I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

408K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 88

1.3K 94 7
By itsmarresemonika


Bahagya akong gumalaw. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Sunod kong iginalaw ay ang aking ulo. Ilang beses pa ako kumurap upang luminaw ang aking paningin. Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko nang sumagi sa isipan ko ang alaala kanina. Mukhang nawala na ang epekto ng pampatulog na nalanghap ko kanina. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatali ang aking mga kamay at paa! Inangat ko ang aking paningin saka iginala ko ito upang malaman ko kung nasaan ako. Medyo madilim na silid ang nakikita ko. Tanging nagbibigay liwanag lang dito ay ang galing sa lampara na nakapatong sa isang mesa. Hinahanap ko sina Ceola, Eglantine at Charisse. Natatakot ako na baka nagkahiwa-hiwalay kami at mahihirapan kami kung sakaling makahanap ako ng paraan para makatakas na kami. Pero saglit lang, nasaan na ba kami? Saan kami dinala at sino ang mga hinayupak na dumukot sa amin?!

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sila na nasa silid na ito ang mga kasama ko. Tulad ko ay nakatali din ang mga kamay at paa nila. Ang pinagkaiba lang namin ay may mga busal ang kanilang mga bibig.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Inactivate ko ang clairvoyance skills ko para malaman kung saan eksaktong dinala.

Bahagyang kumunot ang aking noo nang makakita ako ng isang dagat. It's kinda a beach. May nakita din kaming kubo, wait... Parang dito kami inilagay ng mga dumukot sa amin.

Ipinagtataka ko lang kung bakit dinukot nila kami? Anong ginawa namin upang kami ang pupunteryahin?

Mas lalo ko ipinagtataka ay may nakikita akong kuweba na hindi kalayuan mula sa kubo na ito. Nakita ko may dalawang tao na nakatayo sa magkabilang gilid ng bukana na 'yon. Kapwa silang nakasuot ng kulay tsokolate na balabal at may mga hawak silang mga sandata---mga espada. Hindi ko rin masyado maaninag ang mga mukha nila dahil pareho silang nakahood na mas kinaiinisan ko. Hindi ko tuloy makuha kung sino ang mga pangahas na humawak sa amin!

Rinig ko na may papalapit sa silid na ito. Doon na ako dumilat. Diretso ang tingin ko pinto. Inaabangan ko itong magbukas hanggang sa tumambad sa amin ang tatlong lalaki. Humakbang sila papasok sa kuwarto na ito. Puro mga lalaki ang nakikita ko. Sa mga hitsura nila ay hindi sila mg kawal o mga kabalyero ng Azmar. Hindi kaya, mga bandido sila? Teka, ano naman ang gagawin nila sa amin?!

"Oh, nagising na pala ang isa." nakangising sabi ng lalaki. Kulay lila ang buhok niya. Meron siyang suot na eye patch sa kaniyang kanang mata. Wala siyang dalang sandata, maliban lang sa dalawang kasama niya na may nakasublit na espada sa bewang.

Hindi ako nagsalita. Nanatiling nakatikom ang aking bibig pero isang matalim na tingin ang sinalubong ko sa kanila.

Biglang tumawa ang lalaki na nasa gitna--ang lalaki na kulay lila ang buhok. "Hindi ko alam na hindi pala nagsasalita ang isang 'to." aniya sa mga kasama niya na tumawa din.

"Hmmm..." rinig naming ungol.

