Flame Of Affection (Rich Girl...

By ms_peppa_pig

21.7K 1K 30

Delaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt... More

DISCLAIMER
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37.1
CHAPTER 37.2
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
Author's Last Word

CHAPTER 12

388 22 4
By ms_peppa_pig

"Delaney! Ano ba?! Ano bang nangyayari sa iyo?!" Sigaw mula sa likod ko. Hindi ko naman ito pinakinggan, tumatakbo pa rin ako hanggang sa mapagod ako at mapaupo sa damuhan.

Hindi ko na alam kung nasaan ako, basta ang alam ko, parte pa rin ito ng hacienda nina Zeil.

"Delaney, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit umiiyak ka na naman?" He call my name, pero sa pagkakataon ito may malambing at mas matamis.

Hindi ko naman s'ya kayang tapunan ng atensyon, dahil alam ko kapag lilingon ako sa kan'ya, ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko ngayon ay mawawala at mapapalitan ng kung anong emosyon at ayaw ko naman iyong mangyari, dahil alam ko mali ito. Mali itong nararamdaman ko sa kan'ya.

She have a girlfriend. Kaya kung maaari dapat ko itong pigilan, kung ano man ang nararamdaman ko.

"Alisin mo nga 'yang kamay mo." Hindi ko hinawkan ang kamay nya, ang ulo ko na lang ang umiwas sa kamay n-ya.

"Ano na naman ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ka na naman tumakbo—"

"Bakit ako tumakbo?" Direkta kong tanong at walang sabi-sabing nilingon s'ya. Agad ko namang nararamdaman ang emosyong pilit kong nilalabanan at kontrolin. "Kasi alam ko s'ya na naman ang kakampihan mo, alam ko girlfriend mo na naman ang kakampihan mo, at hindi ako." Sagot ko at pagkatapos nito agad akong umiwas ng tingin.

Napapikit naman ako ng mga mata at kasabay ng pagpikit ko ang tulo ng mga luha ko. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, biglang humangin ng malakas na nagsanhi upang tumama sa mukha ko ang iilang mga hibla ng matataas na mga damo.

"B-Bakit ba...bakit ba..." Hindi ko matuloy-tuloy ang dapat kong sasabihin dahil pinipigilan ko ang sarili ko na iparinig sa kan'ya na umiiyak ako. Oo alam kong nakikita n'yang umiiyak ako, pero ayaw ko namang marinig n'yang umiiyak ako. Ayaw ko kasing aluin n'ya ako, kung aaluin man n'ya ako.

"Tama na... tama na." Tama nga ang hinala ko, aaluin nga n'ya ako. He gently leaned my head on his bare shoulder and I let him to that, ngayong nakahilig na ang ulo ko sa balikat n'ya, hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng mga luha.

Sa bawat haplos na ginagawa ni Zeil sa balikat ko, parang mas lalong nadudurog at nababasag ang puso ko, pero kahit alam ko na nasasaktan na ako sa ginagawa nya, pinabayaan ko pa rin s'yang aluin ako at halik-halikan ang tuktok ng ulo ko.

Siguro friendly gesture lang itong mga ipinapakita n'ya sa akin. Mula sa pag-aalala, paghahalik sa pisngi at tuktok ng ulo ko hanggang pagpapangiti sa akin, siguro ako ang may problema sa aming dalawa, dahil sa bawat kilos na ipinapahiwatig n'ya, nilalagyan ko ng malisya.

"B-Bakit ba kayong mga lalaki, ang hilig hilig ng maraming babae? 'Yong tipong kahit may girlfriend na kayo, naghahanap pa rin kayo ng iba?" Nang makasigurado na akong kaya ko ng magsalita, sinabi ko na agad ang gusto kong sabihin kanina. Pagkatapos ko itong sabihin, agad akong umayos ng upo at pinunasan ang mga luhang unti-unti ng natutuyo sa mga mata ko.

"A-Anong pinag sasabi mo Delaney?" The confusion and shock can be seen on Zeil's face, especially in his charming eyes, but he still manage his voice. Hindi n'ya ako tinaasan ng boses o ng isang salita. Kalmado pa rin s'ya, kahit na alam kong nagtataka s'ya.

