatlo at isa isang kinain iyon. 

"What? Bibigyan nalang kita. Ubusin mo nalang 'yang nasa plato. Marami na nga 'yang inilagay ko riyan e", ngumuso naman ako at nang hindi makuntento, kinuha ko na ang plato na nakalagay sa tray. 

"Anong marami? Kakaunti kaya!", reklamo ko sa kanya sabay subo ng isang grapes. "Tinitipid mo ata kami ng inaanak mo e"

"Aayaw ayaw ka. Gusto mo rin pala.",mahinang bulong nya. Hindi ko na sya inintindi at kumain nalang ng grapes. 

Mukhang may bago akong kaaadikan na kainin ah! Nagustuhan mo ba anak? Matamis ito at masarap. 'Wag kang mag alala ah. Manghihingi tayo kay ninang mo.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa maubos iyon. Sarap na sarap ako sa grapes at para bang gusto ko pa. Manghingi pa kaya ako? 

"Naubos mo na?", gulat na tanong nya habang nakatingin sa plato kong nasa lap ko. Dumighay pa ako dahil sa kabusugan.

"Pahingi pa", tatawa tawa akong inilahad ang plato ko sa kanya. 

"Ang takaw mo naman", komento nya. Ngumuso ako at nagulat naman sya nang makitang paiyak na ako. 

"Ang damot mo naman!", paiyak na sabi ko sa kanya. 

"Naubos mo na nga yung isang plato e! Madamot pa ako nyan ah?", pagsusungit nya. 

"Madamot ka! Ang baho mo pa!", napatakip ako sa ilong ko nang maamoy ko ang mabaho nyang pabango. Yun na ata ang pinakamabaho kong naamoy na pabango!

"Hoy! Anong mabaho ako?", hinawakan nya pa ang kwelyo nya bago iyon inamoy. "Hindi ako mabaho! Ang pangit naman ng pang amoy mo!"

"Ang baho mo! Maligo ka nga! Baka paglabas ng inaanak mo, mabaho ang ninang nya. Manghihingi pa sa'yo 'to ng pamasko! Maligo ka naman! Ang lansa mo!"

"Ang sakit mo magsalita! Ang pangit mo!", kinuha nya ang plato sa lap ko bago tumayo. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nag puppy eyes pa ako dahil baka maawa sya sa'kin at bigyan ulit ako ng grapes. "Pamasko ka riyan. Matagal pa ang pasko!"

"Bibigyan mo na 'ko?", nakangiting tanong ko sa kanya.

"Oo na! Nanlalait ka na e!",pagsuko nya. Tinalikuran nya na ako at para akong batang tumayo at tumalon talon.

Hinawakan ko ang tyan ko habang masayang tumalon talon.

"Narinig mo 'yon, anak? Bibigyan na tayo ng grapes ng ninang mo. Hintay lang tayo anak ah.", pagkausap ko pa sa anak ko. Hinimas ko ang tyan ko at kahit hindi pa naman masyadong malaki ang tyan ko, pinakiramdaman ko parin ang anak ko.

Naupo na ulit ako nang makitang pabalik na si Mariz mula sa kusina. Dala na nya ang plato na may laman ng grapes. Sinandal ko pa ang likod ko sa sofa para marelax ang likod ko. 

Nang makalapit na si Mariz, naupo muna sya sa tabi ko bago  inilahad ang grapes sa'kin. Nakangiti akong tinanggap iyon sa kanya bago muling magsimulang kumain. 

"Salamat", nakangiting sabi ko sa kanya bago muling kumuha ng isa pa. 

"Waala 'yon. Kung ano  man ang pwede ko pang maitulong, don't hesitate to tell me, okay?"

"Oo naman! Pasensya na kung nakakaistorbo ako ah. Alam mo naman na nahihiya rin ako magstay sa bahay nila AJ.", seryosong sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman si Mariz habang nakatingin lang sa'kin. 

"So, ano ng plano mo? Hindi naman pwedeng hindi malaman ni AJ na magiging tatay na sya, diba? Kailan mo sasabihin sa kanya?", malumanay na tanong nya. Saglit akong natigilan at napaisip. 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung gusto nya pa bang magkaanak sya sa'kin. Hindi ko alam kung gusto nya bang panagutan ang anak namin pero hindi naman sya siguro ganon. Napakabait nya. Sa ilang taon na magkarelasyon kami, nakita ko talaga kung gaano sya kabait at kabuting tao lalo na pagdating sa pamilya at mga kaibigan namin. 