Sabay kaming napatingin sa direksyon kung nasaan ang mga kasama ko. Kita ko na bahagyang gumalaw si Eglantine. Mukhang magigising na siya at hindi nga ako nagkamali. Marahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Nanlalaki na din ang mga mata niya nang mapagtanto niya din kung ano ang sitwasyon namin ngayon. Mabilis niyang iginala ang kaniyang paningin. Natigilan lang siya nang mahagip ako ng kaniyang tingin. Hindi niya magawang ibigkas ang pangalan ko dahil nakatakip ang kaniyang bibig pero 'yon din ang hudyat upang magising na din sina Ceola at Charisse. Dahil sa takot ay pilit nilang gumalaw at kumawala mula sa mga tali. Balak nila akong daluhan pero agad din sila nahuli ng tatlong lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang masaksihan ko na hinablot ang mga buhok nila. Nakatayo silang tatlo habang hawak pa rin ang kanilang mga buhok. Mas tumalim ang tingin ko sa kanila. "Huwag na huwag kang magkakamali na hawakan sila, lalaki." sambit ko sa pamamagitan ng malamig at mababang boses.

Nanigas silang tatlo.

"Ang lakas ng loob mo upang hawakan ang mga kasamahan ko." sunod kong sinabi.

Wari'y natigilan sila nang marinig nila ang boses ko. Pinagdilatan ako ng mga mata ng lalaking kulay lila ang buhok. "Oh, nagsasalita ka pala. Ang buong akala ko ay isa kang pipi." nakangisi niyang kumento.

Natigilan ako nang kumislap sa aking paningin na nakarating na sila! Nagawa nila kaming hanapin! Palihim kong inactivate ang deafness spell sa buong silid na ito para hindi marinig ng tatlo na ito kung anong nangyayari sa labas.

"Bitawan mo sila at sabihin mo sa akin kung ano ang pakay mo upang kami'y dukutin ninyo." nagawa ko pang mag-utos.

Taas-noo niya akong tiningnan. "Ano pa nga ba? Syempre, ibebenta ko ang mga kababaihan na may dugong-bughaw sa bahay-subastahan. Ibebenta sila upang sila'y maging alipin na." sagot niya.

"Kailangan ninyo ng pera, tama? Kung 'yon ang gusto ninyo, magbibigay ako kahit magkanong halaga ang nanaisin ninyo."

Natigilan siya sa sinabi ko pero sa huli ay tumawa siya nang malakas. Marahas niyang binitawan si Ceola, halos ihagis na niya ang kaibigan ko na akala mo ay basura! Humakbang siya palapit sa akin. Idinapo niya ang isa niyang tuhod sa sahig, ipinatong naman niya ang isang niyang braso sa kaniyang hita. Hinawakan niya ang panga ko, ramdam ko na lumulubog na ang mga daliri niya sa aking balat. Marahas niyang hinila ang mukha ko palapit sa kaniya. Isang malamig na ekspresyon ang ipinakita niya sa akin. Tila hindi siya natutuwa sa deal ko. Totoo naman, ibebenta niya kami sa subastahan dahil kailangan nila ang pera. Ano pa ba?

"Papaano kung higit pa sa pera ang gusto ko? Papaano kung isang Kaharian ang nais ko, maibibigay mo ba kapalit ng mga buhay ng mga kasama mo?" nakangisi niyang tanong.

Nanatiling kalmado ang aking ekspresyon habang nagsusukatan kami ng tingin. "Isang Kaharian ang nais mo? Patawa."

Kumunot ang noo niya. Mukhang napikon. "Anong sabi mo?!"

Ako naman ang ngumisi. "Haaaa... Alam ko na... Nakuha ko na... Kaya ang mga dugong-bughaw ang pinupunterya ninyo ay nais ninyong kayo ang mamumuno. Nakakatawa ka, alam mo ba 'yon? Dahil hindi ka bagay maging isang hari o isang emperador..." lakas-loob ko pang sambit. "Dahil sa pagtrato mo palang sa isang tao... Bagsak ka na..."

Mas humigpit ang pagkahawak niya sa aking panga. Tanda na mas nainis siya sa sinabi ko. Marahas siya akong binitawan at walang sabi na malakas na dumapo ang palad niya sa aking pisngi na halos masubsob ako. Napangiwi ako dahil medyo natamaan ang tyan ko. Sht, ang anak ko. Pumikit ako ng mariin.

'Patawad, anak ko at nasaktan ka...' sa isip ko.