Napangiti naman ako ng mapait, alam ko kung ano ang nasa isip ni Zeil, nababasa ko ito sa pamamagitan ng kan'yang mga mata, ngunit nagkakamali sya sa kaniyang iniisip. It's not about him, Veronica and me, it's about Camari and his fiancee—Sergie.

Alam ko na ang buong katotohanan. Hindi nga direktang nagloko si Sergie, pero parang ganoon naman ang ipinapakita n'ya, oo alam ko kailangan s'ya ng ex n'ya sa hospital, pero kailangan din naman s'ya ng kaibigan ko, ng fiancee nya. Kaya ngayon, umalis na naman si Camari. S'ya na naman ang nag paraya. S'ya na lang palagi. She went abroad just to forget. Camari had just returned from Italy, and now she's leaving again. Palagi na lang s'yang umaalis, para lang makalikot, naaawa na ako sa kaibigan ko.

"Hindi naman lahat. Huwag mo namang lahatin kaming mga lalaki...."

Napalingon naman ako kay Zeil, ngunit wala naman sa akin ang mga mata nya. Nasa malayo.

"Anong hindi lahat? Duh?" Napairap naman ako habang tumatawa ng sarkastiko. "Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki, eh. Mga manloloko. Ang primary cause of breakup kaya ay dahil sa third party," Huminto muna ako ng bahagya at umipon ng hangin sa baga, at pagkaraan ng ilang segundong pagpipigil, ibinuga ko na rin. Ang sarap sa pakiramdam. "Alam mo kayong mga lalaki talaga, hindi kayo marunong makuntento sa isa, gusto dala-dalawa, para kung wala ang isa, may reserba pa." Tulad nang nangyayari sa atin, no'ng wala ang girlfriend mo, ako ang palagi mong kasama, nasa hacienda ka palagi, palagi mo 'kong iniinis, pero ngayong andyan na ang girlfriend mo, minsan ka na lang pumunta sa bahay, ang palagi mong kasama ang girlfriend mo, at ang pinapangiti mo na ngayon ay ang girlfriend mo.

Dahil sa mga pinag-iisip ko, parang ako rin mismo ang pumapatay sa puso ko, parang ako rin mismo ang nagdadagdag ng sakit na nararamdaman ko, at higit sa lahat parang ako rin mismo ang nagpapalugmok sa sarili ko.

"Bakit 'yong bestfriend ko sa Davao loyal?" Si Zeil. Napaangat naman ako ng ulo at tamang-tama naman na nakaharap pala sa akin si Zeil at binibigyan n'ya ako ng isang malungkot na ngiti.

Davao? Taga Davao s'ya? Akala ko talaga Negros s'ya.

"Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na itawag ko sa kan'ya. Isang loyal at totoo sa babaeng minamahal n'ya, o isang tanga at martyr sa pag-ibig. Buong buhay n'ya isang babae lang talaga ang kinababaliwan n'ya, sa iisang babae lang talaga umiikot ang mundo n'ya. At alam mo ba kung sino 'yon?" Lumingon ito sa akin. Hindi naman ako umimik, dahil hindi ko naman kilala kung sino ang kinukuwento n'ya. "Childhood bestfriend n'ya, and guest what?" Medyo tumawa s'ya ng mahina. "Diba, taga Zamboanga ka? Taga Zamboanga rin ang bestfriend-slash-mundo ng kaibigan ko."

Napaiwas naman ako ng tingin.

"Oo taga Zamboanga ako." Sagot ko habang ang mga mata ay nakatutok lamang sa harap. "Pero hindi ibig sabihin na taga Zamboanga ako, at taga Zamboanga rin ang 'mundo' ng kaibigan mo, kilala ko na ang babaeng tinutukoy mo, kaibigan ko na 'yang mundo ng kaibigan mo. Ang laki-laki kaya ng Zamboanga."

Totoo naman eh, ang laki-laki kaya ng Zamboanga at hindi lahat ng tao sa Zamboanga ay kilala ko.

