I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

408K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 80

1.8K 127 8
By itsmarresemonika


Maraming naganap. Pinatalsik sa Palasyo si Binibining Swiller at hinatulan ang angkan nila, maski siya na mga traydor ng Thilawiel. Binigyan sila ng mabigat na parusa---ang kamatayan. Hindi lang sila, maski ang mga iba pang opisyal na kaanib ng mga Swiller upang maghasik ng rebolusyon laban sa mga Cairon. Nagawa nila ang bagay na 'yon dahil mabilis din sinabi nina Otis at Prinsipe Mival kay Emperador Audrick ang mga nalaman nila.

Tulad din ng suhesyon ko, nabuo na ang pangtalinong sandatahan na isa sa mga iminungkahi ko. Agad din pinagbigyan 'yon ni Emperador Audrick. Mismo si Otis ang kumausap kina Ginoong Hayness, Binibining Cobb at Binibining Mercer. Dahil may ideya si Otis, ipinaliwanag niya sa mga ito kung ano ang tamang gagawin nila, tulad ng kung ang ginagawa namin nina Caldwell at Houstin noong nasa serbisyo pa ako. Kung ano ang pakay ng Organisasyon na 'yon para sa loob ng Thilawiel. Nalaman ko na nagustuhan nila kung ano ang literal na trabaho na ginagawa n'on kaya hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin ito. Nang malaman ko 'yon ay nakahinga din ako ng maluwag at wala na akong aalalahin pa.

Kung tungkol naman sa ekonomiya ng Thilawiel, nagiging stable na ito. Maganda ang takbo ng pag-aani ng perlas, ang troso at ang minahan. Madalas din ay bumibisita sa akin sina Duke Oaken at Makwis Faringray para magbigay ng ulat, hindi lang sa akin, kahit sa mga Cairon.

Hindi lang 'yon, nagbibigay na din ng ulat sa akin sina Edevine at Dukesa Giltha. Tagumpay nilang nagawa ang ipinapagawa ko sa kanila. Tulad ng aking inaasahan, maganda ang feedback ng mga taong nasa social circle na kinabibilangan nila. Nasiyahan sila sa mga batong-hiyas at mga alahas na kanilang nabili. Sa pamamagitan din 'yan ay magpapasa-pasa na ang mga 'yon hanggang sa marating ang balita na 'yon sa iba't ibang bansa pa.

Nakakuha din ako ng balita na on going pa rin ang pagtatayo ng daungan at mga barko. Kaunti tiis nalang, tuluyan anng magbubukas ang Thilawiel sa buong mundo. Pero dahil na rin sa suhesyon ko ay medyo madali na para sa kanila na mas mabilis ang trabaho pero syempre, kailangan din bigyan ng pahinga ang mga manggagawa para mas ganahan sila sa pagtatrabaho.

Tagumpay na din napasakamay ng Cyan at Thilawiel ang lupain ng Prerradith. Tulad ng aking suhesyo sa kanilang lahat, hinati nga daw ito sa dalawang bahagi. Opisyal na nilang ipinagalan na Aliron ang hilaga, habang Crossa naman ang ipinangalan sa Timog nito. Nag-umpisa na din pumunta ang mga nais na maging mamamayan ng naturang lupain, magbibigay din sila ng tulong upang unti-unti din nila ito paunlarin. Naniniwala ako kina Eomund at Prinsipe Mival sa kanilang kakayahan. Ipinapanalangin ko ang kanilang tagumpay.

Bahagya akong gumalaw. Tumagilid ako. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Kumurap pa ako ng ilang ulit. Wala si Otis sa aking tabi pero may naririnig akong mahinang tunog sa hindi kalayuan mula sa akin. Doon na ako nagpasyng bumangon na. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Nanatili akong nakaupo. Nagmumuni-muni pa ako, hinihintay kong bumalik ang aking ulirat.

"My rose," rinig kong boses ni Otis.

Agad ako tumingin sa kinaroronan ng boses na 'yon. Nakita ko siya kakalabas niya lang sa silid-bihisan. Nakauniporme na siya tulad ng nakagawian. Hindi ako nakapagsalita. Inunahan niya ako ng yakap saka dampi ng halik sa aking sentido.

"Magandang umaga, my rose." malambing niyang bati sa akin.

"Magandang umaga din... My rose..." namamaos kong balik-bati as kaniya. "Maaga ka yata?"

