I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

409K 24.5K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 83

1.5K 121 6
By itsmarresemonika


Malalim na ang gabi. Tanging ilaw mula sa lampara ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Abala sa pagbabasa ng isang makapal na libro ang isang binata sa kaniyang silid na parte din ng sinasakyan niyang barko. Ito ang kaniyang pampalipas ng oras habang patungo sila sa Azmar kung saan ang kaniyang destinasyon. Kabilang din siya sa mga magiging kalahok ng paligsahan. Hindi dapat siya ang ipapadala ng kaniyang ama na isa namang hari sa bansang Caenleighn na kasapi dati sa Imperyo ng Prerradtih. Dapat ang nakakatanda niya ang kapatid ang ipapadala nito ngunit abala ito sa mga trabaho bilang tagapagmana kaya siya nalang ang inatasan bilang kumatawan sa kanilang bansa. Aminado siya na hindi niya sukat-akalain na matatalo ang bansang Prerradith ng dahil lang sa isang tao---ang nag-iisang prinsesa ng Cyan na ngayon ay prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel, ang asawa ng prinsipe na tagapagmana na si Otis Cairon. Ang sinasabi na kinakatakutan din bukod sa ama nito.

Pero ang prinsipyo niya, hindi siya agad maniniwala hangga't hindi niya nakikita kung totoo nga ang balita na naubos nga ang mamamayan at ang pamilyang Imperyal ng Prerradith kaya ang unang reaksyon niya nang una niya itong narinig ay tinawanan lang niya ito kahit na seryoso na ibinalita sa kanila ng kaniyang ama tungkol doon. At ang mas pinagtatawanan niya ay isang babae lang ang nagawang makatalo sa mga Munir.

Kung kaya, kukunin niya ang pagkakataon na ito upang makita niya ang tinutukoy ng karamihan---ang mga mata ng kaluluwa sa pamamagitan ng paligsahan. Gusto niyang mapatunayan na hindi totoo ang mga naririnig niya. Na hindi talaga magagawa ng isang babae na sirain ang isang malakas at malawak na bansa tulad ng Prerradith!

Tumigil siya sa pagbabasa ng libro nang narinig niya ang pagkatok sa pinto ng silid kung nasaan siya ngayon.

"Tuloy!" katamtaman na lakas ng boses niya nang binigkas niya 'yon.

Kusang nagbukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang isa sa mga tagapaglingkod niya. Nilapitan siya nito at tumayo sa kaniyang harap. "Kamahalan," pormal nitong tawag sa kaniya.

"Anong problema?" kaswal niyang tanong pero nagawa pa niyang ibalik ang tingin niya sa binabasang libro.

"May nakita po kaming isang barko na napag-alaman namin na pagmamay-ari ito ng Thilawiel." sagot nito sa kaniya.

Muli siya napatigil sa pagbabasa nang marinig niya ang pangalan ng bansa na binanggit nito. Marahas niyang itiniklop ang hawak na libro. Ipinatong niya ito sa mesa saka tumayo. Hindi na siya nag-abala pa na tingnan ang tagapaglingkod. Nagmamadali siyang dumiretso sa pinto saka binuksan 'yon. Ramdam niyang sinusundan pa siya ng kaniyang tagapaglingkod. Nilapitan niya ang isa sa mga marino ng barko na sinasakyan niya. Gulat itong tumingin sa kaniya. Seryoso niyang nilahad ang kaniyang palad, sinasabi na ipasa sa kaniya ang hawak nitong teleskopyo. Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin.

Nang ipinasa na sa kaniya ang bagay na 'yon ay agad niyang ginamit ito upang kumpirmahin kung pagmamay-ari nga ba ng mga Cairon ang nakita kanina. Naniningkit ang mga mata niya nang makita niya ang makita nga niya ang isang barkong pandigma sa hindi kalayuan. Napangisi siya, nang sumagi sa kaniyang isipan ang isang ideya. Para sa kaniya ay isang napakagandang ideya...

Tinanggal niya ang teleskopyo mula sa kaniyang mata. Binalingan niya ang kaniyang tagapaglingkod pati na din ang marino na naghihintay sa kaniya. Sumilay ang isang mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi. "Susugurin natin ang barko ng Thilawiel!" malakas niyang utos sa mga kaharap.