"Anong alam mo, ha?!" singhal niya sa akin. "Kung makapagsalita ka ay akala mo ay alam na alam mo kung ano ang ginagawa ng mga dugong-bughaw! Natitiyak ko na anak ka lang ng isang Makwis o ng Baron!"

"Ugh!"

Nanigas ako sa posisyon ko nang may narinig kaming malalakas at sunud-sunod na pagsabog. Napaliyad ang lalaki dahil din sa gulat. Kasunod pa na may narinig kaming malakas na tunog may pintuan. Agad ko tiningnan kung ano ang nangyari. Nanlaki ang mga mata ko na bumagsak ang dalawang kasama ng lalaki! Ang hindi ko inaasahan ay ang apat na lalaki na nanatiling nakatayo sa pintuan. A-anong....

Mabilis itong nilingunan ng lalaking nanampal sa akin. Kita ko kung papaano nanigas sa kinakatayuan ang apat na lalaki. Bakas sa mga mukha nila na hindi makapaniwala sa kanilang nadatnan. Halos mapugto ang aking hininga, ginagapangan na ako ng pinaghalong takot at kaba dahil alam ko kung papaano magalit ang mga 'to. Na anumang oras ay lalabas ang pagiging halimaw nila. Na wala silang kinikilala sa oras na malaman o masaksihan nila na nasaktan ang isa man sa amin.

Mabilis na dinaluhan ni Otis ang lalaki. Walang sabi na dinakma niya ang leeg ng lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito. "Sino ka upang pagbuhatan mo ng kamay ang aking asawa, ha?!" pasigaw niyang tanong. "Walang sinuman ang pangahas na mananakit sa aking asawa... Ang prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel!"

Nanigas ang lalaki. Napagtanto niya kung sino ang mga lalaki na nasa kaniyang harap. Lumapit na din sa kaniya ang tatlo pang kasama ni Otis. Si Cederic, Arundel at Dilston. Pawang nanlilisik na ang mga mata, animo'y handa na silang magpasapi sa demonyo!

"Ikaw pala ang pangahas na dumukot sa aking mapapangasawa, ang prinsesa ng Thilawiel." malamig na wika ni Duke Arundel.

"Bilang prinsipe ng Cyan, ihanda mo na ang 'yong sarili upang pagbayaran mo ang ginawa mo sa isa sa mga Dukesa ng Cyan na siyang aking asawa..." nanggagalaiting wika ni Cederic.

"At buhay mo ang magiging kabayaran sa kawalanghiyaan na ipinakita mo sa aking prinsesa, lalaki." matalim na wika ni Dilston.

"At bilang prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel. Hayaan mong ipalasap namin sa iyo kung papaano magalit ang Thilawiel, Cyan at Oloisean kaya ihanda mo na ang 'yong sarili sa magiging parusa mo..."

Patuloy pa rin ang paglapit ng apat sa lalaking naka-eye patch na siya naman ang pag-atras niya hanggang sa lumapat na ang kaniyang likod sa pader ng kubo. Wala na rin siyang matakbuhan dahil pinaligiran na siya ng tatlong prinsipe at ng duke, lalo na't nanatiling nakadakma ang leeg niya sa pamamagitan ng isang kamay ni Otis. Kalmado akong pumikit. Alam ko na kung ano na ang gagawin nila sa lalaking 'yon. Pero bago man nila ito paslangin ay malakas ko sila tinawag. Mukha silang natauhan sa pagtawag ko. Sabay silang lumingon sa aking direksyon pero nakahawak pa rin si Otis sa lalaki.

Dumilat ako saka malamig na tingin ang iginawad ko sa kanila. "Mas mabuti siguro kung pakawalan ninyo muna kami." wika ko sa mababang tono.