"Hindi ko pa alam e. Hindi ko kasi alam kung gusto nya bang magkaanak sa'kin.", my voice broke. Nag aalalang lumapit pa lalo sa'kin si Mariz at kinuha ang plato sa lap ko. Inilapag nya iyon sa lamesa bago ako tuluyang lapitan at hindi ko napaghandaan ang sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako at inilagay sa likod ang dalawa nyang palad. Hinaplos nya ang likod ko habang nakayakap sya sa'kin.

"I know what you're feeling right now but you know, as your friend.. hindi naman ako pwedeng makisali sa problema nyo ni AJ. I'm just your friend. I'm only one call away when you need me. You guys are my bestfriend and I don't want you to feel that I'm taking any sides of both of you.", she sincerely said. I sighed out of frustration.

"Can a relationship be happy even if time passed by and years passed?", out of curiousity, I asked her.

Alam ko naman ang sagot, pero I just want an assurance. I know she's been in a relationship but something happened kaya balik single na sya ulit ngayon.

She sighed heavily while she keeps rubbing my back, trying to make me calm.

"For me, yes.. but it really depends on the couple. We can't predict the future but as I see, you and AJ had the most stronger relationship. Hindi naman kayo tatagal ng 12 years kung hindi kayo matatag, diba?"

"I think, this is the end for it. I can almost feel it."

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa'kin at nagtatakang sinuri ang kabuuan ko. Parang hindi sya makapaniwala sa narinig nya mula sa'kin. 

"Are you saying na may problema kayo ni AJ? Kaya ka ba nya iniwan rito sa Palawan para sa babae nya?"

Napabuntong hininga naman ako bago nag iwas ng tingin. Pero bago ko pa man maiiwas ang tingin ko sa kanya, hinwakan nya na ang chin ko at pilit akong iniharap sa kanya. 

"Answer me, Shaneia. May ibang babae ba sya? Nagloloko ba si AJ?", seryosong tanong nya. Pumikit ako saglit bago muling imulat ang mga mata ko. Nagtama ang mata namin at ramdam ko roon ang pag aalala at pagiging determiado na malaman ang totoo. 

"H-Hindi ko alam", nauutal na tugon ko sa kanya. Binitawan nya ang chin ko bago tumayo. Para bang disappointed sya sa sinagot ko pero 'yon naman talaga ang alam ko. Hindi ko pa naman nalalaman ang buong storya, kaya ayoko muna bumuo ng  assumptions sa isip ko.

*

"Ang tagal nyo naman! Akala namin hindi na kayo dadating", reklamo ni Mariz nang makarating na si Harvey at Aljaine. Wala akong imik habang hawak ang hand carry ko. Si Mariz naman ang may hawak ng iba pa naming gamit. Baka raw kasi mapagod ako, ayaw nya raw mangyari iyon lalo pa at buntis ako.

"Traffic kasi. By the way, bakit naman ang init ng ulo mo? Hindi ba sanay ka namang maghintay?", tugon naman ni Aljaine.

"Syempre iba na ngayon. May buntis tayong kasama oh!", sabay turo pa sa'kin. Lumapit naman ang dalawa at ang unang yumakap sa'kin ay si Harvey.

"Congratulations on your pregnancy. Sharp shooter pala kaibigan ko ah", pilyong bulong nya pa. Niyakap ko naman sya pabalik at mahinang hinampas ang balikat nya. Nang bumitaw na sya sa yakapan namin, sumunod naman si Aljaine. Niyakap nya ako ng katamtaman lang. Walang pag aalinlangan ko syang niyakap ng mahigpit.


"Everything's gonna be okay. Just trust the process, alright?", malumanay na tanong nya. Tumango ako habang nakayakap kami sa isa't isa.


I feel like I'm about to cry but I tried so hard to contain my emotions. I don't wanna cry in front of them. I want to show them how strong I am and not the weak one.



Humiwalay na ako sa pagyayakapan namin ni Aljaine nang iannounce na ang flight namin. Inasikaso na namin ang passport at ticket namin. 



Si Harvey at Mariz ang naghila ng mga dala naming bagahe. Kami naman ni Aljaine ay naglalakad lang habang nakasunod sa dalawa. Wala kaming bitbit dahil nagpresinta na si Harvey at Mariz na sila na raw ang magdadala ng gamit namin. Hinayaan nalang namin sila dahil baka magbardagulan na naman sila. Nakakahiya! Nasa airport pa naman kami at ang daming tao rito. 



Nang makapasok na kami sa eroplano after the process, magkatabi kami ni Mariz ng seats. Si Aljaine at Harvey naman ay nasa tapat lang ng seats namin kaya walang hassle. 