Parehong gumuhit sa mga mukha nila ang pagkagulat nang sambitin ang kaniyang kautusan. Hindi nila inaasahan ito. Ang buong akala nila ay ang sadya nila ay pupunta sila sa Azmar para sa malaking paligsahan at lalahok pero bakit umiba ang hangarin ng isa sa mga prinsipe ng Caenleighn? At talagang susugurin pa nila ang isa sa mga pinakamalakas na bansa at pumapangalawa sa Cyan? Napapaisip sila kung ano ang laban nila sa mga ito kung sakaling makakaharap nila ito?

'Hindi kaya nahihibang na ang prinsipe? Sigurado ba siya sa desisyon na 'yan?' sa isip ng tagapaglingkod.

"Ano pa bang hinihintay ninyo?! Magsikilos na kayo at ilapit ninyo pa ang barko na ito sa barko ng mga Cairon!" nag-uumpisa nang uminit ang ulo niya dahil nakikita niyang nag-aalangan pa ang kawal at mga marino kung talagang seryoso siya sa paglusob sa naturang barko.

"Kamahalan, baka---" aapila sana ang kaniyang tagapaglingkod pero muli siyang nagsalita.

"Bilisan ninyo hangga't hindi pa nakakawala sa ating paningin ang barko!" sa punto na ito ay galit na siya.

Natatarantang nagsikilos ang mga kawal na kalahok din sa paligsahan pati na din ang mga marino Ang iba ay pumasok pa sa isang silid upang ilabas ang mga itinagong mga armas, lalo na ang mga kanyon.

Ibinalik ng Prinsipe ng Caenleighn ang tingin niya sa direksyon kung nasaan ang barko ng Thilawiel. Gumuhit ang mala-demonyong ngisi sa kaniyang mga labi, na akala mo ay hindi na siyang makapaghintay na makaganti sa mga ito. Sinisisi niya ang bansa na ito dahil nawala ang koneksyon ng kanilang bansa sa Prerradith. Kalahati ang nawala sa kanila dahil sa nangyari.

"Magsisisi kayo ngayon kung sino ang binabangga ninyo." mahina niyang saad.

Kusa ding umandar ang barko na kaniyang sinasakyan para makalapit pa sa barko na kaniyang pupunteryahin.

**

Tahimik na naglalakad si Otis patungo sa silid nila ni Rini, dala niya ang tray na naglalaman ng pagkain para lamang sa kaniyang asawa. Dapat si Nesta ang maghahatid nito pero siya mismo ang nagprisinta na maghahatid ng magiging hapunan.

Pangalawang araw na nila sa laot kaya anumang oras na makakarating na sila sa Azmar. Kaya ang plano niya pagkatapos kumain ni Rini ay kakausapin naman niya ang kaniyang hukbo para talakayin tungkol sa plano sa magaganap na paligsahan.

Binuksan niya ang pinto ng silid. Tumambad sa kaniya ang mahimbing na natutulog na si Rini. Una niyang nilapitan ang mesa at ipinatong doon ang hawak niyang tray. Pagkatapos ay sunod niyang nilapitan ay si Rini. Malambing niya itong ginising.

"My rose," malambing niyang tawag sa esposa.

Bahagyang gumalaw ito. "Hmmm..."

"Kailangan mo ninyo nang kumain." sunod niyang sabi. Hindi na niya magawang sundan ang paggising nito dahil natigilan siya nang makita niya ang mukha ng babaeng pinakamamahal. Kusa siyang napangiti nang titigan niya ang mukha nito nang ganito kalapit. Oo, maraming beses na siya nagkakaroon ng pagkakataon na mapanood kung papaano ito matulog pero hinding hindi siya nagsasawa. Hinawi niya ang takas nitong buhok saka hinaplos niya ito. "Parang kailan lang noong mga bata palang tayo, my rose." anas niya.

Nagbuntong-hininga siya.

"Otis..." mahinang tawag sa kaniya. Pero nanatiling nakapikit ito.

"My rose, oras na ng pagkain ninyo. Gising na. Ayokong magutom kayo." nanatili pa ring malambing ang kaniyang tono.