Kusang lumapit sa akin si Duke Arundel. Inilapat niya ang isa sa mga tuhod niya sa sahig. May dinukot siya mula sa suot niyang trench coat. Naglabas siya ng isang patalim. Maingat niyang hiniwa ang tali sa aking mga paa't kamay. Huminga ako ng malalim dahil sa wakas ay nakawala na ako. Sunod naman niyang dinaluhan ay ang dalawang prinsesa at ang dukesa para tanggalin na din ang mga tali sa mga ito.

Nilapitan naman ako ni Cederic para alalayan akong makatayo. Inangat ko ang aking tingin sa direksyon ng lalaking nanakit sa akin. Humakbang ako palapit sa kaniya. Sa hitsura niya ngayon ay tila nanindig ang balahibo niya na akala mo ay nakakita siya ng multo nang wala sa oras. Bahagya pa siyang gumalaw at nagtatangkang tumakas mula sa amin. Umatras muna si Dilston para tuluyan akong makalapit sa lalaki. Nawindang pa ito nang gawin ko din sa kaniya kung ang ginawa niya sa akin. Marahas kong hinawakan ang kaniyang panga. Ramdam ko na mas lalo siya ginapangan ng takot sa inakto ko. Tila umiilaw sa dilim ang aking mga mata. Wala pa man akong ginagawa ay kusa siyang nanigas sa kaniyang kinakatayuan.

"Sabihin mo, kanino ka nagtatrabaho?" hindi nagbabago ang tono ko. Nanatili pa rin itong mababa pero binigyan-diin ko 'yon.

"A-anong..." sinubukan niyang magsalita, ngunit mas nahihimigan ko na hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Aminin mo kung sino ang pinaglilingkuran mo." tumalim ang aking tingin. "Sa oras na sabihin mo sa amin ang totoo, magtitira ako ng kakarampot na awa para sa 'yo, lalaki."

Ibinuka niya ang kaniyang bibig. Sinubukan niyang suminghap. Tingin ko ay nag-aalangan siya kung sasabihin ba talaga niya ang totoo pero balewala lang ang pagsisinungaling niya sa akin dahil nakita ko na kung ano ang nakaraan niya.

"Ang nag-utos sa 'yo... Ang prinsesa ng Azmar, tama?" imbis ay ako na ang sumagot ng sarili kong tanong. Muli siyang nagulat sa aking pahayag. Rinig ko ang reaksyon nina Otis, Cederic, Dilston at Arundel. Pawang hindi makapaniwala sa kanilang narinig. "Sabihin mo nalang kung ano ang rason kung bakit niya kami dinukot? Ah siya, ako nalang ang sasagot. Dahil nais gumanti ng prinsipe dahil pinaslang ko ang buong angkan ng Munir... Na kinabibilangan niya?" saka sumilay na ngisi sa aking mga labi.

"P-Papaano mo..."

"Bitaw, Otis." matigas kong utos sa aking asawa na agad din niyang sinunod.

Walang sabi na malakas kong hinagis ang lalaki sa isang pader ng kubo. Dahil sa pwersa na pinakawalan ko ay nasira 'yon at tumilapon siya palabas mula dito. Pagulung-gulong siya sa labas. Tahimik ko 'yon sinundan hanggang sa nagawa kong tapakan ng isang paa ko ang kaniyang dibdib. Malamig ko siyang tiningnan. Wala akong pakialam kung nagsasayaw sa hangin ang aking mahaba at kulay ginto na aking buhok. Nababasa ko sa mukha niya ang takot. Lalo na't may sunod na pagsabog na naman ang nangyari, may naririnig din kaming ingay at sigawan na hindi ako nag-abala pang tingnan 'yon dahil alam ko kung sino ang may gawa n'on.

"Sa tingin mo ba, magagawa ninyo akong paslangin sa pamamagitan lang nito?" malamig kong tanong. "Karapat-dapat ka ba talagang kalabanin at papaslang sa akin?"

"P-Patawad..." ang tanging nasabi niya.

