Sold to My Ex-Husband (Adonis...

By AnjSmykynyze

44.3M 668K 53.5K

Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. ... More

Story Premise
Prologue
Chapter 1: He is Back!
Chapter 2: His Worries
Chapter 3 - The New Boss
Chapter 4 - The Employee
Chapter 5 - His Evil Ways
Chapter 6 - Keeping Her Busy
Chapter 7 - For A Chance to Be With You
Chapter 8 - Somebody That I Used To Know
What Happened Then (Flashback) 1 - Hot and Cold
What Happened Then (Flashback)2 - The Surprise
What Happened Then (Flashback)3 - The Wedding
What Happened Then (Flashback)4 - First Night
What happened Then (Flashback) 5: Till The Love Runs Out
What Happened Then (Flashback) 6 - The Awakening of the Temptress
What Happened Then (Flashback) 7: Meeting Half Way
What Happened Then (Flashback) 8 - Break Me! Shake Me!
What Happened Then (Flashback) 9 - Best Mistake
What Happened Then (Flashback) 10 - Best Thing I Never Had
Chapter 9 - The PatStu/StuPat Hitchhiker
Chapter 10 - Lunch Date
Chapter 11 - Her Dirty Little Secret
Chapter 12 - The Stalker's Stalker
Chapter 13 - Spying on Her
Chapter 14 - The Lonely Pansit Canton Night
Chapter 15 - Love of My Life
Chapter 16 - Valentine's Day
Chapter 17 - The Game They Played
Chapter 18 - The Tree House
Chapter 19 - The Chase Begins
Chapter 20 - May the Best Man Win
Chapter 21 - The Battle Continues
Chapter 22 - The Only Girl in the World
Chapter 23 - The Man That Can't Be Moved
Chapter 24 - The Broken Hearted People
Chapter 25 - The New Secretary
Chapter 26 - The Girl on His Bed
Chapter 27 - The Contract
Chapter 28 - The Student
Chapter 29 - His First Encounter
Chapter 30 - Infect Away
Chapter 31 - His Walking Aphrodisiac
Chapter 32 - Of Love and Fear
Chapter 33 -The Surrender
Chapter 34 - Until You're Mine Again
Chapter 35 - Claiming What is Mine
UD not posted
Chapter 36 - Name Your Price
Chapter 37 - Misconceptions
Chapter 38 - The Lady in Red
Chapter 39 - The Stuart Way 1
Chapter 40 - The Stuart Way 2
Chapter 42 - Sandra Sandoval
Chapter 43 - Get Wasted
Chapter 44 - Back In the Condo
Chapter 45 - The Ripple Effect
Chapter 46 - Fix a Broken Heart
Chapter 47 - The Intruders
Chapter 48 - Tricks of the Trade
Chapter 49 - Taking Control
Chapter 50 - Only You
Chapter 51 - Back to Work
Chapter 52 - One Step Closer
Chapter 53 - Teaser
Chapter 53 - Take It Slow
Chapter 54 - Holding On
Chapter 55 - Show Me The Way
Chapter 56 - Sexual Sorbet
Chapter 57 - Love and Other Drugs
Chapter 58 - To the Moon and Back
Special Announcement

Chapter 41 - The Most Awaited Question

540K 8K 654
By AnjSmykynyze

*Patricia’s POV*

Marami pa kaming sinakyang rides sa Enchanted Kingdom at kahit hindi ko first time, hindi ko maikakailang na-miss ko rin ang mag-enjoy ng ganito. Kasalukuyan naming binabaybay ang mga palaruan habang naka-posas pa rin ako sa kanya.  Hindi na rin ako nailang sa mga tingin at ngiti ng mga nakakasalubong namin pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinanong ni Stuart.

Laro tayo nito,” saad niya habang huminto siya sa isang pop-the-balloon booth.  Hindi na ako umimik dahil agad siyang nagbayad.  Binigyan siya ng tatlong darts at agad naman siyang pumwesto.