Kita niya kung papaano dahan-dahan iminulat ni Rini ang mga mata nito hanggang sa nagtama ang kanilang mga mata. Nang makita sya nito ay ginawaran siya nito ng isang napakatamis na ngiti, animo'y nagising ito mula sa napakagandang panaginip. Pero iba ang epekto nito para sa kaniya 'yon. Mas bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Para bang iyon ang unang beses na masilayan niya ito.

Natigilan siya nang biglang ikinulong ni Rini ang mga kamay nito sa mukha niya at ipinalapit pa siya nito kaya halos maduling na siya sa sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Hindi pa rin nawawala ang matatamis na ngiti nito sa mga labi nito. "My rose..." anas niya, sinusubukan niyang tawagin ang pinakamamahal na asawa.

"Minsan napapaisip ako kung magiging kamukha mo ba ang magiging anak natin." wika nito na may namumungay ang mga mata. "Kung ako lang, mas gugustuhin ko na magiging kamukha mo siya." marahan na idinapo ang dulo ng hintuturong daliri nito saka pinadausdos ito sa iilang parte ng kaniyang mukha.

Hindi niya mapigilang mapangiti. "Pero mas gugustuhin ko na magiging kamukha mo siya, my rose... Para sa tuwing nakikita ko siya, palagi niyang ipapaalala sa akin kung gaano ko kamahal ang kaniyang ina."

Ginantihan siya ng matamis na ngiti ni Rini. "Hindi na ako makapaghintay na makita siya, Otis. Hindi na ako makapaghintay na mahawakan ko na siya... At sabihin sa kaniya kung gaano kadakila ang kaniyang ama." saka malambing itong hinahaplos ang kaniyang buhok.

"At hindi rin ako magsasawa na sabihin sa kaniya kung gaano ka kaganda at kung gaano kita kamahal, my rose." saka dinampian niya ito ng halik sa noo.

**

Pagkatapos kumain ni Rini ay inilabas na ni Otis ang tray. Muli itong natulog, naiitindihan niya na parte itong sintomas ng pagbubuntis nito kaya walang problema sa kaniya. Ngunit makakasalubong niya ang isa sa mga tagapagsilbi ng asawa, si Faila. Nagbow ito muna sa kaniya saka ipinasa na niya ang tray na hawak dito. Tahimik siya muli naglakad patungo sa silid kung nasaan ay naghihintay sa kaniya ang mga kabalyero na matataas ang ranggo, maliban lang sa dalawang baguhan na sina Ramas at Raymound ngunit nirekomenda mismo ni Rini na isali ang dalawa dahil napapakitaan niya ito ng kagalingan kung kaya ang asawa niya ang personal na nagsasanay sa dalawang ito. Dahil may tiwala sila sa kutob ng asawa ay pinayagan niya ito.

"Kamahalan," sabay-sabay na bati ng mga ito sa kaniyang pagdating sa silid. Sabay din nagbigay-pugay ang mga ito.

Tahimik at tipid na tango lang ang iginanti niya sa mga kaharap. Nilapitan niya ang mesa. "Maaari na kayong umupo." kaswal niyang utos.

Sumunod ang mga kabalyero. Inaabangan siya ng mga ito kung ano ang sasabihin niya.

Sa halip ay may inilabas siyang nakarolyong papel. Binasa niya ang nakasaad sa papel na 'yon. Binigkas niya ang mga apelyido ng mga kalahok at kung saang kompetisyon sasali ang mga ito. Nang binigkas na niya ang mga pangalan nina Ramas at Raymound, siya mismo ang nagpasya na ilagay ang dalawang ito sa pagkukungwaring labanan, ang duwelo. At ang sandata na magagamit nila doon ay ang espada o anumang sandata. Maaari rin gumamit ng mahika. Nakasaad din sa papel na hawak niya kung sino ang makakaharap nina Ramas at Raymound. Ang isa sa mga mandirigma mula sa Kaharian ng Gwermma ang makakaharap ni Ramas, habang isang kabalyero mula Cremalos ang makakaharap ni Raymound. At ang makakaharap naman ni Otis ay ang mandirigma mula Jian Yu na hindi sinasabi kung sino ang eksakto ang mandirigma na 'yon.

"Magagawa ninyo bang manalo sa labanan na itinalaga ko sa inyo?" seryoso niyang tanong sa dalawang baguhan na kabalyero.