"Hm-hmm, kinakailangan kong kitain ang mga opisyal ng aking hukbo at matinding pagsasanay din ang gagawin ko sa mga kabalyero upang mamimili na ako kung sino ang mga myembro ang isasali para sa papalapit na paligsahan."

Oo nga pala, isang buwan nalang ang nalalabi bago ang paligsahan. "Kung maaari lang akong sumama sa 'yo para panoorin ka..." sambit ko.

"Kailangan mo ng sapat na pahinga, lalo na't nasa unang tatlong buwan ka na ng pagbubuntis." marahan niyang sambit. "Mapapanood mo rin naman ako sa mismong araw ng laban, my rose."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Oh sige, basta mag-iingat ka." malungkot akong nagbuntong-hininga. "Kung pupwede lang na ako mismo ang nag-aasikaso sa 'yo."

Ikinulong ng mga palad niya ang aking mukha. Nagtama ang aming paningin. "Ayos lang, ang makita lang kita sa tabi ko na ligtas, ayos na ayos na ako." muli ako niya ako dinampian ng halik sa aking noo. "Kailangan ko nang umalis, my rose. Magkikita nalang tayo mamaya. Mahal kita."

"Sige, my rose."

Iniwan niya ako ng matamis na ngiti bago niya ako tinalikuran at naglakad na papalayo. Nakasunod sa kaniya ang mga mayordomo niya hanggang sa narinig ko nalang ang pagsara ng pinto ng kuwarto na ito. Muli 'yon tumunog 'yon, tiyak ay ang mga pumasok ay sina Nesta, Faila, Regie pati na din ang iba pang tagapagsilbi. At hindi nga ako nagkamali nang nasa harap ko na sila.

Sabay-sabay silang nagbow sa harap ko. "Binabati po namin ng magandang umaga ang kamahalan, ang prinsesa na tagapagmana, Prinsesa Styriniana." sabay-sabay din nilang bigkas.

"Kamahalan, ihahanda na po namin ang pampaligo at mga damit na susuotin ninyo," masiglang sabi ni Faila.

"Nakahanda na din po ang inyong pagkain." nakangiting sabi naman ni Regie.

Bumaling ako sa kanila na blangko ang ekspresyon sa aking mukha. Nagtataka silang tumingin sa akin. Ilang segundo pa kami nagtitigan.

Ilang saglit pa ay walang sabi na bigla tumulo ang luha. Marahas 'yon umagos sa aking pisngi. Nanlaki at nagulat sila sa kanilang nakita. "M-mahal na prinsesa...!" sabay nilang tawag sa akin, may bahid na pag-aalala.

Bigla ako nilapitan ni Nesta. "A-anong nangyayari, kamahalan?"

Napasapo ako sa aking bibig. Oh no, kahit ako hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako naiyak, lalo pa sa harap nila! Sa halip na sabihin ko sa kanila 'yon ay ibang pangungusap ang lumabas sa aking bibig. "Iniwan niya ako... Iniwan ako ng prinsipe na tagapagmana...!" humihikbi kong sagot.

"H-ha?!"

"U-umalis siya para sa trabaho... Iniwan niya ako...!"

Nagkakagulo na sila. Natataranta na sila. Hindi nila alam kung papaano nila ako papatahan sa pag-iyak ko. Sinubukan man ni Nesta na aluhin ako pero bigo siya. Hindi niya ako magawang patahanin. Mas lumakas pa ang aking iyak.

"Ayokong iwan ako ng kamahalan! Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag iniwan niya ako...! Waaaaahhhh!" hiyaw ko pa.

"P-Pero... Mahal na prinsesa, hindi ka iiwanan ng prinsipe na tagapagmana... Saksi kami kung gaano ka niya kamahal, Prinsesa Styriniana!" bulalas ni Faila.

"At saka, h-hindi po siya mapakali kapag may hindi po kayo n-nakapag-unawan!" segunda pa ni Regie.

"Mahal na prisesa," malumanay na tawag sa akin ni Nesta. "Nasa iisang bubong lamang kayo ng kamahalan, hindi ba't nangako siyang magkikita kayo mamaya? Alam mo naman na tinutupad niya kung ano ang pangako niya sa 'yo, hindi ba?"

Doon ko tumigil sa pag-iyak. Sumisinghot-singhot akong nakatiitg sa kaniya. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. "Hindi ako iiwan ni Otis. Hindi niya ako ipagpapalit kung kaninuman." pangunngumbisi ko sa aking sarili. "Gustung gusto ko siya. Mahal ako ni Otis. Mahal niya ako tulad ng sabi niya kanina!"