"Wala naman akong sinasabing gan'yan," Mahina ulit s'yang tumawa habang ang mga mata ay hindi maalis-alis sa akin, kaya ngayon naiilang na ako. "Ang sabi ko lang taga Zamboanga din ang 'mundo' ng kaibigan ko."

Natahimik naman ako.

"Ano ba ang pangalan ng 'mundo' ng kaibigan mo? Baka kilala ko." Ngiti kong tanong habang nakaharap sa kan'ya. Kahit natatakot ako at kinakabahan, pilit ko pa rin nilalabanan ang mapang-akit n'yang mga mata.

Napaiwas naman s'ya ng tingin habang nakangiti, hindi ko alam kung ngiti ba itong nakikita ko o isang ngisi. "Ayaw ko ngang sabihin." He said using his playful voice. "Kasasabi mo pa nga lang na malaki ang Zamboanga kaya baka hindi ko s'ya kilala." Kung kanina ang boses n'ya ay mapag aro, ngayon ay unti-unti na itong nababago. "Pero malabong hindi mo s'ya kilala..." Ang boses ni Zeil ay halos hindi ko na marinig dahil sa sobrang hina nito, at kasabay pa nito ang pag ihip ng hangin na nagpapalabo sa boses n'ya.

Magtatanong na sana ako kung ano ang sinabi n'ya kanina nang maunahan ako ni Zeil sa pagsasalita.

"'Yong babaeng mahal na mahal ng kaibigan ko, s'ya lang talaga ang nagpabaliw sa kan'ya ng gano'n. May mga naging exes naman s'ya, kaso nga lang sapilitan," He chuckled. "Pinilit kasi s'ya ng mga magulang n'ya na magkaroon na ng girlfriend para patunayan na ni hindi s'ya bakla, ever since kasi na makilala ko s'ya, hindi ko s'ya nakikitang makipagdate o manligaw ng mga babae, ang palagi lang n'yang bukang-bibig ay ang pangalan ng mundo n'ya."

"Hanggang ngayon ba...mahal pa rin ba ng bestfriend mo 'yong bestfriend nya?" Nag-aalangan kong tanong.

"Yup." He simply answered. "S'ya pa rin ang mundo ng kaibigan ko, walang ipinagbago. Mula seven years old s'ya hanggang ngayon, s'ya pa rin."

Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi n'ya.

"Bakit parang natatawa ka?" Nakakunot na tanong ni Zeil nang makitang pinipigilan ko ang sarili ko na tumawa.

"I-Ilang taon na ba 'yang bestfriend mo? Baka ten years old pa lang 'yan s'ya, ha!" Pabiro kong sabi. Baka kasi ten years old pa lang 'yong bestfriend n'ya tapos may pamundo-mundo ng nalalaman.

Siguro nga hindi pa tuli 'yong kaibigan n'ya.

"Hindi, ah!" Maski s'ya ay natatawa na rin. "He's now twenty seven years old. Engineer na s'ya ngayon. At ngayong may stable job na s'ya, nasa Zamboanga na naman s'ya para hanapin ang bestfriend nya. I mean, originally taga Zamboanga naman talaga s'ya, pero lumipat sila ng buong pamilya n'ya doon sa Davao, doon nga s'ya sa Zamboanga nag'aral ng college eh, tapos ngayon babalik na naman s'ya sa Zamboanga para tuparin ang mga binitawan n'yang pangako sa mundo n'ya."

Buong minuto ng pagsasalita ni Zeil, nakanganga lamang ako at hindi kumukurap. Gulat na gulat ako sa mga nalaman.

'Yong bestfriend n'ya ay twenty seven years old na, pero hindi pa rin nag-aasawa at hindi pa rin malimot-limot ang bestfriend n'ya?!

God! It's so rare to find a man like that!

"Delaney, 'yong bibig mo, baka pasukan ng kung ano."