Naiputok niya ang isang balloon pero laking gulat ko nang tumambad sa balloon na yun ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya pero nagkibit balikat lang siya.  Narinig ko naman ang pagtili ni Vivienne sa likod ko.  Bagay talaga sila ni Kaz, pareho kasi silang positive ang pananaw sa buhay.

Watch me,” pinalingon niya ang ulo ko sa kanyasaka pumwesto para tirahin ang pangalawang balloon.  Hindi ko alam pero parang may inaasahan akong maganda sa pagputok ng pangalawang balloon. Kahit hindi ko alam na sharp shooter si Stuart, kampante pa rin ako na mapaputok pa rin niya ang pangalawang balloon.

Hindi ako nabigo dahil nang pumotok ang pangalawang balloon ay tumambad ang katagang, ”I love you.”

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin pero pilyo lang siyang ngumiti sa akin. ’Ano ba, Stuart?’ sa isip ko, ’pinapahirapan mo naman ako, eh!

Pumwesto nanaman siya para sa pangatlong balloon. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng ganang mag-expect. Kasi naman, eh! Buong araw na niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako pero hindi ko naman siya masagot dahil ayaw niyang sagutin ko siya. Ano ba ang trip niya?

Nagulat ako nang walang kahit anong makikita sa likod ng pangatlong balloon nang pumutok ito pero agad kong nakita ang attendant na lumapit kay Stuart at may ibinigay na maliit na pulang kahon.  Hindi ko mapigilan ang paghuramentado ng puso ko.  Ayoko nang patagalin pa, bumagyo man at bumaha dito, mag-yeyes na talaga ako!

Kinakabahan ako habang nakatingin sa kanya na pilyong ngumiti sa akin pero bahagya akong nadismaya nang inabot lang niya sa akin ang maliit na kahon. Ganun lang? Wala bang on-bended knees proposal? Hindi nanaman ba siya magtatanong?

Kahit dismayado, tinanggap ko ang maliit na kahon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang buksan ko ito. Ewan ko ba kung bakit ako nag-assume kaagad.

’Loka! Kayo ba? Bakit siya magpropropose sayo?’ tanong ng isipan ko.

Isa kasing kwintas ang laman ng kahon pero para hindi mahalatang dismayado ako, ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang heart shape pendant na may nakasulat na, ”Forever yours.”

Buksan mo,” malambing na utos niya.

Napatingala ako sa kanya dahil sobrang lapit na niya pero agad ko namang ibinaling sa pendant ang paningin ko.  Hindi lang pala ito basta pendant lang, isa pala itong locket. Sa loob ng locket ay nakasulat ang pangalan ni Stuart. Ibig bang sabihin nito, akin siya?

Tumingala ako sa kanya at agad niyang pinakita ang suot niyang kwintas na may parehong locket sa akin.  Yung sa kanya, pangalan ko ang nakasulat.

Patricia,” inilandas niya ang daliri niya sa pisngi ko saka itinaas ang baba ko para magkatagpo ang aming mga mata, ”I love you,” napangiti ako sa narinig ko. Akma ko na sanang sabihing ”I love you too” nang agad naman niya akong hinalikan.

Mabilis pero puno ng pagmamahal ang nararamdaman kong halik niya sa akin. Nang matapos ang halikang iyon, sasabihin ko na sana ang, ”I love you too” nang hinalikan nanaman niya ako.

’Aist! Ano ba?’ naiinis kong naisip.  Eh kasi naman – gusto ko nang mag-I-love-you-too para official na kami.

Agad kong ibinuka ang bibig ko para magsalita matapos niya akong halikan pero maagap ang kamay niya sa pagtabon sa bibig ko.

Huwag ka munang sumagot,” sabi niya, ”hindi pa naman kita tinatanong, ah.”

Nakaawang ang bibig ko nang lumayo siya sa akin. Napagikgik siya saka niya hinawakan ang baba ko tapos isinarado ang bukas ko pang bibig at sinabing, ”isarado mo yan baka kasi hindi ako makapagpigil at susungaban kita ng nakakalasing na halik dito.”