"Tama, kamahaln. Kaya hinding hindi ka niya iiwan." nakangiting wika niya.

Bigla kong niyakap si Nesta. "Nakapahusay mo talaga, Nesta. Maraming salamat!" bulalas ko.

Marahan niyang tinapik ang aking likod. "Kaya huwag ka nang umiyak, ha, mahal na prinsesa?"

Kahit na nanatili akong nakayakap sa kaniya, tumango ako. Nahagip din ng aking paningin ang pagthumbs-up nina Faila at Regie kay Nesta.

**

Hindi ko mapigilang mapasimangot nang nakita ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Hindi pa ako nasiyahan, ilang beses ko pa tinitingnan ang aking katawan. Malaking na ang ipinagbago ng katawan ko ngayon sa lumipas ng tatlong buwan. Medyo lumilitaw na ang umbok ng aking tyan dahil dala ko na ang unang anak namin ni Otis. Hindi naman sa ayaw mo magbuntis. Halos maloka lang ako sa adjustment na nangyayari sa akin habang tumatagal. Napapansin ko din ang mga pagbabago, tulad ng paglapad ng bewang ko. Nakaramdam ako nang panghihina na ewan, hindi ko na rin kayang gawin o pumunta kung saan-saan dahil madalas na akong nahihilo, nagsusuka at panghihina. Lumilitaw na din ang stretch marks ko. Lumalaki pa ang dibdib ko. Dahil d'yan ay binilhan nila ako ng mga bagong damit na magiging komportable ako. Mga maternity dress! Medyo mas malaki na ang mag ito kaysa sa karaniwang size ng mga damit na isisnusuot ko.

Napapansin ko din na mas nag-iingat sa akin ang mga tagapagsilbi. Especially kapag tinamaan ako ng topak!

Ang mas malala : ang cravings at sobrang moody ko. Haaaa...

Dahil nababagot na naman ako sa kuwarto namin ay lumabas ako. Nagmamadaling nakabuntot sa akin sina Nesta pati na din ang mga tagapagsilbi. Tahimik lang sila habang naglalakad kami Ngayon ay simpleng red velvet color maternity dress ang suot ko pati na din kulay puti na flat shoes. Nakaponytail lang ang buhok ko. They really give me the best comfort they can give, huh.

Nagbuntong-hininga ako habang patuloy pa rin sa paglalakad. Saan ba ako pupunta ngayon? Hindi naman ako makakalabas dahil masyado silang nag-iingat sa akin. Wala naman akong gana na pumunta sa silid-aklatan dahil tiyak makakatulog lang ako doon. Wala rin akong ganang kumain anng kumain. Sa lagay kong 'to, kailangan ko din bantayan kung anu-ano ang kinakain ko.

Bigla may lumitaw na magandang ideya sa aking isipan!

Kusa akong tumigil sa paglalakad. Mabilis akong humarap sa mga tao na nakasunod sa akin. Ngumisi ako nang namataan ko sina Ramas at Raymound na kasama din sa pagsunod sa akin. They both fliched when my eyes darted on them.

"Ramas, Raymound." tawag ko sa kanilang dalawa.

"P-Po, kamahalan?" sabay nilang sabi.

"Ano nang balita sa pagsasanay ninyong dalawa bilang kabalyero?" kaswal kong tanong sa kanilang dalawa.

Agad silang umiwas ng tingin sa akin. Napakamot ng batok si Ramas, si Raymound naman ay napangiwi. "Maliit na tsansa palang po ang kagandahan ng resulta ng aming pagsasanay, kamahalan." magalang na sagot ni Ramas.

"Pero kapag wala po kaming ginagawa ay nag-eensayo po kaming dalawa." sagot naman ni Raymound. "H-huwag po kayo mag-alala, kamahalan. Patuloy po pa rin namin ginagawa ang mga itinuro po ninyo sa amin."

Humawak ako sa aking baba. Bahagya akong yumuko. Nakipagtitigan ako sa sahig ng pasilyo. Lumabi ako. Bigla kasing may sumagi sa aking isipan kani-kanina lang. Agad ko din ibinalik sa kanila ang aking tingin. Muli sila natigilan. "May naisip ako, pero bago 'yan, kailangan ko muna makausap ang prinsipe na tagapagmana." mahina kong sabi.