Napakurap-kurap naman ako at napatuon ang buong atensyon sa lalaking nasa harapan ko. Ngayong nakatitig ako kay Zeil, parang nasa karera na naman ang puso ko. Kumakabog na naman kasi ito. At ilang sandali lamang naramdaman ko na lang na hinalikan na naman ako ni Zeil! Hindi sa pisngi, sa noo o sa tuktok ng ulo, kundi sa nakaawang kong bibig!

Ngayon na ang dalawa naming labi ay dikit na dikit na sa isa't isa, nararamdaman ko na naman ang emosyon na pilit kong nilalabanan at pilit na pinipigilan. Parang may kung anong humalukay sa loob ng tiyan ko.

Mas lalong kumabog nang malakas ang puso ko nang ang isang kamay ni Zeil na kanina ay nakatukod sa kan'yang likod, ngayon ay nasa likod na ng ulo ko. Kinakabig n'ya ang ulo ko papalapit sa kan'ya. Sa labi n'ya. Ang isa n'yang kamay ay marahang hinahaplos ang likod ko.

Ramdam na ramdam ko ang kuryente na galing sa kan'yang mga kamay na ngayon ay naglalakbay patungo sa spinal cord ko pababa sa tiyan ko.

Ipipikit ko na rin sana ang mga mata ko at tutugonan ko na rin sana ang mga halik na ginagawad n'ya nang may maalala ako.

Mali ito!

May girlfriend s'ya!

Ayaw ko nito!

Ang lahat ng lakas ko ay ibinuhos ko sa dalawa kong palad at dahan-dahan itong inilagay sa magkabilang balikat ni Zeil. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang maramdamang nakangiti s'ya, kaya mas lalo n'ya akong inilapit sa katawan n'ya, at mas lalo pinalalim ang halik na ginagawad n'ya sa akin. Mas nagiging mapusok ang bawat haplos na ginagawa n'ya.

Shit!

Walang sabi-sabi, agad ko s'yang tinulak.

Napapikit naman ako ng mga mata nang may marinig akong kaluskos at alam ko galing ito kay Zeil. Natumba s'ya.

"D-Delaney..."

Iminulat ko ang mga mata ko. "Huwag mo na 'yong uulitin pa." Pagkatapos ko itong sabihin agad rin akong tumayo, handa na sana akong iwan s'ya nang makitang tumayo rin s'ya sa kan'yang pagkakaupo habang ang mga mata ay nababalot ng takot at pagkabahala.

"I-I'm sorry, nadala lang ako believe me. Promise hindi na mauulit, hindi ko na ulit 'yon gagawin nang hindi nanghihingi ng permis—"

"What the hell are you talking about? Anong permiso-permiso ang pinagsasabi mo d'yan?!"

"S-Sorry, hindi ko sinasadya." Wika nito at marahang hinawakan ang dalawa kong kamay. Nang magdikit ang dalawa naming mga palad, agad ko namang naramdaman ang panlalamig ng kan'yang dalawang kamay. Halatang takot na takot.

"I-I like you Delaney, h-hindi ko alam kung kailan ito nagsimula o kailan ko ito naramdaman, basta paggising ko gusto na kita, gustong-gusto na kita."

Dahil sa pagtatapat na ginawa n'ya, ang dalawang tuhod ko ay nagsimula ng mangatog. Nararamdaman ko ng  dahan-dahan ng nagsisitaasan ang mga balahibo ko sa braso, nararamdaman ko na ring nag-i-init na ang magkabila kong pisngi, at higit sa lahat ang puso ko...ang puso ko sobrang bilis na naman ng tibok. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Parang may nagmamartilyo dito.

Is this for real?!

Gusto n'ya ako?!

Gusto n'ya rin ako?!

Pero may girlfriend s'ya!

Ang kaninang kilig at saya na nararamdaman ko ay unti-unti ng nawawala, napapalitan na ito ng kirot. Hindi na din kumakabog ng malakas ang puso ko, pero 'yong kirot andito pa rin.

Nay girlfriend s'ya, kaya pa'no n'ya ito nasasabi?

Ang kaninang mga mata ko na sumasayaw sa galak ay unti-unti ng napapalitan ng pagkadismaya at kalungkutan.