Nahiya ako sa hitsura ko dahil siguradong pinamulahan ako. Pero di ba pag-may nagsabing ”I love you” sayo, dapat ”I love you too” ang sagot? Aist! Ngayon ko lang din kasi napansin, hindi naman pala tanong yung “I love you” kaya bakit ko nga pala ito sasagutin? Pero kasi naman eh! I-love-you yun, gusto kong sagutin.

Argh! Stuart, nababaliw na ako dito,’ sigaw ko sa isip ko.

Ano ba ang trip mo?” hindi ko napigilang ilabas ang inis ko sa kanya. Kasi naman eh! Yung ibang lalaki halos lumuhod na marinig lang sagot na I-love-you-too pero siya, pinipigilan niya ako.

Impatient, Love?” huminto siya sa paglakad at hinarap ako. Ayan nanaman ang seksing smile niya, nawala tuloy yung inis ko. Lumapit pa siya ng konti at bumulong sa tenga ko, ”Just enjoy the chase, Love.  Huwag ka munang sumagot hangga’t hindi kita tinatanong.”

P-pero gusto na kasi kitang sagutin,” padabog sabay tadyak sa lupa na pagkasabi ko.

He gave me his sexiest chuckle and kissed me quickly, ”nahihirapan ka na ba?

Nagpout ako ng lips at tumango sa kanya.  Kailan ba naging torture ang hindi pagsagot ng i-love-you-too? Ngayon lang ata.

May hinugot siya sa bulsa niya at nakita kong inilabas niya ang susi ng posas. All the while, nasa kanya lang pala ang susi nito. Tinanggal na niya ang posas sa mga kamay namin saka niya ako hinalikan sa noo tapos sinabing, ”Kung nahihirapan ka na then let’s call it a day, Love.”

Para akong nabato sa kinatatayuan ko habang tinignan siyang nakapamulsang naglakad palayo sa akin. So eto na lang? After all the I-love-you’s and the sweet surprises, basta na lang siyang aalis?  Hindi niya ba talaga ako tatanungin?

Ilang sandali pa akong nakatayo, umaasang may twist pa ang mga mangyayari pero wala talaga. Naririnig ko ang mga magigiliw na tawanan ng mga tao sa paligid habang ako, nandito, naghihintay sa wala. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang ibang mga kasama ko at agad ko namang nakita si Janine na kumakaway sa akin. Kasama niya si Marco habang nasa hotdog stand sila. Ngumiti ako sa kanila at nagsimulang binaybay ang daan patungo sa kinaroroonan nila.

You've got that smile, that only heaven can make. I pray to God everyday, that you keep that smile,” narinig kong kumanta ang babaeng nakasabay kong maglakad.  Napangiti ako dahil paborito ko ang kinanta niya.  Hindi naman sa paborito ko si Justin Bieber pero sa lahat ata ng kanta niya, ito ang pinaka-nagustohan ko lalo na naka-duet niya si Chris Brown dito.

Lumiko ang babae sa isang kanto habang nagulat naman ako nang biglang kumanta ang lalaking katabi kong maglakad, “Yeah, you are my dream, there's not a thing I won't do. I'll give my life up for you, 'cause you are my dream.

Mas lalo akong napangiti dahil ang ganda talaga ng kanta kasi na-LSS(last song syndrome) ang isang to.

Bago pa ako makarating sa kinaroroonan nina Janine, napalingon ako sa isang grupo ng mga kalalakihan na nakaupo sa kabilang picnic table. Nag-human beatbox kasi sila habang ang iba sa kanila ay kumanta, ”And baby, everything that I have is yours, you will never go cold or hungry. I'll be there when you're insecure, let you know that you're always lovely. Girl, 'cause you are, the only thing that I got right now.

Teka – mukhang hindi na normal ang pagka-LSS nila kasi mukhang sinasadyang pinaparinggan ako.

“Patricia, pwede bang ikaw na muna ang bumili ng hotdog para kay Janine? Kailangan ko kasing pumunta ng restroom,” tanong ni Marco na agad ko namang tinanguan.

”Dalawang hotdon on-stick nga,” order ko.  Tumango ang attendant saka nagsimulang magluto pero para talagang may kakaibang nangyayari kasi habang nagluluto siya ay kumakanta siya ng, “One day when the sky is falling, I'll be standing right next to you, right next to you. Nothing will ever come between us, 'cause I'll be standing right next to you, right next to you.