"A-anong po ang ibig ninyong sabihin, kamahalan?" kinakabahan na tanong ni Ramas.

Nanatili akong nakayuko at nasa ganitong posisyon pero nagawa ko pa rin sila tingnan. "Balak ko kayong isali sa paparating na paligsahan." seryoso kong sagot.

Laglag ang panga nilang dalawa sa aking pahayag. "P-Po?" saka umatras sila ng kaunti. Pareho nila ako binigyang na nakangiwing mukha. Sabay din nila iwinagayway ang kanilang mga kamay sa ere. "N-Naku po, kamahalan. Hindi po kami naaangkop sa ganoong paligsahan... At isa pa po... Alam ninyong baguhan palang po kami---"

"Pero kayo ang mga tagabantay ko, hindi ninyo naman siguro hahayaan na mababahiran ang aking pangalan, hindi ba?" wika ko.

Nanigas sila sa aking sinabi. Mukhang tinamaan sila sa dapat kong tamaan. "K-Kamahalan..."

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Hindi ba ako maaaring magtiwala sa inyo? Hayaan ninyo, ako mismo ang personal na magsasanay sa inyo kahit na hindi ako gumagalaw."

"M-Mahal na prinsesa..."

"Naniniwala akong kaya ninyong hanayin ang mga sarili ninyo sa mga kabalyero na mas mataas ang ranggo sa inyo."

Bigla silang lumuhod sa harap ko. "Wala pa man ay labis na po kami nagpapasalamat, Prinsesa Styriniana! Gagawin po namin ang lahat upang hindi kayo mabigo sa pagbigay ng tiwala ninyo sa amin."

**

Kusa akong bumangon. Naalipungatan ako dahil sa gutom kahit na nakakain na ako ng dinner kanina. Agad ako tumingin sa aking tabi. Tumambad sa akin ang natutulog na si Otis. Dahil gabi pa rin sa labas, paniguradong madaling araw palang. Marahan kong hinawi ang kumot saka maingat akong umalis sa kama para hindi ko magising si Otis dahil alam kong pagod din siya sa trabaho niya kanina. Ayoko siyang maistorbo dahil lang inatake na naman ako ng cravings ko ngayon.

Kahit sa pagbitaw ng mga hakbang ay maingat pa rin ako hanggang sa maabot ko na ang pinto. Pipihitin ko sana ang pinto nang may narinig akong boses.

"My rose?" namamaos niyang tawag sa akin. Oh shoot, narinig ko na naman ang bedroom voice niya!

Natataranta akong lumingon sa kaniya, nanlalaki pa ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. "O-Otis..." tawag ko sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin, kinukusot pa niya ang kaniyang mga mata pero sa huli ay tumingin siya sa akin at tagumpay na nya akong nilapitan. Tinititigan niya ako na parang pinag-aaralan niya ako sa tingin niyang 'yon. "Ah, nagugutom ka. Sasamahan kita."

Suminghap ako. "Naku, mas mabuting magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka sa mga tambak ng mga gawain mo kanina---" bigo na akong dugtungan ang sasabihin ko nang bigla niya akong binuhat animo'y bagong kasal! "Otis, ang bigat ko na! Bitaw!"

"Huh? Masama bang kargahin ang mag-ina ko?" painosente niyang tanong. "Sasamahan kong kumain ang mag-ina ko. Balewala sa akin ang pagod kung pareho kayo ang pagsisilbihan ko."

Inilapat ko ang mga labi ko. Heto na naman siya. Bumabanat na naman! Hindi talaga nawawala ang asukal sa katawan ng isang 'to! "Si-sige..." 'Yan nalang ang nasabi ko sa huli.

"Pero may problema, my rose."

Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "Bakit, anong problema? Mabigat na talaga ako, ano?" sunud-sunod kong tanong.

Agad siyang umiling. "Hindi ko magamit ang aking mga kamay upang gumawa ng portal. Kaya mo bang marating tayo ng kusina sa pamamagitan ng kapangyarihan mo?"

"O-oo. Kaya ko." pero nagawa ko siyang yakapin kahit na buhat-buhat pa rin niya ako. "Transfer." bulong ko.

Dinala kami sa Kusina ng Palasyo. Agad niyang nilapitan ang bakanteng silya. Hinila niya 'yon sa pamamagitan ng kaniyang paa. Maingat niya akong pinaupo doon. Nakasunod lang sa kaniya ang mata ko. Nilapitan niya ang mga kitchen cabinet at naghanap siya ng makakain mula doon.