Gusto n-ya ba akong maging kabit n'ya? Gusto n'ya bang maging third party ako sa relasyon nila?

Nakapagat labi ako at kasabay nito ang pagdapo ng inis at galit sa sistema ko.

Gano'n ba ang gusto n'yang mangyari? Gusto n'yang maging kabit n'ya ako para kapag umalis na naman ang girlfriend n-yang si Veronica may reserba s'ya at 'yon ay ako.

Gusto n'ya akong maging pampalipas oras, gusto n'ya kapag wala ang girlfriend n'ya may isa pa s'yang babae na puwedeng pagtuunan ng atensyon, pero kapag bumalik na naman ang girlfriend n'ya, hindi na naman n'ya ako papansinin o lalapitan, pupuntahan n'ya lang ako kapag gusto n'ya o kapag umalis na ang girlfriend n'ya.

"D-Delaney, gusto kita, gusto mo rin ba ako?" Sabik na sabik nitong tanong habang ang dalawang kamay ay pinipisil-pisil ng marahan ang dalawa kong palad. He's waiting for my answer.

Napangisi naman ako ng hilaw.

Mukhang ito nga ang gusto n'yang mangyari.

"Bakit naman kita magugustuhan?" Nakataas kilay kong tanong sabay walsik ng dalawa n'yang kamay. "I don't like you, hindi ikaw ang tipo ng lalaki na magugustuhan ko."

"E-Edi liligawan kita." Agad nitong sagot habang ang ningning sa mga mata ay hindi pa rin nawawala. "That is the purpose of courtship—"

"Hindi nga kita gusto, ano ba ang hindi mo doon naiintindihan, huh?!" Medyo naiinis na ako sa kan'ya dahil sa pangungulit n'ya.

Nakakabuwisit lang kasi, eh. Mas lalo lang n'yang dinadagdagan ang inis at galit na nararamdaman ko para sa kan'ya.

Liligawan n'ya ako? Nagpapatawa ba s'ya? Gan-yan na ba sxya kadesperado para magkaroon lang ng reserba? Lahat gagawin n'ya para hindi s'ya mainip kakahintay sa girlfriend n'ya?

"I still insist—"

"Ano ba?! Hindi mo ba naiintindihan, huh?!" Hindi ko na mapigilan ang mapataas ng boses kaya medyo napaurong s'ya. "Hindi ako magkakagusto sa'yo! Hindi ko hahayang mahulog ang loob ko sa isang probinsyanong katulad mo! I don't like you! Hindi ko gusto ang mga taong taga bundok na katulad mo!"

The pain immediately crossed on Zeil's face. His face shows a mixture of pain, anger, and shock from what he heard from me. Though his face is pityful, I couldn't feel any pity toward him. Nababagay lang ito sa kan'ya.

"Gan'yan ka ba kasama Delaney? Ano naman ngayon kung taga bundok ako? Ano naman ngayon kung dito ako nakatira, huh?! Ibig sabihin ba noon wala na akong karapan na magustuhan ka?! Na mahalin ka? Kasi taga-syudad ka habang ako taga bundok gano'n ba?!" His eyes are already red, it as if he wanted to cry.

Gusto n'yang umiyak? Pero bakit naman?

Baka nagkakamali lang ako. Eyes can also be deceiving.

"Alam mo ba kung ano 'yang ginagawa mo, ha?! You're hitting two birds in one stone! Sabi mo hindi lahat ng lalaki gusto dala-dalawa, pero ikaw mismo gusto no"n! Gusto mo dalawa ang babaeng magpapaligaya sa'yo! Para kapag wala ang girlfriend mo may reserba ka! Gusto mo kapag wala dito ang girlfriend mo may babaeng magpapalipas ng oras mo! May babae kang pag tutuonan ng pansin! P-Pero kapag and'yan na ang TOTOO mong girlfriend iiwan mo rin ako! Hindi mo 'ko papansinin! Hindi mo 'ko kakausapin! Lahat ng atensyon mo na sa kan'ya na lang! Na para bang wala lang ako sa iyo!" Ang mga salitang lumabas sa bibig ko ay parang mga kutsilyo na kapag tumama sa'to ay tiyak na mamamatay ka. "Gano'n naman diba?! Ganoon ka naman diba?!" Umiiyak at nanghihina kong tanong.