Hindi ako nagsalita. Muli na naman may kumislap na mga imahe sa aking paningin. Tungkol sa nakaraan ng lalaking kaharap ko ngayon. At ang dahilan kung bakit may suot siyang eye patch. Naniningkit ang mga mata ko nang makita ko ang karumal-dumal na pangyayari sa buhay niya.

"Sila ang may gawa kung bakit nawala ang isang mata mo." malamig kong turan. "Kinuha nila ang isa mong mata.... Kapalit na pagsilbihan sila... Sa oras na hindi mo sila susundin... Hindi nila ibabalik ang isa mong mata, tama?"

Nanigas siya nang sambitin ko sa kaniya kung ano ang nakita ko mula sa kaniyang nakaraan. Pumikit siya nang mariin, kasabay na tumulo ng isang butil ng luha mula sa kaniyang mata. Tinakpan ng mga kamay niya ang kaniyang mukha na akala mo ay hiyang-hiya siya sa kaniyag ginawa. May halong pagsisisi nang gawin niya ang bagay na 'yon. Inalis ko ang isa kong paa mula sa pagkatapak sa kaniyang dibdib. Blangko ang aking ekspresyon habang pinapanood ko siya.

I feel sorry for him, though.

"Patawarin ninyo ako, kamahalan... H-Hindi ko talaga kagustuhan na... Saktan kayo."

Wala akong makapang salita upang sagutin 'yon. Nanatiling tikom ang aking bibig.

Napukaw lang ng aking atensyon nang marinig ng mga kasamahan ko ang aking pangalan. Lumingon ako sa kanila. Tumatakbo sila palapit sa aking direksyon. Tumigil sila nang nasa mismong harap ko na sila. Sabay silang tumingin sa lalaki na nanatili paring naiyak. Hindi ko rin masisisi ang iba sa kanila na nanatili pa ring galit dahil sa pangyayaring ito.

"Bakit hindi pa napaslang ang isang 'to?" matigas na tanong ni Raegan.

"Siya ba ang utak ng pagdukot sa inyo, Rini?" seryosong tanong ni Calevi.

"Hindi na importante kung siya ba ang utak o hindi pero iisa lang ang masasabi ko." mahinahon kong wika. "Malaki ang maitutulong niya sa atin."

"Ano?!" sabay-sabay na bulalas ng mga kasamahan kong lalaki, sa lagay na ;yan parang hindi sila sang-ayon sa aking pahayag.

"Sinaktan ka niya, my rose! Ang dapat sa isang tulad niya ay putulin na ang buhay!" apila ni Otis.

"Subalit narinig mo ang sinabi ko kanina, Otis. Sumasailalim siya sa utos ng prinsipe at prinsesa ng Azmar. Na natitirang kamag-anak ng mga Munir, si Prinsipe Arsalan." medyo giit ko pa.

"Pero..."

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki. "Sa tingin ko ay kailangan din natin iligtas ang isang ito." malamig kong turan.

Lahat sila ay gulat na gulat. Kahit ang lalaki na bumihag sa amin ay nawindang sa aking sinabi, mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ko na balak ko siyang tulungan.

"K-Kamahalan..."

"Tutulungan kitang bawiin ang isa mo pang mata, syempre may kapalit."

"Anong... Kapalit?"

Taas-noo ko siyang tiningnan. "Sabihin mo sa amin ang lahat ng nalalaman mo kay Prinsipe Arsalan pati sa asawa nito. Walang labis at walang kulang. At isa pa... Handa ka bang talikuran ang pagiging Azmarian mo at sasailalim ka kautusan ng pamilyang Cairon ng Thilawiel?"

"Rini!" malakas nilang apila sa aking panglan. Mas lalo sila hindi makapaniwal. "Anong pinagsasabi mo?"

Kalmado ko ibinalik sa kanila ang aking tingin. "Malalaman ninyo din sa oras na makabalik na tayo sa mga bahay-pahingahan." seryoso kong sambit. Tumahimik sila, pero alam kong labis na naguguluhan sila sa aking sinabi. Nagbuntong-hininga ako. "Ang mabuti pa ay dalhin ninyo nalang ang isang 'to---"

"Kamahalan! Prinsesa Styriniana!" biglang may tumawag sa akin na hindi pamilyar sa akin ang pangalan na 'yon.

Tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses na 'yon dahil dalawang boses ang narinig ko. Isang babae at isang lalaki. Nakita ko naman na lumapit sina Houstin at Caldwell sa lalaking tinutukoy ko na isama pabalik sa bayan ng Azmar. Dahil din sa light magic ni Otis ay gumawa siya ng handcuff saka kinabit 'yon sa mga kamay ng lalaki. Para hindi na rin ito makawala sa oras na may babalakin itong tumakas o gawing masama laban sa amin.

May dalawang tao na papalapit sa amin. Napaatras lang ako nang bigla lumuhod sa akin ang dalawang tao na hindi ko kilala. Kasabay pa na kumunot nang bahagya ang aking noo dahil sa pagtataka. Ngayon ko lang sila nakita. Sino naman ang dalawang 'to?

"Magpakilala kayo," malamig kong wika sa dalawang tao na nasa harap ko ngayon.

"Kamahalan, prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel, Prinsesa Styriniana... Ako po si Nira na nagmula pa po sa Kaharian ng Afoini. Naririto po ako upang dalhin ang mensahe na ipinadala ng aking Panginoon para sa prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel." magalang niyang wika. Nanatili siyang nakayuko.

Muli kumunot ang aking noo. "Mensahe? Anong mensahe ito?" pormal kong tanong.

"Ito po ay galing sa aking Panginoon na aking pinaglilingkuran. Ipinaparating po niya na nais ka po niya makita sa lalong madaling panahon, kamahalan..."

"Sinong Panginoon na 'yong tinutukoy?" sunod kong tanong.

Iyon ang pagkakataon niya upang iangat ang kaniyang tingin sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha. "Si Panginoong Gelnius, ang isa mga Diyos ng mundong-ilalim, Prinsesa Styriniana."

Umiba ang ekspresyon ng aking mukha nang marinig ko sa kaniya ang bagay na 'yon. "D-Diyos ng mundong... Ilalim?" ulit ko pa. Mas lalo ako naguguluhan. Hindi lang ako, maski ang mga kasamahan ko ay nawindang sa pahayag ng babae na nasa harap namin. "Kung ganoon... Hindi pa ako maaaring lumuwas dahil sa aking kalagayan, Binibining Nira. Hindi ko maaaring isugal ang buhay na nasa aking sinapupunan. Hindi ba maaring maghintay pa siya nang kaunting panahon?"

Suminghap siya. "H-Huwag po kayo mag-aalala, Kamahalan. Ang totoo po niyan ay sila po ang mismong pupunta sa inyo para makausap."

"Sila?" mas lalo ako nagtaka nang inulit ko ang salita na 'yon. "Ang akala ko ay isang Panginoon lang ang nais makausap ako?"

Sunud-sunod ang kaniyang tango. "Opo, kamahalan. Ang totoo po kasi niyan ay labing dalawa po sila..."

"HA?!" sabay-sabay na bulalas ng mga prinsipe.

Huminga ako nang malalim. "Ibig sabihin ay pupuntahan ako ng labing dalawang Diyos ng mundong-ilalim, tama?"

Muli siyang tumango. "Opo, mahal na prinsesa. Tama po kayo."

Ako naman ang tumango. "Kung ganoon ay inaasahan ko ang kanilang presensya sa oras na babalik tayo ng Thilawiel." sunod ko naman binalingan ay ang lalaki na katabi niya. Nakaluhod din ito sa harap ko. Kusang naningkit ang aking mga mata. "At sino naman ang isang 'to?"

