All Too Well

Per Peinstories

1.1K 154 18

There are two different kinds of love, the first one is, you are loved voluntarily and the second and the mo... Més

Disclaimer
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67

14

9 1 0
Per Peinstories

Hindi ko namalayan na nahimatay pala ako at nagising nalang ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako?

Nang subukan kong tumayo, agad may pumigil sa'kin. Si Tita Rhea pala iyon. Mabuti pa ang Mommy ni AJ narito, sya wala.

"Don't move hija. 'Wag ka munang tumayo. Makakasama sa'yo.", seryosong aniya. Nakinig naman ako at nahiga muli ng maayos. Nang maalala ko ang baby ko, hinawakan ko ang tyan ko at pinakiramdaman ang anak ko.

"Nasaan po tayo? Kamusta po yung baby ko? Narito parin po sya sa tyan ko, diba?", sunod sunod na tanong ko kay Tita Rhea.

"You need to calm down, hija. Makakasama 'yan para sa'yo.", sagot nya lang. Hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Where's AJ? Bakit po wala sya rito?", mahinahong tanong ko.

"Umuwi na sya kagabi pa sa Manila. May kasama raw syang umuwi, kaya pinayagan ko na. Tinanong ko pa nga kung kasama ka nya pero sabi nya may emergency raw roon sa dental clinic. Kailangan nya na raw unuwi dahil maraming may kailangan sa kanya roon."

Bakit hindi nya ako hinintay? Nagmamadali ba sya? Sinong kasama nya? Babae ba? Mga kaibigan ba namin? Sino sino?

Maya maya, may pumasok na isang doktor. Nakangiti syang lumapit sa'min ni Tita Rhea. 

"Doc, kamusta po ang baby ko? Ayos lang po ba sya?", tanong ko agad. Naupo ako ng maayos sa kama at inalalayan naman ako ni Tita Rhea na makaupo ng maayos. 

"Yes, your baby is fine. Just don't stress out yourself. Mahina po ang kapit ng bata, Mommy. Kaya sana ay iwasan n'yo ang mga bagay na dahilan para mastress kayo. Baka po sa susunod na duguin kayo ay hindi na kumapit pa si baby."

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat at kumapit ka anak. Makikilala ka pa ng Daddy mo. Babalik pa tayo ng Manila. Kapit ka lang sa'kin anak. Mas iingatan na kita ngayon.

"Salamat doc", sabi ni Tita Rhea. Nakangiti syang ipinatong ang kanyang palad sa ibabaw ng tyan ko at marahang hinaplos iyon. 

"You just have to take care of yourself because it's also for your baby, Ms. Mendez. Dahil sa susunod na maulit ito, hindi natin alam kung kakapit pa ba ang baby o hindi na."

"Don't worry, doc. Kaming bahala sa kanya. We'll do everything para hindi sya mastress", si Tita Rhea ang sumagot.

"Alright! By the way, I have to go. Marami pa akong pasyente. Ms. Mendez", baling sa'kin ng doktor. "Take care of your baby"

"Salamat ulit, doc", si Tita bago umalis ang doktor. Nang lumabas na ang doktor, nakahinga ako ng maluwag. Salamat at ligtas ang baby ko.

"Kailan mo balak sabihin sa'min na buntis ka?", seryosong tanong ni Tita.

"Kanina ko lang rin po nalaman na buntis ako.", magalang na sagot ko.

Naupo sya sa monoblock na malapit sa kama ko habang hindi inaalis ang kanyang palad sa tyan ko.

"Masaya ako dahil magkaka apo na kami. Ilang weeks ka na raw bang buntis?"

"8 weeks po", tipid na sagot ko.

"Sa tagal nyong magkarelasyon ng anak ko, bakit ngayon nyo lang kami binigyan ng apo?", para bang may bumara sa lalamunan ko nang tanungin nya iyon. Hindi ko akalain na nag eexpect pala sya sa'min ni AJ.

"Tita", nahihiyang tawag ko sa kanya. Tumawa lang sya habang patuloy na hinahaplos ang tyan ko. "Nasaan nga po pala si Akesha? Bakit po wala sya rito?"

