Platonic Hearts (Compass Seri...

By kimsyzygy

1.6K 70 0

Compass Series #1 (Completed) Growing up in a discouraging household, Aria Solace only wanted one thing to gi... More

--
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Epilogue
Rhysand
Playlist

Chapter Four

40 1 0
By kimsyzygy

Small Crowd

“Tubig.”

Rhysand handed me the glass of water before sitting next to me. Tahimik akong nagpasalamat sa kanya at bumaba lang ang tingin sa tubig. Inisip ko lahat ng mga bagay na hindi ko magagawa pa para sa gabing ito. All my plans to uphold some productivity, shattered.

Nawalan na ako ng gana.

Katatapos ko lang umiyak sa harapan niya. We are currently in his room since he can’t make me stay in the guest room. Malapit kasi iyon sa quarters ng mga maids nila. Baka mahuli pa ako at siya ang malalagot.

“Tahan na…”

I jumped when his thumb suddenly touched my cheek. Hindi ko na namalayan pa ang patuloy na pag-agos pa rin pala ng mga luha ko. Napakurap ako at mabilis na inalis rin ang mga iyon. “Ayos na ako. Salamat ah? What would I do without you, Rhy?”

“You’ll get depressed.” Mahina siyang humalakhak sa tabi ko. “At higit sa lahat, magrerebelde. Baka magpatulong ka pang lumayas…”

I chuckled while looking down. “Hindi ko kayang gawin ‘yan…”

“I know.”

Umalis siya sa tabi ko at tumayo. He faced me with his arms folded. “You’re not that kind of daughter… unlike most kids in this generation.” Napailing-iling siya.

I remained my eyes on the cup I was holding. Ayoko lang na ma-disappoint pa sila at ayoko nang palakihin pa ang gulo kung saan maaari pang madamay ang mga kapatid ko at ibang tao. I would rather tolerate their treatment to me for as much as I can instead of defending myself and cause conflicts. That would only make things worse.

“Sabi ko na nga bang dapat sinamahan na kita kanina para matulungan kitang makapaliwanag. You know we always got each other’s back, right Aria?” seryoso niyang tanong.

“This is the problem with you, Aria Solace. Hindi ka tumatanggap ng alok. I know you can’t defend yourself so I’m here ready to settle with that but you won’t let me. You always won’t let me.” He continued.

Mariin akong napapikit. “Rhysand, tapos na. I dealt with it. Pwede bang huwag na nating pag-usapan ito?”

I heard his frustrated grunt. “I hate that about you.” He murmured before walking away from me.

Malungkot akong napaangat ng tingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang likuran niya hanggang sa makalabas siya ng pinto. Napabuntong-hininga ako at kinigat ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak na naman.

It’s okay, Aria. Ilang beses na itong nangyari. This too will pass just like the ones before.

I breathed in and out a couple times before deciding to get up from his bed. Niligay ko ang baso sa lamesang malapit sa kama niya bago lumapit sa study table niya. To my surprise, it looks like he was not joking about the paper plane. Maraming eroplanong papel sa table niya na may mga sulat sa iba’t ibang mga parte. It seems like they are to labelling planes and even their engines.

Wala akong may naintidihan sa mga proyekto nila pero hindi ko maiwasang hindi mamangha. Mukhang ibang klaseng mga papel rin ang ginagamit nila para rito. He also has different kinds of rulers, may mga calculations rin sa mga papel niya at equations. I think it’s about momentum.

Hinawakan ko ang mga wires na nakakabit sa laptop niya patungo sa isa pang laptop niya. Napangiti ako. I wonder how much does this cost. He’s this devoted huh?

“Don’t touch that.” Saway niya sakin nang makabalik.

Agad ko namang nilayo ang kamay roon. “Hindi ko naman sisirain.” Sagot ko at bumalik nalang sa pagkakaupo. Nagsimula na akong makaramdam ng pagod.

Umiling siya at naglakad sa study table niya. Maingat niyang hinawakan iyon. “Makukuryente ka. Malikot pa naman mga kamay mo. Parang mga langgam.”