Mabilis niyang inangat ang kaniyang tingin sa akin. Napangiwi ako nang makita ko na nangingislap ang mga mata nito na akala mo ay nakakita ng isang magandang laruan sa tanan ng buhay niya. "Kamahalan, nais kong ipakilala ang aking sarili. Ako si Elvin Walsh mula sa bansang Caenlaeighn---"

Tumalim ang aking mata. "Caenleighn?" matigas kong banggit sa bansa na 'yon.

Napaitlag siya sa ginawa ko. "Opo... Kamahalan..."

Biglang lumapit sa akin si Otis. "My rose, siya ang isa sa mga prinsipe ng Caenleighn... At siya ang utak na lusubin ang sinasakyan nating barko..." nakangiwi niyang pagpapaliwanag.

"Ano?!" malakas kong bulalas. Pakiramdam ko ay kusang kumulo ang dugo ko sa aking narinig. Nanlilisik ang mga mata ko nang muli ko tiningnan ang nagpakilalang Elvin. "At anong kailangan mo sa amin, ha? Ikaw pala ang pangahas na sumira ng tulog ko ng gabing 'yon!"

"K-K-Kamahalan..." kinakabahan niyang tawag sa amin. "H-Hindi ko sinasadya..."

"Hindi sinasadya pero ginawa mo na!" unti-unti lumalabas ang itim na enerhiya sa aking katawan, hindi lang ako, maski si Otis ay nakakaramdam na din ng inis. "Pwes, hayaan mong iparamdam ko sa 'yo ang galit ko. Nakahanda ka na ba?" nakangisi kong tanong habang pinapatunog namin ang aming mga kamao.

Mabilis siyang tumayo saka humakbang paatras nang papalapit kami sa kaniya. Bigla siyang nagtago sa likod ni Raegan. "Kamahalan... Hindi po ako naririto upang makipag-away sa inyo."

Inangat ko ang isang braso ko, pinadausdos ko ang mangas ang aking damit. "Pero nang nagpakawala kayo ng putok ng kanyon, hindi ba't nagdeklara ka na rin ng pakikihamok sa amin?" matigas at galit kong sambit.

"Kamahalan, naririto ako upang alukin ang aking sarili!"

"Ano?!"

"Tampalasan! Anong alok?! Hindi maaari magkaroon ng isa pang asawa ang aking emperatris!" mas lalo nagalit si Otis nang sabihin niya 'yon. Pareho na kaming nadedemonyo sa lagay na ito.

"Hindi! Hindi! Hindi bilang asawa! Bilang tagapaglingkod! Handa ko po talikuran ang aking bansa upang mapaglingkuran lang ang mag-asawang Cairon!" malakas niyang pahayag.

Pareho kami nanigas ni Otis sa aming narinig. Sabay lumaglag ang aming panga. Anong sabi niya? Tatalikuran daw niya ang Caenleighn para lang paglingkuran kami? Seryoso ba siya o guni-guni lang namin 'yon?

Umayos kami ng tayo. Malamig na tingin ang iginawad namin sa kaniya. Sa tingin ko ay pareho na kami na naging kalmado. "Bigyan mo kami ng matinding dahilan na iwan mo ang bansa na 'yong kinagisnan. Seryoso ka ba na handa mong pagtaksilan ang Caenleighn?" seryoso kong tanong.

Umalis siya mula sa likuran ni Raegan. Tumayo siya ng tuwid saka tumikhim. Dumiretso siya ng tingin sa amin sa pamamagitan ng seryoso niyang tingin. "Opo, mga kamahalan. Handa ko po pagtalikuran ang Caenleighn. Kung mabibigyan ninyo sana ako ng pagkakataon upang patunayan lamang ang aking sarili ay gagawin ko. Buo na po ang pasya ko, nais ko po kayo paglingkuran. Simula ng gabing 'yon, napagtanto ko na karapat-dapat ko po kayong sundin at hindi ang hari ng bansa na aking pinanggalingan, ang aking ama, na isang sakim sa kapangyarihan at kayamanan." at muli siyang lumuhod sa harap namin ni Otis.