"Nasa bahay sya kasama ng mga kaibigan nyo ni AJ. Nagpresinta silang sila muna ang magbabantay kay Akesha.", marahang sagot ni Tita. 

"S-Si AJ ba alam na ang tungkol rito? Alam ba nyang buntis ka?", tanong ni Tita. 

"Sasabihin ko po sana kanina kaso po umalis na pala sya. Kaya po hindi ko pa nasasabi sa kanya", mahinang sagot ko sa kanya. Para bang nanghina ako dahil mas nauna pang nalaman ng nanay ni AJ na buntis ako kaysa sa kanya. 

"Don't worry, hija. Malalaman nya rin iyan kapag bumalik sya rito sa Palawan", umiling ako bilang sagot.

"Hindi ko na po sya hihintayin na umuwi", nangunot naman ang noo ni Tita.

"Bakita naman?"

"Uuwi na po ako ng Manila bukas. Kapag po nakauwi na ako, sasabihin ko po ng personal sa kanya na buntis ako"

*

"Bakit naman biglaan ang pagyaya mo sa'kin? May problema ba?", seryosong tanong ni Mariz habang sumisimsim ng kape.

Narito kami ngayon ni Mariz sa isang coffee shop dahil sinabi ko sa kanya na magkita kami.

Bumuntong hininga ako bago kuhanin sa bag ko ang ultrasound ko. Inilapag ko ito sa lamesa, dahilan para magbaba sya ng tingin roon.

Kinuha nya ito bago tiningnan. Binasa nya ang nakasulat roon bago hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.

"A-Ano 'to?", nagtatakang tingin nya. Lumunok ako bago mag angat ng tingin sa kanya.

"Buntis ako",seryosong sabi ko sa kanya. Napanganga naman sya at gulat na nagpabalik balik ang tingin sa'kin at sa ultrasound.

"Hindi nga?", hindi parin makapaniwalang tanong nya.

"Ipinakita ko na sa'yo ang ultrasound, ano pa bang kailangan mong makita para maniwala ka na buntis ako?", pagsusungit ko sa kanya.

"Buntis ka talaga? Hindi ba yan prank? Totoo ba talaga yan?"

"Huwag ka maniwala kung ayaw mo!"

Tumawa naman sya bago iiling iling na tiningnan ulit ang ultrasound.

"Buntis ka nga! Nagsusungit ka e"

Napapailing akong sumimsim ng gatas na inoder ko. Hindi ako pwede sa kape dahil kapag naaamoy ko palang iyon, nasusuka na agad ako. 

"So, what are your plans?", tanong ni Mariz matapos ang ilang minuto ng pananahimik.

"Uuwi ako sa Manila", seryosong sabi ko. 

"Bakit?", kunot noong tanong nya. 

"Naroon na sa Manil si Aj.", mahinang sagot ko na halos hindi na marinig. 

"Ha? Bakit naman iniwan ka nya rito? Bakit naman sya umuwi mag isa sa Manila? Hindi ka ba nya naisip?", ramdam ko ang pagtataka at pag aalala nya sa'kin, pero hindi naman kami nagkita rito para maglabas ng sama ng loob. Gusto ko lang sabihin sa kanya na buntis ako dahil malaking parte na sila ng buhay ko. 

Matagal ko na silang mga kaibigan at hindi ko naman maaatim na maglihim pa sa kanila. 

"May.. May kasama sya pabalik sa Manila"

"Sino naman?"

Nagkibit balikat ako dahil hindi ko alam kung sino nga ba ang kasama nya. Bahala na kung sino man iyon. Imposible naman na babae ang kasama nya, diba?

"Hindi ko alam", pagsasabi ko ng totoo. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya. 

"Sasamahan nalang kitang umuwi sa Manila. Sakto dahil pupunta rin si Aljaine at Harvey sa Manila. Maganda iyon para naman may kasama ka sa eroplano tsaka alalahanin mo na ngayon, buntis ka na. Hindi ka na pwedeng laging mag isa. Hindi pwede na mastress ka at kung ano pa man ang maramdaman mo na makakasama sa'yo."

Tumango nalang ako dahil alam ko naman na wala na akong laban pa. Magpupumilit lang silang sumama sa'kin dahil nga buntis ako. Sabi rin naman iyon ng doktora kaya naman susundin ko nalang kaysa naman kaligtasan ng anak ko ang nakasalalay. 