Napansin ko na napuno agad ang mga seats ng eroplano. Mukhang lahat ng tao ay naka sched para sa pag alis. Ngayon lang ata nangyari ito o siguro dahil hindi naman ako madalas na magbyahe gamit ang eroplano. Wala naman akong pupuntahan dahil lagi lang akong nasa firm at nagtatrabaho. 



"Matulog ka muna kaya? Don't stress out yourself. It's not good for your baby", suhestyon ni Mariz nang makita nyang nakatulala lang ako. Napabuntong hininga ako bago napaisip. 



Handa na nga ba akong makita si AJ? Handa na ba akong sabihin sa kanya na may anghel na paparating sa'min? Ano kayang magiging reaksyon nya? 



"Bumalik nalang kaya tayo? Pakiramdam ko kasi may mali e", kinakabahang sabi ko kay Mariz. 



"Itulog mo nalang iyan. Magpahinga ka naman kahit konti. Mamaya maya lang siguro aandar na 'tong eroplano. Ihanda mo na ang sarili mo. 'Wag kang kabahan", seryosong aniya. 



"Paano kung-", she immediately cut me off. 



"What if you go to sleep and rest? That would be better for you and your baby",  she seriously utter. 



Okay! She won! 



Hindi na ako nakipagtalo pa at ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Maybe she's right. I just need to calm myself and take a nap just to have some rest. Hindi na talaga ako nakapagpahinga kagabi dahil sa kakaisip ng magiging reaksyon ni AJ. I know he'll be shock and maybe happy because soon, he'll be the father of our child. 





I just sleep and removed my thoughts. My negative thoughts. 




Mahimbing akong nakatulog at isang masamang panag inip ang gumising sa'kin. It's AJ and Raxxie. Inside our house and making out!





"No! Please! Stop!", namamaos na pigil ko sa kanila. Sa kabila ng sinabi ko, patuloy na gumalaw si AJ sa ibabaw ni Raxxie habang pawisan ang noo. 



Humihikbi ako habang nakikita silang masayang pinapaligaya ang isa't isa. Hindi ko matanggap. Hindi ko matatanggap ito. Ang lalaking mahal ko na may kasamang ibang babae, sa bahay pa namin. Sa master's bedroom, kung saan kami natutulog ng magkatabi. 



"I hate you!", umiiyak na sabi ko sa ama ng anak ko. Naramdaman ko namna na may humawak sa kamay ko habang marahang tinatapik ang balikat ko. 


"Shaneia! Shaneia!", narinig ko ang tinig ni Mariz na tinatawag ang pangalan ko. Doon lang ako nagmulat ng mata at napayakap kay Mariz. 

Niyakap nya naman ako pabalik at hinaplos ang likod ko. Isa lang pala iyon na masamang panag inip.

"Binabangungot ka. Ayos ka lang ba", humiwalay si Mariz sa'kin at marahang hinaplos ang noo ko. Pinagpapawisan pala ako. Hindi ko na namalayan na nananag inip pala ako. Akala ko totoo.


"Si AJ at Raxxie. May ginagawa sila", parang batang pagsusumbong ko sa kanya. Bumuntong hininga naman si Mariz. Pakiramdam ko ay may pahiwatig ang panag inip na iyon.


"Gusto ko na talaga umuwi. Desidido na 'ko. Sasabihin ko na kay AJ na buntis ako", desididong sabi ko sa kanya. Tumango lang sya bago malumanay na suklayin ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.


"Okay, sasabihin mo na kay AJ. Sasamahan kita. Narito lang kami para sa'yo, Shaneia. 'Wag ka matakot.", nakangiting aniya. Kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko.


Sa kaisipan palang na may kasama ako at hindi ako nag iisa, unti unting kumakalma ang paghinga ko.



Sana nga walang ibig sabihin yung panag inip ko, dahil hindi ko alam kung ano bang magagawa ko kapag nagkatotoo iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 140K 63
"ရှင်သန်ခြင်းနဲ့သေဆုံးခြင်းကြား အလွှာပါးပါးလေးကိုဖြတ်ကျော်ခါနီးမှာမှ ငါမောင့်ကိုစွန့်လွှတ်တတ်ဖို့ သင်ယူနိုင်ခဲ့တယ်၊ လူတွေက သံသရာမှာ ရေစက်ရယ်၊ဝဋ်ကြွေး...
187K 37.8K 56
Becca Belfort i Haze Connors, choć przez swoich znajomych zmuszani do spędzania razem czasu całą paczką, od dawna się nie znoszą. Dogryzają sobie prz...
3.1M 253K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
430K 23.9K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...