Ako lang ba o sadyang nahuhumaling lang ang mga tagarito sa kanta nina Justin Beiber? Bakit naman kasi pakiramdam ko ako ang kinakantahan nila?

Hindi ko na sana papansinin pero may pamilyar na mga boses ang kumanta sa likod ko, ”You had my child, you would make my life complete. Just to have your eyes on little me, that'd be mine forever,” nagduet si Arlene at Vivienne.

Ayokong mag-assume pero pakiramdam ko eto na yung twist na hinihintay ko. Tumingin ako sa likod nina Arlene at Vivienne dahil ipinagpatuloy ng isang choir ang kanta. Napangiti ako nang may nag-abot ng putting rosas pero nang nilingon ko ang nagbigay bahagya akong nadismaya.

Disappointed ka?” puna niya sa akin habang lumapit pa ng konti.

Bakit? May dapat ba akong ika-disappointed?” pilit kong itinago ang pagkadismaya ko sa ngiti ko.

Don’t worry, Pat.  Hindi na ako mangugulo pero kapag binitawan ka niya, alam mong nandito lang ako,” bulong niya.

Pare, ako na!” tapik ni Angelo sa kanya.

Tsk,” yun lang ang narinig ko kay Kaz saka umalis para si Angelo nanaman ang nagbigay ng puting rosas.

I am happy for you, Pat,” bulong niya sa akin, ”ninong ako sa baby niyo ah!

Baliw ka! Hindi pa nga kami ikinasal, anak na kaagad?” mahina ko siyang pinalo sa braso. Lokong ’to? Pero napaisip din ako sa sinabi niya.  Ilang beses na kasi naming ginawa yun ni Stuart at ngayon ko lang naalala na wala siyang proteksyong ginamit.

Ako na, Pare,”saad ni Mago.

Ano ba itong kalokohan niyo?” tanong ko kaagad kay Mago nang iniabot niya ang isa pang puting rosas.

Tsk,” sagot niya na halatang napipilitan lang siya sa ginawa niya, ”nagpakakorny kasi ang lalaki mo.”

’Lalaki mo,’ napangiti ako sa isip ko. Ang sarap naman pakinggan na naging lalaki ko na siya.  Sana asawa na lang kaagad.

Oi Mago,” saad ko sa kanya, ”kumain ka kaya ng chocolates para magka-sweet bones ka naman,” natatawa kong sabi.

Hindi na kailangan, makita ko lang kayo ni Stuart magkaka-diabetese na ako,” matabang niyang sagot.

Ganun na ba kami ka-sweet? Sabagay, nagpaka-corny naman talaga si Stuart lately.

Bro, it’s my turn,” tinapik ni Marco si Mago sa balikat.

Ingatan mo yang kaibigan ko, Mago, kung hindi malalagot ka sa akin,” pahabol kong sabi nang humiwalay na siya sa akin.

Kumusta na, Patricia?” ngumiti si Marco habang inilahad ang kamay niya sa akin.

Ikaw ba ang utak ng mga kabaliwang ’to?” tanong ko sa kanya.

Hmm? Hindi lahat,” napagikgik siya, ”yung iba ideya ni Kaz, Angelo at Libra, pero ang nangyayari ngayon,” hinila niya ako paharap ng choir saka bumulong, ”ideya niya.

Sasagot pa sana ako nang biglang napansin kong nahati sa dalawa ang choir at iniluwa sa gitna nila si Stuart,”you've got that smile, that only heaven can make. I pray to God every day, to keep you forever,” kanta niya habang naglakad palapit sa akin.

Patricia,” panimula niya, “alam kong ang laki kong tanga dahil hindi kita pinahalagahan dati pero sana hayaan mo akong mahalin ka at alagaan ka mula ngayon hanggang kailanman.”

Hindi ko napigilang mapaluha nang lumuhod siya sa harap ko.