Hindi agad kami nagsalita. Rinig ko ang hindi makapaniwalang reaksyon ng mga kasamahan namin. Kahit naman ako ay hindi makapaniwala na magagawa ng prinsipe na Caenleighn na sabihin ang mga bagay na 'yon sa harap na namin. Hind ko rin maitanggi ang mangha na ang lakas ng loob niyang humarap sa amin kahit na itinuring kaming kalaban ng kanilang bansa. At talagang nakikiusap pa siyang tanggapin namin siya bilang aming tagapaglingkod! Sumulyap sa akin si Otis na may pagtatanong.

Tumitig ako kay Prinsipe Elvin na nanatiling nakaluhod at nakayuko. Alam kong hinihintay niya ang magiging sagot namin. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Naisip mo naman siguro na sa oras na paglilingkuran mo na kami ay kusa nang mawawala na parang bula ang estado mo bilang prinsipe. Ngayon, nais mo pa rin ba kaming pagsilbihan?" seryoso kong tanong. Kailangan kong sabihin ang bagay na ito. Ayokong sa oras na isasama nga namin siya pabalik ng Thilawiel ay pagsisisihan niya ang naging desisyon niya.

"Opo, mga kamahalan. Handa na po sa mga anumang posibilidad na mangyayari sa akin. Kahit ang isugal ang mataas kong katungkulan sa Caenleighn, hinding hindi pa rin po magbabago ang aking pasya na sundin kayo."

Tumingin ako kay Otis. Tumango ako sa kaniya Alam na niya kung ano ang ibig ko ipahiwatig sa tingin ko na 'yon. Pumikit siya't nagbuntong-hininga.

"Sa ngalan ng prinsipe at prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel, tinatanggap ka na namin bilang isa sa mga maglilingkod sa amin. Pero bago 'yan, kailangan din namin sukatin kung gaano kalaki ang katapatan mo para sa amin."

"Handa po ako tanggapin ang pagsubok na ibibigay ninyo sa akin."

"Paslangin mo ang 'yong ama, ang hari ng Caenleighn at dalhin mo sa amin ang kaniyang ulo bilang ebidensya na nais mo ngang sumapi ng bansang Thilawiel at paglililngkuran mo ang aking bansa na balang araw ay pamumunuan ko ito."

Mas sumeryoso ang mukha niya. "Gagawin ko po, mga kamahalan."

Tumalikwas ang isang kilay ko. Si Otis naman ay napalunok sa nakuha naming sagot mula sa kaniya. Nagkatinginan kaming dalawa. Pinagdilatan namin ang isa't isa. "Pfft..." sabay sapo ko sa aking bibig. Pero bigo ako. Nagawa kong humalakhak. Ganoon din siya.

Sabay natigilan at nalilito ang mga kasamahan namin sa aming dalawa. Sa paningin nila ay aakalain mo ay mga baliw na kami. Natawa kami nang walang dahilan pero meron talaga. Lalo na si Elvin, mas nagtataka siya sa aming dalawa.

"Paumanhin, Elvin. Hindi namin sinasadya. Hindi lang kami makapaniwala na... Gagawin mo nga talaga ang bagay na 'yon. Pero sadyang binibiro ka lang namin. Hindi talaga namin ipapatay ang 'yong ama, maniwala ka." sabi ko.

Ikiniling niya ang kaniyang ulo. "H-Ha?"

Kinaway ko ang aking mga palad sa ere. "Hindi bale, gusto ko nang bumalik sa bahay-pahingahan. Nagugutom na ako." aya ko na rin sa kanilang lahat. Sa wakas, makakauwi na kami. 

Continue Reading

You'll Also Like

245K 18.6K 29
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
14.8K 1.1K 43
Celeste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. He...
537 64 7
METEMPSYCHOSIS SERIES FANTASY TAGLISH COLLABORATION Installment 9 of 9 *** After pulling an all-nighter, Kalima, an avid reader of RC Astralia's nove...