Hindi naman nakaimik si Zeil pero alam ko sa sarili ko hindi pa rin naalis sa kan-ya ang galit, sakit, at pagkagulat. Kahit hindi ko man ito nakikita sa kan'yang mga mata, dahil nakatulala lamang sya, nararamdaman ko naman ang lahat ng ito.

"G-Ganiyan na ba talaga ang tingin mo sa akin, Delaney? Iniisip mo talaga na manggagamit ako? Na gagamitin kita? Na paglalaruan kita?" Natatawa n'yang tanong habang ang mga luha na galing sa kan'yang mga mata ay unti-unti ng pumapatak. Nanginginig na rin ang kan'yang dalawang balikat.

Ako naman ang napatulala dahil sa nakita.

Totoo ba ang nakikita ko? Umiiyak s'ya? Iniiyakan n'ya ako? Pinaiyak ko talaga s'ya?

"W-Wala naman akong girlfriend, eh!" S'ya naman ngayon ang sumigaw. "S-Sino ba ang sinasabi mong girlfriend ko, huh?" Kahit malabo at garalgal ang boses n'ya dahil sa kaniyang pag-iyak, malinaw na malinaw ko naman 'tong naririnig. "K-Kung si Veronica ang babaeng tinutukoy mo, puwes nagkakamali ka. H-Hindi ko s'ya girlfriend, she was my girlfriend. She's here because she want us to be back, p-pero ayaw ko na, Delaney. Ikaw na kasi ang tinitibok nito, eh." Tinuro nito ang kan'yang puso gamit ang hintuturo n'yang nanginginig. "Matagal na kaming tapos ni Veronica, mag-aapat na taon na, wala akong girlfriend, wala," He shook his head as his tears are still flowing. "H-Hindi ako ganoong klase ng lalaki, Delaney. Hindi ako gano'n."

Sa buong magdamag na pagsasalita n'ya nakatulala lamang ako at taimtim na nakikinig sa kan'ya. Ngayong tapos na s'yang magsalita, parang binuhusan naman ako ng isang timba ng malamig na tubig. Para akong nabuhay at nagising. Nabuhayan ng loob dahil sa narinig. Sa kan'ya na mismo nanggaling na wala na sila ni Veronica kaya ang puso ko ay kumakabog na naman, ngunit para rin akong nagising sa bangungot na ako mismo ang lumikha.

"W-Wala na kayo ni Veronica? Pero sa pagkakaalam ko four years na—"

"Mag fo-four years na kaming hiwalay."

Para akong nanghina dahil sa narinig, parang gusto kong magtime travel at bawiin ang lahat ng mga masasakit na salitang lumabas sa bibig ko.

"Z-Zeil!" I call his name. Napahinto naman s'ya sa paglalakad na kan'yang ginagawa at nilingon ako gamit ang kan'yang gulat na mga mata.

Napapikit ako ng mariin, ngunit agad ko rin itong iminulat. Kasabay ng pagmulat ko, ang pag-alis ni Zeil sa harapan ko.

He's gone.

Si Belen ang may kasalanan nito! She convinced me using her flowery tongue!

—————

Sino sa tingin mo ang pinag uusapan nina Zeil at Delaney sa chapter na ito? Kung kilala mo kung sino sila, pakicomment. I want to read your comment(s) regarding on this chapter. :>

Continue Reading

You'll Also Like

79.3K 1.2K 71
"For you, a thousand times over." A Juan Gomez de Liaño epistolary novel.
443 66 29
COMPLETED Slice of Life Future Hearts Series #1 Watch how Ria and Lithony, parents at seventeen, survived their helplessness for their only daughter...
290K 15.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.4K 130 39
A sequel of puzzled road in the midst of darkness. Will truths reappear as the turning point flower? ___ Is he really dead? That question popped ins...