Desidido na ako. Sasabihin ko agad kay AJ na buntis ako at magiging tatay na sya. Alam ko namang matutuwa sya. Matagal nya na rin kasi akong kinukulit na bigyan ko na sya ng baby pero dahil hindi pa naman ako handa noon na magka baby kami, umiinom ako ng contraceptives. 

"Nakapagpa book ka na ba ng flight?", tanong ni Mariz. 

"Hindi pa. Hindi ko pa kasi maasikaso", simpleng sagot ko.

"Ahh ganon ba? Sige tatawagan ko nalang si Harvey. Baka kasi ngayon sya magpa book para sa pagpunta nila ni Aljaine sa Manila."

"Sige, take your time.", sagot ko naman. Tahimik lang akong inubos ang gatas na nasa baso ko at paminsa minsan ay tumitikim rin ng banana cake na inorder naman ni Mariz  para sa'kin.  



Tinawagan nya nga si Harvey at sinabi na idamay na kami sa pagpapa book. Nahiya pa ako non kaya sinaway ko sya at nang tanungin nilakung bakit raw ako uuwi sa Manila, sinabi lang naman ni Mariz na buntis ako. Hindi pa nga alam ni AJ pero kalat na ang balita sa pamilya at kaibigan namin. 

Maya maya, nakaramdam ako na parang naiihi ako kaya nagpaalam ako kay Mariz, na busy parin sa pagkausap kina Aljaine at Harvey. Tumayo ako kaya napalingon sa'kin ang babae.

"Saan ka pupunta?", tanong nya habang naktapat parin sa tainga nya ang cellphone. 

"Rest room lang.", paalam ko  sa kanya. 

"Samahan na kita", presinta nya. Umiling ako bilang sagot.

"Kaya ko na. Babalik rin ako agad."

"Bumalik ka kaagad ah.", pag uulit nya pa.

"Oo nga."

Naglakad ako patungo sa rest room. Iilan lang naman ang tao rito sa cofee shop kaya imposible naman siguro na mapuno ang rest room. 

Dire diretso lang ako ng paglalakad hanggang sa matunton ko na ang rest room na pang babae. Pumasok na ako sa loob at agad na lumapit sa isang cubicle na malapit sa pintuan ng entrance ng Female Rest Room. Para kasing Sm ang rest room rito. Kabilaan ang cubicle at malaki ang loob. 

Nang matapos na ako, isinuot ko na agad ang pants ko at akmang tatayo na nang may marinig akong boses ng mga babaeng nag uusap. 

"Magaling rin bumingwit ng lalaki si Raxxie 'no! Ang gwapo noong lalaki na kasama nya sa bar. May girlfriend ba 'yon?", tanong ng babae. 

"Mukhang wala naman. Itinatanggi ng lalaki e.", sagot naman ng isa pang babae.

"Oo nga naman! Tsaka balita ko pagkatapos nilang magkiss sa bar, dumiretso sila agad sa pinakamalapit na hotel. Alam mo na kung anong nangyari"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon. Hindi ako mapaniwalang magagawa nya iyon sa'kin. 

"Sabi ni Raxxie wild raw sa kama. Nakailang rounds nga raw sila e. Dilig na dilig si Raxxie. Sana ol nalang 'no!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit ng naririnig ko. Hindi ko na kayang marinig pa iyon. Para na akong paulit ulit na pinapatay sa sakit ng nararamdaman ko.



Patuloy parin sila sa pag uusap pero hindi ko na maintindihan iyon.  Ang tanging tumatakbo sa isip ko ay yung panloloko sa'kin ni AJ. Kaya ba nang makabalik sya sa ospital, hindi nya ako pinansin nung una at ang cold nya? Si Raxxie nga ba ang dahilan?

Lumabas lang ako ng cubicle nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. Gusto ko nalang talagang umuwi kaya nagyaya agad ako kay Mariz na umuwi kami dahil baka umiyak lang ako rito at ayokong mangyari 'yon. 

"Oh! Anong nangyari sa'yo?", nagtatakang tanong ni Mariz nang makabalik na ako sa table namin.