"Anong gusto mong kainin, my rose?" tanong niya, patuloy pa rin siya sa paghahanap.

"Tinapay at keso lang, my rose." mabilis kong sagot.

Tumigil siya saka lumingon sa akin na akala mo ay gulat na gulat. "'Yon lang?" paniniguro niya.

Lumabi ako saka tumango. "Oo, doon ako natatakam ngayon." kaswal kong sagot.

Sa huli ay wala na siyang magawa kungdi ibigay sa akin ang hinihingi kong tinapay at keso. Siya pa ang naglagay ng keso sa loob ng tinapay bago niya inabot sa akin 'yon. Masaya kong tinanggap 'yon saka inumpisahan ko nang kainin 'yon sa harap niya. Nakangiti siyang nakapangalumbaba habang pinapanood niya ako. Mukhang nag-eenjoy siya sa panonood sa akin. Tumingin ako sa kaniya na nanguya.

"Gusto mo?" alok ko. "Pwede ka naman kumain."

"Busog pa ako, my rose." inangat niya ang isa niyang kamay. Inaabot niya ako. Masuyo niyang hinawi ang takas kong buhok. "Sapat na sa akin na masaya ka at nakakain ninyo kung anong gusto ninyo."

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya.

"Siya nga pala, ano pala ang ibig sabihin ng narinig ko kanina, my rose? Transfer?" bigla niyang tanong.

Natigilan ako. Tumingin ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga tingin. Oo nga pala, narinig niya pala nang sambitin ko ang salita na 'yon para mabilis kami makarating dito. "Transfer... Ibig sabihin n'on ay isalin, lipat. Mga ganoon." sagot ko. "Oo nga pala, nalaman mo pala na namatay ako sa dati kong mundo. Muntik ko nang makalimutan." saka bumingisngis ako. At si Binibining Lorah ang nagdala sa akin dito nang binawian ako ng buhay.

Muli siyang ngumiti. "Pero marami pa akong gustong pa malaman tungkol sa 'yo. Kung anong buhay mo noong hindi ka pa namatay."

Tumigil ako sa pagkain saka tumingala sa kisame ng Kusina. "Hmm, buhay ko sa dati kong mundo? Isa akong manunulat."

Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Tila mas napukaw ng sagot ko ang atensyon niya. "Ano naman ang mga isinusulat mo?" sa tono niya mas nagiging interisado pa siya.

"Hmm, mga kwento pag-ibig saka mga kinalaman sa misteryo." ngumiwi ako. "Pero may isang kwento ako na hindi natapos dahil binawian ako ng buhay nang hindi ko inaasahan. Alam mo kung ano ang sanhi ng aking pagkamatay?"

Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. "Ano, my rose?"

"Labis na pagtatrabaho at gutom." inilapag ko sa plato ang tinapay saka ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukha. "Pero sisiguraduhin kong hindi na mauulit pa 'yon dahil ayoko nang sayangin ang buhay na ibinigay sa akin ni Binibining Lorah. Kung hindi rin dahil sa kaniya, hindi ko makikilala ang mga tao na naging parte na sa buhay ko ngayon, lalo ka na."

"Ipinapangako ko din na hindi kita hahayaan na mapapagod ka nang sobra. Bubusugin kita at hindi mo maaaring kaligtaan ang pagkain sa tamang oras. Pero may isa pa akong tanong."

"Ano 'yon?" tanong ko pero nanatili pa ring nasa pisngi niya ang mga palad ko.

"Anong lengguwahe sa inyo ang salitang mahal kita?"

"Ganoon din naman, pero madalas ang ginagamit namin ay I love you." inosente kong sagot.

"I love you..." mahina niyang sabi, parang kinakabisado niya ang bagong salita na kaniyang natutunan. Diretso siyang tumingin sa akin. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. "I love you, my rose."

Ako naman ang natigilan nang narinig ko mula sa bibig niya ang mga kataga na 'yan. Napalunok ako. Ramdam ko na naman ang hindi normal na pintig ng puso ko. Mas bumibilis na naman siya, ultimong hindi na naman ako makahinga per nagawa ko pang labanan ito. Kusang lumapit ang mukha ko sa kaniya. "I love you too, my rose." 

Continue Reading

You'll Also Like

UNRIVALED! By Peachy

General Fiction

283K 16.3K 47
So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·v...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
1.5M 61.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
248K 18.9K 30
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...