Hindi agad sumagot ang dalawa. Nagpalitan muna ito ng tingin sa isa't isa pagkatapos ay muli siya tiningnan ng mga ito at sabay na tumango. Lihim siya napangiti dahil nababasa niya sa mga mata nito ang determinasyon. "Opo, kamahalan. Tinatanggap po namin kung ano po ang itinatalaga ninyo sa amin." sabay nilang tugon.

"Kung ganoon ay makakaasa kami sa inyo lalo na't pangalawa na kayo sa mga tinuruan ng prinsesa na tagapagmana."

"Huh? May iba pa po ba naturuan ang mahal na prinsesa bukod pa sa dalawang ito, kamahalan?" gulat na tanong ng isa sa mga kasamahan nila.

Tumango siya. "Oo, kung natatandaan ninyo ang lalaki na kasamahan nila noong pyesta ng pangangaso, ang lalaki na walang hawak na armas ngunit nakatalo ng isa sa mga pinakamalakas na demonyo na gamit lang ay ang mga kamao. Siya ang unang estudyante ng prinsesa na tagapagmana." sagot niya. "Na ngayon ay isa din siya itinanghal na kampeon at bayani ng Loray."

Bumalot ang pagkabigla ang silid sa kaniyang sinabi. Kahit siya ay hindi makapaniwala noon. Labis ang ipinagtataka niya kung bakit wala man lang dalang armas si Houstin ng mga panahon na 'yon. O sadyang alam talaga ni Rini kung ano ang kakayahan na meron ang isang 'yon kaya hindi ito nagdalawang-isip na isali bilang kapangkat ito?

Nakita naman niya na laglag ang panga nina Ramas at Raymound dahil sa pagkagulat.

"Ibig sabihin napakaswerte nga nina Ramas at Raymound! Malaking karangalan na personal silang tinuturuan ng isa sa mga kampeon at bayani ng Loray!" bulalas ng isa sa mga kasamahan niya.

"Hindi ba't siya ang taktiko ng kanilang pangkat noon?" wika ng isa pang kabalyero.

"Hindi lang 'yon, ang guro nila ay siya din ang nagpabagsak sa bansang Prerradith!" segunda pa ng isa pa.

Mas lalo umingay ang silid, nagsisimula na din silang magpalitan ng magagandang opinyon ukol sa kaniyang asawa. Nangngingitngit siya sa tuwa at pagmamalaki. Pilit niyang maging pormal at hindi ipakita 'yon sa mga kahrap niya.

Sa gitna ng kasiyahan ay bigla siya nakarinig ng sunud-sunod na pagputok ng kanyon na tingin niya ay malapit lang sa kanila. Pupuntahan sana niya ang pinto para tingnan ang labas ngunit naunahan siya. Bigla ito nagbukas. Tumambad sa kanila ang isa sa mga kabalyero na kasama nila. Base sa mukha nito ay tila natataranta at hindi makapaghintay na maghatid ng ulat sa kaniya.

"Anong nangyayari sa labas?" matigas niyang tanong sa bagong dating.

Bigla itong lumuhod sa harap niya. "Kamahalan, bigla po tayo inatake ng isa pang barko. Napag-alaman po namin ay ang barko na 'yon ay nagmumula sa Kaharian ng Caenleighn!" malakas nitong ulat sa kaniya.

Kusang kumunot ang kaniyang noo. Mabilis niyang nilagpasan ang kaharap na kabalyero at nagmamadali siyang lumabas ng silid upang marating niya ang labas. May parte din sa kaniya ang pagtataka dahil sa pagkaalam niya ay kasali din sa paparating na paligsahan ang bansa na 'yon. Pero mas nangingibabaw ang galit sa kaniyang mukha.

'Mga tampalasan! Huwag na huwag ninyong iistorbohin ang mahimbing na tulog ng misis ko!'

**

Nagising ako sa ingay. Awtomatiko akong napabalikwas ng bangon. Kahit na gulo-gulo pa ang aking buhok ay hindi na ako nag-abala na ayusin pa dahil mas nangingibabaw pa sa akin ang mga tunog na naririnig ko sa labas ng silid. Rinig ko ang putukan mula sa mga kanyon, sigawan at hiyawan, rinig ko din ang tilian na tingin ko ay galing sa mga tagapagsilbi na babae, pero mas nangingibabaw sa akin ang boses nina Nesta, Faila at Regie, maski din ang boses ni Eglantine na parang maiiyak na ay naririnig ko din.