Umismid ako sa kanya. “Hindi ako tang a. I know how that works, Rhy. Hindi naman naka-on…”

“Naka-on, Aria.” Matigas niyang sagot bago itinuro ang pulang ilaw sa gitna ng mga wires. Hindi na ako nakasagot pa ang ngumiti nalang sa kanya. Who would’ve put that there anyway?

“Mata kasi gamitin sa pagtingin. Look lang, no touch.” He started to unwire some of those gently. I noticed how his mood immediately changed.

Maliit akong napangiti. Tumahimik nalang ako at sumandal nalang sa headboard ng kama niya. I know him too well to continue negotiating. Once Rhysand changes the topic, it means he’s done with the situation. He confronts me without restraining himself. Pero mabuti nalang din at sa pagitan naming dalawa, siya ang mas marunong makiramdam. Kapag sinabi kong ayaw ko ng pag-usapan pa, hindi na siya nagpupumilit pa. Unless he loses his control.

“Oh, akala ko ba mag-aaral ka?” he asked after few minutes.

Umiling-iling ako. “I’m tired. Bahala na bukas…”

“A consistent honor just said ‘bahala na’.” Napalingon siya sakin. His lips pursed before eyeing his work. Kumunot ang noo ko nang patayin niya ang laptop niya at itiniklop ang mga notebook.

“Tapos kana?” nagtaas ako ng kilay. “Hindi pa tapos yung mga solving mo diyan ah?”

He chuckled. “Chill. Review lang ‘to. I’m done for the night.” He keep his books on the side table. Iniwan niya lang ang ilan sa lamesa at tinago na rin ang laptop. My jaw dropped when he took something out from one of his drawers.

His brother’s keys?

“Rhysand! Kinuha mo na naman?!” I hissed and get up from the bed. “You’ll crash his car again!”

Mabilis akong umiling sa kanya dulot ng pag-aalala. Definitely, no. I know what he’s up to. Hindi ito ang unang beses niyang kunin ang susi ng kapatid dahil nagawa na niya ito noon para dalhin ang sasakyan sa eskwelahan at ipagmayabang lang! Him and his friends got in trouble that time. “Rhysand.” I warningly called him.

The last time I checked, hindi pa siya pwedeng mag-drive dahil hindi pa tapos ang driving lessons niya.

He only gave me a playful smirk. “Sasama ka o isusumbong kita na niyaya akong maglayas?”

“What the heck?” I folded my arms in front of him. “Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Ibalik mo’yan!”

His smile faded. “Just in case you haven’t notice, you’re missing a lot in life, Aria. Sigurado naman akong nabanggit rin ‘yan ng mga kaklase mo sayo?”

Dismayado ko siyang pinukulan ng tingin. “Missing a lot in life is not such a bad thing. Hindi niyo pa rin akong mapipilit na mag-party. Mas lalong hindi ako sasama sa inyo mag-hiking ng mga kaibigan mo! You know I’m not into fun and games, Rhy…”

“Hindi nga ba? O pinagbabawalan ka lang?”

Napaiwas ako ng tingin. The truth is, I haven’t thought of that too much yet. Hindi ko naman ginagawang big deal ang lahat ng mga bagay na hindi ko pa nararanasan. I would have a luxury of doing those after my studies. Right?

“Hindi na ‘yun mahalaga. Ang kailangan mong gawin ngayon ay ibalik iyan.” Tukoy ko sa susi ng sasakyan.

Seryoso niya akong tinitigan. “Kuya gave me the permission to use his car. Huwag ko lang daw dumihan.” He justified.

“We’ve been friends for five years, Aria. Tapos hindi ka man lang sasakay sakin? You won’t let me drive you? Anong klaseng pag-iibigan ito?” he sounded so confident to even demand.

Pinanliitan ko siya ng mata. Aba? “Seven. Una sa lahat, seven years na tayong magkaibigan, Rhysand Alexander. Ni hindi mo nabilang ng maayos kung ilang taon tapos may gana ka pang yayain ako sa kalokohan mong ito?” Mariin kong bigkas.

His eyes widened before his lips slowly curved. He had the guts to grin. Kinagat niya ang ibabang labi bago napailing sa sarili. He played with the keys on his hand.

“Ah, that long, huh? Paano kaya kita natiis?”

Hinablot ko ang isang unan niya sa kama at walang alinlangang hinampas iyon sa kanya. “Ako nga dapat ang magtanong nun sa sarili… How did I manage to stomach your presence?”