"Gusto ko ng umuwi. Masakit na ang balakang ko",pagsisinungaling ko. Hinawakan ko pa ang balakang ko para hindi sya makahalata na nagsisinungaling lang ako.


Tumayo naman sya bago ako inalalayan. Nang magsimula na kaming maglakad palabas ng coffee shop, mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang nahihilo ako na nasusuka. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Normal ba ito sa mga buntis o dahil nasasaktan ako sa narinig ko kanina? Hindi ko na alam.


Pinagbuksan kami ng guard ng pinto at nagpasalamat naman si Mariz. Hindi na ako umimik at dire diretso lang kaming naglakad hanggang sa makarating na kami sa parking. Tumigil sya sa paglalakad bago humarap sa'kin. 


"Hintayin mo nalang ako rito ah. Baka mapagod ka pa e. Kukunin ko lang yung kotse", nakangiting paalam nya. 

"Sige", maikling sagot ko. 


"Sandali lang ako.", pag uulit nya pa bago mabilis na naglakad palapit sa kotse nya. Naiwan akong nakatayo habang tulala. 


Napabuntong hininga ako dahil sa halo halong nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Dahil ba nasasaktan ako? Dahil ba nagulat ako o dahil hindi manlang sinabi iyon sa'kin ni AJ?


Does he have any reason why did he do that? Pinilit ba sya ni Raxxie? Nilandi ba ni Raxxie si AJ o kagustuhan iyon ni AJ? 


Hindi naman ako manghuhula. Hindi ko rin hawak ang puso ni AJ, kaya hindi ko alam kung ano bang nasa puso nya at kung ano bang desisyon nya? 


May nangyari nga kaya sa kanila? Hindi nya naman siguro nila iyon gagawin, diba? Hindi namna kami nagbreak at hindi kami magbebreak, kaya bakit nila gagawin ang bagay na kami lang ni AJ ang gumagawa? 


Siguro naman may respeto pa sya sa sarili nya. Hindi naman sya siguro eeksena sa relasyon namin ni AJ, diba? Unang una, alam nya namang kami ni AJ. Pangalawa, naniniwala parin akong mabuti syang tao. Hindi sya maninira ng relasyon. 


Bumalik lang ako sa huwisyo nang bumusina si Mariz. Bumaba sya ng driver's seat bago pumihit sa kung saan ako nakatayo.


"Okay ka lang ba? Namumutla ka", ramdam ko sa boses nya ang pag aalala. Pilit akong ngumiti sa kanya para mabawasan manlang ang pag aalala nya sa'kin.


"Ayos lang ako! Tara na gusto ko na talaga umuwi e", pagyaya ko sa kanya.


"Sure ka ba? Para kasing namumutla ka.", seryosong sabi nya. Umiling ako bilang sagot.


"Uwi nalang tayo. Pagod na kasi ako. Pasensya na", tugon ko. Tumango nalang sya bago ako inalalayan nya na ako papasok sa kotse. Inalalayan nya pa ang ulo ko para hindi ako mauntog.



Sya rin ang nagsara ng pintuan ng shut gun seat, kung saan ako nakaupo bago sya pumihit sa driver's seat.



Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng driver's seat, bumuntong hininga ako bago tumingin nalang sa labas ng bintana.




Mariz drive the car gently. I know that she's just thinking of me and my baby that's why.



Hindi ko talaga mapigilan na hindi isipin si AJ at si Raxxie. Hindi naman siguro ako nila ako masisisi kung mag ooverthink ako, diba?



Are they together? What are they doing? Are they having fun without even thinking of me? Is AJ enjoying Raxxie's accompany?




Whatever it is, I hope he's happy even without me. Dahil kapag nakabalik na ako ng Manila kasama sina Mariz, Aljaine at Harvey, hindi ko na hahayaang magsama pa sila ni Raxxie. Desisyon na kung desisyon, pero ayoko lang na isipin na nagloloko sya dahil hindi naman sya ganong klase ng tao. Hindi sya cheater.








Continua llegint

You'll Also Like

437K 24.1K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
SCENT OF LOVE Per venus

Literatura romàntica

618K 32.9K 50
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ☆|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
3.5M 149K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
433K 41.4K 32
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...