Patricia Sandoval, hindi ko alam kong paano kita minahal.  Hindi ko alam kung kalian o saan ito nagsimula pero mahal kita.  Para sayo, nilunok ko ang pride ko dahil mahal kita sa paraang wala akong ibang alam kundi ang sabihing walang ikaw lang o ako lang kundi tayo dahil hindi magiging ako kung wala ka,” binuksan niya ang isang maliit na kahon at sinabing, ” You bring out the best in me. Please give me chance to be the luckiest man alive.

Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak pero hindi ako makasagot dahil para kasing may bumara sa lalamunan ko.

Patricia, ngayon mo na ako dapat sagutin,” halatang nababahala ang mukha niya nang hindi ako nakasagot.

Huh? Nagtanong ka na ba?” pinilit kong magbiro na naging effective naman dahil nagsitawanan ang mga tao sa paligid.

Ayun naman pala, magtanong ka na Stuart!” saad ni Marco.

Napiling siya habang napagikgik saka tumikhim at inayos muli ang pagkaluhod niya sa harap ko, ”Patricia, you are the strongest and most determined woman I have ever known.  You are the Queen Bee, will you give me the honor to be your king? Will you PLEASE marry me?” sabi niya na binigyang diin ang salitang, “Please.”

Yes,” sagot ko na agad naman niyang narinig. Batid ko ang sobrang saya na dahil pagkatapos niya akong hinalikan ay kinarga niya ako habang umikot-ikot pa siya.

Isang linggo na ang dumaan pero lutang pa rin ako.  Napagkasunduan naming sa susunod na buwan na ang kasal namin.  Kumuha na rin kami ng wedding coordinators para hindi na raw ako ma-stress sa paghahanda.  Bumabawi naman si Stuart.

Kasalukuyan kaming nagmomovie marathon nang may nagdoorbell, “Ako na,” agad kong sabi at naunang maglakad papuntang pinto. 

Ang totoo, natatakot akong malaman ni Stuart na may nagpapadala sa akin ng mga regalong may nakadikit na note.  Oo, hindi pa rin huminto ang mysteryosong tao sa pagpapadala ng regalo na may kakaibang note.  Apat na beses akong nakatanggap ngayong linggo.  Bawat isa ay may mga numero at letra.  Yung una kong natanggap ay may numerong 2 at letrang “L.” Ang palawa ay numerong 4 at letrang “V.” Ang pangatlo ay numerong 6 at letrang “Y.” Ang pang-apat naman ay numerong 8 at letrang “U.”

Dahil sa mga natanggap ko, binuo ko ang unang walong letra at tumambad sa akin ang katagang, “I love you.” Kung dati ay gusto kong malaman kung sino ang nagpapadala, ngayon natatakot na akong makatanggap.  Ayoko kasing maging dahilan ng pag-aaway namin ni Stuart itong mga natatanggap ko.

Huminga ako ng malalim saka sinilip muna kung sino ang tao sa labas ng pinto pero bumilog ang mga mata ko sa nakita ko habang masayang nagmadaling buksan ang pinto, ”Sandra!” masayang tawag ko sa pinakamalapit kong pinsan na matagal ko na ring hindi nakita.

________________

AN: Oopsy! May mali ba akong nalagay sa UD ko? Pasensiya na po... tao lang.

 ***sorry sa long update...***

completed na po ang WHEN THE FOOLISH HEART BEATS sana mapadpad kayo dun... doon kasi isinilang ang StuPat love team. Paki-vote, comment at share na rin... Salamat pretty people ^_^

NOT EDITED... NOTE REVIEWED… kaya sorry na po sa mga errors.

Please vote, comment, share and add to your reading list…

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 8.2K 8
This is My devil husband Book 2
91.5K 1.9K 34
She's so used to getting everything she wants that when she found the man she believes she loves, she promised to get him back-by hook or by crook. T...
478K 2.6K 6
A story of a DESPERATE woman trying to seduce her long-time crush. What will happen if ibang lalaki ang ma-seduce niya? Instead of her crush? Will sh...
1.7M 5.1K 6
A cliche love story that starts with a stupid Dare. Everything happens for a reason. Love is Blind Love is Unconditional Love is Sacrifice But for...