Kumunot ang noo niya at napasapo sa dibdib. “Ouch... Masakit na 'yun ah.”

Pinigilan ko ang sariling matawa ngunit hindi ko na napigilan pa nang magkunwari siyang umiiyak na parang babae. I laughed so hard. Parang baliw 'to.

Tumigil lang siya nang napaupo na ulit ako sa kama niya katatawa. He laughed with me before shaking his head. Tumigil siya sa harapan ko atsaka binulsa ang mga kamay. "Ang moody mo talaga kahit kailan." Natatawang usal niya.

"Ikaw rin!" I pointed out back to him.

Tumango-tango nalang siya. "Let's go? Ngayon lang, Aria."

Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. I smiled to myself before placing my hand on his. Hinila niya ako patayo. I laughed nervously when he started to pull me towards the door.

"Hindi ba tayo mahuhuli sa baba? Nine pm palang, naglilinis pa yung mga katulong niyo sa first floor sa ganitong oras hindi ba? At yung CCTV niyo..."

"Sa likod ulit tayo dadaan." He answered excitingly and unhesitatingly pulled the door open. Napaigtad ako sa ingay na ginawa nun.

"Magdahan-dahan ka nga!"

"What? Nagawa naman natin dati 'to ah?"

Hinampas ko ang balikat niya. "You are about to use the car without your parents' permission. Walang may nakakaalam na nandito ako. Of course, I'll panic!" Sagot ko. "Just... be careful, Rhysand. Ayokong isipin na pagtatakas tong ginagawa ko..."

"But it is?" He mocked at me. Mahina siyang humalakhak bago ako mabilis na hinila.

Hindi ako makahabol sa bilis ng lakad niya. I glared at him then started to run just to keep up with him. I couldn't believe he's making me to this. Wala akong alam sa kung saan kami pupunta pero sumasama pa rin ako. I used to avoid this kind of behavior.

"Saglit lang tayo sa kung saan mo man ako dadalhin." Sambit ko sa kanya habang patuloy sa pagtakbo. Ngumuso siya sa harapan ko.

"Why, oh why?" Panunuya pa niya.

"Rhysand."

"Fine, fine! Mcdonald's lang. Kakain lang tayo at aalis na. Okay na?"

Tumigil kami saglit sa tapat ng likurang pintuan nila. He grabbed one of his jackets hanging on the side of the door then handed it to me. I immediately wear that and followed him outside. Nang makalabas ako at agad gumulantang samin ang sasakyan ng kuya niya.

The Lamborghini. It's not even on the garage. Ginamit niya na ba ito?

Napabaling ako sa kanya. He raised both of his hands and shook his head in denial. "May bisita kami kahapon, Aria. At bukas mayroon ulit. Nilabas na 'yan ni Kuya para diretso hatid-sunod nalang daw. Which reminds me..." He heavily sighed. "My mother wants your family to be here tomorrow. I'm sure it's just a small business gathering again. Pwede kang tumambay ulit dito."

Pinagbuksan niya ako ng pinto at binigyan ng ngisi. "Or we could do this again."

Naiilang akong pumasok sa front seat. I couldn't help but to be curious while watching him run from this side of the car to the driver's seat. Anong nakain nito at nagloloko ng ganito? Do I look like I'm enjoying this?

"Huwag mong gawing advantage 'to, Rhysand. Ngayon ko lang gagawin 'to dahil wala akong choice." I folded my arms and sat quietly. Hindi na ako nag-abalang magseatbelt pa dahil isang liko lang naman mula sa kantong ito ang McDonald's. I really don't get the point why we'll need a car for this.

Hindi na siya sumagot pa at nasentro ns ang buong atensyon sa pagda-drive. I watched his hand movements all along as he drove carefully from our street. Pinigilan ko ang sariling matawa. Ganito rin ba siya sa harapan ng isang driving instructor? He looks so tensed!

Dumungaw ang tingin ko sa labas nang makaabot na kami sa McDonald's. Kagaya ng inaasahan ko ay wala na masyadong tao... Pero may mga tao pa rin.

Bumaba ang tingin ko at napayakap sa jacket. I suddenly feel anxious.

"Rhy." Tawag ko sa kanya.