Kusang kumunot ang aking noo. Mabilis akong umalis sa kama. Hindi na ako nag-abala pa na hanapin pa ang pares ng aking sapatos para malaman ko kung ano ang nangyayari sa labas. Mabilis kong dinalo ang pinto saka binuksan 'yon. Tumambad sa akin ang mga kasamahan naming mga babae. Tumigil lang sila nang makita nila ako. Napasinghap silang humarap sa akin saka hinawakan ang mga kamay ko. Binigyan ko sila ng pagtatakang tingin. Sa pamamagitan ng tingin na 'yon ay tinatanong ko sila kung anong nangyayari sa labas.

"Kamahalan!" nag-iiyak na tawag sa akin ni Regie.

"Anong nangyayari?" seryoso ngunit kalmado kong tanong sa kaniya.

"M-May lumusod po sa barko na ito, kamahalan. Ang mga marino at mga kabalyero mula sa bansang Caenleighn." si Faila na ang sumagot ng aking katanungan, kahit anong pilit niyang maging kalmado, base sa panginginig ng kaniyang boses ay nahihimigan ko ang kaba sa kaniya.

Pero Caenleighn? Sumugod dito? Seryoso ba sila? Bakit naman nila kami inaatake? Kung hindi ako nagkakamali ay kasali din ang bansa nila sa paligsahan. Muli ko sila tiningnan. Marahan kong inalis ang kanilang kamay mula sa pagkahawak nila sa akin. Umukit ang pagtataka sa kanilang mukha. Nagsimula na akong bumitaw ng hakbang palabas.

"Mahal na prinsesa! Saan po kayo pupunta?!" natataranta nilang tanong sa akin.

Malamig na tingin ang ibinigay ko nang nilingon ko sila. "Papatahimikin ko sila." tipid kong tugon sa pamamagitan ng mababa kong tono.

Pareho silang natigilan sa aking sagot. Ang iba pa sa kanila ay nanigas sa kanilang kinakatayuan, lalo na si Prinsesa Eglantine. "Pero..."

Hindi na ako nag-abala pang pakinggan ang mga susunod nilang sasabihin. Dmn it, hindi ko mapapayagan na mababalewala ang pinaghirapan ko upang sanayin sina Ramas at Raymound, na maging handa sila sa inaabangan na kompetisyon!

"Ceca, Frostine." malamig kong tawag sa dalawang Diyos na kasama namin.

Ramdam ko ang pagsunod nilang dalawa sa akin habang naglalakad kami palabas sa lugar na ito.

Mas lumalakas ang ingay na naririnig ko sa labas habang palapit na kami nang palapit, hanggang sa narating na namin ang labas. Nadatnan ko na nagpapalitan ng putok ng kanyon ng dalawang panig. Nakita ko din si Otis na seryosong nakatayo, he must be a commander-in-charge. Pero napukaw ko ang kaniyang atensyon. Sinalubong niya ako ng pagkagulat sa kaniyang mukha. Nagmamadali siyang lumapit as akin sabay hawak niya sa magkabilang braso ko. Teka, nasaan sina Emperador Audrick at Prinsipe Hadden? Huwag nilang sabihin na malalim ang tulog nila kahit na nagkakagulo dito?!

"Anong ginagawa mo dito, my rose? Dapat ay nasa loob ka lang." punung-puno ng pag-aalala sa boses niya nang sambitin niya ang mga salita na 'yon.

"Dahil nagising ako, Otis. At sinira nila ang aking tulog." malamig kong tugon.

Napasapo siya sa kaniyang mukha. Tanda na kabisado na niya ako. "Sinasabi ko na nga ba, mga walang hiya talaga." matigas pero mahina niyang sambit.

Lumihis ang tingin ko mula sa kaniya. Tumingin ako sa mga marino at mga kawal na may hawak na mga pana at nagpapaputok ng mga kanyon. "Itigil ang pag-atake!" malakas kong utos sa kanilang lahat.

Natigilan sila't tumingin sa akin. Kahit sila ay nawindang sa presensya ko dito. "K-Kamahalan... Mahal na prinsesa..." hindi makapaniwala nilang tawag sa akin.

"Karamihan sa inyo ay mga kalahok sa paligsahan, ayoko ni isa inyo ay masugatan bago tayo makarating ng Azmar!" malakas kong wika.

"My rose..." mas nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.

Bumaling ako sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, hinding hindi ako makikipaglaban. Sapagkat, may dalawa tayong mas malalakas na kasama, Otis." sumilay ang mapaglarong ngiti sa aking mga labi. Bumitaw ako mula sa kaniya saka nilingon ko sina Ceca at Frostine na naghihintay lamang. "Pagkakataon ninyo na, ipamalas ninyo na sa kanila na hindi basta-basta ang mga Thilian!"

Ngumisi sina Ceca at Frostine. Bigla sila nagbago ng anyo. Tulad ng aking inaasahan, nawindang ang mga tao sa paligid namin, maliban lang sa amin ni Otis dahil alam namin na kaya magbago ng anyo ang mga diyosa ng Thilawiel. Naging agila si Ceca samantalang naging lobo si Frostine. Tumakbo si Frostine para harapin ang barko ng Caenleighn. Si Ceca ay lumipad sa himpapawid. Malakas na umugong si Frostine, naging yelo ang dagat na napapaligiran ng barko na nakasagupa namin. Malakas iwinagayway ni Ceca ang kaniyang mga pakpak saka naglabas siya ng mga sibat na yari sa yelo. Pwersahan bumagsak ang mga 'yon sa direksyon ng barko na dahilan upang masira 'yon sa isang iglap lang.

Ilang saglit pa ay bumalik na ang dalawa sa barko at nagpalit ulit sila ng anyo bilang mga tao. Malamig kaming nakatingin sa lumulubog na barko.

"'Yon na 'yon?" biglang kumento ni Frostine. Bigla siyang humarap sa amin na nakapikit ang mga mata at nagkibit-balikat. "Ang akala ko pa naman, matatagalan pa ang pagsasanay ko." saka nagbuntong-hininga siya.

"Wala ka naman ginawa. Gumawa ka lang ng yelo sa paligid ng barko na 'yon." sabat ni Ceca.

Napalitan ng pagkasimangot ang mukha ni Frostine. "Anong sabi mo?!" angil niya, anumang oras ay papatulan na niya si Ceca.

"Ang importante ay walang natamong sugat ang mga kabalyero. Malaya tayo makarating sa Azmar." malamig kong wika. Bumaling ako kay Otis. "At ikaw, kinakailangan mo nang matulog. Mas matindi ang kailangan mo na pahinga." sabay hatak ko sa kaniya pabalik sa silid namin.

**

Hindi makapaniwala ang mukha ng prinsipe ng Caenleighn habang palutang-lutang siya sa dagat. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nakita niya kung papaano ipinatigil ng prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel kung papaano ipitigil ang labanan at ang pumalit ay ang isang malaking agila at isang malaking lobo! Kung hindi siya nagkakamali ay mga diyos o diyosa 'yon ng bansa na pinanggalingan ng mga nakaengkwentro nila!

Hindi niya rin maipagkaila na tumindig ang balahibo niya nang masilayan niya kung papaano malamig na nakatunghay sa kanila ang prinsesa na tagapagmana.

Ngayon ay alam na niya. Napatunayan na niya na malakas nga ito. Ang buong akala niya ay biro lang ang naririnig niya. Hindi pala. Talagang may ibubuga nga ito!

Pero imbis na magalit siya dahil sa pagkatalo ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Namataan niya ang isang bangka sa hindi kalayuan mula sa kaniya na palutang-lutang. Mukhang buo pa ito ay hindi naapektuhan sa pagkasira ng barko. Hindi siya nagdalawang-isip na lumangoy upang malapitan ang bangka. Kukunin niya ang pagkakataon na ito. Sa pamamagitan nito, makakarating na siya ng Azmar at susundan niya ang mag-asawang Cairon.

"Alam ko na kung sino ang dapat kong sundin. Handa ako talikuran ang lahat, mapaglingkuran ko lang sila."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 297 85
After the death of her beloved Gaudia, Saigie accidentally reveal her mysterious identity which lead the way to make her live with the people who kil...
1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
16.5K 411 22
Prince and Princess. King and Queen. They are for each other in this magical world. What if this rule ruins a queen's good heart? Will another queen...
30.7K 1.3K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...