He parked smoothly on the parking spot before looking at me. Kumunot agad ang noo niya nang mapansin ang mukha ko. "What is it?"

"Pwede bang... Magtake-out nalang tayo? Ayoko nang pumasok pa..." I murmured. This is what I've been telling him. I feel so drained for the day. Nawawalan ako ng gana gumawa ng mga bagay kapag nangyayari sakin ito.

He eyed the resto before glancing back to me. He grinned, somewhat brightening up the mood. "Okay. Usual lang ulit?"

Tumango ako.

He cleared his throat before pushing the door open. Sinundan ko siya ng tingin sa paglabas at pagsira ulit ng pinto. He smiled at the window even though the glass is tinted before walking to the resto.

Gumuhit ulit ang ngiti ko at napailing-iling sa kanya. Rhysand's gestures never fails to ease someone. Hindi na ako magtataka ulit kung bakit ang daming patay na patay sa kanya sa eskwelahan. Noong High School hindi naman siya ganyan ka habulin ah? Back then, he doesn't even know how to dress properly.

Napalabi ako habang pinagmamasdan siyang maglakad papasok. Isa lang ang salarin sa ganyang pagbabago. Puberty.

I can only imagine the faces of his ex-girlfriends when they see him. Baka hindi na nga ata makilala--Napaigtad ako sa sarili. Bakit ko pa ba pinag-iisipan ito?

I rolled my eyes before decided to get out from the car. Marahan kong binuksan ang pintuan sa takot na baka masangga ito sa kung saan. Inayos ko ang jacket na suot ko bago tuluyang bumaba. The moment I got out, my ears were immediately filled by a pleasant sound coming from somewhere.

I shut the door gently then started walking to the voice. Sa likod ng ilan pang nakapark na mga sasakyan ay ang maliit na kumpulan ng mga tao. Ilan sa kanila ay napaparaan lang at bigla-bigla na lamang titigil. Some of them were clapping to the familiar song someone was singing. All of them have smile on their faces.

Tumingin ako sa paligid. It looks like a normal, free parking spot. Anong meron dito?

I stilled on my spot when I saw someone familiar. In the midst of the strangers, there was a familiar face I recognize. He has his hoodie on, his eyes shut, and a guitar on his hands. Nakabukas ang lalagyan ng gitara sa paanan niya at may ilang humahagis ng barya roon.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at gulat na nakatingin sa kanyang kumanta sa harapan ng mga tao. What is... Ashen Aphelion doing here?

He looks so lost in the song. His fingers composedly strum the strings. Bahagyang nangingibabaw na ang boses niya sa gitna ng gabi. At... dumadami ng dumadami pa ang mga manonood niya. People are coming here from the resto as if they are already expecting something here.

Sa tagal na naging schoolmate ko siya, hindi ko naisip na... makita siyang ganito.

Instead of thinking about the circumstances, I walked towards the crowd and joined them. Plano ko sanang sa likuran lang tatayo pero nagulat nalang ako nang hinigit ako ng isang matanda sa tabi niya.

She was clapping along with the song. Napangiti ako sa kanya at sumunod rin sa kanyang mga palakpak. I couldn't help but to sing along with the song too with a smile on my face as I watch the old woman do a slow dance. Bumalik ang mga mata ko kay Ashen, pero sa gulat ko ay naanig ko nalang siyang nakapako na ang mga mata sa akin.

His strumming instantly stopped. Bumakas ang pagkabigla sa mga mata niya bago bahagyang napahakbang papalayo. His jaw clenched before pulling the strap of his guitar off of him and shut the case with the coins on the ground. Natigilan ang lahat sa kanyang biglang inasta.

Walang imik niyang sinabit sa balikat ang lalagyan niya ng gitara bago tumalikod sa lahat at tumakbo papalayo. I was left there, dumbfounded just like everyone there watching him. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng konsensya sa lahat ng mga nakita.

I feel like I've seen a glimpse of something I shouldn't have.

***

-kimsyzygy

Continue Reading

You'll Also Like

32.2K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
17.9K 788 35
Gustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang bab...
14.1K 2.1K 62
Having a campus heartrob as one of the main characters is a bit cliche but here, you'll witness some sort of twist. Dare? Brave people always accept...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...